Chapter 23: CHAPTER TWENTY TWO
Lexinne's Pov
Dahil sa nangyari kahapon kinausap ko si Kidd at sinabi sa kanya ang nanyari. Syempre hindi ko sinabi lahat, ang sinabi ko lang nahuli ako na gumagamit ng laptop kaya every break time nalang kami magkakausap. Pumayag naman siya at humingi ng sorry dahil daw dahil sa kanya napagalitan daw ako.
Dahil lunch break na nandito kami ngayon ni Klea sa bahay bahayan niya. Sa canteen sana kami kakain kaso ayaw niya don at nagpilit na dito na nga lang kumain.
Habang nag hahanda ng makakain namin si Klea ay binuksan ko naman lappy ko at nag online sa Skype. Nakita ko naman online si Kidd at ako na ang tumawag sa kanya.
"Babe" bungad niya sa screen ko na may malapad na ngiti
"Bakit ganyan mukha mo?" Natawang tanong ko
"Wala na miss lang kita" sabi niya tsaka ngumiti ulit "nasaan ka?" Tanong niya
ginalaw ko ang lappy ko tsaka pinakita kung nasaan ako "nasa bahay bahayan ni Klea ayaw kasi niyang kumain sa canteen at may ipapatikim daw siya sakin ngayon" sabi ko
"Bago mo kainin ibibigay niya sayo ipatikim mo muna sa kanya siguraduhin mong edible at hindi ka malalason" tumatawang sabi nito
"Eh kung isumbong kaya kita sa kanya? Ang sarap kaya nung fish fillet na niluto niya non" sabi ko
"Nag level up na pala siya kung ganon, dati puro strawberry desserts lang ginagawa niya. Nasaan ba siya?" Tanong pa niya
"Nasa kitchen nagluluto ng chicken alfredo ala Klea" natatawang sabi ko
"Okay na sana yung chicken alfredo bakit may ala Klea pa?" Kontra na naman niya
"Malay natin masarap diba? Edi sorry ka nalang kasi hindi mo matitikman" tsaka ko siya binelatan
"Hi! Busy ka?" Dinig kong boses ng isang babae
"Oh Hello hindi naman napadaan ka?" Tanong ni Kidd sa kanya
Hindi ko nakikita yung babae at shirt lang ni Kidd ang nakikita ko ngayon
"Napadami kasi ang naluto kong tinola kaya naisipan ko dalhan ka. Sakto sabi ni Manang hindi kapa daw kumakain" pigil ang gigil at hindi alam ang gagawin ng marinig ko ang kalandian ng babae
"Salamat ha? Ang tagal ko ng hindi natitikman ang paborito kong tinola" dinig kong sagot naman ni Kidd. Bakit kailangan pa niyang sabihin na paborito niya ang tinola?! Pwede namang thank you at bye na duba?!
"Bakit lukot yang mukha mo?" Tanong ni Klea habang binababa sa center table ang dalawang plato ng pasta at isang pitchel ng tubig. Tsaka niya kinuha ang remote ng tv at ini on yon.
"Ah wala ang dami mong napapansin" sabi ko habang pinapakinggan pa yung dalawang nag uusap
"Si Kuya busy?" Tanong ni Klea tsaka tinanggal ang isang earphone sa tenga ko at sinuot naman niya
"Hindi pa kasi ako kumakain baka pwede sumabay nalang sayo?" Malambing na sabi nung babae na nagpa ningkit ng mata ko
"Sino ang talandeng babaeng ito?!" Tanong sakin ni Klea
"Malay ko, tanong mo nalang mamaya sa kuya mo pagkatapos nilang nag lunch" sabi ko tsaka hinarap ang pagkaing niluto ni Klea
"Hindi kita masisisi kung nagseselos ka subukan lang ni Kuya na magloko at ako mismo gaganti para sayo" sabi ni Klea. Ngumiti nalang ako sa kanya
"Hayaan mo na at huwag kang magpa stress diyan sa kapatid mo, kung nilandi siya at nagpalandi naman edi tapos na kami no butthurt ganon talaga kapag pumasok sa ganitong relasyon katulad ng amin" sabi ko tsaka pinaikot ang pasta sa tinidor ko tsaka sinubo
"Ayusin ko lang ang mesa hintayin nalang kita" sabi pa nung babae na tila masaya
"Sige" sagot naman ni Kidd.
Ilang segundo lang at muli kong nakita ang mukha ni Kidd. Matamis akong ngumiti na parang wala lang at pinakita ko pa yung baso ko na may tubig sa kanya at uminom ng konti.
"Sino yung babaeng yon?" Tanong ni Klea sa kapatid
"Si Claire nagluto siya ng ulam at napadami daw naluto niya kaya namigay" sagot niya kay Klea
"Bakit di kapa kumain? Nauna na akong kumain may klase pa kasi kami" sabi ko
"Yeah inaayos lang ni Claire yung table hindi pa daw kasi siya kumain kaya sasabay nalang siya sakin, wala daw kasi siyang kasabay sa bahay nila" paliwanag nito
"Ahh.. edi go kumain na kayo, hindi magandang pinaghihintay ang pagkain" taboy ko na sa kanya
"Yeah dadalhin ko nalang tong laptop para makasabay ko rin kayo ni Klea" sabi pa niya. Nakita ko naman pagtayo niya at pagbuhat sa lappy niya.
"Ingat ka sa kakainin mo baka mapikot ka" sabi naman ni Klea sa kuya niya tsaka ko siya tinignan.
"Hahaha ano mapapala niya sakin? Hindi siya ganon klaseng babae" sagot pa ni Kidd habang naglalakad
"Akala mo lang wala, mag ingat ka nalang" sabi pa ni Klea sa kapatid niya
"Dito kana umupo" masiglang boses ng babae na tila tuwang tuwa "napaka workaholic mo naman pati sa pagkain hindi mo mabitawan laptop mo, mamaya na yan kumain kana muna" dinig ko pang sabi ng babae
"Ang kire!" Komento naman ni Klea. Kunwari hindi ako apektado at nagkibit balikat nalang
"Huwag na nakakahiya naman ako na" sabi ni Kidd. Hindi ko makita sa monitor kung anong ginawa ng babae kaya lalo akong naiinis
"Babe" tawag ni Kidd sakin ng maayos na lappy niya.
"Mmm?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko naman yung babae sa tabi niya
"Girlfriend mo?" Tanong pa niya kay Kidd tsaka ngumiti
"Oo nasa manila siya ngayon" sagot naman ni Kidd sa kanya
"Baka naman gusto mo kaming ipakilala sa magandang babaeng kasama mo?" Sabi naman ni Klea na dinikit pa mukha sakin at kumaway sa kapatid niya
"Claire kapatid ko si Klea at yung maikli ang buhok si Lexinne girlfriend ko" sabi ni Kidd "Si Claire nga pala anak siya ng isang tauhan dito at tumutulong din siya sa farm" tuloy ni Kidd
"Hi Hello ang ganda niyo naman, iba talaga kapag Manila girl" sabi ni Claire na nakangiti samin pero feel ko ang plastik niya
"Maliit na bagay" sagot naman ni Klea tsaka tumawa, tumawa din si Kidd sa kabaliwan ng kapatid niya
"Oras na bakit hindi kapa kumain" sabi ko
"Beh I rate mo nga in scale of 10 ang lasa" sabi naman ni Klea na nasa tabi ko
"Heto na po kakain na, ikaw din kumain kana" dinig kong sabi ni Kidd pero hindi ko siya sinagot at tinignan
"Okay bibigyan kita ng 8, 8 kasi masarap siya kaya hindi ko ginawang 9 kasi nangibabaw yung lasa ng parsley pero dahil sa cream naging smooth naman ang lasa pero naiiwan pa rin yung amoy o lasa sa bibig. Hindi ko ginawang 10 kasi gusto ko ng maraming cheese na hindi mo na achieve" sagot ko kay Klea tsaka tumingin kina Kidd. Saktong nakita ko naman na nilalagyan niya ng sabaw ang mangkok ni Kidd. Bakit hindi ba marunong sumandok ng ulam si Kidd?!
"Thanks" sabi pa ni Kidd
"Sige na kumain ka lang ng kumain magpaka busog ka" sabi pa ng babae
"Alam ko marupok kayong mga lalaki Kuya pero oras na niloko mo kaibigan ko o pinatulan kalandian ng impaktang yan kalimutan mo na magkapatid tayo" sabi ni Klea sa kuya niya tsaka kumagat ng garlic bread. Napangiti ako. At least alam kong may kakampi ako.
"Klea watch your words kumain kana lang diyan" sabi naman ni Kidd.
"Harap harapan na bastusan? Tignan mo nga maka asta yang impaktang yan parang girlfriend mo kung asikasuhin ka habang alam naman niya na nakikita siya ni Lexinne. Hindi nagsasalita kaibigan ko Kuya pero hindi naman siya manhid" sagot pa ni Klea sa kapatid niya
"Klea okay lang kumain nalang tayo baka malate pa tayo sa next class natin" sabi ko tsaka sumubo ng pasta. Ayokong tignan si Kidd baka kasi makita ko na naman yung si Claire at anong masabi ko
"Babe" dinig kong tawag sakin ni Kidd
"Mmm?" Sagot ko pero hindi siya tinitignan
"Saranghae" sabi niya. Ilang beses naba niyang sinabi ang salitang yon? Ilang beses na rin bang nakiliti ang puso ko? Pero ang dali nga palang sabihin ang salitang yon lalo na kung hindi tunay at tapat.
"Nado saranghae" sagot ko tsaka tipid na ngumiti pero hindi pa rin siya tinitignan
"Babe" tawag ulit niya sakin
"Mmm?" Sagot ko naman ulit
"Babe" tawag na naman niya ulit
"Oh?" Tanong ko sa kanya na hindi parin siya tinitignan
"Babe" tawag niya ulit kaya tinignan ko siya
"Oh napano ka?" Tanong ko sa kanya
"Hindi ka kasi tumitingin sakin" sabi niya pa. Nahuli ko naman pag irap ni Claire kaya yumuko muna ako at pinigilan ang inis ko
"Ya! Kumain kana nga! Tapos na akong kumain pero ikaw naka isang subo palang yata" sabi ko
"Naka apat na" sagot niya pa sakin "pang lima na to" sabay subo sa kutsarang may kanin at manok
"Kidd masarap ba?" Tanong pa ni Claire tsaka tumingin at ngumiti sakin. Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya. Ngiting tupperware.
"Yeah ang sarap, bakit hindi mo yata nagagalaw pagkain mo?" Tanong pa ni Kidd kay Claire
"Para kasing nabusog na ako kanina habang niluluto ko to, tapos nakikita ko pang kumakain ka at nagustuhan mo kaya siguro pakiramdam ko busog na busog na ako" sagot ni Claire.
"Wew nemen beseg ne beseg ne dew sye mekete keleng kemeen bebe ke" sabi ko na ngumiti tsaka tinaas ang kilay
"Ano babe?" Tanong pa sakin ni Kidd na tila hindi ako naintindihan
"Wala ang sabi ko ang sweet niyo, bagay na bagay kayo" sabi ko tsaka matamis na ngumiti
"Anong nangyari?" Tanong ni Klea sakin tapos sinuot ulit niya yung earphone
"Wala beh ang sweet lang kasi nila nakakatuwa sarap nilang sakalin at pagbuhulin" sabi ko kay Klea na nakapaskil ang ngiti sa mukha
"Babe mali ang iniisip mo" pagpapaliwanag pa niya
"Oh ayan! Kapag ang kaibigan ko nakipag break sayo sorry ka nalang! Ang tigas kasi ng ulo mo at ang kapal ng mukha ng impaktang yan!" Sabi pa ni Klea
"Huwag mo na kasing sulsulan pa, hindi nga kas-"
"Tama na nga yan. Kumain ka nalang diyan at ienjoy mo ang tinola niya na peyborit mo kamo. Fifteen minutes nalang at next class na namin kaya bye na!" Sabi ko tsaka nag logout at sinara ang lappy ko.
"Beh chill ka lang" sabi ni Klea sakin. Sumimangot naman ako at sumandal sa sofa.
Ilang segundo lang ay nag ring na phone ko. Nakita ko pangalan ni Kidd na tumatawag. Imbes na sagutin ay ini off ko ang phone ko. Ayoko muna siyang kausapin baka ano masabi ko.
Nag ring naman phone ni Klea at sigurado akong si Kidd tumawag kasi ng sagutin ni Klea tinawag niyang kuya. Narinig ko lang sinasabi ni Klea, sabi pa niya ikaw kasi ang manhid mo. Sige ako na bahala sa kanya.
Ayoko ng makinig sa usapan ng dalawa kaya binitbit ko pinagkainan namin papunta sa kusina at hinugasan na mga yon.
***