Chapter 31: CHAPTER THIRTY
Lexinne's Pov
"Beh ilagay nalang natin sa cup para grab, go and eat nalang tayo" sabi ni Klea habang minimix ang spaghetti sauce.
"Saan ka naman kukuha ng cups?" Tanong ko sa kanya habang binabalot mga sandwich na ginawa ko
"Haler! Edi sa supermarket" sagot niya sakin na ikinatingin ko sa kanya at ikinailing "what?" Tanong pa niya sakin
"Sige pumunta ka ng supermarket tignan ko lang kung anong oras ka makakabalik dito" sabi ko tsaka inayos na ang mga sandwich sa basket at inasikaso naman ang niluto kong crispy honey chicken
"Oo nga pala nasa bundok tayo" sabi niya na nilagay na sa mga tupperware ang spaghetti meatballs na niluto niya.
"Ready naba kayo?" Tanong ni Kidd na bagong paligo na nakasuot ng kulay pink na na v neck shirt at short na hanggang sa taas ng tuhod niya crocks sleepers din.
"Yes Kuya sandali nalang to ilagay mo nalang sa truck yung cooler tapos kami na bahala dito" sagot ni Klea sa kapatid
"Ma'am Klea dalhin ko na rin mga plato at iba pang gamit sa sasakyan" sabi naman ni Manang na tumigil na sa pagma mop ng sahig.
"Sige po Manang maraming salamat pero iwan niyo nalang po yung mabibigat si Kuya nalang pagbubuhatin natin" sagot pa ni Klea na may ngiti sa labi
Maganda ang gising ngayon ni Klea at naisipan niyang magpa meryenda sa mga tao sa farm bago kami umuwi mamayang gabi. Baka daw kasi na tsismis na din siya ni Aling berna na masama ugali niya kaya kailangan niyang bumawi.
Pagkatapos naming mag almusal kanina ay naghanda na kami ng iluluto ni Klea. Ang aga din ni Claire sa bahay at nagulat nalang kami ng abutan siya kasama sina Mang Ponso at Mang Mando na umiinom ng kape at kumakain ng pandesal. Magalang na nag alok naman ng pagkain ang dalawang matanda pero siya tinignan lang kami.
Sinabayan kami ni Kidd mag almusal at syempre siya ang nagluto ng bacon, egg at omelet na kinain naming tatlo. Inaaya din namin sina Mang Mando kaso busog na daw sila, tinukso pa nila si Kidd dahil pambabae daw yung kawali at sandok na gamit niya lalo na't bulaklakin pa yung apron na suot niya.
Matapos kaming kumain umalis na rin silang apat at bumalik sa farm. On the way na daw kasi yung mga taga FAO at aalisin na yung balot sa mga bunga ng pinya ngayon.
Balak sana ni Klea ay spaghetti at sandwich lang gawin namin pero ng malaman niya na may bisita kuya niya ay dinagdagan pa niya ng tacos dahil baka daw magkulangan. Nagluto naman ako ng crispy honey chicken at gumawa ng fuit plate salad.
"Mabuti pa ilagay ko na din tong iba sa truck ng hindi masikip at makalat" tukoy ko sa naka basket na salad at sandwiches
"Sige beh sunod nalang ako" sagot ni Klea habang abala sa paglalagay sa cooler ang niluto niyang spagetti, wala na kasing picnic basket kaya doon nalang niya nilalagay.
"Ako na" sabi ni Kidd na kinuha sakin ang dala kong basket
"Thanks. Balikan ko lang yung ibang dadalhin" paalam ko pa kay Kidd
"Huwag na umupo ka nalang sa sofa ako na kukuha ng mga yon" sabi pa ni Kidd na hinatid muna ako sa sofa at pinaupo
"Nyek!" Sabi ko tsaka tumayo "ang daming ginagawa tapos uupo lang ako? Kung gusto mo ikaw umupo" sabi ko tsaka siya iniwan
Saktong palabas naman ng kusina sina Klea at Manang ng makabalik ako. Wala na daw gamit don kaya kinuha ko nalang yung ibang bitbit ni Manang. Tinulungan din kami ni Kidd ng makita kaming palabas na ng bahay.
"Sigurado ka manang na hindi sasama?" Tanong ni Kidd kay Manang Sylvia dahil ayaw nga niyang sumama at wala daw maiiwan sa bahay
"Manang pwede naman po kasing i lock yung bahay hindi naman mabubuhat yan ng mga magnanakaw" sabi ni Klea na tumatawa pa
"Siyanga naman po maiinip lang kayo diyan" sabi ko naman
"Kuuu sige na't lumarga na kayo at hindi talaga ako sasama" taboy pa samin ni Manang
"Kayo pong bahala kung ganon" sabi naman ni Kidd na inakbayan ako
"Bye manang" sabi namin dalawa ni Klea
"May pagkain pa po sa mesa kumain lang kayo kapag naisipan niyo" habol pa ni Klea
Pinagbuksan ako ng pinto ni Kidd at sumakay na sa pickup truck at sumunod naman si Klea sakin. Bente minutos din ang lumipas ng makarating kami sa kubo sa may farm. Bumaba kami ng truck at sinalubong ng mga taong naroon.
Naabutan namin na kausap at iniistima ni Claire ang mga taong taga FAO na nasa bilang na 4. Agad naman kaming pinakilala ni Kidd sa apat na lalaki at nakipag kamay sa kanila. Dahil sa hindi naman namin alam ni Klea ang pinag uusapan nila ay nagpaalam nalang kami kay Kidd na kukunin ang pagkain sa truck. Tinawag naman ni Kidd ang ibang kalalakihan at sinabihan na paki tulungan daw kami.
Habang inihahanda ang pagkain ay pasulyap sulyap ako sa kinaroroonan nila Kidd at Claire. Kausap parin nila yung apat na lalaki ngunit mukhang hindi naman ganon ka seryoso dahil sa naririnig pa namin mga tawa nila hanggang dito. Mistulang mahinhin na dalaga naman si Claire na patakip takip pa ng bibig habang tumatawa at hinahampas hampas ang balikat ni Kidd.
"Pakitawag naman po ang iba ng makapag meryenda na tayo" utos ni Claire kay Mang Lufin na nilalagay ang dalang cooler sa isang upuan.
"Sige Ma'am" nakuha pa niyang sumagot at naglakad palayo para tawagin ang iba
"Tatawagin ko lang sina Kidd" paalam ko naman kay Klea
Habang naglalakad ako palapit ay nakatingin sakin si Kidd na may ngiti. Agad niyang pinalupot ang kamay niya sa baywang ko kaya sinabihan ko na ayain na niya muna mag meryenda mga kasama niya.
Puring puri ng mga tao ang inihanda naming meryenda. Natuwa naman kami ni Klea dahil kahit simpleng pagkain lang ay nagustuhan nila. Sulit ang pagod naming dalawa.
"Ngayon lang ako nakakain ng spaghetti na may bola bola. Sanay kasi ako na corned beef lang at hotdog ang sahog kapag may birthday" sabi ni Mang Mando na maganang kumakain
"Pwede pala ang ganito no Mam? Masubukan ko nga minsan" sabi naman ni Aling Tori na katabi si Mang Lufin at ang manok naman ang dinadale
"Sigurado magbibilang pa ako ng taon bago mo masubukan yan" sagot ni Mang Mando sa asawa
"Akala ko hindi kayo marunong magluto eh mas masarap pa pala mga luto niyo kaysa samin" sabi naman ni Aling Neth
"Mas masarap parin po luto niyo" nakangiting sabi ko "May kaibigagan po kasi yung kapatid ko na chef at nadestino po siya sa Korea last year. Sakto naman po Hrm student ako kaya ng sabihin niya na kung gusto ko daw bang turuan niya pumayag agad ako. Ngayon nagagamit ko naman kahit papaano ang naturo niya sakin" sabi ko pa
"Ako naman mahilig lang pong kumain. At dahil sa mahilig akong kumain pinag aralan ko pagluluto. Balak ko nga po sana culinary arts ang kunin kong kurso kaso naisip ko si Kuya kaya nag Hrm nalang din ako ng makatulong sa kanya" sabi naman ni Klea tsaka ngumiti sa kapatid niya
"Buti naman at nasa isip mo pala ang tulungan ako. Salamat naman kung ganon, mag dodonate ako sa simbahan dahil sa naisip mo" sabi naman ni Kidd
"Oo nga po pala Sir speaking of donation yung San Rafael Orphanage po pala lumapit samin dito last month humihingi ng tulong para sa mga bata. Nasunog po kasi halos kalahati ng orphanage at wala silang gaanong naisalba" sabi ni Claire
"Kawawa nga yung mga bata don alam ko may namatay na isang bata sa banyo ang sabi ng mga bumbero mukhang akala ng bata magiging ligtas siya don dahil may tubig" sabi naman ni Mang Ponso na umiiling
"Ang problema pa don parang sinadya ata yung pagsunog sa orphanage" sabi naman ni Aling Neth na mukhang nagustuhan ang spaghetti ni Klea
"Oo nga sabi sa mga tsismis sinadya daw kasi nagmamatigas yung Madre at ayaw umalis don. Kinukuha na daw kasi ng may ari yung lupa na kinatitirikan ng orphanage" sabi naman ni Aling Tori
"Ano na po bang lagay sa orphanage ngayon?" Seryosong tanong ni Kidd
"Wala na akong balita Sir pero alam ko nandon pa mga madre at mga bata. Sumabay kasi ang pamemeste sa mga tanim natin kaya hindi narin pumasok sa isip ko yung orphanage" sagot naman ni Mang Lufin
"Ang sabi sabi sa baba pinaghihiwa hiwalay na mga bata. Dinadala sa ibat ibang ampunan. Isang buwan lang yata binigay na palugit ng may ari ng lupa" sabi naman ni Mang Arnold
"Kawawa naman pala sila. Ano kayang magandang gawin?" Tanong naman ni Kidd sa lahat
"Mahirap yan lalo na kung kinukuha na talaga ng may ari yung lupa, walang habol kahit matagal ng nakatayo ang orphanage" sabi naman nung taga FAO na pangalan ay Francis
"Binigyan na yata sila ng palugit? Kapag natapos na yung binigay nilang palugit kailangan na talaga nilang umalis" sabi pa nung isa na may edad na
"Kung nag aalala ka bakit hindi natin pasyalan? Mas maganda kung foods ibibigay natin sa kanila kaysa sa pera" sabi ko sa kanya at tumango naman siya
"About sa place wala tayong magagawa na don Kuya maliban nalang kung pakiusapan yung may ari, kung papayag din siya na baka pwedeng upahan nalang yung lupa niya tapos tutulong nalang tayo sa pagbayad ng upa" sabi naman ni Klea
"Ganon na nga lang siguro gagawin natin" sagot naman ni Kidd tsaka tumango at ngumiti
"Kaso uuwi na kami mamaya sa Manila ni Lexinne, what if after lunch puntahan na natin yung orphanage? Dumaan nalang tayo sa supermarket ng mabili rin sila ng mga groceries" sabi pa ni Klea
"Kung ganon pala'y magbibigay din ako kahit konting gulay" sabi naman ni Mang Lufin
"Thank you po" nakangiting pasasalamat ko sa matanda
"Magbibigay din ako ng kung anong makukuha sa bakuran namin" sabi naman ni Aling Neth
"Ako din Sir Kidd may mga sitaw at ampalaya kami sa bahay sana kahit sa maliit na paraan makatulong" sabi naman ni Mang Ponso
"Malaking bagay na po yon Mang Ponso" sagot naman ni Kidd sa matanda
"Kung may ipapadala po kayo para sa orphanage dalhin niyo nalang po sa bahay mamaya" sabi naman ni Klea
"Kaya naman pala hindi gaano napwerwisyo ang farm niyo dahil napakabuti ng mga puso ng mga tao rito" sabi ni Sir Francis
"Sino paba magtutulungan dito kundi kami kami lang din" sagot naman ni Kidd
"Mababait talaga yang mga amo namin Sir walang hindi sa kanila lalo na pag alam nilang nahihirapan ka" sabi naman ni Mang Lufin
Natapos ang lahat kumain at nasa truck na mga gamit namin ng ayain ako ni sumilong sa Kidd sa may puno ng mangga. May duyan doon at magkatabi kaming umupo. Sabi niya sasama daw siya pauwi mamaya sa Manila para makausap parents ko pero dahil alam ko naman na busy siya dito lalo na maraming ginagawa ngayon sa farm ay hindi ako pumayag.
***