Chapter 30: CHAPTER TWENTY NINE
Lexinne's Pov
"Ang sama niyo saking mag jowa ah!" Sabi ni Klea na tinuloy ang pagkain ng soup na niluto ko
"Bakit kasi ngayon ka lang dumating?" Tanong ko sa kanya
"Diba nga sabi ko busy ako?" Sagot naman niya sakin
"Busy saan?" Kunot noong tanong naman ni Kidd
"Ano to hot seat? Patapusin niyo muna kaya akong pakainin bago i interrogate" sabi pa niya tsaka kumuha naman ng shrimp asparagus at tinikman yon "this is great" tumatangong sabi niya "Manang ang sarap naman ng luto mo" puri niya kay Manang
"Naku Ma'am hindi ako nagluto niyan si Ma'am Lexinne po" sagot naman ni Manang
"Really? Beh kailan tayo magpapatayo ng resto? Siguraduhin mo lang na sosyo tayo! Malaki kikitain ko sayo" nagkatinginan nalang kami ni Kidd tsaka umiling iling siya.
"Huwag mo nalang pansinin at kumain ka" bulong sakin ni Kidd
"Ano to? Bakit ganito ang lasa? Beh binabawi ko na ayoko ng maging kasosyo ka kung ganitong pagkain lang iluluto mo" sabi niya tsaka nilayo yung sinabawang manok
"Bakit anong problema?" Tanong ni Aling Berna
"Wala naman po hindi ko lang tipo yung lasa o baka hindi ganitong food lang ineexpect ko" sagot ni Klea "tinikman mo ba to kanina beh? Napaka plain lang ng sabaw at umaakyat sa ilong yung lasa ng pepper. Kulang din siya sa lemongrass. Yung chicken naman kapag kinain mo nandon parin yung lasa ng chicken " sabi pa niya
"Diba ganon naman dapat kasi chicken? Hindi pwedeng maglasa ng baka ang manok" sabi naman ni Claire
"Sinabi ko bang kailangan maglasa ng baka ang manok? Huwag kang sumabat sa usapan ng nakakaalam" mataray na sagot ni Klea kay Claire
"Klea stop it!" Bulyaw ni Kidd sa kapatid
"Let me taste it" sabi ko at naglagay ng sabaw at manok sa mangkok tsaka tinikman yon. "Matabang nga. Dapat kasi pinalo muna ang tanglad at sinabay na sa pagpapakulo sa manok para lumabas yung lasa at aroma" sabi ko tapos tinikman naman ang manok "lasang chicken nga chewy siya at kahit native chicken siya malalasahan mo na matanda na" sabi ko pa
"Exactly! Dapat kinaldereta mo nalang siya beh kawawa naman yung manok hindi nabigyan ng tamang luto" sabi pa ni Klea
"Ma'am Klea hindi naman po si Ma'am Lexinne nagluto niyan si Ma'am Claire po" sabat ni Manang
"Ohhh! Kaya pala.. nakakapagtaka kasing hindi alam ni Lexinne. Bakit niyo ba inutusan magluto si Claire? Salbahe kayo, kawawa tuloy yung manok" tumatawang sabi ni Klea
"Araw araw namin pinagluluto si Sir Kidd Mam Klea" sagot naman ni Aling Berna
"Bakit po kayo ang nagluluto nandito naman si Manang naaabala pa tuloy kayo" sabi pa ni Klea na tinuloy ang pagkain niya
"Parang dapat yata magpasalamat ka muna dahil naaalala nila akong ipagluto?" Sabi naman ni Kidd na sumulyap sa kapatid
"Bakit ako magpapasalamat hindi naman ako pinagluluto nila" tumatawang sagot ni Klea
"Sige na tapusin mo na yang kinakain mo kailan ba ako nanalo sayo" sabi pa ni Kidd tsaka umiiling "pagpasensyahan niyo nalang po siya pero mabait naman po talaga yan"
"Maliit lang imbakan ng tiyan ko kaya konti lang busog na ako" sabi naman ni Klea "Claire ayaw mo ba ng Shrimp Asparagus? Tikman mo ang sarap. Tapos explain mo sakin yung lasa ha? Pasensiya na nakaugalian na kasi namin ni Lexinne na lasahan bawat sangkap ng kinakain namin, kung bagay ba o over power o sakto lang" nakangiting sabi ni Klea
Kumuha naman si Claire nung niluto ko at tinikman yon.
"Masarap siya" tipid na sabi nito
"Tapos?" Tanong pa ni Klea
"Ahm.. nalalasahan ko yung cheese?" Parang hindi pa siguradong sagot ni Klea
"Ay grabe kang makainsulto. Kung ako nagluto niyan tas tinanong ko anong lasa tapos yan lang sagot mo ipapa per kilo kita sa talipapa" pigil tawang sabi ni Klea
"Hahaha palabiro pala si Mam Klea" sabi naman ni Aling Berna
"Po? Sino po nagsabi na nagbibiro ako?" Parang naguguluhan pang tanong ni Klea at tila seryoso "totoo po sinabi ko" sabi pa ni Klea
"Aling Berna huwag niyo nalang siyang pansinin mapagbiro lang talaga siya" sabi pa ni Kidd.
Nang matapos kaming kumain at pinahatid ni Kidd kay manang ang bag na dala ni Klea. Nag stay pa kami sa sala at doon kinain ang Hawaiian salad na ginawa ni Manang Sylvia.
"Dito nga lang ako nakakita ng ganon" tumatawang sabi ko habang kinukwento kay Klea yung malaking bayabas na binigay sakin kanina ni Mang Mando
"Oo nga dito mo lang nakita pero nasaan na nga?" Nakapalad ang palad na sabi niya
"Wala na naubos ko na. Ang tagal kasi niyang si Kidd, ang sabi saglit lang pero tinubuan na ako ng ugat bago siya nakabalik kaya yung bayabas napagdiskitahan ko" nakasimangot na sagot ko
"Ikaw pala may kasalan eh! Ikuha mo'ko non tapos ipopost ko sa instagram. Tsaka bakit kaba natagalan sa pag uwi ang sabi mo daw saglit lang" sabi ni Klea sa kuya niya
"Pinaliwanag ko na sa girlfriend ko at hindi ko obligasyon sagutin tanong mo" sagot naman ni Kidd na umakbay sakin
"Oo nga hayaan mo na tapos naman na" sagot ko din kay Klea
"No way! Kailangan niyang magpaliwanag!" Sabi ni Klea tsaka hinila ako kay Kidd tsaka niyakap "Hindi ako papayag na binabalewala mo bestfriend ko! Alam ko marami kang trabaho pero kung ganyan din naman pala iuuwi ko na siya bukas ng umaga sa Manila" dagdag pa ni Klea
Pilit naman tinanggal ni Kidd ang kamay ni Klea na nakapalupot sakin tsaka ako hinila palapit sa kanya tsaka niyakap.
"Hindi pwede! Akin to" sagot naman ni Kidd kay Klea tsaka ako hinalikan sa pisngi
"Paraparaan ka ha!" Natawang sabi ko
"Pagbigyan mo na ako mahal naman kita eh" sagot naman niya sakin tsaka niya ulit ako hinalikan sa kabilang pisngi
"Hoy hoy hoy! May mga tao dito oh! Hindi na kayo nahiya nandito pa si Aling Berna" saway ni Klea samin ni Kidd
"Inosente ako" tumatawang sabi ko
"Oo nga naman Lexinne mag aral ka muna at huwag puro landi. Tignan mo itong si Claire ko natapos ng pag aaral na hindi nag bo boyfriend kaya ngayon maayos ang buhay niya" sabi ni Aling Berna na. Sasagutin ko sana siya pero naunahan na ako ni Kidd.
"Hindi naman po malandi si Lexinne Aling Berna. Hindi rin po niya pinapabayaan pag aaral niya" sagot ni Kidd na nagpa ismid sa nanay ni Claire
"Mawalang galang na ang pangit kasi ng tabas ng bibig niyo. Natural lang na maglampungan ang dalawang to dahil mag jowa sila. Hindi naman tama na tawaging mong malandi o sabihan na huwag puro landi ang kaibigan ko lalo na't hindi mo siya kilala" sabi ni Klea na nagpatayo sa kanya at humarap kay Aling Berna
"Klea tama na" sabi ni Kidd na tumayo din at inakbayan ang kapatid at tila inaakay pabalik sa pagkakaupo pero nagmatigas si Klea at nanatiling nakatayo sa harapan ng mag ina
"Huwag ka nga! Bakit kaba pumapayag na bastusin ng mga ito ang bestfriend ko?" Tulak pa ni Klea kay Kidd "at hindi namin kailangan ang concern niyo para sa future ni Lexinne dahil kahit hindi siya mag aral mabubuhay parin siya ng masagana. Yang anak niyo dapat niyo talagang subaybayan dahil kung hindi talaga yan nag aral pupulutin lang din siya sa kangkungan" sabi pa ni Klea na ikinatayo ko na at hinila siya paupo. Umurong naman siya pero ayaw talagang umupo.
"Matanda na yan gumalang ka naman" sabi naman ni Kidd
"Yun na nga kuya eh! Matanda na pero walang pinagkantandaan!" Malakas na sabi ni Klea tsaka nagpumiglas sa pagkakawak ni Kidd sa kanya "Hindi mo ba napapansin o nagtatanga tangahan ka lang na wala talaga siyang modo pagdating sa girlfriend mo?! Pagdating sayo kung makangiti ang matandang yan at tawagin kang Sir Kidd kulang nalang mapunit ang mukha niya tapos sa girlfriend mo Lexinne lang ang tawag at parang nakakain ng manggang hilaw sa asim ng mukha? Sino ba yan?! Buti nga si Manang Sylvia tinatawag si Lexinne ng Ma'am Lexinne. At buti nga dito kayo sa loob ng bahay naglalandian hindi sa labas! Kung ayaw niyang makita kayo na naglalambingan sa pamamahay mo edi lumayas siya dito! Lumabas siya! Ang luwag ng pinto jusko!" Sabay sapo sa ulo niya at bahagyang tumalikod tsaka muling humarap "Iniisip ba niya na kalevel niya tayo dahil anak niya si Claire?! Sino ba yang Claire na yan?! Sinuswelduhan lang naman natin yan ah! Ang dapat niyang punahin yang anak niya at sarili niya! Gabing gabi na nandito pa sila sobrang at home lang?" Malakas na sabi ni Klea kaya hinila ko na siya paalis sa sala at dinala siya sa guess room kung saan ako tumutuloy. Kahit naglalakad na kami paalis ay kung ano ano pa mga sinasabi niya na pilit ko namang pinapatigil
Hindi ko na alam kung anong pinag usapan pa nina Kidd sa sala ng iwan namin sila don. Pero bago kami nakalayo narinig ko pa pag iyak ni Aling Berna.
"Bakit ka pumapayag na sabihan kang ganon?!" Inis na tanong sakin ni Klea
"Hindi naman sa pumapayag ako masyado lang talaga mainitin ang ulo mo at agad dinadaan sa galit" sabi ko na pinaupo siya sa kama
"Sino ba ang hindi iinit ang ulo sa ganon? Naku huwag lang magpapakita sakin ang matandang yon at baka ano pa masabi ko!" Gigil na sabi parin niya
Kumatok si Kidd sa pinto at bumukas yon ng sinabi kong tumuloy siya. Nakatayo lang siya at nakatingin saming dalawa ni Klea habang naka crossarms siya.
"Oh bakit?!" Mataray na tanong ni Klea
Lumapit si Kidd samin at nakiupo sa kama at niyakap ako patalikod.
"Balak ko naman talagang kausapin si Claire at Aling Berna ngayong gabi dahil narin sa nakikita kong pagtrato ni Aling Berna sayo. May nakwento rin si Mang Ponso sakin kanina sa farm at nakwento daw ni Manang Flor sa kanya kanina. Bakit wala kang sinasabi? Wala akong kaalam alam na nababastos kana. Sorry babe" sabi niya sakin tsaka hinigpitan yakap sakin
"Mabuti pa nga mag usap kayo pupunta na ako sa kwarto ko at magpapahinga" sabi ni Klea na tumayo na at tuloy tuloy sa paglabas ng kwarto
"Okay lang naman ako medyo sumosobra at wala sa lugar mga words ni Aling Berna pero kaya ko pa naman magpasensya. Hindi rin naman ako pinabayaan ma bully ni Aling Berna kanina nila Manang Flor at ng iba kanina kaya okay lang ako. Kapag hindi ko na kaya makikita mo nalang, mas matindi ako kay Klea" sabi ko tsaka tumawang tumingala at tumingin sa kanya
"Sorry" ulit niya sa malungkot na tinig kahit nakangiti naman.
"Okay nga lang" sabi ko tsaka ngumuso sa kanya na ikinangiti niya at hinalikan ako sa labi.
Ang smack lang sana na gusto kong mangyari ay umabot ng ilang segundo na magka lock ang mga labi namin. Hindi ko rin napansin na nakakapit na ang mga kamay ko sa batok niya habang siya naman ay nakahawak sa baywang at likod ko habang sinasabayan ko ang labi niya.
"Beh may shamp- oh sorry" sabi ni Klea na nahuli kaming naghahalikan tsaka sinara ulit ang pinto
Nagulat naman ako na tinulak si Kidd tsaka ako tumakbo sa banyo at nagkulong. Katok ng katok si Kidd sa pinto ng banyo pero pinapaalis ko siya at hindi pinagbubuksan. Narinig ko pang tumatawa siya habang pinipilit akong lumabas na ng banyo. Sinabi ko naman na lalabas lang ako ng banyo kung aalis na siya. Nangako naman siya na lalabas na ng kwarto kaya lumabas na daw ako. Hinintay ko pang marinig yung pagbukas at pagsara ng pinto bago ako nakahinga ng maluwang. #KakahiyanOverload.
***