Chapter 15: CHAPTER FOURTEEN
Lexinne's Pov
Kanina pa petiks petiks lang at nakikipag harutan lang sa mga furbabies ko pero ngayon hindi magkanda ugaga dahil hindi alam ang isusuot ko.
Bakit ba kasi sa labas pa kami mag d-dinner? Gusto ko siyang tawagan para itanong kung saan kami mag d-dinner pero wala akong lakas para magtanong. Baka kasi anong isipin niya.
God! Help me! Anong isusuot ko? Pwede bang mag pants nalang ako? Dress kaya? Anong klaseng lugar ba pupuntahan namin? Ayoko naman mag assume na dinner date to.
Aarrrgghh! Bahala na!
Dahil tambak na ang damit sa kama ko ay dumampot nalang ako ng kahit ano tsaka ko yon sinuot.
Nakatingin ako sa harap ng salamin at natuwa naman ako sa itsura ko. Kulay itim na off shoulder long sleeve dress ang suot ko mukhang tama para sa lakad namin ni Kidd. Ayoko din naman sabihin niya na todo effort ako kaya ayos na'to bahala siyang mag isip ng kung ano.
Dinig kong may busina sa labas kaya agad akong dumungaw sa bintana ng kwarto ko at nakita si Kidd na bumaba mula sa suv niya. Halos tumakbo ako para kumuha ng sapatos na isusuot ko at heto na naman balisa ako dahil wala akong mapili. Hanggang sa sumagi na naman sa isip ko si batman kaya #BahalaNaNaman
Mabilis kong sinuot ang pearl ankle strap nude color na pumps ko at pumunta pabalik sa harap ng salamin at tinignan ulit ang mukha ko. Nag apply ako ng lip tint at nagpabango at tapos na!
Bago lumabas ng kwarto ay paikot ko munang tinignan ang sarili ko sa salamin at mukhang okay naman kaya kinuha ko na ang clutch bag ko at naglakad papuntang baba. Nakasalubong ko din si Nanay Sally na mukhang balak tawagin ako.
"Wow! Ang ganda naman ng dalaga namin" puri niya na minamasdan ang kabuuan ko
"Hindi po ako maganda dyosa ako" natatawang biro ko na kumapit sa braso niya at naglakad pababa
"Dyosa ng kagandahan" sabi niya na di mapigil ang pagtawa
"Yan ganyan nga po Nay" sagot kong tumawa rin
Nang mapatingin ako sa sala ay agad kong nakita si Mama at si Kidd na naghihintay sakin. Ngiting ngiti si Mama at si Kidd naman ay napatayo at mukhang gandang ganda sakin. Echoz lang syempre!
"You look great!" Puna ni Mama sakin na inayos pa ang ang damit ko
"Lagi naman ha? Not a big deal" pabirong sagot ko kay Mama "Si Di?" Tanong ko
"May kausap siya sa study room niya, huwag niyo na siyang hintayin ako na bahala magsabi" sagot naman ni Mama kaya tumingin ako kay Kidd
"Hindi kaya ako mapaaway nito?" Tanong sakin ni Kidd
"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ko
"Siguradong maraming lalaki ang tititigan ang girlfriend ko dahil ang ganda niya" sabi nito na nagpakunot ng noo ko
"Maganda naman talaga ako ha? Kasalanan ko bang ginalingan ng parents ko kaya naging maganda ako? Kina Mama at Didi ka magreklamo abaa! Tsaka teka nga pangit ba ako kaninang hinatid mo sa school? Huwag na pala tayong umalis kung ganon at dito nalang tayo mag hapunan" galit galitang sabi ko
"Sabi ko nga aalis na tayo eh" sabi niya na hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop yon "Ma aalis na po kami" paalam ni Kidd kay Mama
"Ma? Kapatid ba kita? Bat tinatawag mong Ma ang Mama ko?" Pabirong tanong ko na humarap pa sa kanya
"Ako nagsabi na tawagin niya akong Mama ikaw na bata ka talaga sige na at baka malate kayo. Ingat kayo ha?" Sabi naman ni Mama
"Sige po aalis na kami" sabi pa ni Kidd
"Bye Ma" paalam ko naman
"Ingat sa pag drive Kidd" pahabol pang sabi ni Mama
*****
Malakas ang tibok ng puso ko na tila ba may nag boboxing sa loob sa loob. Hindi ko pinapahalata pero kanina pa ako kinakabahan.
"Sigurado magugustuhan mo ang resto na pupuntahan natin" sabi ni Kidd habang minamaneho ang sasakyan niya
"Saan ba tayo kakain?" Tanong ko habang pinagmamasdan kabuuan niya. Pagkakataon ko na pagmasdan siya kasi focus siya sa daan
"Malalaman mo din" sagot niya na tumingin sakin at ngumiti "huwag mo akong masyadong titigan baka matunaw ako" nakakalokong sabi niya
"Excuse me! Kapal ng mukha mo talaga bakit naman kita tititigan aber?" Mataray na sabi ko tsaka umirap sa kanya at tumingin sa labas ng bintana
"Itanggi mo pa" sabi niya na tumawa pa
"Feeling mo naman ang gwapo mo eh no?" Sabi ko na muling humarap sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa "ang baduy mo kaya! White long sleeve at gray coat? Tapos ripped jeans at white sneakers?! Wow ha! Saang planeta ka galing? Yuck!" Sabi ko tsaka umiwas ulit ng tingin
"Sorry mali pala ako, hindi mo ako tinitignan kundi pinagmamasdan pala" sabi pa niya na ikinagigil ko. Kung kanina kinakabahan ako s presensya niya ngayon naman nanggigigil ako sa inis dahil sa kayabangan niya.
"Ewan ko sayo" sabi ko nalang
"Nandito na tayo" sabi niya na pinapark ang sasakyan niya
Pagkapatay ng makina ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko maging siya. Nauna siyang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan niya ako.
"Anong lugar to?" Kunot noong tanong ko habang inaalalayan niya akong maglakad
"Dito ako nagpa reserved" sagot niya lang. Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami isang naka amerikanang lalaki at tinanong pangalan ni Kidd
"This way Sir" magalang na sabi pa niya. Wala talaga akong idea kasi ang layo ng ni drive niya para lang makakain kami tapos di pa ako pamilyar sa lugar
"Ehh? Saan ba talaga tayo? Ang layo naman yata?" Mahinang tanong ko kay Kidd
"Malapit na" mahinang sagot din niya sa tenga ko
Literal na namilog mga mata ko ng makita ko yung nilalakaran namin. Open air siya at may mga naka set up na tables din don at may stage pa. May mga tao don na kumakain at live band na tumutugtog. Akala ko doon kami sa resto na yon kakain pero hindi pala. Naglakad pa kasi kami hanggang sa makita ko naman ang dagat. Yes dagat. Inaalalayan pa rin ako ni Kidd hanggang sa makakita ako ng yacht.
"Teka, kaninong yate yan?" Tanong ko kay Kidd ng mapansin kong palapit kami don hanggang sa pumasok kami
"Ni rent ko" nakangiting sabi niya at pinakita ang mapuputi niyang ngipin. "Sabi kasi ng Mama mo gusto mo daw ang dagat kaya lang hindi kayo makapag cruise dahil takot Mama sa dagat" sabi pa nito
"Yeah, may trauma siya sa boat. Nasunog kasi yung ship na sinasakyan nila ng grandparents ko nung bata pa siya at takot na takot daw siya dahil hindi siya marunong lumangoy. Pinapatalon na daw kasi noon pero ayaw niya hanggang sa tinulak daw siya. Buti nalang daw may sumagip sa kanya non at nagpalutang lutang daw sila ng 3 hours sa dagat hanggang sa na rescue na sila" sagot ko
"Kaya pala. Anyway, nasa deck yung food natin. Tara?" Tanong pa niya. Tango lang ang naging sagot ko
Nang makarating kami sa may deck ay nakita ko agad yung chef na abala sa pagluluto pero nakuha pang tumingin at ngumiti samin ng makita kami.
Ramdam ko ang buhok ko na natatabunan na ang mukha ko dahil sa malakas na hangin ngunit wala akong pake dahil sa sayang nararamdaman ko. Napapikit pa ako at dinama ang presko at sariwang hangin sa katawan ko.
"Mag ingat ka" dinig kong sabi ni Kidd na hinawi ang maikli kong buhok at inipit sa tenga ko
"Ang ganda!" Masayang sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga ilaw ng mga bahay at establisimentong nakikita ko
"Ngayon ko na dapat sabihin na mas maganda ka?" Natatawang sabi ni Kidd na nasa tabi ko lang.
"Baliw ka talaga" sagot ko tsaka hinawakan ang buhok ko na hinahanginan paharang sa mukha ni Kidd
"Sasabihin ko naba na baliw man ako pero sayo lang?" Banat naman nito. Hinampas ko ang braso niya at hindi napigilan ang pagtawa ng malakas
"Gutom ka lang mabuti pa kumain na tayo" aya ko. Yumakap ako sa braso niya habang tumatawa papunta kung saan naroon ang mesa. "Wow! Caprese salad skewers how did you know that I love this?" Manghang sabi ko tsaka tumingin kay kidd na nag shrug lang ng balikat
"I didn't know that you also like caprese" sagot niya sakin tapos kumuha siya ng isa at pinasubo sakin
"Yummy!" Sabi ko na sarap na sarap habang nginunguya yon. Naglagay naman si Kidd ng red wine sa glass naming pareho at inabot sakin ang isa "thanks" sabi ko at nakipag cheers pa sakanya
Nagsimula na kaming kumain at panay puri sa chef ang sinasabi ko dahil ang sarap naman talaga lalo na ang seafood pasta niya. Perfect din yung cheesy bake scallops niya and talaga naman fan kasi ako ng cheese.
"Yah! Busog na busog ako" sabi ko na hinimas himas pa ang tiyan ko "ilang babae naba dinala mo sa mga ganitong lugar?" Tanong ko sa kanya na todo ngiti
"Wala ikaw palang. Ano palagay mo sakin just just lang? Kaladkaring lalaki?" Pigil tawang sabi niya habang masayang nagkukwentuhan sa may deck ng yacht
"Sus! Sakin kapa magsisinungaling? Ihulog kita diyan eh" pabirong sabi ko
"Wala pa nga ikaw palang" sabi niya tsaka tumingin sa relos niya na ikinatingin ko rin sa relos ko.
"8:54 na pala baka may lakad kapa?" Nag aalalang tanong ko
"Wala tange" natawang sabi niya na ginulo ang buhok at mukha ko.
"Huwag ka nga!" Nakangusong sabi ko tsaka pilit inalis ang kamay niya sa mukha ko
"Ayoko nga!" Pambubwisit pa niya sakin na sinundot sundot pa tagiliran ko na ikinakiliti ko. Halos gumulong ako sa kakatawa dahil sa ginagawa niya
"Tama na tama na ayoko na hindi ko na kaya" sabi ko tumatawa habang hawak ang tiyan at nakahiga ng patagilid.
Tumigil naman si Kidd sa pagkiliti sakin at inabot ang kamay niya para makaupo ulit ako ng maayos. Nang makaupo ako ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko. Naramdaman ko ang kamay ni Kidd na umakbay sa balikat ko at naging tahimik kaming nakatanaw sa dagat ng ilang segundo.
"9, 8, 7" bilang niya pabaligtad na ikinatingin ko sa kanya
"Gwapong gwapo ka na naman sakin. Huwag ako tignan mo tumingin ka sa harap" sabi niya na sinunod ko naman
"Gwapo daw tss" sabi ko tsaka tatanggalin ko sana pagka akbay niya pero ayaw niyang tanggalin
"2, 1" titingin sana ulit ako sa kanya pero mas nauna ang sayang naramdaman ko ng makita ang mga fireworks sa paligid namin.
Biglang lumiwanag ang dagat sa iba't ibang kulay na nakikita ko. Parang ang lapit lapit lang ng maga yon na parang mga bituin na nahuhulog samin.
"Wow!" Hindi mapigilang sabi ko na tumayo pa. Punong puno ang mga mata ko ng pagkamangha at saya hanggang sa huling pagputok ng fireworks na nakita ko "ang ganda grabe!" Sabi ko kay Kidd na nakangiting nakatingin sakin habang nakatayo sa tabi ko. "Ano yan?" Tanong ko sa kanya na nakataas at nakasara amg kamao ng kamay niya sa harapan ko.
"Buksan mo" sagot lang niya sakin na nakangiti. Inangat ko ang kamay ko at akmang bubuksan ko na sana ang kamay niya tsaka naman niya yon kusang binuksan at nakita ang bracelet na kumikanang sa dilim. Kinuha ni Kidd ang kamay ko at walang sabing sinuot ang bracelet sakin.
"Ang ganda" mahinang sabi ko habang minamasdan yon
"Parang ikaw maganda pero mas maganda ka" sabi nito na ikinangiti ko
"Para sakin ba to?" Tanong ko sa kanya na hindi mabura ang ngiti
"Hindi pinasukat ko lang sayo" tumatawang sabi niya
"Ganon?" Masungit na sabi ko at akmang tatanggalin na yon pero niyakap niya ako. Yep! Niyakap niya ako.
"Kahit kailan hindi ka mabiro" sabi nito "alam mo bang napakasaya ko? At yon ay dahil sayo" sabi pa niya habang yakap pa rin niya ako
Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil sa yakap niya hindi ako basta matutumba dahil ngayon ay nanlalambot ang mga tuhod ko na parang gelatin o magagalit dahil sa yakap niya para akong sumali sa triathlon hindi dahil sa pagod kundi dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko.
Alam kong mali tong nararamdaman ko pero ano magagawa ko? Lahat naman tayo nagkaka crush diba? Ang dami ko ngang crush eh. Kailangan kong kumalma, kailangan kong kalmahin sarili ko, sinong babae ba hindi tatalon ang puso palabas ng rib case nila sakaling mayakap niya crush niya diba? Normal pa ako.
***