Chapter 20: CHAPTER NINETEEN
Lexinne's Pov
"Beh anong masarap strawberry fudge, strawberry cheesecake o strawberry poke cake?" Tanong sakin ni Klea na kinakalikot phone niya sa tabi ko
"Try mo nalang tikman lahat pero feel ko yung strawberry cheesecake" mahinang sabi ko na halos pabulong na. Nagka klase kasi kami at wala lang talaga siyang pake.
"Palibhasa may cheese yung pangalan yun na pipiliin" sabi pa niya. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay parang nakikita ko na nanunulis ang nguso niya.
"Alam mo naman na paborito ko ang cheese" mahinang sabi ko tsaka sumulyap sa laptop kong nakabukas at nakita doon si Kidd na may kausap. Hindi ko suot earphone ko kaya hindi ko marinig pinag uusapan nila.
"Sino kausap ni Kuya?" Tanong ni Klea sakin na nilapit pa ang mukha para makita ng malinaw
"Malay ko" mahinang sagot ko tsaka iniwas ang tingin sa screen ng laptop at nag focus sa sinasabi ni Ms. Amanda Espanto
"Pretty si girl pero mas pretty ka beh kaya huwag mong pagselosan to" dinig ko pang sabi ni Klea "pero sabi nga nila lamang tiyan din diba?" Komento pa niya "pero hindi naman gagawin siguro ni kuya ipagpalit ka sa kanya" sabi pa nito kaya sinarado ko nalang ang laptop
"Para kang bubuyog ang ingay mo" hindi ko napigilang sabi at pinandilatan pa siya ng mata
"Sorry na beh pero bakit mo sinara? Hindi natin mababantayan ang galaw ng dalawa niyan" sabi pa nito na kinuha ang laptop sakin at binuksan yon
"See you again tomorrow" paalam ni Ms. Amanda na walang lingon lingon na dumiretyo siya palabas
"Omo! Beh tignan mo'to!" Sabi ni Klea tsaka nilagay ang laptop sa desk ko
"Oh napano?" Tanong ko naman nakita ko parin si Kidd na kausap yung babae
"Kanina kasi halatang nilalandi nung babae si kuya may pahampas hampas pa siya ng braso" sabi nito
Agad ko namang sinuot earphone ko para marinig yung usapan nung dalawa. Puro trabaho naman pinag uusapan nila kaya sinamaan ko ng tingin si Klea.
"Bakit?" Painosenteng tanong niya tsaka ko narinig tawanan nung dalawa na ikinatingin ko ulit sa monitor. Takip ng babae ang bibig niya sa isang kamay habang tumatawa at nakahawak sa braso ni Kidd "Beh tignan mo galawang malandi yung babae" sabi pa ni Klea
"Enjoy naman kuya mo eh, galawang nagpapalandi" sabi ko tsaka tinanggal ang earphone sa tenga ko at iniwas ang tingin sa screen
"Lagot ka kuya" dinig kong sabi ni Klea na ikinatingin ko sa laptop. Wala na yung babaeng kausap niya kanina. Sinuot ni Klea sa tenga ko ang isang earphone habang nasa kanya naman yung isa.
"Bakit ako lagot? Anong ginawa ko?" Tanong niya
"Ewan ko sa kapatid mo" sagot ko tsaka tumingin kay Klea
"Bakit ako na naman? Ikaw kaya nagsabi na galawang nagpapalandi si Kuya at nag eenjoy siya" sagot naman ni Klea sakin tsaka tumingin sa kapatid niya
"Anong nagpapalandi ako?" Parang naguguluhan pang tanong ni Kidd
"Wala huwag kang makinig sa kapatid mo, may nakita kasi kaming babae na kausap mo kanina at sabi niya galawang malandi daw yung babae kaya sinabi ko na nag eenjoy ka naman sa paglalandi niya sayo" sabi ko
"Si Claire? Hahaha mali iniisip niyo sa kanya hindi siya malandi" tanggol nito sa babaeng claire pala ang pangalan
"Edi sorry" sabi ko nalang at tinanggal ang earphone ko ng dumating si Sir Alfie. Nagpatuloy naman sa pag uusap ang dalawa at nakita ko nalang si Sir Alfie na umiiling iling.
"Nag review ba kayo kagabi?" Simulang tanong ni Sir Alfie tsaka nagsimulang mag attendance. "Okay prepare your paper and write down your prediction and the reason why you predicted that way" sabi pa ni Sir. Agad ko namang nilabas mula sa bag ko ang ilang pirasong yellow paper na nakatupi sa dalawa at nakaipit sa catleya notes ko.
"Tama na muna yan at sagutin ang sinabi ni Sir Alfie" sabi ko sabay turo sa white board kung saan sinulat niya ang sinabi nito kanina. Inabutan ko naman ng papel si Klea at tinanggap naman niya ito. Binigay ko rin extra pen ko kasi wala naman talaga siyang gamit.
"Ano ba sagot?" Tanong nito sakin
"Isulat mo muna pangalan mo bago ka kumopya ng sagot ko. Hindi kaba nahihiya nakabantay kuya mo sayo" sabi ko sabay turo kay Kidd na pinapanood kami
"Bakit ako mahihiya mas malala pa nga yan sakin" sabi nito na nagsimula ng sulatan ng pangalan ang papel niya "ano ba isusulat ko?" Tanong nito sakin
"Hindi ka kasi nakinig kahapon kaya natural lang na hindi mo alam isusulat mong sagot. Sasagutin ko lang ang akin tapos igagawa kitang iyo pero please lang basahin at intindihin mo" sabi ko tsaka mabilis na tinapos ang akin. Gamit ang isa pang papel nilagay ko ang tanong na ginawa ko para kay Klea ang experiment ang predict at observe ako na din nag explain sa naging observation ko dahil ako naman talaga may alam. Mabuti nalang at nagawa ko na to dati kaya hindi na ako gaanong nahirapan. "Isulat mo na tapos basahin at intindihin mo" sabi ko sa kanya
"Ang haba naman" reklamo pa niya
"Thank you ha?" Sarcastic kong sabi
"Your always welcome basta ikaw" sagot pa niya sakin at nagawa pa niyang ngumiti
Tumingin ako sa laptop at nakita kong suot pa rin ni Kidd headphone niya habang abala siya sa pagta type sa isang laptop na gamit niya. Dahil tapos na ako sa ginagawa ko ay malaya ko siyang napapanood.
Hindi ko alam kung anong trip ni Kidd at naisip niyang mag video call kami simula kaninang umaga. Sabi niya gusto niya akong makita kaya pinag bigyan ko dahil ako rin naman nag suggest sa kanya non. Ang akala kong video call na magtatagal lang ng ilang minuto ay hindi na huminto pa. Kahit nasa school na daw ako huwag ko daw tanggalin o patayin gusto daw kasi niya akong makitang nag aaral.
Habang kumakain kami kanina ni Klea ng lunch ay kasabay din namin siya. Natuwa naman ako kasi nakasabay namin siyang kumain kahit wala ang katawang lupa niya sa tabi namin ni Klea.
Nakakatuwa naman kasi talaga makita na kahit nasa school ako nakikita ko pa rin bawat galaw niya. Nakikita ko mga kinakausap niya, nakikita ko mga kinakain at iniinom niya at nakikita ko kung gaano siya kaseryoso sa trabaho niya tulad ngayon.
Abalang abala siya sa pag tipa sa laptop niya. Ang bibilis ng mga daliri niya at halatang memoryado ang bawat pwesto ng mga tinitipa niya. Hindi nga niya nakukuhang tumingin sa keyboard at tuloy tuloy lang siya.
Sumulyap siya sakin at ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya. Ganito pala itsura niya kapag nagtatrabaho, napaka seryoso.
"Hayan tapos na ako thank you beh" sabi ni Klea tsaka niya sinoli ang pen ko
"Basahin mo muna baka matawag ka ni Sir at itanong sayo mga sinulat mo, alam pa naman niya na hindi ka nakikinig sa mga lessons nia" sabi ko dito
*******
"Beh samahan mo'ko sa supermarket please?" Pakiusap ni Klea sakin habang inaayos ang mga gamit ko
"Akala ko ba nag grocery kana kahapon?" Takang tanong ko sa kanya
"Oo kaso kulang kulang nabili ko gusto ko magluto hindi ako makapag luto dahil walang mantika" sabi pa niya na nanunulis ang nguso
"Sa susunod kasi isulat mo mga bibilhin mo para wala kang makaligtaan" natatawang sabi ko
"Hi Lexie" malapad na ngiting tawag sakin ni Pearl kasama ang mga alagad niya.
"Hello" walang ganang sabi ko tsaka tipid na ngumiti. Mabilis naman nakarating sina Pearl sa harapan namin ni Klea
"May nabalitaan ako" simula ni Pearl tsaka hinawakan ang dulo ng buhok ko at pinaikot ikot yon "may boyfriend kana pala nuh?" Sabi pa niya
"Ano naman masama kung may boyfriend na siya?" Mahinang sabi ni Klea pero halatang narinig ng apat
"At sino ka namang asungot ka?" Pagtataray ni Pearl na pinag krus pa mga kamay niya sa harap ni Klea
"Bobo kaba o talagang wala ka lang talagang utak? Ikaw na nagsabi asungot diba? Kaya sa susunod na magkita tayo alam mo na itatawag mo sakin. Pero huwag mo nga pala akong tatawagin baka isipin pa ng mga tao close tayo. Eww wala akong kaibigang mukhang pokpok. Oops! Di ko sinabing pokpok ka ha? At di ko rin sinabing kaibigan kita" sabi naman ni Klea na ngumisi
Hinila ko si Klea palapit sakin kasi humakbang ito kanina palapit kay Pearl. Nakita ko naman ang pinaghalong galit at inis sa mata at mukha ni Pearl ngunit nanatili pa rin siyang kalmado.
"Hindi ko alam kung anong pipiliin ko sa mga sinabi mo" sagot naman ni Pearl na hindi inaalis ang pekeng ngiti sa mga labi niya "bobo o walang utak? Pwedeng both nalang? Kasi bobo ako kaya hindi ako makapag isip kung ano ba ako at dahil wala akong utak hindi talaga ako makakapag isip. Kaya tatanggapin ko nalang yung dalawang sinabi mo" sabi niya tsaka niya tinaasan ng kilay si Klea "mas okay na maging bobo at walang utak kaysa naman maging kamukha mo at pandak" sabi pa ni Pearl tsaka siya nag flip hair sabay tawa ng mga alagad niya
"HAHAHAHA!" Malakas na naki tawa rin si Klea sa kanila ako naman hinihila at kinukurot ko siya ng mahina para tumigil na "Ikaw na! Tamang tama sayo yung kasabihan na "what is beauty if your brain is empty?" Palitan mo na motto mong time is gold ha? Ang gamitin mo nalang "Zombies eat brains, I'm safe" hindi ko naman mapigilan sarili kong tumawa kaya yumuko nalang ako at pilit pinigil ang pagtawa
"At may gana kang tumawa sa kababawan ng kaibigan mo?" Sabi naman ni Abby na ikinatingin ko sa kanya. Sakin pala niya talaga sinasabi yon
"Ha?" Tanging nasabi ko lang na nagpatahimik sakin
"Kailan pa pinagbawal na hindi pwedeng tumawa?" Tanong naman ni Klea kay Abby "beh tawa lang wag mong pigilan baka mautut ka" sabi pa niya tsaka tumawa ng tumawa
"Pearl let's go don't waste your time and energy on people who aren't worth it sayang ang ganda natin sa kanila" sabi ni Abby na pinaikot pa eyeballs niya
Marami raming nakikiusyosong mga estudyante samin kaya gusto ko sanang makaalis na kami ni Klea pero mukhang wala siyang balak magpaawat. Umandar na naman pagka mandirigma level niya.
"Hahaha! Beh narinig mo yon? Ganda daw nila?! Hahaha! Sa kanya pa talaga galing yon hahaha!" Walang tigil na sabi ni Klea sakin tsaka siya muling humarap kina Pearl at tinitigan si Abby tsaka muling tumawa "big word coming from you! Hahaha" sabi ni Klea na tinignan mula ulo hanggang paa si Abby. "sa inyong apat ikaw pinaka matalino pero anong gandang sinasabi mo? Ang double eyelid na pinagawa mo sa korea? Ang ilong mo na thank you Belo? O baka naman nung pumunta ka ng Thailand nagpa sex change ka? Wow ha! Hindi halatang lalaki ka dati" sabi ni Klea na ikinatawa ng maraming nanonood.
"Hindi kana nakakatuwa tumigil kana" galit na sabi naman ni Hailey na hinawakan pa si Abby
"Ay tanga! Hindi mo nakikita o naririnig tawanan nila? Kailangan mo nabang magpa check up sa audiologist? Naku! Hindi mo pala kailangan non dahil mas kailangan mo ang psychiatrist. Tsaka Haileyparot kang Haileyshit ka ako ang hindi na natutuwa sayo kaya manahimik ka bago sumabog bunganga ko ano pang masabi ko sayo!" Sabi ni Klea na kulang nalang lumabas ang apoy sa mga matang nakatingin kay Hailey. "O ikaw may sasabihin ka din ba?!" Mataray na tanong naman niya kay Maggie. Umiling iling naman ang isa kaya hinila na ako ni Klea at walang pake kung mabangga niya ang fab4.
"Baliw ka talaga" mahinang sabi ko habang naglalakad kami palayo
"Nasa level 2 palang ako nito ibig sabihin chill pa kaya huwag nila akong sagarin at baka mag super sayan ako" sagot niya sakin
Nang makalayo kami at makarating na ng parking lot ay nakahinga ako ng maluwang. Kakaiba talaga ang kaibigan ko, napaka inosente ng mukha niya at hindi mo iisipin na may nakatagong lahi ni Gabriela Silang sa kanya.
***