Chapter 24: CHAPTER TWENTY THREE
Lexinne's Pov
Friday na at sinusumpong na naman friday sickness ko. Inabot ko phone ko at nakita kong may text message ako galing kay Kidd.
From: Kapatid ni Klea
Good Morning Beautiful!
Tinignan ko yung oras ng text niya at 5:42 nakalagay don. Dahil tinatamad akong mag reply at tamad pa akong bumangon tinawagan ko nalang siya. Sa pangalawang ring palang ay sinagot na niya.
"You up yet?" Dinig kong tanong niya pagkasagot na pagkasagot niya sa phone niya
"Pikit pa mata ko ayokong pumasok tinatamad ako" sabi ko
"Bangon na the sun is up may pasok kapa" sabi niya
"Oo na wala ka naman eh wala tuloy akong supply ng omelet" sabi ko tsaka nagmulat na ng mata tsaka umupo sa kama
"Kidd breakfast na tayo!" Dinig ko sa kabilang linya
"Coming!" Sagot naman ni Kidd
"Teka si Claire ba yung tumawag sayo?" Tanong ko na nagpakulo ng dugo ko
"Oo diba nasabi ko sayo tumutulong siya sa farm?" Sagot niya sakin
"Ah oo" kalmadong sagot ko
Nagkausap na kami ni Kidd kagabi. Syempre hindi ako aamin na naiinis ako kay Claire. Sinabi ko lang wala ako sa mood kahapon tapos parang walang nangyari at nag usap na ulit kami.
"Babe ang sarap ng suman dito pag umuwi ako next week magdadala ako" sabi pa niya
"Ah talaga? Damihan mo nalang paborito ni Didi yan. Pero sure kabang uuwi na next week?" Tanong ko
"Sina Claire at ang Mama niya daw gumawa kaya hindi tinipid sa sangkap. Yeah uwi ako kahit anong mangyari, babalik nalang agad ako dito may aasikasuhin kasi ako diyan" sagot niya
"Ahh.. ibig mong sabihin uuwi ka dito next week at aalis din agad? Ilang days ka mag s-stay dito?" Tanong ko sa kanya
"Balikan lang siguro o kaya isang araw? Inoobserbahan pa kasi namin mga pinya at next week pa namin malalaman kung epektibo ba yung gamot na nilagay namin sa mga pinya" sagot niya
"Ahh.. ganon ba.. matatagalan kapa pala diyan kung ganon, alam mo pa kaya pabalik ng manila niyan?" Tanong ko sa kanya
"Babe naman hahaha" sagot niya sakin. Akala siguro niya nakikipag biruan ako sa kanya
"Kidd tama na muna yang pag cellphone mo at kumain ka muna, makakapag antay naman siguro yang kausap mo" dinig kong sabi ni Claire. Oo sigurado akong si Claire yon ang landi kasi ng boses niya
"Tama na daw pag c-cellphone mo sabi ng misis mo at kumain na muna kayo" sarcastic na sabi ko
"Nagseselos kaba?" Kahit hindi ko siya nakikita alam kong pinipigilan niya pagtawa niya
"Bakit naman ako magseselos? Tsaka tama naman kasi siya kaya sumunod ka nalang sa kanya. May pasok pa ako kaya kailangan ko na din maligo" sagot ko sa kanya
"Okay sige kumain ka ng tama, tawagan o text mo ako kapag paalis kana ng bahay" paalala pa niya
"Opo" sagot ko tsaka ko pinatay ang phone at naghanda sa pagligo
Habang naliligo ay hindi ko maiwasang hindi mainis. Oo fake lang relasyon namin ni Kidd pero nakakainis parin lalo na lantaran na paglalandi ng Claire na yon sa kanya.
Gaya ng napag usapan nagtext ako kay Kidd ng paalis na ako ng bahay. Wala akong narecieve na reply mula sa kanya kaya inisip kong baka busy na siya. Dumating ako sa school at nadatnan na doon si Klea ang aga aga pero naka ubob na siya sa desk niya. Hindi ko na siya inabalang gisingin pa dahil mukhang ang sarap ng tulog niya naghihilik pa nga ito ng mahina.
"Good morning beh" dinig kong sabi ni Klea na pinunasan pa ang bibig niya
"Puyat ka na naman? Binabantayan mo ba sarili pag gabi kaya lagi kang puyat? Dalawang subjects na dumaan at ngayon ka palang nagising" mahinang sabi ko dahil nag d-discuss ang prof namin.
"Walang good morning muna sermon agad?" Sabi pa niya sakin tsaka nag unat ng kamay.
Nakita kong tumingin sa pwesto namin si Mrs. Paras na pinaka adviser namin pero inalis niya ulit ang tingin kay Klea. Dahil friday ngayon asahan na namin mga quiz.
"Ano next subject niyo?" Tanong ni Ma'am samin
"World Literature Ma'am" sagot namin sa kanya
"Okay, may meetings ang mga teachers ngayong hapon kaya after niyo sa WL class niyo pwede na kayong umuwi at huwag ng magpakalat kalat pa sa school naiintindihan niyo?" Sabi ni Ma'am Paras
"Yes! Woooh!" Sigaw ng mga kaklase ko "I love you Mam!" Sigaw pa ng iba
"Quite!" Malakas na sabi naman ni Ma'am tsaka hinampas ang mesa niya. "Hintayin niyo nalang Sir niyo at huwag kayong mag ingay" sabi pa niya
"Yes Ma'am" mababait na sagot naming lahat
"Okay guys see you on monday" tuluyang paalam ni Mrs. Paras samin
"Bye Mam!" Paalam pa ng ilan
******
Time check 11:45 nandito kami ngayon ni Klea sa canteen at kumakain ng lunch. Wala parin akong narecieve na text kay Kidd kaya minabuti kong tawagan nalang siya. I e end ko na sana ang call ko ng may sumagot sa kabilang linya.
"Hello?" Sabi niya. Pamilyar ang boses niya at syempre hindi ako pwede magkamali kung sino may ari ng boses na yon
"Si Kidd?" Agad na tanong ko
"Nasa farm siya may mga kausap tawag ka nalang ulit mamaya" sagot niya sakin
"Bakit hawak mo phone niya?" May inis sa boses na tanong ko
"Nakalimutan yata niya na pinahawak niya sakin kanina, dumating kasi mga taga FAO at tinitignan ngayon ang orchard" sagot niya sakin
"Pinahawak niya sayo phone niya? Bakit?" Pigil ang inis na tanong ko. Tumingin ako kay Klea na hinihingi ang phone ko pero umiling ako
"Aba malay ko sa kanya! Siguro hindi na iba ang tingin niya sakin at close na kami kaya niya iniwan sakin phone niya" nagulat ako ng bahagya sa timbre ng boses niya at nakuha pa niyang ipagyabang na close sila?
"Malamang may reason ang boyfriend ko kung bakit niya pinagkatiwala sayo phone niya at may binilin siya sayo tungkol sa phone niya. O kaya baka naman nakalimutan lang niya talaga at hindi alam kung saan naiwan phone niya" sagot ko naman sa kanya
"Anong ibig mong palabasin? Na ninakaw ko phone niya? Kung ninakaw ko cellphone niya palagay mo sasagutin ko pa tawag mo? Insecure ka kasi masyado" sagot niya sakin na nagpa hulog sa panga ko
"Wow! Kanino ako ma iinsecure? Sayo? Alam mo Claire kahit anong gawin mong paglandi sa boyfriend ko hindi ka niyan papatulan bakit ako ba ikaw? Dream on" sabi ko tsaka tumawa
"Talaga namang insecure ka sakin ha? Sorry ka nalang at malapit na mahulog sakin si Kidd at kapag nangyari yon tatawanan kita" sagot naman niya sakin tsaka siya tumawa at ini end ang tawag
"Wow! Nakakaloka may mga tao talagang makakapal ang mukha no?" Hindi makapaniwalang sabi ko kay Klea
"Ano bang sinabi ng impaktang yon?!" Tanong naman sakin ni Klea kaya naman sinabi ko yung eksaktong sinabi nung bruha na yon sakin.
"Mahal mo ba kuya ko?" Tanong ni Klea sakin
"Oo!" Sagot ko naman na hindi na nag isip. Alangan namang sabihin kong hindi diba? Boyfriend ko eh.
"May naisip akong paraan!" Sabi niya at sinabi nga niya sakin kung ano yung naisip niya. Napagtanto ko nalang na tumatango ako at pumapayag sa mga sinasabi niya.
********
"Beh wala na tayong oras bilisan mo!" Halos kaladkarin ako ni Klea papunta sa bahay niya pagkatapos niyang tumawag sa phone
"Heto na nga binibilisan na" lakad takbo na sabi ko
Pagdating namin sa bahay niya ay diretyo kami sa kwarto niya at nilabas mula sa ibaba ng closet niya ang kumikinang na red trolley niya at nilapag yon sa kama niya.
"Magpalit kana dali!" Utos pa niya sakin tsaka niya binigay ang isang pantalon at red cold shoulder plain blouse. Dahil pareho naman kaming babae at nagmamadali dun na rin ako naghubad ng uniform at sinuot ang pinapasuot niya sakin. Wala na din kasi akong oras para maligo.
"Ano yang nilalagay mo?" Tanong ko na lumapit sa kanya
"Undies? Bakit wala ka bang balak mag panty doon? At may nilagay na ako ditong sleepers kung may kulang pa bumili ka nalang don" sabi pa niya tsaka sinara ang maleta. "Tara na sa kotse ka nalang mag ayos" utos pa niya kaya binitbit ko na ang bag ko at lappy ko at siya naman ay yung maleta at isang kulay pulang pumps
"Beh tawagan ko muna parents ko" nag aalalang sabi ko
"Tawagan mo nalang kapag nandon kana" sagot naman niya sakin
Nang makasakay kami ng kotse niya pinasuot niya sakin yung shoes na dala niya. Buti nalang magka size kami.
"May two minutes pa tayo sana walang traffic. Sorry beh gusto kitang samahan kaso hindi talaga ako pwede ngayon, kung nagkataon kalbo sakin ang impaktang yon" sabi ba ni Klea na kulang nalang paliparin ang kotse niya
"Ano kaba okay lang tsaka mag ingat ka sa pagdrive baka hospital ang mapuntahan natin imbes na airport" sabi ko
"Mabagal pa nga ako nito buti nalang hindi rush hour kung hindi siguradong hindi tayo aabot" sagot pa niya. Tila wala naman sa kanya at pang araw araw na niyang gawain ang ganitong uri ng pagmamaneho. Napasok pa tuloy sa isip ko kung race driver ba siya tsaka ako umiling iling.
May 4 minutes pa kami at ayos na ang lahat. Hinihintay nalang namin ang pagtawag nila para sa flight ko pa Davao. Sinubukan kong tawagan si Kidd pero sumagot parin ay yung bruha kaya pinatay ko nalang.
"Huwag kang magpapa daig sa impaktang yon okay? Susubukan kong sumunod sayo bukas don. Kapag nandon kana siguraduhin mong hindi makakalapit ang babaeng yon huwag mo siyang bibigyan ng pagkakataon na malandi niya si Kuya" huling sabi ni Klea sakin bago nag babye.
Sakay ng eroplano bumuntong hininga ako. Hindi man lang ako nakapag paalam sa magulang ko. Kung uuwi pa kasi ako ng bahay at kukuha ng gamit aabutin ng isang oras kahit magmadali ako. Wala namang available flight pa ngayon at mamayang alas syete pa ng gabi ang kasunod.
Sa mahigit isang oras na byahe ay wala akong ibang maisip kung ano ang sasabihin ko kay Kidd. Magagalit kaya siya? Matutuwa? Masusurpresa? O baka naman ipagtabuyan ako pabalik ng Manila? Kung magagalit siya anong sasabihin ko? Kung matutuwa naman siya edi okay. Kung ma surprised siya? Sigurado naman magugulat siya kasi wala siyang kaalam alam napupunta ako ang tanong lang, magugulat siya na matutuwa o magugulat siya at pababalikin ako ng manila? Aiiissh!
Paglabas ko ng Davao City Airport agad kong nakita mga taxis at pumara ng isa. Pagkapasok ko ay agad kong sinabi yung lugar na sinabi ni Klea sakin.
"Manong kumusta na po mga farms dito?" Tanong ko kay Manong Driver habang nagmamaneho
"Hindi ko po alam Ma'am pero ang ibang kapitbahay po namin nawalan na ng pag asa dahil hindi na nila mapapakinabangan pa mga tanim nilang gulay" sagot sakin nito
"Kawawa naman pala sila nasayang lang ang pagod at puhunan nila" sagot ko
"Oo nga po Ma'am eh, sino po papasyalan niyo sa MPO? Balita ko po magpapatayo na rin sila ng plantation nila totoo po ba yon?" sabi pa ni Manong
"Yung boyfriend ko po kasi bagtatrabaho don. Hindi ko po alam kung totoo yung balita wala po kasing nababanggit boyfriend ko about doon" sagot ko sa driver
"Kapag nagkataon maraming matutulungan ang plantation marami na rin kasing walang trabaho tulad ng anak ko palibhasa high school graduate lang kaya hindi makakuha ng matinong trabaho" sabi niya pa sakin
"Ganon po ba, malay niyo po matuloy yung plantation at dun makapasok anak niyo" nakangiting sabi ko
"Magdilang anghel ka sana Ma'am" sabi pa ni manong tsaka tinuro sakin ang labas "naalala ko pa dati pumupunta ako diyan kasama tatay ko kapag umuuwi kami may pabaon si Donya Crisanta ng pinya" napangiti ako sa reaction ni Manong
"Mukha pong mabait ang may ari" nakangiting sabi ko
"Totoo yan! Kaya ng mamatay ang mag asawa ang daming nalungkot at nakipag libing" sagot pa sakin ni Manong "Ma'am saan ko po ba kayo ibababa? Sa paanan lang po ba o sa may loob at harapan ng villa?" Tanong niya sakin
"Sa harapan po ng villa, malapit nalang po ba tayo?" Bigla akong kinabahan sa kaalaman na malapit nalang kami
"Opo Ma'am ayun na po ang villa" turo pa sakin ni Manong sa nakatayong bahay "hindi po masyadong makikita dito dahil sa mataas na bakod pero pag umakyat na po tayo makikita niyo na ang malaking bahay" sabi pa nito
"Opo sige po pakihatid nalang po ako doon" bilin ko pa
Habang papalapit kami ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Nag inhale exhale pa ako ng ilang beses bago dinayal phone ko at tinawagan si Kidd. Agad naman niyang sinagot yon.
***