Chapter 26: CHAPTER TWENTY FIVE

Lexinne's Pov

"Ma sorry hindi na ako nakauwi para magpaalam ng maayos" narinig ko pagbukas ng pinto ng kwarto at nakita ko si Kidd na may dalang tray ng pagkain

"Ano ba naman yung umuwi ka muna saglit sa bahay? Papayagan ka naman namin ng Didi mo" sermon sakin ni Mama

"Sorry na hindi na mauulit" sagot ko tsaka kinagat ang ibabang labi. Tumabi naman sakin si Kidd kaya sinandal ko ang ulo ko sa kanya

"Hindi na talaga Lexinne!" Malakas na sabi ni Mama. Kinuha naman sakin ni Kidd ang phone ko at tinapat sa tenga niya. Napaupo tuloy ako ng maayos at tinitigan siya

"Hello Ma?" Sagot ni Kidd sa phone ko

Dahil hindi ko marinig ang usapan ni Kidd at ni Mama sumimangot nalang ako habang nakatingin kami sa isa't isa ni Kidd.

"Sorry po Ma pinapangako ko po aalagaan ko dito si Lexinne, maging ako man po kasi nagulat ng makita siya dito. Nakausap ko naman po si Klea at sinabi niyang susunod siya dito sa Davao" sabi pa ni Kidd. Ilang mahabang segundo pa nakalipas ng muling magsalita si Kidd

"Sige po Ma salamat bye" sabi pa niya tsaka inabot sakin ang phone ng kukunin ko na sa kamay niya ay hinila niya kamay ko at niyakap ako "Thank you" sabi niya habang yakap ako

"Thank you saan?" Tanong ko tsaka humiwalay sa yakap niya

"Kasi pinuntahan mo ako dito. Mukhang alam mo na sobrang miss na kita kaya kahit hindi ka nagpaalam sa parents mo pinuntahan mo ako" sabi niya tapos pinisil ang isang pisngi ko

"Ay wow! Ang sabihin mo kung hindi dahil sa idea ng kapatid mo wala ako ngayon dito at hindi yon dahil sa namimiss mo'ko" sagot ko sa kanya na itutulak sana noo niya pero umiwas siya at nawalan ng balanse yan tuloy nawalan din ako ng balanse at napahiga sa diddib niya

"Ahh! babe ang bigat mo" sabi niya tsaka tumawa.

"Ahh mabigat pala ako ha?" Sabi ko kaya umayos ako ng upo at nilagyan ng unan ang katawan niya tsaka umupo doon

"Ang gaan gaan mo kaya" sabi niya tsaka ako hinila kaya napasubsob na naman ako sa sa kanya. Tinanggal niya yung unan na nasa tiyan niya tsaka niya ako niyakap. "Sana araw araw ganito tayo, araw araw magkasama tayo, araw araw nasa tabi kita nahahawakan nayayakap at nahahalikan tulad nito" sabi niya tsaka hinalikan ako sa ulo

"Paano mangyayari yon eh ang layo ng Davao sa Manila" sabi ko tsaka umupo ng maayos at hinila din siya paupo. "Tapusin mo na dapat mong tapusin dito tapos dalaw ka nalang paminsan minsan para kumustahin ang farm" sabi ko

"Yan naman talaga balak ko pagkatapos masolusyunan problema dito babalik na agad ako ng Manila. Ayoko din naman ma trap dito dahil marami din akong trabahong naiwan sa Manila at tsaka nandoon ka" sabi nito na ikinanguso ko naman

"Sus! Mas marami kasing babae don kamo!" Malakas na sabi ko tsaka binato sa mukha niya ang isang unan

"Maraming babae kahit saan pero nag iisa ka lang" sagot naman niya

"Ay sus! Mga banat mo nga naman eh no? Nag iisa lang talaga ako kaya malas po pag pinakawalan mo pa ang nag iisang ako" sabi ko tsaka tumawa

"Baliw ako pero hindi ako tanga. Hawak na kita pakakawalan pa kita? Subukan lang nilang agawin ka sakin!" Mayabang na sabi pa niya tsaka kinabog kabog ang dibdib niya

"Ano gagawin mo? Bubugbugin mo? Bugbog sarado ka nga sa kuya ko eh!" Sabi ko tsaka malakas na tumawa

"Hey! Si bayaw ang bugbog sarado nakita mo naman ebidensiya puno ng band aid mukha niya" tanggol niya sa sarili

"Sa susunod huwag kasing siga! Huwag kang makikipag away paano kung ang susunod na makaaway mo may baon palang balisong? Edi patay ka. Syempre pag tsugi kana libre na ako edi ang saya!" Sabi ko pa tsaka muling tumawa

"Hindi ako siga, hindi ko alam na kapatid mo non si bayaw tsaka siya unang nanuntok gumanti lang ako lalo na nakita kong hinawakan ka niya. Walang pwedeng humawak sayo maliban sakin" sabi niya

"Eh paano pag may humawak sakin? Edi makikipag away ka nga? Paano nga kung mapatay ka sa bugbog? Kaya kung sakali mangyari may humawak sakin huwag basta sugod ng sugod ang haba ng buhok ko sayo ha! Paano kung totoong girlfriend mo pa ako?" Pabirong sabi ko

"Sino ba nagsabing hindi kita totoong girlfriend? Kaya huwag ka nilang hahawakan kung ayaw nilang masaktan. Subukan nilang agawin ka sakin luluhod ako sa kanila at magmamakaawa para huwag kalang mawala sakin" seryosong sabi niya at nakipag laban ako ng titigan sa kanya. Sinusuri kung totoo ba o dala lang ng mabulaklak niyang dila mga sinabi niya

"Gutom na'ko" sabi ko nalang tsaka iniwas ang tingin kay Kidd

"Kain kana ako nagluto niyan" sabi niya habang naglalagay ng beef and cheese pasta sa kutsara

"Ikaw talaga nagluto nito? Baka naman yung Claire na yon nagluto nito ah!" Paninigurado ko

"Ako nga bilin mo diba na huwag kang bibigyan ng pagkain na gawa nila Claire at Aling Berna? Naisip ko na ayaw mo din mahiya sa kanila kaya siguro ayaw mo na abalahin sila" sabi niya na natatawa

"Nang iinis kaba talaga? Bakit hindi mo nalang puntahan yung Claire mo at kainin niluto niya?! Oh! Kanina kapa nga pala sa kusina sigurado kasama mo siya don at sinabayan kang kumain nung inihaw niyang isda!" Mataray kong sabi

"Alam mo bang ang cute mong magselos?" Sabi niya na tumawa at pinisil magkabilang pisngi ko

"Cute talaga ako kahit hindi ako magselos!" Sagot ko matapos paluin kamay niya na nagpabitaw sa pisngi ko. Ang sakit kaya!

"Kahit anong gawin mo ikaw lang ang nag iisang maganda at pinaka cute sa mga mata ko" sabi pa niya

"Eh si Claire ano?" Tanong ko sa kanya na tinignan siya ng masama

"Ngayon mo sabihin hindi ka nagseselos" sabi niya na hinawakan ang baba ko at dinikit ang noo niya sa noo ko

"H-hindi nga!" Nabulol ko pang sabi na itutulak sana dibdib niya pero hindi ko na nagawa at huminto mga kamay ko sa dibdib niya ng dampihan niya ng halik ang labi ko.

Kung dati ay mabilis at panakaw na halik lang ginagawa niya ngayon ay ginalaw na niya labi niya. Wala akong magawa kundi pumikit nalang at pinakiramdaman ang malambot na labi niya.

*********

Dinner

"Lexinne tikman mo adobong niluto ko sigurado magugustuhan mo" sabi ni Claire na kunwari napaka friendly sakin sa harap ng mga tao.

Nandito nga pala kami sa farm. Sinama ako ni Kidd at pinakilala sa mga tauhan niya dito.

"Thanks" sabi ko pero yung piniritong talong, tilapya at bagoong lang kinuha ko. Si Aling Tori kasi nagluto non at hindi ang bruhang mag ina

"Ma'am Lexinne kain lang po kayo ha? Huwag po kayong mahihiya" sabi naman ni Mang Arnold na maganang kumakain

"Oo nga po Ma'am huwag po kayong mahiya kami nga dapat mahiya kasi heto lang nahanda namin, hindi kasi sinabi ni Sir Kidd na nandito pala kayo" sabi naman nung isang matanda na ang pangalan ay lufin

"Napakalaking karangalan po samin makasalo kayo sa pagkain ngayon, alam namin na mababang tao lang kami pero heto kayo nakangiti at nakikipag biruan samin" sabi nung isa na hindi ko na tanda ang pangalan

"Nakakatuwa at napakasaya niyo nga pong kasama, huwag niyo na po akong tawaging Ma'am at Lexinne nalang po. Mayaman mahirap pare pareho lang naman po tayong tao kaya huwag niyo pong sabihing mababang tao kayo hindi rin naman po ako mataas 5'3 nga lang po height ko" magalang na sabi ko tsaka tumawa

"Mas mataas pa pala kami sago kung ganon Ma'am" sabi ni Mang Arnold na ngumunguya at tumatawa

"Ganon na nga po" sabi ko at nakitawa

Tumingin ako sa mga kasama namin na tumatawa at maganang kumain maliban sa mag inang bruha. Nagka banggaan pa nga kami ng tingin ni Claire at inirapan niya ako. Eh no ngayon? La ako pake.

"Sir Kidd bakit hindi mo tikman ang adobong baboy ni Claire napakasarap ng pagkakaluto" sabi naman nung bruhang nanay ni Claire na si Aling Berna. Tinignan ko naman si Kidd tsaka ngumiti

"Umiiwas po kasi ako ngayon sa matatabang pagkain Aling Berna next time po titikim ako" sagot ni Kidd naikinangiti ko lalo

"Babe mag fish ka nalang mas healthy" sabi ko tsaka nilagay sa plato niya ang isang tilapya

"Huwag mo akong alalahanin kumain kana" sabi naman niya habang hinihimay yung binigay kong isda sa kanya na nilalagay naman niya sa plato ko

"Ang sweet naman baka langgamin tayo dito yiiieh" sabi naman ni Mang Mando at nagsimula namang tuksuhin kami ni Kidd

"Open your mouth last na'to ahh" utos ko kay Kidd at ngumanga naman siya. Sinubuan ko siya gamit lang kamay ko. Nagulat pa nga sila sakin kanina ng sumabay akong kumain ng naka kamay sa kanila. Sinabi ko naman na tinuruan kami ng Dad ko na magkamay noong bata pa kami. Kahit nga noong nasa Korea ako nagkakamay din ako minsan lalo na kapag sinangag yung kanin namin sa almusal.

"Sir Kidd ang swerte niyo kay Ma'am Lexinne kahit maganda at mayaman ay walang kaarte arte at cowboy pa! Swerte din naman si Ma'am Lexinne sa inyo dahil napakabait niyo" sabi ni Mang Lufin

"Parang agrabyado po yata ako don? Bakit walang gwapo yung akin at mabait lang?" Tumatawang tanong ni Kidd sa matanda

"Naku! Hindi naman kailangan pang sabihin yon dahil kitang kita naman ebidensya, magkamukha kaya tayo kaya gwapo ka din Sir" sagot ni Mang lufin na ikinatawa naming lahat

"Kung kakapalan talaga ng mukha walang tatalo diyan sa asawa ko" sabi naman ni Aling Tori na asawa pala si Mang Lufin

"Pero Tatay Lufin curious lang po ako, bakit po Lufin pangalan niyo?" Tanong ko sa kanya

"Nadale mo Mam!" Sabi ni Mang Berting tsaka tumawa

"Napaka gandang tanong po niyan Mam!" Sabi naman ng kung sino na hindi ko nakita

"Kasi Mam ganito po yan. Ang totoong pangalan ko ay Willie pero nauso kasi yung cartoons dati na lupin the third at pinangalan sakin yon ni Don Guillermo ang lolo ni Sir Kid. Nahuli po kasi akong nagnanakaw ng mga pinya non dahil na rin sa hirap ng buhay at walang gustong tumanggap sakin sa trabaho. Hindi po kasi ako nakapag aral Mam tapos may mga anak na rin akong pinapag aral. Imbes na ipakulong ako ng lolo ni Sir Kidd binigyan nalang po niya ako ng trabaho dito sa farm tapos pinag aral pa niya yung dalawa kong anak. Dahil sa pagtawag niya sakin na lufin ginaya na rin ng mga kakilala ko at kapag nagpapakilala ako binabanggit kong pangalan ay lufin yun din kasi alam ng mga tao na pangalan ko" kwento ni Mang Lufin

"Pero Mam big time po dalawang anak niyan, yung isa abogado yung isa doctor ewan ko nga sa mag asawang yan bakit ayaw umalis dito" sabi naman ni Mang Berting

"Alam mo pare hindi kami bagay ng asawa ko sa syudad. Hindi kami nag aral at baka mapahiya lang mga anak namin. Ano paba hihilingin namin sa buhay ni Tori? Maganda na buhay at mga propesyonal na dalawang anak namin. Yung dalawa naman maganda na rin trabaho nila. Tayong mga magulang hangad lang naman ay mapabuti mga anak natin diba? Maayos na buhay nila at masaya kaming mag asawa dito. Kuntento na kami kung anong buhay meron kami kaya ilalaan nalang naming mag asawa ang natitirang buhay namin dito sa farm" sagot ni Mang Lufin

"Tama nga naman" sang ayon ng iba

Natapos ang lahat kumain at ngayon ay naghuhugas kami ng kamay ni Kidd sa may gripo. Nagtatawanan pa kami dahil kahit anong hugas gawin namin nananatili yung amoy ng bagoong sa kamay namin. Wala kasing sabon.

***