Chapter 22: CHAPTER TWENTY ONE
Lexinne's Pov
Sabi nila ang bilis daw dumaan ng araw pero sakin tila ang bagal naman. Miyerkules na ngayon at sabi ni Kidd dapat ngayon uwi niya kaso napalitan na naman at naging next week ulit.
Ayokong umasta na may kung anong meron sa relasyon namin ni Kidd siguro nadadala lang ako sa mga pinapakita at ginagawa niya pero sa kanya laro parin lahat.
Nakabukas ang laptop ko at nakikita ko si Kidd na abala sa ginagawa niya. Kahit kasi nasa Davao siya pinapadala parin via email at fax din.
Araw araw ganito kami, una makaka recieve ako ng text na good morning at sasabihin niyang nasa farm na siya sa oras na yon. Pag nagreply ako ng good morning tatawag na siya sakin at sasabihin mag breakfast na ako at mag ready para sa school. Kapag nakasakay na ako at papunta ng school magtetext ako sa kanya na on the way na ako sa school. Tatawag ulit siya o kaya rereplyan ako at sasabihin mag online ako pagdating sa school classroom. At heto nga nangyayari everyday.
Kahit hindi kami nag uusap okay lang daw sa kanya basta nakikita niya ako. Ayaw naman daw niyang maabala ako sa pag aaral at busy din naman siya, sapat na daw sa kanya sa ngayon na makausap niya ako kapag break time ko at nakikita niya tuwing nagpapahinga naman siya. Ngayon sabihin niyo sakin kung sinong hindi mahuhulog sa kanya?.
Nagsusulat ang prof ko sa white board habang ako pinapanood si Kidd. Nakasuot lang siya ng kulay puting sando at kulay asul na short. Napangiti ako habang minamasdan siya habang abala siya sa harap ng laptop niya.
"Baka matunaw si Kuya sa ginagawa mo" bulong ni Klea na gising na pala.
"Bakit ba kasi ang gwapo ng boyfriend ko?" sabi ko tsaka tumingin kay Klea at natawa sa sarili
"Lahi kasi kami ng magaganda at gwapo kaya hindi nakapagtataka kung magwapuhan ka sa kanya" sagot naman niya sakin at ngumiti
"Para sa ikakasaya mo sasang ayon ako ngayon sayo" sabi ko tsaka muling tumingin kay Kidd na nakatingin pala samin at nakangiti
Sinuot ni Klea ang isang earphone at nilagay naman niya sakin yung isa. Tumingin ako kay Sir Ramos na abala parin sa pagsusulat maging ang mga kaklase namin ni Klea.
"Kuya may sasabihin ako siguradong matutuwa ka" dinig kong sabi ni Klea
"Ano yon?" Dinig kong boses ni Kidd kaya tumingin ako sa kanya
"Ang sabi ni Lexinne bakit daw ba ang gwa-" tinakpan ko ang bibig ni Klea para hindi niya maituloy ang sasabihin sana niya.
"I miss you" sabi ko tsaka malapad na ngumiti. Nakita ko naman ang pag aliwalas ng mukha ni Kidd sabay ang paglabas ng mapuputi at pantay pantay niyang ngipin. Lagi nga niya akong tinatanong kung miss ko na daw ba siya at syempre tatanggi ako.
"Ahem" dinig kong boses ni Mr. Ramos at ng pag angat ko ng tingin ay nakatingin siyang masama sakin. Napangiwi nalang ako at kinagat ang ibabang labi dahil sa kahihiyan. Nakatingin din kasi sakin mga classmates ko.
"Sorry po" nahihiyang sabi ko tsaka tinanggal ang earphone sa tenga ko at tumingin kay Kidd tsaka dahan dahang sinara ang laptop
"Ms. Gomez can you tell us sino sinasabihan mo ng I miss you sa oras ng klase ko?" Sabi ng baklang prof ko na tinaasan pa ako ng kilay
"Wala po" mahinang sagot ko at yumuko
"Huwag kang bastos tumayo ka kapag kinakausap kita! Ang lakas ng boses mo ng magsabi ng I miss you tapos itatanggi mo at gagawin mo kaming bingi?!" Malakas na sabi ni Sir Ramos
"I'm sorry po Sir hindi na mauulit" sabi ko pagkatapos kong tumayo
"Matuto kang gumalang kapag kinakausap kita! Hindi puro kalandian lang alam mo!" Malakas na sabi parin niya. Kagat ang labing nakayuko ako at pigil ang pagtulo ng luha na tumango tango ako
"Baklang dragon" sambit ni Klea na nagsimula ng maliliit na hagikgikan sa loob ng classroom
"Anong sabi mo?!" Malakas na tanong ni Sir kay Klea
"Sabi ko baklang dragon!" Sigaw na sagot naman Klea ni nanatiling nakaupo lang
"Napaka walang modo! Ganyan ba pagpapalaki ng magulang niyo sa inyo?! Tumayo ka diyan!" Duro pa niya kay Klea. Sumunod naman si Klea at dumiretyo ng tayo
"Sir huwag mo idamay magulang namin dito kasi wala naman sila dito diba? Kung gusto mo ipatawag mo nalang sila sa Dean office at doon niyo sila tanungin kung anong klaseng pagpapalaki samin ang ginawa nila" balewalang sagot ni Klea sa kanya
"Talaga! Kakausapin ko bukas ang mga magulang niyo kaya siguraduhin niyong darating sila sa bukas!" Halos sumabog ngala ngala ni Sir Ramos habang sinasabi yon
"Sir uso po toothbrush mura lang naman toothpaste" sabi pa ni Klea na tinakpan pa ilong niya
"Abat! Napaka maldita mong bata ka! Siguraduhin mo lang darating nanay mo bukas! Hindi ko mapapalampas to!" Sabi ni Sir Ramos na pinaypay ang sarili gamit ang sariling kamay
"Sir excuse me po hindi po kasi pwede nanay ko bukas" sagot pa ni Klea
"At bakit hindi?! Kailangan kong makausap ang nanay mo kung ayaw mong ibagsak kita!" Malakas na sabi pa rin ng prof namin
"Hala Sir huwag naman po!" Sabi ni Klea na tila nag aalala
"Ngayon natatakot kang mabagsak? Ano ngayon gagawin mo hihingi ka ng sorry at mag mamakaawa sakin para lang ipasa ka?! Huwag ka ng umasa!" Nanggigigil na sabi pa ni Sir Ramos
"Sir hindi po ako natatakot mabagsak pero takot po ako sa multo. Hindi po pwede bukas nanay ko at sa ibang araw tsaka hindi mo naman siya makakausap. Pero kung ipipilit niyo at gusto niyo siyang makita ipapahukay ko siya sa libingan niya pero magpamisa po tayo ha? Baka multuhin kasi niya tayong dalawa" sabi ni Klea na ikinatawa ng mga kaklase ko at maging ako "pero Sir pwede naman po tatay ko ngayon alam ko kasi nasa school siya ngayon at naglilinis ng kalat ng mga estudyante" sabi pa niya
"Napaka walang modo mo sigurado pinaglihi ka ng namayapa mong ina sa basurang winawalis ngayon ng tatay mo. Tawagin mo tatay mo at papuntahin siya ngayon ora mismo!" Pigil ang sigaw na sabi ni Sir Ramos tsaka naglakad palapit sa teachers table.
"Unlimited sa walang modo Sir? Baka gusto niyo na kaming paupuin? Nakakangawit Sir kala mo" kinurot ko ang tagiliran ni Klea at tila nasaktan naman ito
"Seat down!" Sigaw ni Sir Ramos at mabilis akong sumunod maging si Klea ay umupo na din at dinukot ang phone niya sa bulsa at ilang saglit lang ay may kausap na siya sa phone tulad ng laging ginagawa niya
"Sir papunta na daw po erpat ko!" Malakas na sabi ni Klea gigil na gigil naman si Sir sa kanya
Hindi na sumagot si Sir Ramos pero halata sa mukha niya na galit siya. At dahil na rin sa galit niya napa quiz tuloy kami. Angilan naman mga kaklase ko kasi pati daw sila nadamay.
Nasa question number 7 palang kami ng may kumatok sa pinto at dumungaw ang isang matandang lalaki na naka amerikana.
"Dad!" Tawag ni Klea sa kanya. Siya pala ang Daddy nila ni Kidd.
"Yes princess what's the matter?" Tanong ng Daddy ni Klea sa kanya na tuloy tuloy pumasok at nilapitan si Klea
"Nothing may gusto lang itanong professor ko sayo, anyway this is Lexinne my bestfriend and Kuya's girlfriend" sabi niya na hinila ako patayo at pinakilala ako
"Kumusta po?" Nahihiya at magalang na tanong ko
"I'm happy knowing that you're my son's girlfriend. I know this is not the right place to welcome you in our family maybe we can have a chitchat later over dinner?" Sabi ng daddy niya. Tumango tango naman ako at pilit na ngumiti
"Dad huwag excited kakausapin kapa ng prof ko" sabi ni Klea na hinila na ang Daddy niya palapit sa teachers table kung saan naroon si Sir Ramos at pinagpapawisan.
"Good afternoon Mr?" Sabi ng Daddy ni Klea na inoffer agad ang kanang kamay niya
"G-go-good afternoon po Mr. Chairman" nabubulol na sabi ni Sir Ramos at tinanggap ng dalawang kamay ang kamay ng Daddy ni Klea
"May sasabihin ka daw?" Tanong ng Daddy ni Klea punas naman ng punas si Sir sa noo at mukha niya sa tumutulong pawis niya
"W-wala naman po Sir" nabulol pang sabi ni Sir sabay iling
"Bakit mo ako pinapunta dito kung wala ka palang sasabihin?" Mahinahon pero may diin na tanong na sabi ng Daddy ni Klea sa boses na binitawan nito ay halatang napaka taas na tao niya
"So-sorry po Sir" sabi ni Sir Ramos tsaka siya yumuko dito
"May ginawa bang kalokohan si Klea sa klase mo?" Matigas na tanong ng Dad ni Klea
"Hindi naman po ganon kalala Sir" magalang na sagot naman ni Sir Ramos
"Ano ba ang ginawa niya at nagawa mo pa akong ipatawag dito? Alam mo bang basasayang oras ko dahil sa paligoy ligoy mo?"
"Dad ganito kasi yan tinawag ko siyang baklang dragon at sinabi niyang wala akong modo tapos kakausapin ka daw" sabat ni Klea sa dalawang nag uusap
"Tama lang na sabihan ka ng walang modo dahil hindi mo ginalang ang guro mo!" Malakas na sabi naman ng Daddy ni Klea
"Atsaka Sir napaka pilosopo po niya, sabi ko po kasi kakausapin ko mama niya ang sabi niya huhukayin daw muna niya" sumbong ni Sir Ramos sa Daddy ni Klea. Tinignan ko naman si Klea na ngumisi at tila pinipigilan ang pagtawa
"Hindi mo na ginalang ang Mommy mo at dinamay mo pa siya sa kalokohan mo palagay mo ba matutuwa ang Mommy mo na nagkaka ganyan ka?" Mahinahon pero nakakatakot ang Daddy ni Klea sa tingin palang niya kasi kikilabutan kana
"Dad higit kanino man ikaw ang nakakakilala sakin, ako lang naman nag iisang prinsesa mo diba? Sabi mo pa nga pati amoy ng utot ko alam mo. Anong pamamaraan ba ginawa niyong pagmamalaki sakin ni Mommy? Kasi sabi ni Sir pinaglihi daw ako sa basura ng nanay ko kaya basura ugali ko at ikaw naman daw ang taga walis ng basura" sabi ni Klea na lumapit sa teachers table tsaka umupo don
"Ano?!" Sigaw ng Dad ni Klea na nag echo pa sa apat na sulok ng classroom namin "sakin mo sabihin ang sinabi mo sa anak ko. Guro ka lang ng anak ko at kung may problema ka sa ugali niya disiplinahin mo at hindi kita babawalan bagkus gagantimpalahan pa kita. Pero ang sabihin na pinaglihi siya sa basura ng asawa ko hindi ko kailanman matatanggap" mariin na sabi ng Daddy ni Klea sa harap ni Mr. Ramos na naluluha na
"Dad huwag ka ng magalit kasalanan ko din naman kasi tinawag ko siyang baklang dragon. Pero Sir ayoko mag sorry sa pagtawag sayo na baklang dragon alam kong pangit ang inasal ko kanina at napaka walang modo ko naman talaga kaso wala ka din kasing modo eh" sabi ni Klea
"Klea enough!" Malakas na bawal ng Dad ni Klea sa kanya
"Sorry Dad siya naman kasi nauna. Kung hindi ko siya ginalang kanina at wala pa rin akong galang sa kanya ngayon ay deserve niya" depensa ni Klea tsaka tumingin kay Sir Ramos "Sir kung gusto mong galangin kayo ng tao matuto kayong gumalang din sa kanila. Alam mo ba Sir kung bakit kita sinagot sagot? Kasi mas wala kang modo. Naturingan kang guro sa eskwelahan nato pero ikaw mismo hindi mo alam kung paano magpakatao. Oo mali ang mag chikahan sa klase at hindi makinig sa tinuturo niyo pero tama bang ipahiya kami at tawaging malandi dahil lang sa narinig mong I miss you?! Nag sorry na nga si Lexinne diba? Pero anong ginawa mo? Teacher ka lang namin at hindi ka naman imbestigador o chismosa sa kalye na kailangan usisahin pa ang pribadong usapan namin!" Mariin na sabi ni Klea tsaka bumaba mula sa pagkaka upo niya sa mesa
"Paano mo nasabi yan sa mga bata? Better explained this to me at my office. Klea and Lexinne and you and you" turo ng Dad ni Klea kina Blake at Sandra "come with us" utos ng Daddy ni Klea
Sa Office of the Chairman kinuwento nina Blake at Sandra ang nangyari. Humingi ng sorry si Sir sakin at kay Klea at pinatawad naman namin siya. Humingi din kami ng sorry sa kanya na tinanggap naman niya.
Dahil nag aalala si Mr. Ramos na baka matanggal siya ay nakiusap siya kay Chairman na huwag siyang tanggalin dahil marami daw siyang kapatid na sa kanya lang umaasa. Pinagbigyan naman siya at sinabi ni Chairman sa kanya na warning na niya ito at sa susunod na mangyari ulit ang ganito ay patatalsikin na siya. Nakahinga naman ako ng maluwang dahil hindi na rin na daw kailangan pumunta ng parents ko. #HayyyySalamat
***