Chapter 25: CHAPTER TWENTY FOUR
Lexinne's Pov
"Hello Babe? Tatawagan na sana kita, akala ko nawala na phone ko buti nalang nakita ni Claire tumawag ka daw?" Tuloy tuloy na sabi niya
"Ahh yeah nakausap ko siya kanina" sagot ko sa kanya
"Sabi niya hindi ka daw nagsalita at binabaan mo siya ng phone" sabi nito na ikinapikit ko
"Oo kasi ikaw gusto kong makausap kaya binabaan ko siya ng phone, pero bago ko siya babaan ng phone tumawag na rin ako nung una at nakausap naman siya. Akala ko kasi hawak mo na phone mo kaya tumawag ulit ako, dahil hindi naman ikaw ang sumagot binaba ko nalang sayang kasi load ko" sabi ko
"Hahaha! Sorry ngayon lang kasi ako nakabalik ng bahay kumain kana?" Tanong pa niya
"Oo kanina pa, ikaw di pa kumain no?" Sabi ko
"Yeah hindi pa pero nagluluto si Claire ngayon sa labas ng makakain ko, nag iihaw siya ngayon ng relyenong bangus" sagot niya sakin
"Ahh talaga? Mukhang masarap siyang magluto at na eenjoy mo pagkain niya. Nga pala tama ba na MPO tawag sa farm niyo?" Tanong ko
"Masarap nga siya magluto babe kaya sigurado mananaba ako kung lagi siyang magluluto dito. Yep! Mpo nga bakit?" Tanong pa niya
"Labas ka wala akong pambayad ng taxi" sabi ko tsaka pinatay ang phone at hindi na siya hinintay pa na sumagot
Nakikita ko na ng malinaw ang villa, sakay pa rin ako ng taxi ng makita ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ng bahay tila hinihintay talaga ako. Bigla naman akong kinabahan.
Huminto ang taxi sa tabi ni Kidd. Parang wala akong lakas na buksan ang pinto ng taxi kaya si Kidd na ang gumawa at inalok ang kamay niya sakin para makalabas.
Paghawak ko sa kamay niya ay parang may kung anong dumaan sa buong katawan ko. Nang tuluyan akong makalabas ng taxi ay mahigpit niya akong niyakap. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya at napangiti.
"Hey! Naghihintay yung taxi kulang ang cash ko" sabi ko na humiwalay ng yakap sa kanya. Ngumuso nga siya ng magkatitigan kami pero lumayo ako at pinitik ang labi niya.
"Wala talagang kiss?" Tanong pa niya sakin bago ibigay ang bayad sa taxi driver at kunin ang maleta ko.
Niyakap niya uli ang isang kamay niya sa baywang ko habang inaalalayan niya papasok. So ibig sabihin ba solve na problema ko dahil natuwa siya na nandito ako? Yesss!
"Oh Claire nandiyan ka pala" nagulat pang sabi ni Kidd "Babe siya si Claire kilala mo na siya diba? Siya yung nakausap mo sa phone" paalala pa ni Kidd tumingin naman ako kay Kidd tsaka matamis na ngumiti at tumango "girlfriend ko si Lexinne" sabi pa ni Kidd kay Claire. Todo ngiti naman si Claire na puro kaplastikan
"Hi Claire I'm Lexinne Kidd's GIRLFRIEND, ako yung kausap mo sa phone kanina remember?" Sabi ko na siniguradong madidikdik sa kukote niya ang salitang girlfriend
"Ikaw pala nagbaba sakin ng phone kanina, kinda rude but it's okay nice to see you" sabi niya na inoffer pa kamay niya for shakehands
Tinanggap ko naman ang kamay niya at nagtama mga mata naming dalawa. Ito naba yung pagtanggap ko sa hamon niya sakin? Fine! #WarNaThis
"Kidd itatanong ko lang sana ano gusto mong sawsawan dun sa bangus" tanong ni Claire sa kanya
"Kahit ano nalang, may tiwala naman ako sa panlasa mo kaya ikaw na bahala" mabait na sabi ni Kidd na nagpapagigil sakin. Tumingin naman sakin si Claire at plastik na ngumiti na parang sinasabi na 1-0 bitch. Pinaikot ko nalang eyeballs ko at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Kidd hanggang sa makaupo ako sa sofa.
"Buti napasyal ka? Kumusta byahe mo?" Tanong niya sakin na umupo sa lapag at hinawakan ang dalawang kamay ko
"Para kang namamalimos diyan dito ka nga sa tabi ko" natatawang sabi ko
"Palimos ng kiss miss na miss na kita" sabi niya tsaka ngumuso at pumikit
"Kamao ko baka gusto mong i kiss?" Tanong ko sa kanya tsaka tinanggal ang isang kamay ko na hawak niya at pinakita sa kanya.
"Sige na nga ito nalang" sabi pa niya bago hinalik halikan ang kamao ko at maging isang kamay ko
"Ay adik ka talaga" babawiin na sana ang mga kamay ko na hinahalikan niya ng makita ko si Claire na pumasok at nakatingin samin. "Tama na nga halika dito sa tabi ko" sabi ko kay Kidd tsaka ko siya hinila papunta sa tabi ko at pinaupo
"Aminin mo na miss mo'ko no?" Nakangiting tingin niya sakin habang hawak ang isa kong kamay
"Hindi eh, si Klea lang nagpilit pumunta ako dito" sagot ko sa kanya tsaka siya binelatan
"Hayy salamat Klea at napilit mo babe ko pumunta dito" sabi niya na inakbayan ako. Sumandal naman ako sa balikat niya at yumakap sa baywang niya. Amoy na amoy ko tuloy ang pabangong gamit niya.
"Napagod kaba sa byahe?" Tanong niya sakin na gumanti ng yakap at hinalikan ako sa noo.
"Mmm" tumatangong sagot ko na hinigpitan ko pa yakap sa kanya at pumikit
"Gusto mo bang magpahinga sa guess room?" Nag aalalang tanong niya.
"Ayaw dito ka lang sa tabi ko" sabi ko sa kanya
"Magpapahanda lang ako ng pagkain mo" sabi niya na aalisin na sana niya kamay niya pero niyakap ko siya ng mahigpit
"Dito ka lang sabi" sabi ko na siniksik pa ang katawan sa kanya
"Pft" dinig kong pigil sa tawa niya kaya tumingala ako at tinignan siya ng masama "ang cute mo" sabi niya tsaka tumawa ng mahina at gumanti ng yakap sakin
"May bisita po pala kayo sir" napatingin ako sa matandang babaeng dumating
"Opo Aling Berna" magalang na sagot ni Kidd tsaka tumayo kasama ako "Babe si Aling Berna nga pala siya yung Mommy ni Claire" sabi nito sakin "Aling Berna girlfriend ko po pala si Lexinne" pakilala ni Kidd samin sa isa't isa
"Magandang hapon po" sabi ko. Tumango tango lang ang matanda at nag iba ang hilatsa ng mukha
"Magandang hapon din sayo. Sir Kidd nagluto ako ng biko pinagdala kita" nakangiting sabi ng matanda kay Kidd
"Naku maraming salamat po balak niyo ba talaga akong patabain mag ina?" Sabi ni Kidd na lumapit sa matanda at kinuha ang isang plato nung biko
"Wala kasing mag aasikaso sayo dito kaya naisipan namin ni Mama na alagaan ka" sabi ni Claire na may dala ring isang bandehado na may lamang inihaw na bangus tsaka tumabi sa nanay niya
"Maraming salamat po wala na din kasi akong oras alagaan sarili ko" sabi pa ni Kidd na todo ngiti pa sa dalawa
"Pero nandito na girlfriend may mag aalaga na rin sayo, ano lang ba ang ipagluto ka niya ng pagkain mo at tulungan ka sa farm" sabi pa ng mama ni claire tsaka tinignan ako
"Tama po kayo kaso babalik din po ako ng Manila dahil nag aaral pa po ako. Sobrang na miss ko lang po si Kidd kaya nag decide akong pasyalan siya dito at makasama kahit sandali" nakangiting sagot ko tsaka yumapos kay Kidd. Nakita ko naman pag asim ng mukha ng nanay ni claire
"Ohh hanggang kailan kalang pala dito?" Interesadong tanong ni Claire sakin wala pa akong isang oras dito pero parang gusto na niya akong pabalikin ng manila
"Hanggang kailangan ako ni Kidd" mabilis na sagot ko na diretyong nakatingin sa kanya
"Hanggat nabubuhay ako kailangan kita babe" sabi naman ni Kidd na hinalikan pa ulo ko "paano pag hindi kita pauwiin ng manila will you stay here with me?" Tanong pa sakin ni Kidd na may ngiti sa labi
"Pag hindi mo ako pinauwi ibig sabihin non kailangan mong harapin sina Didi, Mama at Kuya" nakangiting sagot ko sa kanya
"Kailan ba kami mamamanhikan nila Daddy?" Natatawang tanong niya
"Mag propose ka kaya muna!" Sabi ko tsaka tinulak ang noo niya
"Dadalhin nalang muna namin sa kusina to, gusto niyo bang paghanda ko kayo ng pagkain?" Tanong ni Claire samin
"Utusan mo nalang si Manang Sylvia Claire nakakahiya naman sa inyo ni Aling Berna" sabi naman ni Kidd
"Naku! Wala lang naman samin napaka simpleng bagay lang naman" sabi naman ng matanda tsaka kinuha kay Kidd yung plato
"Maraming salamat po talaga Aling Berna napaka laking tulong niyo po sa akin" walang tigil na pasasalamat ni Kidd
Muli kaming umupo ni Kidd sa sofa. Tulad kanina'y naka akbay siya sakin at ako naman ay sumandal ulit sa balikat niya.
"Ang bait ng mag inang yon sayo no?" Sabi ko habang nakatulala sa flower vase pero tagos naman tingin ko
"Malaki talaga pasasalamat ko sa kanila at mas gumagaan ang trabaho ko dahil sa tulong nila. Si Claire maagang pumupunta dito para ipaghanda ako ng breakfast at mga tauhan namin sa farm. Ang Mama naman niya tumutulong din samin at laging nagluluto ng kakanin na ipapa meryenda niya samin. Nakakahiya nga kay Mang Santo na pati asawa't anak niya napapagod dahil sakin" sabi nito
"Bakit hindi mo ba sila sinasahuran?" Kunot noong tanong ko na napatingin sa kanya
"Meron naman. Si Claire ang secretary namin dito sa farm at wala naman sa trabaho niya ang ipagluto ako kaya nahihiya ako. Si Aling Berna naman siya ang taga luto ng pagkain ng mga tauhan sa farm at ang asawa niyang si Mang Santo naman ay nag aalaga sa mga pinya" sagot niya sakin
"Dagdagan mo nalang sahod ng mag ina para hindi ka mahiya. Hindi nga trabaho ni Claire ang ipaghanda ka ng pagkain mo maging ang nanay niya pero hindi mo naman sila inutusan diba? Nagkusa silang gawin yon, ginusto nila" diretyong sabi ko
"Oo nga babe pero hindi ko maiwasang hindi mahiya sa kanila" sagot niya sakin na ikinataas ko ng kilay
"Kaya nga dagdagan mo sahod nila diba? Hindi mo alam kapag nakatalikod ka kung ano anong sinasabi ng mga yan sayo" sabi ko pa
"Hindi naman sila ganoong tao mabait lang talaga sila" depensa pa niya sa mag ina
"Edi sila na mabait, ako kasi hindi ako mabait" sabi ko tsaka tumayo at inabot ang trolley bag ko"gusto kong magpahinga saan ba guess room?" Tanong ko sa kanya
"Ihahatid na kita" sabi niya na hinawakan din ang trolley na hawak ko
"Huwag na, ituro mo nalang o kaya magtawag ka ng ibang maghahatid sakin kakain kapa diba?" Masungit na sabi ko tsaka hinila ang trolley at tinawag ang pansin ng isang matandang babae mula sa di kalayuan "Manang pahatid po ako sa guest room" sabi ko sa matanda na mabilis namang kumilos at kinuha ang maleta ko
"Ako na po Manang" sabi ni Kidd na kinuha sakanya yung maleta at inakbayan ako. Tumahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa guess room na sinasabi niya.
"Pwede ka ng lumabas" sabi ko tsaka kinuha sa kanya ang maleta ko at naglakad papunta sa higaan
"Babe" tawag niya sakin na sumunod sa likod ko
"Gusto ko ng magpahinga, hindi pa alam nila Mama na nandito ako. Hindi ko pa rin nasabi sa kapatid mo na nandito na ako" sabi ko sa kanya na hindi tinitignan
"Okay magpahinga ka muna, tatawagin ko din parents mo para huwag silang mag alala. Dadalhin ko nalang din ang pagkain mo dito para makakain ka" sabi nito na yumakap pa sakin mula sa likod at hinalikan pa buhok ko.
"Huwag na huwag kang magdadala ng pagkain dito na ang mag inang yon ang nagluto kung ayaw mong magwala ako dito" banta ko sa kanya tsaka tinitigan siya ng masama
"Babe ano bang problema?" Tanong niya sakin na tila hirap na hirap malaman ang sagot
"Wala. Basta ayoko lang yung luto ng dalawa dahil baliw ako. Kung naiinis ka sakin sabihin mo habang may araw pa ng makalipad na ako pabalik ng manila" sabi ko sa kanya na hindi mapigil ang inis sa boses
"Okay huwag kanang magalit magpahinga kana muna babalik ako ipaghahanda lang kita ng makakain" sabi niya pero hindi ko pinansin at umupo na sa kama patalikod sa kanya.
***