Chapter 18: CHAPTER SEVENTEEN

Lexinne's Pov

"Kidd!" Malakas na sabi ko sapo ang magkabilang pisngi niya "jeong sin na ga sseo?!" (Are you carazy? Are you out of your mind?!) Sigaw ko kay Kuya Gab "Kidd you okay?" Nag aalalang tanong ko pero tumango tango lang ito.

"Geuneun nugu inga?" ( who is he ) Tanong naman ni Kuya na lumapit samin tsaka hinila ako kay Kidd.

Hinila naman ako ni Kidd at dinala sa likod niya at kinuwelyuhan si Kuya.

"Yah! Hindi ba kayo titigil?" Pumagitna na naman ulit ako sa kanila habang nagtititigan sila at kulang nalang lumabas ang apoy sa mga mata nila

Walang nagsasalita sa dalawa at tinginan lang kaya hinila ko ang kamay ni Kidd paalis.

"O dee gayo?" Dinig kong tanong ni Kuya na sumunod samin.

Hindi ko sinagot si Kuya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school.

"Where's your car?" Tanong ko kay Kidd

"I took a cab from the airport" sagot ni Kidd sakin. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko tsaka pinunasan ang dugo na tumutulo mula sa kilay niya.

"Dangsin chaneun eodiesseo jucha haessseoubnikka?" Tanong ko naman kay kuya na nanlilisik ang mata

"Nasa Korea? Museun il iya? Mwohago issni?!" Malakas niyang sabi

"Paano ka nakapunta dito? Ano ba kasi ginagawa mo dito?!" Malakas ko ding sabi. Sakto may humintong taxi malapit saamin at pinara ko yon tsaka sumakay don kasama si Kidd. "Sa hospital po" sabi ko sa driver. Bigla namang sumakay si kuya sa front seat at tinignan ko lang siya ng masama

"Hindi mo ba ako na miss? Naneun joh eunjjog eulo yeogieissda" ( I'm here for good ) sagot sakin ni Kuya

"Sino ba yan? Pwede magtagalog kayo para maintindihan ko?" Sabi naman ni Kidd na masamang nakatinigin pa rin kay Kuya

"Kapatid ko si Kuya Gabriel" sagot ko kay Kidd na tila gulat at tinitigan ako na parang hindi makapaniwala

"May problema ba kung mag korean ang dalawang koreano? Pero dahil pilipino ka at nasa bansa mo kami mag aadjust kami para sayo. Pero bago yon bitawan mo muna kamay ng kapatid ko bago ulit kita masapak" sagot naman ni Kuya kay Kidd

"Tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang masapak ko" angil ko naman kay Kuya

"Tigilan mo na nga ang pag aalaga mo sa kupal na yan. Ang linis na ng mukha niyan at baka mabura itsura niya kakapunas mo" sabi pa ni Kuya

"Kuya pwede? Ikaw na nga itong nanakit sa kanya ikaw pa matapang" sabi ko tsaka tumanaw sa labas ng bintana

"Ano mo ba yan? Mauubusan na ako ng dugo dito pero ni isang tissue hindi mo ako inabutan" sabi pa ni Kuya

Tinignan ko si Kidd na nakatingin lang kay Kuya at tahimik, parang ang lalim ng iniisip niya.

"Balakajan" sabi ko tsaka huminto ang taxi sa tapat ng hospital

"Hindi naman natin kailangan pumunta pa dito" sabi ni Kidd habang naglalakad kami papasok sa ER

"Tigil tigilan mo ako sa kakulitan mo kung ayaw mong lumala yang lagay mo" sabi ko dito tsaka pinaasikaso siya sa doctor na nakita ko. Kumamot kamot pa ng kilay si Kidd na hindi ko alam kung nahihiya siya o naiinis. Balasiya!

"Malayo naman sa bituka" singit naman ni Kuya kaya tumingin ako sa kanya. Imbes na maawa ay natawa pa ako sa itsura niya, mukhang mas malala pa ang lagay niya kaysa kay Kidd.

"Miss paki asikaso naman kapatid ko" sabi ko sa dumaang nurse na agad namang kumilos

******

"Ano nalang sasabihin ko kay Klea nito?" Sabi ko habang hawak ang phone ko at naglalakad pabalik balik sa harap ng bed ni Kidd

"Babe huwag mo nalang kasing sabihin, babalik din naman ako ng Davao kaya hindi ko na rin siya makikita mamaya" sagot ni Kidd sakin na nagpahinto sakin sa paglalakad

"At may balak kapa talagang umalis ngayon sa ganyang lagay? At anong hindi sabihin? Nasabi ko na at any minute nandito na siya" sabi ko tsaka umupo sa tabi niya

"Sino ba yung Klea girlfriend niya?" Sabat ni Kuya sa usapan namin ni Kidd. Naka de kwatro siyang nakaupo sa may monoblock chair habang tinitignan kami

"Kapatid niya kaya magtago kana kung ayaw mong ma confine dito ng ilang linggo" pananakot ko sa kanya

"Kung magagawa niya" mayabang niyang sagot "tsaka ikumpara niyo nga itsura naming dalawa ng kupal na yan kung sino ang kawawa ang mukha namin" sabi nito kaya tinignan ko siya. Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa itsura niya.

"Kidd ang pangalan niya kuya kaya huwag mo siyang tawagin ng kung ano ano. Ikaw naman nauna ah! Gumanti lang siya sayo kaya bagay lang sayo yan" sabi ko sa kanya tsaka inirapan siya

"Sorry Kuya" sabi naman ni Kidd

"Puta! Anong kuya?!" Sabi naman ni Kuya Gab na napatayo sa kinauupuan niya

"Huwag ka ngang sumigaw! Ang daming pasyente na nagpapahinga dito" gigil na sabi ko na pilit siyang pinabalik sa inuupuan niya kanina

"Kailan ko pa naging kapatid yan? Mas matanda pa nga sakin yan tapos tatawagin akong Kuya? What the f*ck?!" Sagot naman niya sakin

"Waaah! Kuya ano nangyari sayo? Sino may gawa nito sayo?" Sabi ni Klea na umiiyak habang ineexamine ang katawan ng kapatid niya. Tinulak naman ni Kidd ang mukha ng kapatid niya palayo sa kanya

"Huwag kang oa ayos lang ako" sabi ni Kidd

"Beh ano nangyari sa kuya ko? Sinong hayop gumawa nito sa kanya? Lintik lang ang walang ganti" nangangalaiting sabi ni Klea habang sakmal ang kamao niya

"Beh kumalma ka muna ha? Inhale exhale" turo ko sa kanya na sinunod naman niya

"Klea ayos lang ako huwag mo ng palakihin" sabi pa ni Kidd

"Omo! Ano nangyari sa kanya?" Turo ni Klea kay Kuya. Nakatulala naman si Kuya Gab sa kaibigan ko

"Ahh.. kapatid ko nga pala si Kuya Gabriel" pakilala ko tsaka kinagat ang ibabang labi

"Hi!" Sabi ni Klea na nauna ng nag offer ng kamay niya para makipag shake hands

"Hello I'm Gabriel Gomez" pakilala ni Kuya sa sarili niya na tumayo pa at inabot ang kamay ni Klea

"What happened to your face? Did you help my brother? My God! Kawawa ka naman" alalang tanong ni Klea na hinawakan pa yung mga bandaid ni Kuya sa mukha niya "thank you sa pagtulong sa kapatid ko ha? Ano ba nangyari?" Tanong ni pa ni Klea kay Kuya na umiiyak na na naman

"Ah eh kasi ano hindi k-" hindi na natuloy ni Kuya sasabihin niya ng sumabat si Kidd sa dalawa

"Napagtripan lang kami kanina ni Lexinne mabuti nalang dumating ang kuya niya" sabi ni Kidd tsaka umakbay sakin

"Eh bakit ikaw ang nasa kama?! Ang ayos ayos ng mukha mo kumpara kay Gabriel na puno ng pasa. Tignan mo nga ilong niya may tissue pa umalis ka diyan!" Utos ni Klea tsaka inalalayan si Kuya at pinilit na mahiga muna siya sa kama

"Beh hindi naman malala lagay ng kuya ko ayos lang siya, baguhan palang kasi yung nurse na nag assist sa kanya kaya mukhang grabe siya kumpara sa kuya mo. Doctor kasi umasiste kay Kidd kaya malinis" sabi ko tsaka hinila si Kuya at pinaupo si Kidd sa kama

"Beh mas mapapalagay ang loob ko kung mas makakapag pahinga ang kuya mo okay lang naman daw si kuya sabi niya" sabi ni Klea na pinaalis si Kidd at pinahiga ulit si Kuya Gab

"Beh kasi ano, ang kuya ko ang may kas-" pinigil naman ako ni Kidd sa sasabihin ko tsaka umiling iling iti

"Ang alin?" Naghihintay na tanong sakin ni Klea sa sasabihin ko. Tumingin naman ako kay Kuya Gab na namimilog ang mga mata

"Si Kuya Gab kasi ang nagpilit na ako ang magpahinga sa kama" salo sakin ni Kidd

"Ang kapal naman ng mukha mong pumayag" sabi naman ni Klea tsaka tumingin kay Kuya Gab. "May gusto kabang kainin?" Tanong pa ni Klea na puno ng pag aalala sa kapatid ko. Puro iling at tango naman sagot ni Kuya sa kanya

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kidd at nag shrug lang siya at ngumiti sakin.

"Anong nginingiti mo? Sabi mo may dinner meeting kapa paano ka makikipag meeting ng ganyan mukha mo?" Sabi ko na tinulak tulak ang noo niya

"May ibang araw pa naman" sagot niya sakin. Naramdaman ko naman kamay niyang yumapos sa baywang ko pero hinayaan ko nalang "sorry na" sabi pa niya sa nagmamakaawang mata

"Oo na huwag na nating pag usapan yon babalik kapa ng Davao mamaya magpahinga kana muna" sabi ko na pinitik ng mahina ang ilong niya

"Dadaan pa ako ng office may kailangan akong pirmahan" sabi niya na tumingin pa sa relos niya

"Mmm sige" tumatangong sagot ko nalang at tipid na ngumiti

"Kung bukas nalang kaya ako bumalik ng Davao?" Tanong nito sakin

"Talaga? Pero paano ang farm?" Mabilis na tanong ko

Tumango tango si Kidd tsaka siya ngumiti "mmm" sagot niya "kaya naman nila yon kahit wala ako, isang gabi lang naman akong mawawala babalik nalang ako maaga bukas" sabi pa niya

"Sigurado ka okay lang yon?" Paninigurado ko

"I'm not sure pero may tiwala ako sa mga tauhan ko don, tatawag nalang ako sa katiwala ko mamaya mas importante ka naman kaysa sa farm" sagot niya sakin na ikinayakap ko sa kanya

"Yah! Kahit saan talaga napaka pda niyong mag jowa kayo" singhal samin ni Klea pero binelatan ko lang siya. Bakit ba? Kahit may pagka gago itong kapatid niya miss na miss ko na rin kakulitan niya.

"Mag syota sila?" Gulat na tanong ni Kuya Gab kay Klea

"Hindi mo alam? Hindi nila sinabi?" Kunot noong tanong naman ni Klea kay Kuya. Umiling iling naman si Kuya Gab sa kanya

"Hindi ko siya jowa hindi ko siya syota girlfriend ko siya" sabi naman ni Kidd na kinabig ako sa katawan niya at niyakap

"Paandar mo kuya? Pareho lang yon" sabi naman ni Klea

"Hindi yon pareho" sabi naman ni Kidd

"Bahala ka pagpalain ka nawa sa paniniwala mo" sagot naman ni Klea sa kapatid niya.

*********

"Aigoo ano bang nangyari sa mukha niyo" tanong ni Mama habang pinagsisilbihan kami ng juice at cookie

"May nantrip sa kanila Tita kaya nasira mga mukha nila" sagot ni Klea kay Mama

"Hindi ka paba uuwi?" Tanong naman ni Kidd kay Klea

"Ikaw hindi kapa aalis?" Tanong naman ni Kuya kay Kidd

"Walang uuwi walang aalis dito na kayo mag dinner" sabi ni Mama

*Dinner*

"Bakit ka nga pala biglang napauwi?" Tanong ko kay Kuya habang kumakain

"Namiss ko kayo kaya umuwi ako dito" balewalang sagot niya tsaka pinagpatuloy ang pagkain

"Museun munjelado issseubnikka?" Tanong ni Mama kung may problema daw ba siya

"Amugeotdo eopseoyo" wala. Sagot niya kay Mama kaya ngumiti

"Eopseoyo? Hwagsilhabnikka?" Wala? Sigurado ka? Paniniguradong tanong ko

"Ne" sagot niya na tumango tango pa

"Arraso" sabi naman ni Mama tsaka binigyan pa ng kongnamul-munchin ang kutsara ni Kuya.

"Tikman mo din masarap to" sabi ko kay Kidd na binigyan din ng konjaban side dish ang kutchara niya.

"Gomabseubnida" nakangiting sagot niya sakin na ang sabi ay thank you

"Omo! Eotteohge hangug eul aljyo?" Natutuwang sabi ni Mama na ang sabi marunong ka palang mag korean

"Po?" Tanong naman ni Kidd na kinamot ang kilay

"Ma palagay ko yun lang ang alam niyang sabihin" sabi ni kuya tsaka tumawa ng tumawa

"Walang nakakatuwa" angil ko kay kuya na pinigilan ang pagtawa niya

"Pabida kasi pahiya tuloy" komento naman ni Klea na nakipag apiran pa kay Kuya

"Kailan pa kayo naging close?" Tanong ko sa dalawa

"Ngayon lang" sabay pang sagot nila

"Alam ko din yung anneong haseyo at saranghaeyo" natatawang sabi naman naman ni Kidd na tumingin kay Mama

"Kung gusto mo matuto uturuan kita" malapad na ngiting sabi naman ni Mama

"Tita ako din po paturo ako" sabi naman ni Klea na tinaas ang kamay

"Ako na magtuturo sayo" sabat naman ni Kuya na nakatingin kay Klea

"Sige" namumulang sagot naman ni Klea kay Kuya

"Anong oras ba dating ni Didi? Hindi paba niya alam na nandito si Kuya?" Tanong ko

"Nasabi ko na kaso may dinner meeting siya ngayon at baka ma late siya ng uwi" sagot naman ni Mama

Pagkatapos naming mag dinner ay nagkwentuhan pa kami sa may sala. Nang lumalim na ang gabi ay pinahatid nalang namin ang mahkapatid kay Mang Nicanor. Si Klea nagpahatid sa school, hindi ko alam saan niya kinukuha ang tapang niya sa paglalakad sa madilim at walang katao taong back building ng school. Si Kidd naman nalaman kong sa condo niya siya nagpahatid.

***