Chapter 14: CHAPTER THIRTEEN
Lexinne's Pov
"Hello babe good morning" dinig kong sabi ng sa kabilang linya
"Hmm.. yeah. Hello good morning" sagot ko na tulog pa ang diwa. Pilit kong minulat mata ko at tinignan ang wall clock na nakasabit at nakitang alas singko y medya palang ng umaga
"Nagising ba kita?" Tanong ng nasa kabilang linya. Bahagya ko pang nilayo ang phone sa tenga ko at tinignan kung sino yung caller at para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising agad ang katawang lupa ko
"Babe? Nandiyan kapa ba?" Tanong niya
"Ha? Yeah yeah" sagot ko na umupo sa kama
"Nagising ba kita?" Tanong niya
"Kinda pero ayos lang oras na din naman kasi, kailangan ko ring mag ready for school" sagot ko
"Hintayin mo ako diyan sabay tayo mag breakfast, maliligo lang ako tapos pupunta na ako diyan" sabi niya
"Ha? Bakit dito kapa mag b-breakfast? Wala bang pagkain sa inyo?" Tanong ko na nagmamadaling tumayo at ini on ang ilaw tsaka tumingin sa salamin
"Pinagluto kasi kita ng breakfast inaayos ko na nga sa lagayan" sabi nito
"Omelet ba yan? Sigurado may omelet din iluluto dito tsaka hotdog and bacon" pan discourage ko sa kanya para huwag ng pumunta
"Nope! Crispy cheese bacon potatoes ginawa ko. Hindi mo lang alam kung ilang cheese, potatoes at bacon ang nasayang ma perfect ko lang to" sabi pa niya
"Bat kasi nag abala kapa? Huwag ka ng pumunta dito at kainin mo nalang yan diyan" sabi ko pa
"Kasi worth it ka. Ayaw mo ba akong makasamang kumain?" Ramdam ko pagtatampo sa boses niya
"Hindi naman sa ganon baka masanay kasi ako at hanap hanapin ko kaso lang alam kong busy ka sa trabaho kaya imbes na mag aksaya ka ng oras sa paghanda ng breakfast para sakin mas mabuting itulog mo nalang" paliwanag ko
"Ang sabi ko nga kasi diba worth it ka? Napaka liit na bagay lang naman nito. Maliligo na ako hintayin mo nalang ako diyan sa inyo at sabay tayong mag b-breakfast" sagot pa niya
"Okay ingat ka nalang sa pag drive" sabi ko bago ini end ang tawag niya
Inilabas ko na rin sa closet ang uniforms ko at inihanda ang bathtub. Habang hinihintay mapuno ng tubig ang bathtub ay naghanap ako ng perfume bubbles na ilalagay ko. Napili ko yung lavender at nagbuhos ng tamang dami sa tub.
After 30 minutes na pag enjoy sa pagliligo ay umahon na din ako. Ang totoo nakalimutan kong darating nga pala si Kidd at dito mag b-breakfast sa bahay. Na relax ako masyado sa amoy ng chamomile at lavender na ginamit ko. Kaya ng maalala si Kidd ay mabilis akong nagbihis at nag ayos ng mukha.
Sampung minuto na rin siguro akong nakatanga sa harap ng vanity mirror. Hanggang ngayon ay tanging pulbos palang nalagay ko sa mukha.
"Lexinne nandito si Kidd" tawag ni Nanay Sally
"Bababa na po" sagot ko at muling tinignan muli ang salamin. Tulad ng nakaugalian ay naglagay lang ako ng lip moisturizer kahit hindi naman dry lips ko.
Matapos masigurado na ayos na mukha ko at presentable na akong tignan ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba.
"Ayan na pala siya" sabi ni Mama kay Kidd
"Good Morning Ma si Didi?" Tanong ko ko pa
"Nag s-shower pa siya. Asikasuhin mo nga muna itong boyfriend mo at titignan ko muna sandali yung niluluto ko" paalam ni Mama
"Sige Ma" tipid na sagot ko
"Ang aga mo ah!" Pabirong totoong sabi ko
"Ang totoo wala pa akong tulog nito, hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sayo" pambobola pa nito
"Ang aga ang corny mo, upo ka muna" sabi ko na tinuro ang sofa. Umupo naman siya at naupo ako sa kaharap niyang upuan "so ano magtititigan nalang tayo?" Pabirong sabi ko
"Bakit gusto mo bang bigyan kita ng good morning kiss?" Sabi niya na kulang nalang mapunit ang labi niya sa sobrang pagngiti
"Oo ba! Always ready naman ang kamao ko para dumapo sa nguso mo" sabi ko na matamis na ngumiti habang pinapakita ang kamao ko
"Nandito ka pala Kidd nag breakfast ka naba?" Tanong ni Didi
"Honey pinaghanda niya ng breakfast si Lexinne at siya nalang daw maghahatid sa kanya sa school" sabi naman ni Mama
"Good Morning po Tito" bati ni Kidd
"Good morning din, halina na sa mesa ng makapag breakfast na tayo" aya ni Didi na nauna ng naglakad
Gaya kagabi pinaghila muna ako ni Kidd ng upuan bago umupo sa tabi ko.
"Mukhang masarap ang breakfast ni Lexinne ha" sabing totoo ni Mama dahil mukha naman talagang masarap
"Para kay Lexinne lang ba talaga yan?" Pabirong sabi ni Didi
"No Tito para po sa ating lahat" sagot naman ni Kidd
"Kung ganon kumuha kana sweetheart ng matikman na namin ang inihanda ni Kidd sayo. Ikaw ba talaga nagluto niyan? Baka naman pinaluto mo lang sa chef niyo yan ah" tumatawang sabi ni Didi
"Ako po talaga nagluto nito, buena mano nga po ito sa mga gamit ko sa kitchen dahil bagong lipat lang po ako sa condo ko kagabi" sagot ni Kidd na una ng kumuha ng dala niyang cheese bacon potatoes at nilagay sa plato ko.
"Thank you" sabi ko at tinikman na yung pagkain. Nakatingin lang siya sakin tulad kahapon sa omelet na ginawa niya at di ko napigilan ang pagtawa at itinaboy ang mukha niya na nakaharap sakin
"Why?" Natatawang tanong niya
"Para ka kasing sira, oo na masarap" sabi ko muling tinulak ang mukha niya palayo ng muling tumingin sakin
"Hindi nga masarap?" Tanong niya na may malapad na ngiti sa labi
"Oo nga sabi masarap nga baliw" sabi ko na sinubuan siya ng niluto niya "diba masarap?" Sabi ko habang nginunguya niya. Tumango tango naman ito
"May dala din akong french toast pangit nga lang itsura pero subukan mo" sabi niya na kumuha nung toast at sinubuan ako
"Hmm.. masarap siya ang creamy niya" sabi ko na tumatango habang ngumunguya tsaka kumuha rin at sumubo
"Honey ang sweet nila no? Bagay na bagay sila" dinig kong sabi ni Mama kaya napatingin ako sa kanya at umayos ng upo
"Hayaan mo sila at huwag pansinin kumain nalang tayo. Tiknan mo itong toast honey masarap siya" sabi ni Didi
"Oo nga gusto mo bang gawin ko to bukas? Itatanong ko kay Kidd yung recipe nito" sabi naman ni Mama
Tumingin ako kay Kidd na nakatingin pala sakin at pinunasan niya gilid ng labi ko.
"Para kang bata ang dungis mong kumain" pigil ang pagtawang sabi niya
"Kumain ka nalang" sabi ko na muling tinulak ang mukha niyang nakaharap sakin
********
"Mauna na po kami" paalam ni Kidd sa magulang ko
"Sige mag ingat kayo" sabi naman ni Mama
"Opo salamat po sa breakfast" sabi pa niya
"Mag ingat ka sa pagmamaneho pasahero mo ang prinsesa ko" sabi naman ni Didi
"Opo Tito" sagot pa ni Kidd
"Alis na kami bye!" Paalam ko naman na hinila na si Kidd pasakay sa sasakyan niya. Kumaway muna ako sa parents ko bago tuluyang pumasok sa sa suv ni Kidd at lumarga paalis.
"Anong gusto mong breakfast bukas?" Tanong ni Kidd
"Juiceko Kidd huwag kana mag abala okay? Kahit ano naman kinakain ko. Yung time na ginugugol mo sa pagluluto isali mo nalang sa tulog mo. Sabi mo wala pa ikaw tulog diba? Tapos magtatrabaho kapa, papatayin mo ba sarili mo? Kaya kapag may extra time ka itulog mo nalang" utos ko sa kanya
"Okay babe matutulog ako sa office mamaya pagkarating na pagkarating ko" sagot niya sakin
"Huwag mo nga akong tinatawag na babe kinikilabutan ako. Tsaka paano ka makakatulog sa office mo eh puro ka trabaho" sabi ko pa
"Babe babe babe eh sa gusto kong tinatawag kang babe" tumatawang sabi niya na inulit ulit talaga yung babe "matutulog ako promise, susunduin pa kita ng lunch kaya kailangan kong matulog" sabi pa niya
"Susunduin mo ako ng lunch? Bakit?" Tanong ko
"Gusto kong makasabay kang mag lunch" balewalang sagot naman niya
"Kung may extra time ka mamayang lunch mo itulog mo nalang din. Kasabay ko naman ang kapatid mo tuwing lunch, kung susunduin mo ako sino kasabay ni Klea? Tsaka busy ako. May quiz kami ng 1pm kaya mag r-review ako" sabi ko
"Edi sa school nalang din niyo ako kakain" sabi naman niya
"Baliw kaba talaga? Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi kong itulog mo nalang extrang time mo?" Inis na tanong ko sa kanya
"Ano din bang hindi mo maintindihan sa sinabi kong gusto kitang makasabay mag lunch?" Sabi niya na tumingin sakin
"Tumingin ka sa daan huwag sakin!" Malakas kong sabi kaya binalik niya paningin niya sa daan "hindi naman kasi pwede na lahat ng gusto mo masusunod, yung kakainin mo palang na oras sa pag drive papunta sa school at pabalik pwede ng idagdag sa tulog mo" pilit na paliwanag ko
"Okay sige talo na ako pero mamayang gabi sa labas tayo mag d-dinner susunduin kita sa bahay niyo ng 7pm. Hindi ka pwedeng tumanggi, hindi mo pwedeng sabihin na matulog nalang ako dahil after kitang ihatid pauwi sa bahay niyo ay matutulog naman ako sa pad ko" mabilis na sabi niya
"Bakit tayo mag d-dinner sa labas? Puro ka gastos bakit hindi ka nalang kumain sa inyo? O kaya kung gusto mo pumunta ka nalang ng bahay at doon ka nalang kumain" sabi ko
"Sinabi ko na bawal kang tumanggi, basta susunduin kita sa bahay niyo mamayang 7pm sharp" sabi niya sabay tingin sakin at hinto ng sasakyan niya
Tumingin ako sa labas at nasa parking lot na pala kami ng school. Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko ng unahan ako ni Kidd. Heto na naman malapit na naman mukha niya sakin, naaamoy ko ang mabangong hininga niya at ang cologne niya. Heto na naman nagwewelga ang puso ko at mabilis ang pagtibok.
Nang matanggal niya seatbelt ko ay nakahinga na ako. Pinigilan ko pala ang paghinga ko kanina. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan makalabas.
"Thanks" sabi ko na inayos pa ang palda na nahanginan
"Susunduin kita sa bahay niyo mamaya" paalala ulit nito na inayos pa ang buhok ko at inipit ang ilang hibla sa tenga ko
"Oo na mag ingat ka sa pag drive, matulog ka ha?" Sabi ko tsaka kumaway sa kanya "bye na" sabi ko pa bago naglakad at tinalikuran siya
"Babe!" Tawag niya na ikinalingon ko
"Ano?" Tanong ko naman
Nakangiti lang siya habang nakapasok sa dalawang bulsa niya ang mga kamay niya at nakatayo sa tabi ng sasakyan niya. Bumilis na naman tuloy tibok ng puso ko.
"Wala gusto ko lang makita mukha mo" sagot naman niya na ikinatawa ko ng malakas
"Sira ulo! Bye na!" Malakas na sabi ko pero hindi mawala ngiti sa mukha ko
Bago tuluyang pumasok sa entrance gate ay tumingin muna ulit ako kay Kidd. Nandoon pa rin siya nakatayo at mukhang hinihintay pa akong pumasok bago siya aalis.
Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Oo aminado na ako may crush na ako sa kanya pero kailangan kong pigilan sarili ko dahil baka ang crush na nararamdaman ko mauwi sa love at sa huli talo ako.
***