Chapter 19: CHAPTER EIGHTEEN
Lexinne's Pov
"Nak bumaba kana at naka ready na almusal niyo" tawag sakin ni Nanay Sally
"Bababa na po" walang ganang sabi ko.
Tinignan ko ang phone ko pero napasimangot lang ako dahil wala akong na recieve na good morning text galing kay Kidd. Ano naman ngayon diba? Kailangan ba niya akong itext?! Fake lang naman relasyon namin kaya huwag dapat mag demand ng oras, ng text o ng kahit ano pa sa kanya. Pero siya kasi nagsabi na kailangan itreat namin ang bawat isa na tunay na magkasintahan diba? Tsk! Bahala siya.
"Good morning Di, hindi ka namin nakasabay nag dinner kagabi kumusta meeting mo?" Dirediretyong tanong ko kay Didi pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi
"Goes well" nakangiting sagot niya sakin tsaka inakbayan
"Good morni-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko si Kidd nakatayo kasama si Mama nakasuot pa nga siya ng apron "good morning" tuloy ko sa sasabihin ko
"Good morning sweetie umupo na kayo ng makakain na, nasaan naba kuya mo?" Tanong pa ni Mama na tumingin pa sa may hagdan "Nay pakitawag nga po ulit si Gab" utos ni Mama kay nanay sally
"Good morning babe" bati naman ni Kidd na lumapit sakin at tulad ng naka ugalian niya pinaghila niya ako ng upuan
"Good morning" bati ko pabalik sa kanya at umupo. "Akala ko ba maaga flight mo bakit nandito kapa?" Tanong ko sa kanya tsaka ko tinanggal ang apron na suot suot pa rin niya.
"Oh nakalimutan ko na" natatawang sabi niya tsaka niya kinuha sakin yung apron at tumayo para ibalik sa kusina
"Good morning everyone" sabi ni Kuya at tuloy tuloy sa tabi ni Didi
"Jal jass eo?" Did you sleep well) Tanong ni Mama kay Kuya
"Ne eomma" sagot naman ni Kuya kay Mama na oo daw
"Good morning" bati ni Kidd kay kuya na ikinanganga naman niya
"Dude ang aga mo ah good morning" sabi ni kuya. Napakunot ako ng noo dahil nagka ngitian pa sila. Ahh.. siguro dahil kasama namin sina Mama at Didi
"Kidd kumusta ang farm mo sa Davao? Na solusyunan naba problema sa mga peste don?" Tanong ni Didi habang kumakain kami
"Nakipag usap na po kami sa DA and FAO at ngayon po tinitignan pa namin mga epekto ng mga pesticides na ginamit namin" sagot ni Kidd kay Didi
"Ganon ba? Sana magawan na ng paraan ng gobyerno natin yan. Kawawa ang mga maliliit na magsasaka na ang tanging kinabubuhay lang nila ay ang pagtatanim" sabi pa ni Didi
"Ramdam na nga sa market ang pagmahal ng mga fruits even Durian pala ay apektado din" sabat naman ni Mama
"Yes Ma kaya huwag na po kayo magulat kung mahal na din bili niyo sa gulay. Sa Davao po kasi nasa 200 pesos na per kilo ang carrots at triple o higit pa ang tinaas ng price ng iba mula sa original price lang nila. Dito kasi satin sa Baguio galing karamihan mga gulay natin kaya hindi pa tayo masyadong apektado ngayon. Pero kapag naubusan na ng supply sa baguio kailangan na din umangkat sa Davao" sabi pa ni Kidd
"Puro fish nalang ang uulamin natin kapag nagkataon" sabi ni Mama
"Okay lang masarap naman ang isda" sabi ko
"Ang bata mo pa talaga tapos nag b-boyfriend kana. Ikaw gusto mo ang isda pero kaya mo bang kainin yon araw araw mula umaga hanggang gabi? Paano naman mga kababayan natin na namamahalan sa isda? Mag dedelata nalang?" Kontra sakin ni Kuya
"Hindi na ako bata at sabi mo kahapon koreano ka at hindi pilipino, sinong kababayan ang tinutukoy mo kuya? Tsaka isipin mo nga sa 1 kilo na isda worth 100 pesos hindi ba mas makakatipid ka kaysa sa gulay na 1 kilo is worth 200 pesos? Do the math okay? Hindi naman habang panahon na mahal ang gulay" sabi ko
"Babe" tawag sakin ni Kidd tapos umiling iling.
"Masanay kana sa dalawang yan Kidd hindi kumpleto ang breakfast namin kung hindi sila nagbabangayan" natatawang sabi ni Didi
"Oo nga, parte kana ng pamilya namin kaya masanay kana" hindi mapigilang sabi din ni Mama tsaka mahinhin na tumawa. Ngumuso nalang ako tsaka tinuloy ang pagkain
"Sa ugali mong yan iiwan ka rin ng syota mo" sabi ni Kuya na tumawa ng tumawa
"Hahaha" sarcastic na tawa ko "huwag kang mag alala hindi ako naniniwala sa forever kaya nga nandito ka diba?" Sabi ko tsaka nginisian siya. Tinignan naman niya ako ng masama parang may nasapul ako.
"Iiwan ka din niyan" ganting sabi niya sakin
"Alam ko, aalis kaya to mamaya papuntang Davao hindi naman ako pwedeng sumama kaya iiwan niya ako" nakangiting sabi ko tsaka sinubuan si Kidd ng omelet
"Walang forever" pambibwisit pa niya sakin
"Sainyo lang" tumatawang sabi ko
"Ma oh!" Sumbong niya kay Mama tsaka tumawa
"Totoo naman kasi sinasabi ng kapatid mo" kampi sakin ni Mama kaya binelatan ko siya
"Hayaan mo ihahanap kita ng ka forever mo sa mga anak ng mga kaibigan ko" sabi naman ni Didi na nakitawa
"Aist!" Sambit ni kuya na binaba ang kubyertos sa mesa tsaka siya tumawa
******
"Anong oras ba flight mo?" Tanong ko kay Kidd habang nagmamaneho siya
"Mamayang 10am pa dadaan muna ako sa office at magpapahatid nalang sa company driver sa airport" sagot niya sakin
"Mmm.. so kailan balik mo ng manila?"
"Hindi ko pa alam pero next week uuwi ako para ayusin mga trabaho ko dito" sagot niya
"Ahh.. mag ingat ka nalang don" sabi ko tsaka tipid na ngumiti
"Yeah, ayokong mag alala ka" sabi pa niya na hinawakan ang isang kamay ko habang nakatingin parin siya sa daan
"Bakit naman ako mag aalala?" Sabi ko na pilit tumawa
"Hindi ba? Sorry" sabi naman niya. Tinignan ko siya at nakita kong may pilit ngiti sa labi niya
"Oo na! Balita ko maraming magagandang babae sa Davao nakuu Kidd kung mambababae ka huwag kang magpapahuli ayokong madungisan ang pangalan ko" masigla at pabirong sabi ko
"Marami ngang magagandang babae don pero nandito naman sa manila ang pinaka maganda" sagot niya na kinindatan pa ako
"Aba! May balak ka nga yatang mambabae?" Dinaan ko nalang sa biro ang nararamdaman ko
"Mambababae lang ako kung dadami ka" sagot naman niya na ikinatawa ko ng malakas
"Ang dami mo ring alam no?" Pilit na pinipigil ang pagtawang sabi ko "tigilan mo na pag aadik hindi maganda yan sa katawan" payo ko pa sa kanya
"Sayo lang naman ako nag aadik alam mo namang ikaw lang ang happiness ko" sabi pa nito bago niya hininto ang suv niya sa parking lot ng school
"Tse! Ginawa mo pa akong rugby. Babye na mag ingat ka nalang sa pag drive sana lang maalala mo akong itext kapag nasa Davao kana para naman hindi ako nag aalala kung napano kana diba?" Sabi ko tsaka tinanggal ang pagkaka seatbelt ko. Nakita ko naman na tatanggalin niya sana seatbelt niya pero pinigilan ko "hep!" Pigil ko sa kanya
"Why?" Takang tanong niya sakin.
"Huwag ka ng bumaba kaya ko naman lumabas ng sasakyan mo ng hindi nagagalusan. Tsaka pupunta kapa ng IPH baka malate ka sa flight mo. Ingat ka nalang okay?" Sabi ko na nginitian pa siya tsaka binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas "bye" sabi ko pa bago isara ang pinto at kumaway pa bago talikuran siya
Nakaka ilang hakbang na ako ng may may yumakap mula sa likod ko. Itutulak ko sana dahil sa gulat pero hindi ko na nagawa dahil nagsalita ito
"Babe" sambit niya habang yakap yakap ako
"Mmm" tanging sagot ko lang dahil sa gulat. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko letche ka Kidd Pimentel paano mo nagagawa sakin to.
"Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagka miss sayo miss na naman kita paano pa kung pagdating ko sa Davao sigurado sobrang mas mamimiss pa lalo kita" sabi nito tsaka mas lalong hinigpitan ang pagyakap sakin
"Edi tumawag ka sakin kapag na mimiss mo'ko" sabi ko na pilit pinasigla ang boses tsaka pekeng tumawa
"Paano pag gusto kitang makita?" Tanong niya sakin tsaka niya niluwagan pagkakayap sakin at hinarap sa kanya
"Gustong gusto mong pahirapan sarili mo no? Edi mag video call ka" sabi ko na hindi mapigilan ang pagtawa dahil sa itsura niya. Tinulak tulak ko ang noo niya at para siyang bobble head toy na bumabalik balik kapag tinutulak ko
"Babe nakaka hilo" natatawang pigil niya sa kamay ko tsaka niya nilagay sa balikat niya.
"Yung farm at trabaho mo kasi isipin mo pwede naman kasi mag video call hindi naman napeste signal don at kapag nangyari yon ako na mismo b-byahe papunta don para i display mukha ko. Bahala kana non kung kapag nagsawa ka" sabi ko sa kanya at tumawa
"Okay sana ang video call pero mas gusto ko yung ididisplay mo mukha mo don" sabi nito na pigil ang pagtawa "paano pala kung gusto kitang hawakan? Gaya ngayon" tanong niya na biglang nagseryoso ang boses. Ang isang kamay niya ay hawak ang kaliwang baywang ko habang ang isang kamay naman niya ay nakagawak sa kabilang kamay ko tsaka niya pinagsiklop ang palad naming dalawa. Bahagya pa akong natigilan at nakipag laban ng titigan sa kanya
"Kailangan mo ng umuwi kapag nangyari yon kasi hindi ko maipapasok ang kamay ko sa loob ng monitor para itulak yang noo mo ng magising ka" sabi ko na sumimangot tsaka muling tinulak ang noo niya "sige na alis na marami ka pang naka tenggang trabaho" taboy ko sa kanya na inalis pagkakahawak niya sa baywang ko
"Mmm" tumatangong sagot lang niya hanggang sa bitawan na niya rin kamay ko "babe" tawag niya ulit sakinn
"Oh?" Natatawang tanong ko habang nakatingin sa kanya. Naka tayo lang siya nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa niya at gwapong gwapong naka ngiti. Tumalon talon naman ang puso ko dahil sa itsura niya
"May ibibigay ako sayo" sabi niya na ikina kunot ng noo ko. Lumapit siya sakin at ng makalapit siya ay nilabas niya isang kamay niya sa bulsa at nag heart shape siya sa dalawang daliri niya na ikinatawa ko ng malakas. Hindi ko naman mapigilan sarili kong mahampas siya dahil sa kalokohan niya. "Teka masakit may isa pa" sabi niya. Iniisip kong may laman na ang kabilang bulsa gaya noong nasa yacht kami at binigyan niya ako ng bracelet. "Buksan mo" utos niya sakin habang nasa harapan ko ang nakasarado niyang kamao.
Nang bubuksan ko na yon ay tulad kanina nag finger heart na naman siya tsaka ako ninakawan ng mabilis na halik sa labi sabay layo sakin kasi alam niyang mahahampas ko siya.
Napatingin ako sa mga ilang estudyanteng dumadaan na ngumingiti at binibigyan din ako ng puso.
"Babe!" Tawag ulit sakin ni Kidd na nagpabalik ng pansin ko sa kanya tsaka siya gumawa ng puso gamit dalawang kamay niya at tinapat sa dibdib niya. Aaminin ko kinikilig ako sa mga kalokohan na ginagawa niya. "Babe! Saranghaeyo!" Sigaw naman niya na tinaas ang dalawang kamay at nilagay sa taas ng ulo at nagkorteng puso. Palakpakan naman mga nakakakita sa kanya at hindi ko naman mapigil ang pagtawa.
"Nado saranghae" sigaw naman ng ibang dumaan at nag finger heart kay Kidd
"Bye" sabi ko nalang at nag bye din siya sakin at kumaway.
Ramdam ko pag init ng buong mukha ko sa halo halong nararamdaman. Mabilis ang mga hakbang na agad akong pumasok sa school at diretyong nagpunta sa classroom.
***