Chapter 29: CHAPTER TWENTY EIGHT

Lexinne's Pov

Nandito lang ako sa sala habang hinihintay si Kidd. Pumunta kasi siya sa farm at hindi na niya ako sinama dahil mainit daw. Pero malapit na akong tubuan ng ugat dito wala pa rin siya.

Lumipas ang tatlong oras na paghihintay ko sa sinabi niyang saglit lang siya. Alas kwatro y medya na matupad pa kaya niya ang sinabi niyang ipapasyal niya ako ngayon?. Dumaan pa ang isang oras at wala pa siya. Sinubukan ko naman siyang tawagan pero naiwan niya dito sa sala ang phone niya. Huwag nalang akong umasa na matutuloy pa plano naming mamasyal.

Dahil sa inip at wala naman magandang panoorin pumunta nalang ako sa kusina para sana kumuha ng maiinom. Naabutan ko doon si Manang Sylvia na nanghihiwa ng karne.

"Ano pong lulutuin niyo?" Magalang na tanong ko

"Calderetta sana kaso nung huwebes nag kaldereta na ako kaya naisip kong mag beef salpicao nalang" sagot niya sakin

"Matagal na po akong hindi nakakatikim niyan dagdagan mo manang ha?" Hirit ko tsaka tumawa

"Basta ikaw nanginginig pa" sagot naman niya tsaka ngumiti sakin

"Manang okay lang po ba kung magluto din ako?" Tanong ko habang tumitingin sa loob ng refrigerator

"Oo naman gawin mo ang gusto mo dito sa kusina isipin mo ikaw may ari nito" pag payag ni Manang

Napatingin kaming dalawa ni Manang sa may labas ng kusina ng marinig namin ang boses ni Aling Berna at ni Claire. Ilang segundo lang din ay nakarating na sila dito sa kusina at hindi yata nila inaasahan na nandito ako.

"Sylvia ano yang iluluto mo? Nagdala ako ng native na manok at magsabaw nalang tayo" sabi ni Aling Berna na tuloy tuloy sa pagbukas ng ref at kumuha ng orange juice. Muntik pa akong mauntog sa pinto ng refrigerator buti nalang nakaiwas ako.

"Babe nandito ka pala akala ko nasa kwarto ka, doon pa naman ako dumiretyo" sabi ni Kidd na lumapit sakin

"Sabi mo saglit ka lang? Bakit ngayon ka lang?" May tampong tanong ko sa kanya

"Sorry babe hinintay ko na kasi sina Aling Berna at Claire pupunta din naman kasi sila dito kaya isinabay ko na" sagot niya sakin tsaka ko tinignan si Claire na ngayon ay nakangisi

"Tuloy paba tayo?" Tanong ko nalang kay Kidd tsaka binaba sa mesa ang broccoli na hawak ko

Tumingin si Kidd sa relo niya at pagkatapos ay sakin "Sorry babe pero bukas pangako ipapasyal kita" sabi niya sa nanlulumong mata. Tipid na ngumiti nalang ako sa kanya tsaka tumango

"Okay lang ipagluluto nalang kita" sabi ko sa kanya tsaka muling hinawakan ang broccoli at pinakita sa kanya

"Huwag na ako na magluluto" sabat naman ni Claire na matamis na ngumiti samin ni Kidd

"Oo nga naman Lexinne kami na bahala dito sa kusina at baka masaktan kapa" sabi naman ni Aling Berna

"Okay lang po maingat naman ako hindi ko susunugin ang kusina ni Manang Sylvia" magalang pa rin na sabi ko

"Edi kung ipipilit mo bahala ka, pero Claire iluto mo parin ang Manok ang manok ng may maulam si Sir Kidd" sabi pa ni Aling Berna. Tumingin ako kay Kidd na nakatingin sakin at kakamot kamot ng ulo

"Manang huwag niyo nalang po sigurong iluto yan ngayon ako nalang po magluluto ng dinner nating tatlo ni Kidd" sabi ko kay manang sylvia na naka ngiti tsaka tinignan din si Kidd. Tumango tango naman siya tsaka umupo.

"Kayong bahala at magsasaing na lamang ako" sagot sakin ng matanda

"Thank you Manang" sabi ko pa tsaka tumingin kay Claire na kumuha ng sangkalan at kutsilyo.

Pinanood ko lamang si Claire habang hinihiwa yung manok. Napatingin naman ako kay Aling Berna na bakas ang pagka bilib sa anak niya.

"Alam mo Sir Kidd mas masarap magluto sakin itong si Claire lalo na pagdating sa sinabawang manok sa tanglad" pagbibida pa ni Aling Berna sa anak niya. Wala naman sa loob kong napatawa.

"Akala ko ba magluluto ka? Bakit hindi kapa nagsisimula?" Taas kilay na tanong pa sakin ni Aling Berna

"Opo" sagot ko tsaka muling binuksan ang ref at nilabas ang mga rekados na gagamitin ko.

Mabilis kong tinanggalan mga balat ng hipon pati na mga dumi ng mga yon sa likod nila. Binuksan ko naman ang isang lata ng mushroom na nakita ko at nilagay yon sa mangkok. Hiniwa ko din ang isang kumpol na asparagus at muli tinabi yon.

Tumingin ako kay Claire ng igisa niya ang manok at lagyan ng tubig. Tumingin pa nga siya sakin at nginisian ako. Gumanti nalang ako ng ngisi sa kanya.

"Babe simpleng Shrimp Asparagus Skillet lang lulutuin ko sana pero naisip ko masarap ipares ang skillet sa Zuppa Toscana okay lang ba magluto ng ibang soup kahit nagluluto na si Claire?" Tanong ko kay Kidd

"Sure babe do as you please" pagpayag naman ni Kidd na ikinangiti ko

Sa mahinang apoy nilagyan ko ng olive oil ang pan at sinimulang ilagay ang asparagus. Sinagkapan ko yon ng garlic powder at iba pang powder spices at nilagay na ang hipon. Dahil mabilis lang naman maluto ang hipon kaya sinunod ko agad ang mushroom at nilagyan ng sparkling wine na nagpa apoy sa pan. Napatayo pa si Kidd na tila nagulat at nag alala. Kahit umaapoy ay hinalo halo ko yon by flipping the pan and then tapos na. Pinatay ko na ang apoy at kumuha ng plato tsaka sinalin ang niluto ko. Hindi ko rin nakalimutan kumuha ng parsley at nilagay yon sa taas biang dekorasyon.

"Next is Zuppa Toscana" nakangiting sabi ko tsaka tinignan ang mag inang Berna at Claire na nangangasim na naman ang mukha.

"Ang galing mo palang magluto Ma'am! Mukhang napakasarap niyang niluto niyo" puri ni Manang Sylvia sakin

"Mas magaling parin po si Aling Berna" sabi ko tsaka tumingin sa matandang hukluban

Sinimulan ko naman ang pagluto ng soup. Mabilis kong nabalatan ang sibuyas at bawang at hindi tumitingin na hinihiwa mga ito.

"Wow! That's my girl!" Sabi ni Kidd na pumapalakpak pa. Nakipalakpak naman si Manang Sylvia.

"Ang tagal ko ng nagluluto pero hindi ko magawa ang hindi tumingin sa hinihiwa ko at ganyan kabilis" sabi pa ni Manang Sylvia habang hinihiwa ko mga sausage at patatas.

"Kaya pala kung laitin mga niluluto ko wagas chef nga pala siya" sabi naman ni Kidd na tumatawa tsaka lumipat ng upuan malapit sakin

"Hindi pa ako chef tsaka mas gusto ko ang luto mo kaysa sa luto ko" sagot ko naman sa kanya

Sa isang kaserola nilagay ko ang bacon bits at hinayaan ko siyang maluto sa sarili niyang mantika at tinabi ito. Sinunod ko ang sausage at tinanggal din ito sa kaserola ng maluto na. Sinunod kong nilagay ang sibuyas at hinintay maging translucent ang kulay nito tsaka ko dinagdag ang bawang at hinintay maamoy ang bango ng ginisa bago binalik ang bacon at sausage sa kaserola. Hinalo halo ko muna bago nilagay ang chicken stock, patatas, asin at paminta bago ito takpan.

"Hindi ko pa natitikman pero sa amoy palang halatang masarap na" sabi pa ni Kidd na nakangiti at nakatunganga sakin

"Huwag masyadong mag expect okay?" Tumatawang sagot ko tsaka tumingin kay Claire "yung tanglad hindi mo pa ilalagay?" Tanong ko kay Claire

"Hindi pa mamaya pag malambot na ang manok" sagot sakin ni Aling Berna kahit hindi naman siya tinatanong ko.

Mamaya pa daw ilalagay. Edi mamaya nalang. Bahala sila. Kung ako kasi yung nagluluto sa manok nila sinabay ko na yung tanglad para mas malasa at mas mabango yung sabaw. Pero dahil iba iba naman tayo ng klase sa pagluluto #edibalasila.

Ilang minuto ang nakalipas at lumapit na si Claire sa niluluto niya. Nilagyan niya ito ng asin at paminta pati narin yung tanglad.

Binuksan ko takip ng niluluto ko at tinignan kung malambot naba mga patatas. Nang masigurong okay na ay nilagay ko na ang kale leaves at binuhos ang heavy whipping cream. Tinakpan ko ulit yon at hinintay ulit kumulo.

"Hello! Open yung pinto kaya tumuloy na ako" sabi ni Klea na kumaway kaway pa

"Ya!" Sigaw ko kay Klea tsaka tumawa

"Miss mo ako beh?" Tanong pa niya sakin tsaka niya ako niyakap

"Sobra baliw!" Sagot ko tsaka siya inakay palapit

"Hi Kuya kumusta bebe ko dito di mo naman siguro minamaltrato no?" Tanong pa ni Klea kay Kidd

"Hindi mangyayari yon kahit sa panaginip mo. Mabuti pa umupo kana galing mo tyumempo saktong kakain na kami ng hapunan" sagot naman ni Kidd na ginulo ang mukha ni Klea

"Sakto pala dating ko kasi gutom na mga bulate ko hindi kaya ako nakapa lunch" sabi pa ni Klea "Hi po" bati pa niya sa mga kasama namin bago umupo "makikikain po ha?" Paalam pa niya

"Sandali ihahanda ko ang mesa" sabi naman ni Manang at mabilis kumilos.

Umupo na kaming lahat at napapagitnaan ako nila Kidd at Klea kaharap ko naman si Aling Berna at kaharap naman ni Klea si Claire.

"You look famillar ikaw ba si Claire? Ikaw ba yung nakausap ko dati sa video call non?" Nakangiting tanong ni Klea

Tumango tango naman si Klea at matamis na ngumiti

"Oo ako nga yon. Kasama mo si Lexinne non diba?" Nakangiting sagot ni Claire kay Klea

"Ikaw pala kapatid ni Sir Kidd kagandang bata mo pala talaga" masayang sabi naman ni Aling Berna

"Maliit na bagay pero salamat po, sino po pala kayo?" Natatawang sabi ni Klea at nagtanong.

"Ako ang Mama ni Claire lagi kaming nandito at pinagluluto ng pagkain ang Kuya mo" mabait na sagot naman ni Aling Berna

"Mabuti pa'y kumain na kayo habang nagkukwentuhan, masamang paghintayin ang pagkain" sabi naman ni Manang

"Ikaw manang umupo kana din" sabi naman ni Kidd na pinaghila pa ng upuan ang matanda

"Naku nakakahiya naman, kasabay niyo si Ma'am Klea" sabi ni Manang na ayaw umupo

"Nakakasakit kapo ng damdamin" sabi naman ni Klea na humawak pa sa dibdib niya "hindi naman po ako kumakain ng tao, pumapatay lang" sabi pa niya tsaka tumawa "sabayan niyo na po kami manang pagpasensyahan niyo nalang po ako kasi gutom na talaga ako" sabi pa niya

"Siyanga naman po hindi naman ibang tao yang si Klea" sabi naman ni Kidd at napaupo na niya si manang.

"Omo! Zuppa Toscana?" Masayang tanong ni Klea sakin habang nilalagyan ko ng parmesan cheese ang mangkok niya na may lamang zuppa toscana

"Yep! Specially made by me" sabi ko tsaka kinindatan siya

"What about me?" Tanong naman ni Kidd na nagkandahaba ang nguso at hinihintay ang soup niya

"Sorry kuya pero mas mahal ako ng bebe ko kaysa sayo" pambibwisit pa ni Klea sa kapatid

"Mas mahal ko si Manang Sylvia" sagot ko nalang tsaka tumawa. Inuna kong binigyan ng soup si Manang at sa huli ay si Kidd.

Naglagay na rin ako ng Shrimp Asparagus sa plate ni Kidd at nilagyan na rin ng orange juice ang baso niya.

"Kain na po tayo" aya ni Klea sa lahat

"It's delicious" sabi ni Kidd "Aling Berna, Claire tikman niyo po masarap" sabi pa niya

"Omo! Who am I?" Oa na sabi ni Klea na humawak pa sa ulo niya

"Uminom ka ng juice ng magbalik ang alaala mo" sabi ko na tinapat ang pitchel sa kanya

"Ganon lang di mo man lang lalagyan baso ko?" Tanong niya sakin at nagkusa ng naglagay ng juice sa baso niya

"Hindi mo'ko yaya kaya pagsilbihan mo sarili mo baliw" sagot ko sa kanya

"Babe huwag mo na siyang pansinin at kumain ka nalang nakasumpong topak niyan at hindi ka mabubusog kapag pinatulan mo siya" payo naman ni Kidd sakin

"Oo nga tama ka" sagot ko tsaka tinuloy ang pagkain

***