Chapter 17: CHAPTER SIXTEEN
Lexinne's Pov
"Bakit hindi mapinta yang mukha mo?" Tanong ni Klea sakin habang kumakain kami sa canteen
"Hindi naman ah" sagot ko sa nanunulis na nguso
"Ay sus! Kulang kalang sa yakap at kiss ni kuya eh" sabi nito tsaka biglang tumawa
"Kumain kana nga lang" sagot ko sa kanya sabay salpak ng isang slice na cheese overload pizza sa bibig niya "ang dami mong alam" sabi kopa sa kanya na tinuloy ang pagkain din ng pizza
"Aminin mo na kasi na namimiss mo na si kuya, nakausap ko nga siya kanina eh" sabi nito na nagpalingon sakin sa kanya
"Nakausap mo siya? Di nga?" Interesadong tanong ko. Last na nag usap kasi kami nung monday pa pinaalala ko lang lunch niya at wednesday na ngayon. Huling recieve ko na text message sa kanya is nung monday din ng tanghali ang sabi magiging busy siya.
"Oo nga nakausap ko siya pero sandali lang" sabi nito. Tinignan ko si Klea ng tingin na hindi naniniwala. Tinext ko kasi ng good morning kanina si Kidd pero hindi siya nagreply. Sinubukan ko din tawagan phone niya pero out of coverage area naman.
"Huwag kang magsinungaling naka off phone niya" sabi ko na binalik ang tingin sa pagkain ko
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala may pinapasabi pa naman siya" sabi pa ni Klea
"Ano?" Intersadong tanong ko na hindi hinihiwalay ang tingin sa kanya
"Akala ko ba nagsisinungaling lang ako?" Sagot niya sakin na nginitian pa ako
"Sasabihin mo ba o sasabunutan muna kita bago mo sabihin?" Matamis na ngiting tanong ko sa kanya
"Oh please not my hair" sabi niya na hinawi pa patalikod ang mahaba niyang buhok
"Kaya nga sasabihin mo ba o sasabunutan na kita?" Sabi ko na inilapit pa upuan ko sa kanya
"Sasabihin ko na nga diba? Tumawag siya sakin kaninang madaling araw muntik ko na nga siyang mamura kasi kakatulog ko lang non. Tinanong pa ako kung tulog na daw ba ako? Malamang alas dos na yon. Tapos tinanong niya kumusta ka daw sa school, sabi ko ayos lang. Tapos sabihin ko daw sayo na miss na miss kana niya, na sorry kung nawawalan siya ng oras sayo pero pagbalik daw niya next week babawi daw siya sayo" sabi ni Klea. Ngumiti nalang ako ng tipid.
"Akala ko this thursday uuwi na siya next week pa pala" mahinang sabi ko
"Oo nga eh, sabi niya din sakin thursday kaso hindi pa daw maayos at lalong lumalala yung lagay ng farm. Wala din epekto mga pesticides na gamit nila pati na yung binigay ng goverment" sagot sakin ni Klea na narinig pala ang sinabi ko
"Ahh.. kapag tumawag ulit sayo sabihin mo nalang na huwag niya pabayaan sarili niya" sabi ko na tipid ngumiti
"Bakit hindi mo nalang sabihin sakin in person?" Tanong ng boses sa likod ko na dahilan ng pagkalingon ko.
Halos magdikit ang mukha naming pareho ni Kidd sa sobrang lapit niya pala sakin.
"Babe" tinig na biglang lumabas sa labi ko
"Yes babe?" Tanong niya naman sakin tsaka nilabas ang pang toothpaste comercial niyang ngiti
"Anong ginagawa mo dito?" Natawang tanong ko tsaka tinulak ang noo niya
"Miss na miss na kasi kita" sagot niya sakin na umupo sa tabi ko at hinawakan ang dalawang palad ko
"Nakakaumay ang pizza nakakawalang gana ng kumain" sabat naman ni Klea
"Baliw" sabi ko kay Klea na tumatawa
"Exit na ako ng hindi ako ngumata ng ampalaya pero Lexinne may klase na tayo in 10 minutes pinapaalala ko lang sayo baka sumama ka diyan sa kapatid ko sa biglang liko ah!" Sabi ni Klea na tumawa pa bago umalis
"May sumpong na naman kapatid mo" nakangiting sabi ko tsaka kami nagtitigan ni Kidd
"Wala bang I missed you too?" Sabi niya sa malambing na boses
"Wala eh, di naman kasi kita na miss" sabi ko tsaka pekeng ngumiti.
"Okay lang basta ako na miss kita ng sobra" sabi pa niya
"Teka sabi ni Klea next week pa balik mo?" Kunot noong tanong ko tsaka hinila kamay ko na hawak hawak niya
"Yeah next week pa talaga dapat kaso hindi ko matiis hindi ka makita kaya sumaglit na muna ako dito para sabihin na miss na miss na kita" sabi niya
"Babalik ka ulit ng davao?" Tanong ko sa kanya at tumango tango siya
"May meeting din kasi ako na isang investor ng Host mamayang gabi. Kailangan ko din dumaan sa office ngayon para pirmahan yung mga documents na naipon na sa mesa ko" sagot niya sakin
"Ahh ibig sabihin balikan ka lang pala" sabi ko na tumango tango habang nakatingin sa patunaw na ube and cheese ice cream ko
"Parang ganon na nga, wala naman kasing nakaka miss sakin dito kaya pagkatapos ng dinner meeting ko mamaya didiretyo na ako sa airport" sabi niya tsaka sumandal sa monoblock chair
"Ahh" tanging sagot ko lang
"Hindi mo talaga ako na miss?" Tanong niya na nilapit sakin mukha niya
"H-hindi bakit naman kita mamimiss eh ang saya ko nga walang nangungulit sakin" sabi ko na medyo nabulol pa
Binagsak naman ni Kidd ang mukha niya sa mesa at hinawakan ulit ang kamay ko at tinitigan yon.
"Bakit ganon?" Sabi niya na parang napakalungkot niya
"Ang alin?" Tanong ko naman sa kanya
"Ang unfair lang" sabi niya tsaka malungkot na ngumiti
"Napano ka? Alin ang unfair?" May pag aalalang tanong ko. Hindi kasi ako sanay na makita siyang ganito. Ang Kidd na kilala ko ay masayahin at tila hindi napapagod.
"Wala huwag mo nalang akong intindihin" sabi niya na malalim na huminga tsaka umayos ng upo
"Ano nga bakit hindi mo sabihin baka magawan natin yan ng paraan" kulit ko sa kanya
"Hindi okay lang, hindi naman kasi napipilit ang gusto ko" sabi niya tsaka niya ginulo ang mukha ko "may klase kapa alis na ako" sabi niya matapos guluhin ang mukha ko
"Iiwan mo na naman ako? Bakit nagpunta kapa kasi dito. Balakajan!" Sabi ko tsaka hinablot ang bag ko at tinalikuran siya
"Babe!" Tawag sakin ni Kidd na pinigil ang kamay ko sa paglalakad
"Kuya Kidd?!" Gulat na tanong ni Hailey habang nakatingin saming dalawa ni Kidd
"Ahm mauna na ako may klase pa kasi ako" nakangiting sabi ko tsaka tinanggal ang kamay ni Kidd na nakahawak sa kamay ko
"Oh my God ang gwapo niya" mahinang tili sa sarili ni Abby. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad
"Hailey kuya mo siya? Bakit hindi mo naikukwento samin na may kuya ka pala" may kalandiang tanong ni Maggy kay Hailey. Naiinis man ako ay pinigil ko ang sarili ko hanggang sa makarating ako sa loob ng classroom.
"Oh bakit ganyan na naman mukha mo?" Salubong ni Klea sakin
"Wala okay lang ako" sagot ko tsaka nilabas ang ipad ko tsaka nagbasa ng notes doon.
Pumasok na prof namin at nagsimula ng magturo ng kumatok sa pinto si Kidd tsaka ngumiti kay Sir Magcalas.
"Good afternoon Sir" bati ni Kidd. May mga kaklase akong babae na naghagikhikan at may narinig pa ako na ang hot daw niya. Tinignan ko naman ang katabi ko pero tulo laway na siya. Obviously malayo na narating ng panaginip ni Klea.
"Good afternoon nabalitaan ko nga kay chairman umuwi kana daw buti napadaan ka dito?" Nakangiting sabi ni Sir at nakipag kamay kay Kidd
"Oo nga po eh baka po pwede akong maki sit in sa class mo po Sir" magalang na sabi ni Kidd na nagkamot pa ng kilay na tila nahihiya
"Aba oo naman!" Sang ayon agad ni Sir Magcalas. "Saan ba may bakanteng upuan?" Tanong pa ni Sir Magcalas
"Dito po Sir!" Sigaw ng ilan lalo na mga kaklase kong babae. Tama nga si Kidd unfair nga. Nung ako bagong dating wala man lang ni isa nagbigay ng upuan sakin pero ngayon nag uunahan pa sila para mabigyan lang ng mauupuan si Kidd galeng deba?
Nagtama ang paningin naming dalawa ni Kidd at kung nakakamatay lang ang tingin ko kanina pa siya duguan. Tsaka sabi niya pupunta pa siya sa office anong sit in pinagsasasabi niya?
"Sir dun nalang po ako sa dulo para hindi rin ako maka abala sa klase mo" sabi ni Kidd na naglakad palapit sa pwesto namin ni Klea. Dahil may extrang upuan pa sa tabi ko sakin siya tumabi dami tuloy nanghinayang sa mga kaklase kong babae ang iba nga inirapan pa ako. Ano na naman bang ginawa ko?
Tinuloy ni Sir ang lesson namin at pilit nag focus sa kanya. Pero dahil papansin si Kidd pilit niyang kinukuha ang kamay ko at hinahawakan. Lagi ko naman binabawi ang kamay ko hanggang sa sumuko na siya at ang pinagtripan naman niya ay ang ipad na nasa mesa ko.
Kinalabit ako ni Kidd. Ayoko sana siyang tignan pero nakulitan ako kaya tinignan ko siya ng masama bago tumingin sa ipad na pinapakita niya "Im sorry" basa ko sa nakasulat
"Tss" sabi ko nalang tsaka muling ibinalik ang tingin ko kay Sir
Ilang sandali lang ay narinig ko ang boses ni Kidd "Babe" tawag niya sakin pero hindi ko pa rin siya pinansin "Babe I'm sorry" mahinang sabi niya pero hindi ko pa rin pinansin
"Babe" kulit niyang tawag sakin tsaka pinakita sakin yung nakasulat sa ipad "Gusto mo bang sumama sakin sa Davao" napatingin ako sa kanya
"Sira ulo kaba? Alam mo naman may klase ako tapos tatanung-" hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil napansin kong lahat ng mga kaklase ko pati na prof namin ay nakatingin sakin "sorry" sabi ko tsaka yumuko at kinagat ang ibabang labi
"Sir pwede ko po ba munang i excuse ang girlfriend ko?" Tanong ni Kidd sa prof namin na dahilan ng simula ng pagbubulung bulungan.
"Sure" mabilis na sagot naman ng prof ko na tinuro pa ang pinto ng classroom
"Sir nagbibiro lang po siya" sagot ko na may nakapaskil na ngiti habang winawagayway ang kamay sa pagtanggi
"Huwag ka ng mahiya sige na sumama kana" kulang nalang ipagtabuyan pa ako ni Sir Magcalas sa klase niya
"Babe let's go" sabi ni Kidd na tumayo na tsaka sinukbit ang bag ko sa balikat niya tsaka hinawakan ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang kaysa gumawa pa ng eskandalo "thank you Sir" paalam pa ni Kidd ng daanan namin si Sir.
"Ano na naman bang kalokohan to?!" Pigil ang inis na sabi ko tsaka binawi ang kamay ko sa kanya
"Babe I'm sorry hindi naman kita iniiwan eh" sabi nito
"Kaya tinanong mo'ko kung sasama ba ako sayo sa Davao? Gusto ba talagang marinig ang pagtanggi ko ha?!" Nanggigigil na sabi ko na binilisan ang paglalakad
"Bakit ba kasi nagagalit ka?" Tanong niya sakin na inunahan ako sa paglalakad at huminto sa harapan ko
"Hindi ako galit! Naiinis ako! At ikaw pa talaga may ganang magtanong kung bakit nagagalit ako!" Hindi ko na napigil ang sarili ko na lakasan ang boses ko. Mabuti nalang at walang tao sa nilalakaran namin
"Bakit ka naiinis kung ganon? Sabihin mo kasi dahil hindi naman ako manghuhula" sagot naman niya sakin
"Hindi mo naman kailangan manghula kasi kahit sino malalaman kung bakit ako naiinis nagbubukod tangi ka lang talaga na hindi alam kung bakit! Tsaka pwede tigilan na natin to?! Hindi na kasi ako natutuwa!" Sabi ko na tinulak siya at mabilis na naglakad
"Anong ibig mong sabihin?" Habol na tanong niya sakin pero hindi ko na pinansin "babe!" Malakas na tawag niya sakin
Huminto ako sa paglalakad at inis na tumingin sa kanya "Huwag mo na akong tatawaging babe! Ayoko na! Itigil na natin ang kalokohang to!" Malakas na sabi ko sa mukha niya
"Ayoko" matigas na sagot niya tsaka niya ako niyakap pero bago ko pa siya maitulak ay may humablot na sa kanya at sinuntok siya sa mukha.
"Oppa" sabi ko tsaka tinakpan ang bibig ko. Nakita ko si Kidd sa damuhan na halos nakahiga at putok ang labi niya
"Oppa?" Tanong sakin ni Kidd na tila nasasaktan tsaka tumayo at masamang tinignan ang Kuya Gabriel ko tsaka gumanti ng suntok sa panga
"Yah! Tumigil kayo!" Sigaw ko sa dalawa na ayaw tumigil sa pagsusuntukan. "Tama na!" Sigaw ko ulit. Dahil ayaw nilang makinig sakin ay pikit mata nalang akong pumagitna sa kanila at niyakap si Kidd. Bahala na kung masuntok nila ako.
"Babe!" Malakas na sabi ni Kidd. Ramdam ko ang pagyakap niya sakin sabay talikod niya para iiwas ako sa suntok ni Kuya. Ramdam ko ang kalabog na suntok ni Kuya Gab na tumama sa braso ni Kidd. Napaurong pa si Kidd pero mahigpit pa rin niya akong niyakap para hindi matumba.
Halos madurog ang puso ko ng makita ko ang mukha ni Kidd. Putok ang labi niya namumula at may gasgas ang kanang pisngi niya at may tumutulong dugo sa mula sa kilay pababa sa kaliwang mata niya.
***