Chapter 27: CHAPTER TWENTY SIX
Lexinne's Pov
"Nakausap mo naba si Klea?" Tanong ko kay Kidd habang hinahatid niya ako papuntang guess room na tinutuluyan ko
"Yeah tinawagan ko siya kanina ang sabi pupunta daw siya bukas pero hindi niya alam kung anong oras" sagot niya
Huminto kami sa harapan ng kwarto at tinaboy na siya.
"Dito na'ko pahinga kana" sabi ko
"Kapag may kailangan ka nasa kwarto ko lang ako" turo niya sa may dulo ng pasilyo "o kaya text mo'ko kahit tulog ako pupuntahan kita" sabi pa niya
"Paano ka makakapunta kung tulog ka? Nakasumpong na naman pagka adik mo" tumatawang sabi ko
"Hindi mo alam kung ano pwedeng mangyari kaya siguraduhin mong naka double lock ang pinto mo dahil baka mag sleep walking na naman ako at gapangin kita sa kwarto mo" sabi niya na pigil ang pagtawa
"Hindi nga? Seryoso? Nag s-sleep walk ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko
"Binibiro lang kita masyado kang mapapaniwalain" tumatawang sabi niya na ginulo gulo pa buhok ko
"Ahh okay, ang dali ko kasing maniwala lalo na sayo. Nakalimutan ko mahilig ka nga palang magbiro! Sige goodnight!" Sabi ko tsaka pumasok na ng kwarto at binagsak ang pinto.
Sa likod ng pinto ay sumandal ako at napapikit. Natawa ako sa sarili ko. Inaamin ko nadala ako. Akala ko totoo. Oo nga pala peke lang relasyon naming dalawa.
Naglabas ako ng damit na masusuot mula sa maletang dala ko. Sa sobrang pagmamadali nakalimutan na namin ni Klea ang damit pantulog. Pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo.
******
Hindi naman ako yung tao na namamahay pero kahit anong pwesto gawin ko hindi ako makatulog. Alas onse na ng gabi at tanging tunog ng aircon lang naririnig ko. Nagpasya akong tumayo at pumunta ng kusina para tumingin kung may gatas ba.
Dahan dahan akong naglakad palabas ng kwarto dahil ayokong makalikha ng anumang ingay na gagambala kina Manang Sylvia at Kidd.
"Bakit hindi kapa natutulog?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Kidd
"Pupunta sana ako sa kusina para kumuha ng gatas pero huwag nalang pala" sagot ko tsaka humarap sa kanya at nabangga ng konti ang kamay niya ng lumayo ako
"Babe" tawag niya pero hindi ko pinansin hanggang sa makapasok ulit ako sa kwarto.
Bago pa ako nakahiga nag unahan ng pumatak mga luha ko. Hindi ko alam bakit umiiyak ako basta ang pakiramdam ko ang sakit sakit ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Tinakpan ko din ang mukha ko ng unan para hindi makagawa ng kung anong ingay.
Napatingin ako sa pinto ng may narinig akong katok.
"Babe" tawag ni Kidd sakin mula sa pinto
"Mmm? Bakit?" Tanong ko na pinunasan muna ang mukha
"Kinuha kita ng gatas" sabi niya mula sa labas
"A-ayoko na inaantok na'ko" sagot ko na bahagya pang bumigay ang boses ko dahil sa pag iyak
"Babe okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya na nilakasan at dinamihan ang pagkatok sa pinto
Pinunasan ko muna ulit ang mukha ko at hinayaang nakapatay ang ilaw bago tumayo at buksan ang pinto.
"Okay lang ako" sabi ko tsaka kinuha ang gatas na hawak niya at uminom doon "thanks sige matutulog na'ko" sabi ko pa tsaka binalik sa kanya ang baso na halos nakalahati ko din
Isasara ko na sana ang pinto ng ipasok niya ang kalahating katawan niya sa kwarto. Gamit ang isa niyang kamay hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luhang nagsimula na naman pumatak.
"Sige na matutulog na ako alis na" taboy ko sa kanya at bahagya pang tinulak palabas pero imbes na lumabas ay ptuluyan pa siyang pumasok sa loob ng kwarto at kinapa ang switch ng ilaw na nagpaliwanag sa buong silid. Agad naman akong tumalikod at naglakad papunta sa kama at umupo.
"Ano bang problema? Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong niya sakin na tumabi pa sa kama ko.
"Wala gusto ko lang matulog" sagot ko habang nakatingin lang sa baso ng gatas na binaba niya sa may side table
"May napanaginipan kaba?" Tanong niya sakin na hinaplos haplos pa ang buhok kp
Imbes na sumagot ay mas naiyak ako. Walangya siya ayoko na! Ang sakit sakit na eh. Tinago ko ang mukha ko sa dalawang palad ko tsaka doon umiyak ng umiyak. Niyakap naman ako ni Kidd habang mahinang tinatapik ang likod ko.
"Huwag ka ng umiyak, huwag ka ng matakot nandito ako hindi kita iiwan" sabi pa niya na lalong nagpahagulgol sakin
Habang naka kulong ako sa bisig ni Kidd ay pinagpapapalo ko siya ng mahina. Baka sakali sa pagpalo ko sa kanya maibsan ang sakit na nararamdaman kong siya naman ang may gawa. Si Kidd nga ba may kasalanan? Ano nga ba kasalanan niya sakin? Wala naman diba? Walang pwedeng ibang sisihin dito kundi ako.
Patuloy parin ang pag iyak ko at tahimik lang si Kidd sa tabi ko habang nakayakap. Hindi pwedeng hanggang ganito nalang ako, kailangan kong mag desisyon kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi pwedeng lagi nalang akong iiyak hindi pwedeng lagi nalang ganito.
Bumuo ako ng desisyon na dapat kong gawin at panindigan. May usapan kami ni Kidd at ang usapan ay usapan. Mananatili akong girlfriend niya at gagawin ang napagkasunduan namin. Ang kailangan ko lang naman gawin, tandaan at ang hindi maniwala sa mga sinasabi at pinapakita niya dahil lahat naman tungkol sa amin ay peke lang.
"Sorry nabasa ko damit mo" sabi ko na pilit tumawa habang pinupunasan ang pisngi ko
"Okay ka naba?" Alalang tanong pa niya na hinawakan magkabilang pisngi ko at pinunasan natitirang luha gamit daliri niya
Tumango tango ako at nagpaskil ng ngiti sa labi "mmm.. salamat" sabi ko
"Sige matulog kana, dito lang ako babantayan kita hanggang makatulog ka" sabi pa niya
"Okay na ako kaya ko na tsaka maaga kapa magigising bukas" sabi ko na nahiga na sa kama at kinumutan ang sarili
"Sigurado ka?" Tanong niya na nag aalala parin
"Opo" sabi ko at ngumiti
"Okay goodnight" sabi niya at inayos pa ang kumot ko tsaka hinalikan sa noo
"Goodnight matulog kana din at huwag ng magpuyat" sabi ko pa sa kanya tumango naman ito at binigyan din ako ng tipid na ngiti
******
Dahil sa kakaiyak yata kagabi kaya ngayon mugto ang mga mata ko. Wala naman ibang solusyon sa ganito kundi hayaan nalang diba? Sigurado naman mawawala din to maya maya. Tinapos ko na pag t-toothbrush ko at nag ayos ng sarili.
Binuksan ko ang bintana at maliwanag na sa labas. Paanong hindi maliwanag mag aalas syete na. Nasa farm na kaya si Kidd? Malamang. Sigurado naka dikit na naman ang bruhang si Claire sa kanya.
Lumabas ako ng kwarto at wala akong makitang tao. Dumiretyo ako sa may sala at nakita ang laptop ni Kidd at isang folder. Hindi ko ugaling mangealam ng gamit ng tao kahit curious ako kaya sorry hindi ko gagalawin gamit niya.
Tawanan mula sa kusina ang narinig ko. Agad naningkit ang mga mata ko ng mabosesan ko ang bruhang nanay ni Claire. Imbes na manood sana ng tv ay hindi ko na ginawa. Habang papalapit sa kusina ay mas lalong naririnig ko ang usapan ng apat. Yes, apat po. Si Aling Berna, Aling Sylvia, Claire at si Kidd.
"Good Morning" bati ko sa lahat na naka ngiti. Nakaupo ang tatlong babae at si Kidd naman nakatayo walang suot damit pang itaas at tanging apron lang kumukubli sa katawan niya habang nagluluto
"Good Morning Babe" bati sakin ni Kidd na todo ngiti pa habang nagluluto
"Good Morning Ma'am gusto mo po ba ipagtimpla ko kayo ng kape?" Tanong ni Manang Sylvia na tumayo at kumuha na ng tasa
"Salamat po manang" sabi ko tsaka lumapit kay Kidd. Kumuha pa ako ng isang apron na nakasabit at sinuot yon sa likod naman niya "ang aga aga gumagawa ka ng scandal puro babae po kasama mo oh" pabirong sabi ko at tumawa habang tinatali yung apron sa baywang niya
Matapos kong matali yung apron hinawakan naman niya isang kamay ko at pinanatiling nasa tiyan niya, para tuloy akong nakayakap sa kanya. Pinagbigyan ko nalang siya at pinasok ang ulo ko sa braso niya para makita niluluto niya.
"Malapit ng matapos at matitikman mo na ang Jambalaya ko" sabi niya na nikiss pa ako sa pisngi. Nagulat pa ako ng bahagya pero ngumiti nalang ako
"Matitikman ko nga masarap naman ba?" Tanong ko tsaka niyakap siya
"Wala kabang tiwala sa cooking skills ko? Kailan pa kita pinakain ng luto ko na hindi masarap? Oo nga may konting palpak pero masarap pa rin" sabi niya na ikinatawa ko
"Omelet lang naman kaya mong i perfect" tumatawang sabi ko tsaka bumitaw ng pagkakayakap sa kanya ng tawagin ni Manang Sylvia ang pansin ko.
"Ma'am instant coffee lang po meron kami ngayon" sabi ni Manang na inabot sakin yung kape at kinuha ko naman
"Okay na po ito Manang salamat" sabi ko naman na inihipan ang kape bago uminom. Napatingin naman ako sa mag ina na umagang umaga ke aasim ng mukha.
"Umupo po kayo mag almusal na" sabi pa ni Manang tsaka pinakita ang pagkain sa mesa
"Hintayin ko lang po matapos magluto si Kidd ng makasabay ko siya" magalang na sabi ko sa matanda
"Kuuu! Kumain na ng pandesal at kape yang si Kidd kanina, diba umiiwas siya ng pagkaing matataba?" Sabi naman ng nanay ni Claire
"May dalang pandesal kanina si Aling Tori sa farm babe tapos ginawan pa niya ako ng chokolateng binatirol kaya hindi na ako tumanggi" tumatawang sabi ni Kidd tsaka pinatay ang apoy sa niluluto niya.
"Ako din naman hindi makakatanggi kung mainit na pandesal at baterol ang ihahapag sakin" nakangiting sagot ko kay Kidd na umupo na sa tabi ko
"Pero kanina pa yon na digest sa katawan ko kaya sasabayan kitang kumain ngayon" sabi niya na binigyan agad ang plato ko ng Jambalaya at omelet na siya din daw ang nagluto.
"Ang sweet mo naman Sir Kidd" parang kinikilig pang sabi ni Manang Sylvia
"Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Mang Cesar ng may maghanda din sayo ng breakfast mo" sagot naman ni Kidd sa kanya
"Hindi naman trabaho ng lalaki ang ipagluto ang mga babae. Trabahong babae ang pagluluto at dapat ang babae ang nagsisilbi sa lalaki" sabat naman ni Aling Berna
"Alam ko yon Berna pero parang hindi ka naman babae. Ayaw mo bang maranasan pagsilbihan ka ng asawa mo kahit simpleng almusal lang? Makakabawas ba sa pagkalalaki nila na iparamdam sa mga asawa nila na importante at mahal nila ito?" Sagot naman ni Manang Sylvia na ikina agree ko
"May kasabihan nga tayo Sylvia na the way to a man's heart is through his stomach. Tignan mo yang si Kidd kaya ka nga mahal niyan dahil pinagluluto mo siya" sabi pa ni Aling Berna
"Hahaha! Tama po" sagot naman ni Kidd
"Never pa kitang pinagluto ibig sabihin ba hindi mo talaga ako mahal?" Diretyong tanong ko kay Kidd na tinitigan pa siya sa mata
"Mahal na mahal kita kahit hindi mo ako ipagluto. Mamahalin pa rin kita ng paulit ulit kahit nagsasawa kana sa omelet ko. Mamahalin pa rin kita araw araw at patuloy na mamahalin hanggang sa hindi mo na ako maalala kapag nagkaroon ka ng dementia. I love you so much babe kaya huwag mong pagdudahan pagmamahal ko sayo" sagot din niya sakin habang nakatingin sa mata.
"I love you too" sabi ko na nginitian siya at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi
Inalis ko ang tingin ko kay Kidd dahil sa totoo lang nahihiya ako sa ginawa ko. Tumingin ako sa mga kasama namin at hindi maipaliwanag ng ekspresyon ang bumabalot sa mukha ng mag inang bruha. Samantalang si Manang Sylvia naman ay tuwang tuwa at walang tigil sa panunukso saming dalawa ni Kidd.
***