Chapter 16: CHAPTER FIFTEEN

Lexinne's Pov

"GOOD MORNING WORLD!" malakas na sabi ko pagdungaw ko sa bintana. Linggo ngayon at tatahimik ang buhay ko. Hindi ko makikita ang mga kaklase kong pinaglihi sa sama ng loob at walang fab4 na magtataas ng kilay sakin at higit sa lahat walang Kidd na mambibwisit sa araw ko.

"Good morning Di" sabay halik sa pisngi ng Dad ko na umiinom ng kape

"Good morning sweetheart may lakad kaba ngayon?" Tanong niya sakin na tinignan ako mula ulo hanggang paa

"Wala bakit? Si Mama?" Tanong ko

"Pumunta sila ni Nanay sa Supermarket, naka handa na sa mesa ang breakfast mo kumain kana" sagot sakin ni Didi na hindi maalis ang mata sa dyaryong binabasa niya

"Okay" masiglang sabi ko nalang at pakanta kantang pumunta sa kusina at gumawa ng sandwich.

"Sweetheart si Kidd nasa line" malakas na sabi ni Didi

"Dito ko nalang sasagutin Di!" Malakas na sagot ko tsaka binaba ang sandwich ko at lumapit sa extention phone dito sa kusina.

"Hello?" Sagot ko

"Bakit hindi mo sinasagot phone mo kanina pa ako tumatawag" sabi niya na wala man lang hello o kaya kumusta kana

"Naiwan ko sa room ko yung phone bakit ba?" Tanong ko sa kanya

"Anong bakit? I miss you" sabi naman niya

"Hala siya oh! Gawin mo muna trabaho mo diyan at kung pwede nga lang huwag ka ng bumalik dito sa Manila" mabilis na sabi ko

"Pagkatapos mo akong sanayin kasama ka araw araw sasabihin mo ngayon dito nalang ako at huwag bumalik?" Tanong niya sakin na tila nagtatampo

"Hoy Mr. Pimintel! Fyi lang ha? Hindi kita sinanay, sinanay mo sarili mo na laging nakadikit sakin. Ngayon ko nga lang mararamdaman ulit freedom ko, tipong walang manggugulat sakin na keaga aga nasa bahay kana namin" mataray na sabi ko

"Ayaw mo ba talagang pumupunta ako sa inyo?" Mahinang tanong niya sa kabilang linya

Ilang segundo akong natahimik at nawalan ng masabi. Ayaw ko ba talagang pumunta siya ng bahay?

"Hindi sa ayaw ko kasi naman ang aga aga mong pumunta, tumutulo pa laway ko nasa kusina kana at naghahanda ng breakfast. Baka isipin ng pamilya mo inaalila kita" sabi ko

"Gusto mo ba o ayaw mo?" Tanong niya sakin

"Ang alin?" Naguluhang tanong ko

"Na maaga akong pumunta sa bahay niyo para ipagluto ka ng breakfast" sagot nito sa tanong ko

"Kasi hindi mo naman kailangan gawin yon, hindi mo naman kasi obligasyon ang ipaghanda ako ng breakfast" sabi ko naman sa kanya

"Masaya akong pagsilbihan ka at yun lang naman kaya kong gawin para sayo" mahinahong sabi nito

"Ano donya ang peg ko ganon? Dapat nilubus lubos mo na at ginawa mo na sanang breakfast in bed" sarcastic na sabi ko tsaka ko naman narinig ang tawa niya sa kabilang linya

"Hayaan mo sa susunod alam ko na. Kaso payagan kaya ako ng parents mo na pumasok sa room mo?" Natatawang tanong pa niya

"Ay grabe siya oh! At may balak pa yata talaga siya" sagot ko sa kanya

"Ano ba kasi talagang gusto mo?" Tanong niya

"Kidd seryoso, alam kong busy kang tao, kaya ka nga nandiyan ngayon sa Davao dahil busy ka diba? Sa mahigit dalawang linggo na palagi tayong magkasama kahit hindi ako magtanong alam kong busy ka pero dahil wala kang mapagtripan kinukulit kulit at binibigay mo parin sakin ang oras na dapat ay pahinga mo. Nakwento ni Didi sakin na napaka hands on mo sa trabaho, isipin mo nga yung oras na pagbyahe mo palang araw araw sa pagpunta sa tagaytay at pag uwi ng manila diba nakakapagod na? Tapos may trabaho kapa sa office. Pagkatapos mo akong ihatid sa school diretyo office kana, pahinga mo lunch nalang at kung hindi ko pa sasabihin na kumain ka baka hindi kapa mag lunch sa oras. Madalas uwi mo gabi na, bakit alam ko? Kasi tumatawag ka at kapah tinatanong kita nasa office kapa rin. Hindi kita binabawalan mag trabaho pero huwag naman sobra kung mamamatay ka hindi mo naman yan madadala sa hukay tapos ang aga aga nandito kana sa bahay, kulang nalang ikaw narin maglinis ng bahay namin ha! Tapos tatanungin mo ako ngayon kung ano ba gusto ko? Eh kung sabihin kong mamatay kana susundin mo'ko?!" Mahabang sabi ko na pilit pinapaintindi ang gusto kong sabihin sa kanya

"Nagka problema lang naman ang farm kaya nandito ako. Yung sa tagaytay hindi naman ako pumupunta don araw araw, nandon naman staff ko at Dad mo. Busy lang ako dahil nga sa mga investors na kinakausap ko, dahil bago palang ako sa IPH kailangan kong malaman lahat ang iniwang sakin ni Uncle mula noong maging managing director siya dito. Ginagabi ako sa pag uwi kasi hindi ko na namamalayan ang oras at madalas may dinner meeting kami ng mga possible investors ko para sa Hotel and Resort sa Tagaytay" paliwanag din nito

"So? Ang ibig mong sabihin pupunta ka parin dito sa bahay para paghanda kami ng breakfast?" Mataray na tanong ko

"Yeah. Pero kung ayaw mo na akong pumunta sa bahay niyo para ipagluto ka ng breakfast at ihatid sa school naiintindihan ko. Hindi naman kasi talaga ako masarap magluto at nadudumihan ko pa kitchen niyo" sabi nito

"Ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo gawin mo gusto mong gawin ayokong ma stress sa pagpapaliwanag sayo. Matalino ka naman pero nakaka bobo kang kausap" sabi ko sa kanya

"Pero babe miss na miss na kita" sagot niya lang sa sinabi ko. Heto naman ang tatanga tanga kong puso lumakas ang kabog.

"Miss mo mukha mo tse! Super happy ko kaya na sa loob ng apat na araw walang mambibwisit sakin dito. Balak ko ngang rumampa mamaya sa mall at maghanap ng boylet tapos punta ng club at iinom ng konti at magpapakasaya buong gabi" masayang sabi ko. Ang totoo balak ko lang ipasyal sa park ang tatlong baby ko tapos paliguan sila tapos mamayang gabi mag swimming. Yun lang naman.

"Tatawag na ako sa airline uuwi na ako ngayon ng manila" sabi niya lang tsaka pinatay ang phone. Medyo natulala ako ng ilang segundo hanggang sa balikan ko yung sandwich ko.

Kakarating lang niya kaninang madaling araw sa Davao tapos babalik na ulit sa Manila? Wala pang 8am ah! Naayos na niya problema sa farm niya? Sabi niya kahapon sakin 4 days hanggang 6 days siya don eh.

Naglalakad ako paakyat sa kwarto ko at hindi mawala sa isip ko kung naresolba naba yung problema sa farm ni Kidd. Pinepeste daw kasi mga pinya nila don at napanood ko din sa balita kagabi na may mga insekto na pumepeste sa mga saging at pinya ngayon sa Davao.

Dahil curious ako kung ano ng balita nagtext ako kay Kidd kinukumusta yung farm.

To: Kapatid ni Klea

Kumusta yung farm? Okay na? Nagawan naba ng paraan?

Sent: 8:43am

From: Kapatid ni Klea

Sinabihan ko mga tauhan namin na sprayan ng insecticides at sila nalang muna bahala sa farm at tawagin nalang ako kapag may problema.

To: Kapatid ni Klea

Saan kaba pupunta?

From: Kapatid ni Klea

Uuwi na ng Manila. Mayang 11am ang flight ko pabalik.

To: Kapatid ni Klea

Akala ko ba 4 days kapa diyan? Bakit kapa pumunta diyan kung uuwi ka rin pala ngayon? Edi sana tinawag mo nalang sa katiwala mo kung anong kailangan nila diba? Kaysa nagsayang kapa ng oras at pagod sa pagpunta diyan

From: Kapatid ni Klea

Akala ko din aabutin ako ng matagal dito. Babalik nalang ulit ako bukas dito pagkatapos kitang bantayan.

To: Kapatid ni Klea

Nababaliw ka naba talaga? Babalik kapa bukas bakit hindi ka nalang mag stay diyan? Hindi kaba napapagod sa byahe? May importante kabang gagawin ngayon sa Manila? Tsaka bakit mo naman ako babantayan??

Kunot ang noong naghihintay ako sa reply niya pero imbes na message alert tone ko ang tumunog ay ang ringing phone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag ni Kidd.

"Hello?" Patanong na sabi ko pagkasagot ko sa tawag niya

"Babe" sabi niya lang narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya

"Ano namgyari sayo? May problema ba sa opisina?" Nag aalalang tanong ko

"Walang problema sa opisina at nakausap ko na katiwala ko dito, malala ang kondisyon ng farm ngayon at nakikipag ugnayan na rin kami sa DA" sagot niya sakin

"Wala naman pala dito sa Manila ang problema bakit kapa uuwi dito? Mas kailangan ka nila diyan ngayon kaya ang farm muna asikasuhin mo" sabi ko

"Magkaka problema ako kapag hindi ako umuwi ngayon sa manila at pigilan ka sa balak mong gawin" sabi nito

"Anong balak kong gawin na pibagsasasabi mo?" Takang tanong ko

"Diba sabi mo pupunta ka ng Mall at maghahanap ng boylet at mag c-clubbing kayo at iinom pa? Uuwi ako ngayon para samahan ka sa mall at ng hindi kana maghanap ng boylet at mabantayan ka kapag uminom ka" sabi nito

"Hahahahaha! Neon michyeosseo oppa! Hahaha! Nagbibiro lang kaya ako kanina hindi po ako pumupunta ng mall mag isa at hindi man halata pero mahiyain po ako kaya hindi ako manghahatak ng lalake at mag aayang uminom hahaha!" Sagot ko sa kanya na hindi mapigilan ang pagtawa ng malakas

"How can I be sure that you are not going anywhere?" Seryosong tanong niya kaya pinigilan ko ang pagtawa

"Wala kang tiwala sakin? Alam ng mga tao na boyfriend kita at girlfriend mo ako. Wala akong balak sirain ang pangalan mo kaya wala ka dapat ipag alala" sabi ko sa kanya

"That's not what I mean! Nag aalala lang ako at ayoko lang mapahamak ka" sabi nito

"Sinisigawan mo na rin ako ngayon? Ano pa ginagawa mo breakin mo na ako!" Inis at malakas na sabi ko

"Hindi kita sinisigawan at hindi ako makikipag break sayo kahit ipilit mo pa. Babalik ako ngayon ng manila mag usap nalang tayo diyan" sabi nito

"Ano pag uusapan natin dito sa manila na hindi pwedeng pagusapan sa phone ha?!" Nanggigigil ang mga ngipin na sabi ko

"Hayan galit ka kaya kailangan kitang makita at pag usapan nalang diyan ang problema" sagot niya sakin

"Ako galit?! Chill pa ako nito! Kung galit ako hinding hindi mo ako makakausap kaya kung may gusto kang sabihin sakin sabihin mo na bago ako magalit at mabaliw! Kapag ako nabaliw ni isang hibla ng buhok ko hindi mo makikita!" Banta ko sa kanya

"Babe naman" sabi pa niya

"Huwag mo akong I babe babe diyan!" Malakas na sabi ko

"Okay okay I'm sorry, nag aalala lang naman ako sayo na baka nga gawin mo yung sinabi mo kanina tapos miss na miss pa kita kaya naman gusto kong umuwi para makita ka. I'm sorry ako ang mali. Hindi na ako magpapaliwanag ako ang mali. Babe I'm sorry huwag kana magalit" malambing na sabi niya. Bumuntong hininga naman ako at pinakalma ang sarili

"Okay pero i cancel mo na flight mo ngayon at harapin mo muna problema niyo sa farm. Nagbibiro lang ako kanina at sa panaginip ko lang kaya kong gawin yon. Pwede ka naman tumawag sakin para i check ako kung behave ba talaga ako" mahinahon ng sabi ko

"Yes babe opo" sabi niya na ikinanguso ko

"Pero gusto ko lang din sabihin sayo na kung may gusto akong gawin hindi mo ako mapipigilan. Bye na! Mag ingat ka diyan, tatawagan kita mamaya para ipaalala lunch mo" sabi ko

"Mm. Sige. Bye" sabi niya

Hindi na ako sumagot at pinatay na phone ko. Kahit kailan sira ulo siya. Dahil lang sa biro ko uuwi siya ng manila para bantayan ako? Baliw.

Nahiga ako sa kama ko at hindi sinasadyang mahigaan ang baboy na bigay sakin ni Kidd na nagpagulat sakin dahil sa pag play ng voice record niya. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti at inulit ulit pakinggan yon.

***