Chapter 28: CHAPTER TWENTY SEVEN

Lexinne's Pov

"Ang ganda mo naman po" sabi ng isang batang nakatingala sa akin

"Totoo? Baka joke lang yan ah" sagot kong tanong sa cute na bata

"Mam Lexinne hindi po marunong magsinungaling ang mga bata" sabi naman ng nanay ata niya. Nakahawak kasi ang bata sa damit ng babae

"Siyanga naman Mam Lexinne maging kami din naman ay nagagandahan sa inyo, hindi lang sa panlabas na anyo pati sa ugali niyo" sabi naman ni Aling Neth na naghihiwa ng ampalaya

Nandito pala kami sa farm ngayon at kasama ko mga kababaihan ngayon at naghahanda ng tanghalian. Sinadya pa talaga nila ako kanina sa villa at inanyayaan dito sa farm para sa maliit na salo salo.

"Nakakahiya naman po pero maraming salamat po sana hindi magbago impresyon niyo sakin kapag nakita niyo kabaliwan ko" sabi ko habang tumutulong sa pag putol ng mga sitaw na gagamitin sa pinakbet

"Mas gusto nga namin makita ang tunay na ikaw at mas nakakatuwa sigurado kung masasabayan mo pagka baliw din namin dito" sagot pa sakin ni Aling Neth

"Alam niyo po Mam madalang nalang ang mga dalaga na nakatira dito sa baranggay namin. Iilan lang din po kasi ang mga bahay dito at halos sinasakupan na ng farm ang buong baranggay. Kaya natutuwa kaming matatanda na kapag may nakikita kaming mga dalaga lalo nat magaganda" sabi naman ni Aling Flor na abala sa pagsangkutya sa niluluto niyang asado

"Hindi po ba nakakainip ang buhay niyo dito lalo na puro pinya at halaman lang nakikita niyo?" Pangkalahatang tanong ko

"Sanay na kasi kami, pero yung maldita kong anak ayaw na ayaw dito kaya lumuwas ng Maynila at doon nag asawa. Ayaw daw niyang makapag asawa ng magsasaka kaya ayun nag asawa ng construction worker" mabilis na sagot naman ni Aling Gretchen na abala din sa pagtulong sa paghiwa ng gulay. Napag alaman kong asawa siya ni Mang Mando at nakita ko na rin siya kagabi nung naghapunan kami

"Mas masarap ang buhay namin dito sa farm sa tulong na din nina Sir Kidd at wala pang polusyon ang hangin. Lumaki na ako dito sa farm katulong ng magulang ko at ang asawa ko naman ay pahinante ng truck na nagdedeliver sa mga pinya. Kung pagpipiliin ako kung dito ba o sa bayan mas gugustuhin ko parin dito kahit sinasabihan pa kaming taong bundok ng mga nasa ibaba" sagot ng babaeng may kasamang bata

"Mas maige nga ang buhay namin dito kaysa sa ibang tao sa ibaba. Dito nakakapag tanim kami ng walang binabayarang upa kila Sir Kidd. Ang mga alaga naming hayop ay pakalat kalat lang dito, kung may mawala man taong labas lang kumukuha. Pinalagyan nga yung video ni Don Guillermo ang buong farm eh para malaman namin kung sino nangunguha sa mga alaga namin" sabi naman ni Aling Flor

"Cctv po tawag don hindi video" tumatawang pagtatama nung babae na may kasamang bata

"Dyaskeng bata to ano bang alam ko sa cctv basta naiintindihan niyo okay na yon" sagot naman ni Aling Flor

"Tama nga naman po" nakikitawang sagot ko

"Nga pala Nicole ngayong walang pinagkakakitaan mister mo paano kayo? Ilang linggo ng hindi nag babyahe ng pinya gawa ng peste dito sa farm" tanong naman ni Aling Neth

"Yan nga po problema namin, nakapang utang naman po si Bryan para may pambili kaming diaper at gatas nina Kitkat at Aneth ang problema namin ay ang pambayad lalo na hindi pa natin alam kung kailan ulit makakapag trabaho asawa ko" sagot nung babae na Nicole pala ang pangalan

"Ate ilang taon kana po?" Curious na tanong ko

"Bente singko palang ako" nakangiting sagot niya sakin "maaga lang akong nag asawa Ma'am kaya matured na itsura ko" dagdag pa niya

"Magkasing edad lang pala kayo ni Kidd" tumatangong sagot ko

"Pwede na rin mag asawa" sabi naman ni Aling Flor

"Uso dito samin ang mag asawa ng maaga disisyete pa nga lang yung iba nag aasawa na" sabi naman ni Aling Gretchen na mukhang tapos na ang ginagawa kaya nakipag umpukan siya samin

"Maging sa Manila man po ay uso din ang maagang pag aasawa hindi nga lang po kami nakikiuso" sagot ko na may ngiti

"Abay makiuso na rin kayo!" Sagot pa sakin ni Aling Gretchen

"Pag iisipan ko po" sagot ko na nakitawa sa kanila

"Kapag kinasal kayo ni Sir Kidd ipapa letchon ko yung isa kong baka" sabi ni Manang Flor

"Magkaka anak pa po ng marami yung baka niyo bago kami ikasal" tumatawang sabi ko

"Hayaan mo mamadaliin namin siya para magpakasal na kayo" sabi naman ni Aling Neth

"Papaano kung hindi naman siya makatuluyan ni Sir Kidd?" Sabat naman sa usapan namin ni Aling Berna na kadarating palang at may dalang kaserola

Tumahimik nalang ako ngumiti tsaka tinulungan si Nicole sa pagbalat ng bawang.

"Ikaw talaga Berna panira ka. Sino namang ibang pakakasalan ni Kidd kung hindi si Ma'am Lexinne" sabi naman ni Aling Flor

"Hindi natin masasabi kung sino makakatuluyan ni Sir Kidd" sabi pa ni Aling Berna na inayos ang dalang pagkain sa mahabang mesa.

"Bakit may ibang nababagay ba kay Sir Kidd maliban kay Ma'am Lexinne?" Tanong pa ni Aling Flor na namewang pa sa harap ni Aling Berna

"Baka tinutukoy niya yung anak niyang si Claire" sabat naman ni Aling Gretchen

"Eh ano naman kung si Claire sinasabi ko? Maganda at may pinag aralan ang anak ko" mataray na sabi naman ni Aling Berna

"Aling Berna kasama po natin si Ma'amLexinne at nobyo niya si Sir Kidd hindi naman po tama na sabihin niyo yan lalo na't naririnig niya" sabi naman ni Nicole

"Mas mabuti na naririnig niya diba kaysa sa pag nakatalikod siya doon sinasabi gusto nilang sabihin. Mga traydor lang gumagawa non Nicole" depensa ni Aling Berna

"Sus! Kahit anak mo si Claire Berna sasabihin ko sayo mas bagay sila Ma'am Lexinne at Sir Kidd" sabi pa ni Aling Neth na tumayo at ginisa ang bawang at sibuyas

"Bagay nga ba? Magsasawa din si Sir Kidd sa kanya" sabi pa ni Aling Berna na nagpapintig ng tenga ko

"Hoy Berna! Respetuhin mo naman si Ma'am Lexinne! Baka nakakalimutan mong nobya siya ni Sir Kidd! At sino ka para sabihan siya na magsasawa rin si Sir Kidd sa kanya?! Tsaka huwag mo ngang ikumpara ang anak mo kay Ma'am Lexinne sa itsura palang ang layo na idagdag mo pa ugali edi bagsak na bagsak na yang pinakamamahal mong anak!" Galit na sabi ni Aling Flor kaya tumayo na ako at pinakalma siya

"Kalma lang po huwag kayong magalit nagbibigay lang naman ng opinyon si Aling Berna" sabi ko kay Aling Flor na pinaupo sa monoblock chair at hinimas ang likod niya.

"Buti pa yang si Lexinne nakakaintindi! Sigurado alam din niya na posibleng pagsawaan siya ni Sir Kidd at itchepwera nalang kapag ayaw na niya sa kanya. Sino ba namang lalaki magkakagusto sa babaeng walang ibang alam gawin kundi magpa cute at walang alam sa gawaing bahay?" Sabi pa ni Aling Berna na naka pamewang sa harapan namin

"Lexinne lang talaga tawag m-" pinigilan ko si Aling Flor na magsalita pa at siguro naman panahon na para depensahan sarili ko

"Tama po kayo Aling Berna hindi ako sigurado kung hanggang kailan pagtitiisan ni Kidd ang ugali ko. Pero nakilala at minahal po niya ako ng ganito at naniniwala ako na kahit wala akong ibang alam gawin hindi niya ako iiwan. May tiwala po ako sa kanya at sa pagmamahal niya" sagot ko nalang para hindi na humaba ang usapan at init ng ulo nilang dalawa ni Aling Flor

"Ang mga lalaki madali lang sa kanilang sabihin ang salitang mahal kita kahit hindi naman totoo. Kahit sino naman masasabi yon lalo na kapag may gusto" hirit pa niya

"Napaisip po ako sa sinabi niyo Aling Berna, ganyan po ba ugali ng asawa niyo? Huwag niyo po sanang lahatin ang lahat ng lalaki at itulad sa nararanasan niyo sa asawa niyo. Iba po si Mang Santo at iba rin po si Kidd" sabi ko sa kanya

"Tama! Maganda pagsasama naming mag asawa kung may problema man samin napapag usapan namin. Kaya huwag mong lahatin ang mga lalaki" sang ayon naman ni Aling Gretchen sa sinabi ko

"Bata pa po kami ng asawa ko at nag aaway din. Pero mag away man po kami alam naming mag asawa na mahal namin ang isa't isa" sabi naman ni Nicole

"Hindi naman magiging 6 ang mga anak namin ng asawa ko kung hindi niya ako mahal" sabi naman ni Aling Flor

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah anong pinagkukwentuhan niyo baka pwedeng sumali" sabi ng bagong dating na si Kidd na nagpunta sa likod ko at hinawakan ang magkabilang braso ko "Okay ka lang ba dito babe?" Tanong niya sakin

"Bawal. Usapang babae lang" sagot ko sa kanya at pinunasan ang pawis niya

"Sigurado tsismis o kaya yung korean drama na may kabit yung lalaki ang pina uusapan ng mga yan" sabi ni Mang Mando na tumabi kay Aling Gretchen at umiinom ng tubig

"Halina kayo sa mesa at ng makakain na sakto luto na tong pinakbet" sabi ni Aling Neth na naglalagay ng ulam sa bandehado

"Musta ang farm?" Tanong ko kay Kidd na nakangiti habang nakatingin sa mga kasama namin

"Bumabawi na. Na harvest na kanina yung mga ibang pinya na nasave at pwede ng pagkakitaan para na rin makatulong sa mga tao natin dito" sagot niya sakin

"Buti naman kung ganon, eh mga peste wala naba?"

"Observe pa namin hanggang bukas darating din ang taga FAO bukas para tignan ang farm. Pero sa nakikita naman namin mukhang epektibo yung gamot na binomba namin ang hindi ko lang masisiguro kung may epekto ba sa lasa ng pinya yung nilagay naming gamot. Marami kasi balitang kumakalat na lasang gamot daw ngayon ang mga saging. Hindi ko alam kung totoo at wala pa din naman nagpapatunay" sagot niya sakin tsaka ako inakbayan

"Mas mabuti pa kumain na tayo at pagkatapos tikman mo yung saging na nasa mesa" tumatawang sabi ko

"Mabuti pa nga" sagot naman niya sakin

Magana akong kumain kasabay mga kasama namin at todo asikaso pa nila ako. Ramdam ko ang init ng pagtanggap nila sakin maliban nalang syempre sa mag inang bruha. Binigyan din ni Aling Berna ng sinigang na bangus si Kidd sa mangkok at sinabing siya yung nagluto non. Tinanggap naman ni Kidd yon at nagpasalamat. Pero para naman walang masabi si Aling Berna inasikaso ko si Kidd sa pagkain niya. Todo suporta naman sakin mga kasama ko kanina at sinabing tumulong ako sa pagbabalat at ng kung ano pa sa kanila. Iniwas ko rin sa harapan ni Kidd yung mangkok ng sinigang niya at binigay yon sa katabi kong si Aling Neth. Nagkatinginan kami ni Kidd at nginitian ko siya, mukha namang nagkakaintindihan kaming dalawa.

***