Chapter 21: CHAPTER TWENTY

Lexinne's Pov

Nakatingin ako sa salamin at naglalagay ng lip moisturizer ng mag text si Klea malapit nalang daw siya. May usapan kasi kaming pupunta sa Mall ngayon at manonood ng movie susunduin nalang daw niya ako.

Bumaba ako at sinamahan si Mama na nanonood ng movie sa may sala. Linggo ngayon pero wala sina Didi at Kuya. Tinawag kasi si Didi kaninang kumakain kami ng lunch may problema daw sa isang site tapos kanina naman umalis din si Kuya tinawagan din kasi siya parang dumating na ang kotse niya.

"Ma ayaw mo bang sumama samin ni Klea?" Tanong ko kay Mama

"Kayo nalang kailangan ko pang maghanda ng dinner natin next time nalang ako sasama" sagot niya sakin

Tumingin ako sa pinapanood niya at nakita kong cheese in the trap the movie pinapanood niya. Idol niya talaga si Park Hae Jin at lahat ng movies at drama niya pinapanood talaga ni Mama.

"Helloo!" Masiglang sabi ni Klea na bagong dating tsaka parang beauty queen na kumakaway papasok ng bahay

"Hahaha halika tuloy ka" tumatawang sabi ni Mama

"Hi Tita nasaan yung gwapo mong anak aakitin ko muna" pabirong sabi niya na ikinatawa pa namin ni Mama tsaka siya umupo sa tabi ni Mama

"Umalis siya kanina pero pabalik na rin siguro siya" sagot ni Mama sa kanya "Nay paki dalhan nga po ng snacks si Klea" utos pa ni Mama kay Nay Sally

"Hi beh nandiyan ka pala" sabi pa ni Klea na kumaway pa sakin

"Kaya siguro gusto mong sunduin nalang ako dahil gusto mong makita kuya ko no?" Panghuhuli ko sa kanya

"Hoy 'di ah! Pero parang ganon din" tsaka siya tumawa di man lang nahiya kay Mama

"Ma payag kabang maging manugang yang si Klea?" Natatawang tanong ko kay Mama. Humarap naman si Klea kay Mama at nagpa cute.

Pinisil ni Mama ang magkabilang pusngi ni Klea at sinabing "Sino bang aayaw sa ganitong kagandang bata" tsaka sila tumawa

"Mama na hindi Tita itatawag ko po sa inyo mula ngayon" sabi pa ni Klea na umayos na ng upo at uminom ng smootie na dala ni Nanay Sally.

"Wala naman akong nakikitang masama kung tatawagin mo rin akong Mama tulad ng Kuya mo, para na rin naman kitang anak" sabi naman ni Mama

"Talaga po? Ang totoo po niyan naiinggit ako kay Lexinne kasi kumpleto kayong family niya at magkakasama pa sa bahay. Wala na po kasi Mommy namin ni Kuya 3 years na siyang nasa heaven. Magkakahiwalay din po kami ng tirahan at sobrang dalang lang po kaming magkita at kumain ng sabay sabay sa isang mesa" nakangiti pero ramdam mo ang lungkot sa boses ni Klea

"Sorry to hear that pero bakit ganon naman? Kahit anong busy dapat ng Daddy niyo bigyan niya dapat ng time ang mga anak niya" sabi naman ni Mama na hinawakan ang braso ni Klea

"Kasi po may ibang family na Daddy namin. One year after mamatay ni Mommy nag asawa po ulit siya, well hindi sila kasal ng stepmother ko pero sa bahay po siya nakatira. Hindi naman tumutol si Kuya nung iuwi niya yung babae sa bahay namin kaya hinayaan ko na rin siya. Ang sabi kasi ni Kuya suportahan nalang namin yung kaligayahan ng Daddy namin at para may makasama pa rin siya sa pagtanda niya" kwento pa ni Klea

"May punto naman kuya mo kahit hindi ko naranasan alam ko masakit para sa inyo na mang uwi ng ibang babae ang Daddy niyo sa bahay at ipapakilala siyang second mom niyo. Pero dahil mabait kayong anak tinanggap niyo ang stepmother niyo para sa happiness ng Daddy niyo. Pero sana kahit may bagong pamilya na siya huwag niya parin kalimutan responsibilidad niya bilang ama sa inyo ni Kidd" sabi naman ni Mama

"Yun nga po eh, noong una po okay naman pagsasama namin ng madrasta ko at nung anak niya sa bahay. Pero wala pang isang buwan pinakita na nila yung tunay na ugali nila na maging ang yaya namin ni Kuya non sinaktan nila. Ang tanga tanga daw ng yaya namin simpleng utos lang daw hindi pa magawa ng maayos. Hindi naman po kasi katulong lang ang yaya namin ni Kuya siya po pangalawang ina namin kaya ng sabihin ni Daddy na balak niyang pakasalan yung babae niya agad akong tumutol na ikinagalit naman ng stepmother namin" kwento pa nito

"Aigoo bakit naman ganon ang stepmom niyo? Kahit kasambahay lang yung tao kailangan respetuhin mo pa rin siya at huwag sabihan ng magpapakababa sa pagkatao nila. Sinabi niyo ba yon sa Daddy niyo?" Tanong pa ni Mama

"Mmm" tumatangong sagot ni Klea "nagsumbong ako sa Dad ko pero wala naman siyang ginawa at nakinig pa sa best actress na babae niya. Sa huli kahit ayaw namin ni Kuya umalis nalang si yaya sa bahay. Panahon na daw para mga apo naman niya alagaan niya. Tapos nung umalis si yaya umalis na rin po ako ng bahay, ang dami ko ng nilipatan at ngayon nakatira ako sa school. Si Kuya naman po kasi sa Australia naka based non kaya nagkakausap lang kami lagi sa phone. Mahigit isang taon na rin po akong namumuhay mag isa. Kung hindi lang umuwi si Kuya hindi ako matutulog ng isang gabi knowing na nasa iisang bahay lang kami ng stepmom ko at ng anak niya"

"Okay ka lang ba ngayon? I mean pwede kang dumito samin may guess room naman kami at hindi ka naman iba samin" sabi ni Mama

"Thank you po Tita pero nakakahiya naman tsaka baka magsawa ako sa mukha ni Gab mawalan ako ng interes sa kanya at magkaroon ng ibang crush" sabi ni Klea tsaka tumawa

"Beh dito ka nalang tumira ako kasi natatakot sayo kapag umuuwi ka sa back building, paano kung may sumalbahe sayo don diba? At least dito kasama kita at marami ka namang crush kaya okay lang kung palitan mo na agad agad si Kuya" sabi ko naman

"Tse! 3 days ko palang crush kuya mo kapag umabot ng 1 week pag iisipan ko kung tsupi naba siya sa buhay ko. Huwag ka nga masyadong mag worry sakin marunong akong mag karate" sabi niya pa na inaksyon pa mga kamay at isang paa niya

"Sa nalaman ko ngayon hindi ko mapipigilan sarili ko na hindi mag worry sayo. Pag isipan mo ang alok ko at tandaan mo laging bukas ang bahay namin sayo" sabi pa ni Mama

"Talaga Tita? Pwedeng sa kwarto nalang ako ni Gab tumira?" Nakayakap na sabi niya kay Mama tsaka tumawa

"Pwede naman basta pakasal muna kayo" game naman na sagot ni Mama

"Mama na talaga itatawag ko sayo Tita pag iisipan ko muna paano pikutin ang anak niyo at tatawagin kong Operation Pikutin si Gabriel Gomez oha!" Sabi pa ni Klea tsaka tumawa

"Anong sabi ko sayo Ma? Diba baliw siya? Nakita mo na ang ebidensiya" sabi ko kay mama na may ngiti sa labi

"Mga bata kayo kebabata pa ninyo alam niyo na ang pikot pikot na yan. Mas maganda parin na magtapos muna kayo ng pag aaral at mas masarap bumuo ng pamilya kung walang doubt sa pagmamahalan niyong mag asawa" payo pa ni Mama

"Nagbibiro lang naman po ako pero swerte ng anak niyo kapag napaibig niya ang isang Klea Pimentel" mayabang na sabi ni Klea na dinrowing pa sa hangin ang pangalan niya.

"O sige na sige na umalis na kayo at ng hindi kayo gabihin ng uwi. Tumawag kayo kapag may problema okay?" Taboy samin ni Mama

"Mabuti pa nga Ma" sabi ko tsaka humalik sa pisngi ni Mama at tumayo

"Bye Mama Tita" sabi naman ni Klea na humalik din kay Mama at yumakap sa braso ko

"Mag ingat kayo" pahabol pang sabi ni Mama na hinatid pa kami sa labas kung saan naroon ang kotse ni Klea

****

Cinema

"Ito talaga panonoorin natin?" Tanong ko kay Klea habang hawak ang dalawang ticket na binili niya

"Loka maganda yan" sagot niya sakin at hinila ako papasok sa may #4

"Akala ko pa naman Horror film o kaya Comedy Romace panonoorin natin kung alam ko lang na Deadpool 2 ang gusto mong panoorin humindi sana agad ako" nakabusangot na sabi ko

"Okay yan action movie kaysa sa kakornihan na comedy romance na sinasabi mo" sagot niya sakin

"Edi mag horror o thriller tayo" sabi ko na hinila siya

"Hindi dito nalang tayo" sabi niya na tumingin tingin pa sa paligid namin

"Oo na" talong sagot ko tsaka sumunod sa kanya. Umupo kami malapit sa may fire exit at sakto naman magsisimula na ang palabas.

Tutok ang mata ko sa big screen habang kumakain ng popcorn at walang pakialam sa paligid ko. Akala ko boring mga actions movie pero napaka interesting pala. Pinapanood ko lang kasing action movie yung Fernando Poe Jr. at Robin Padilla.

Nagpaalam si Klea na pupunta ng CR sasamahan ko sana siya pero todo tanggi niya, eebak siguro ang bruha. Halos patapos na ang pelikula ng magbalik si Klea sa tabi ko sinita ko siya kung nilabas niya ba ang jerbs niya na wawasak sa sanlibutan sa sobrang tagal niya sa banyo. Mukhang hindi niya na gets kaya pinabayaan ko nalang, ayoko maistorbo sa pinapanood ko.

Nang matapos ang pinapanood namin ay nag aya ulit si Klea na ulitin. Pinagbigyan ko siya kasi siya naman talaga ang gustong manood nito kaso ang tagal kasi niya sa banyo kanina kaya hindi niya napanood ng buo.

Nanood ulit ako at napansin kong lagi siyang tumitingin sa phone niya at may katext. Hinayaan ko nalang baka kasi importante tsaka napanood naman na namin banda sa part na to.

Hindi pa kami umabot kung saan noong nagpaalam siya nag cr ay nagyaya na siyang lumabas, boring daw kasi. Ako kaya nabobored sa mga action movies baligtad yata? Pero pinabayaan ko nalang kasi siya naman nagyaya.

Paglabas namin sa cinema 4 ay ramdam ko pagka balisa ni Klea kung saan saan siya tumitungin kaya hindi naiwasang magtanong at mag alala sa kanya. At ang sagot huwag daw akong maingay feel daw niya natae siya sa panty niya.

Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa ng malakas hanggang sa takpan niya bibig ko at halos kaladkarin ako palabas ng Mall. Nakapasok na kami sa kotse niya ay tumatawa pa rin ako. Paulit ulit akong humihingi ng sorry sa kanya dahil sa pagtawa ko hanggang sa mahatid niya ako sa bahay pero hindi ko talaga mapigilan ang matawa kapag tinitignan ko siya.

***