Chapter 11: CHAPTER TEN
Lexinne's Pov
Maagang tumawag si Mama at binalita na uuwi na daw sila ngayong araw. Ayokong mangumusta sa naging lakad nila sa phone kaya pag uwi nalang nila mamaya ko sila uusisahin ni Didi.
"Good Morning mga babies ko" bati ko sa tatlong asong kakawag kawag ang mga buntot. Agad kong nilagyan ng dog food mga feeding bowls nila at tubig naman sa mga containers. Dahil maaga pa naman ay nakipaglaro muna ako sa kanila.
Hindi pa gaanong magaling ang pilay ni Queenie kaya hanggang himas muna ang ginagawa ko sa ulo niya, habang ang dalawa naman ay nag wreresling at hinayaan ko nalang.
"Mang Nicanor paki tanong naman po kay Nanay Sally yung gamot ni Queenie pati mga vitamins nila" utos ko
Alam ko naman kung saan nakalagay kaso ayokong tumayo at iwan mga baby bubot ko. Ilang sandali lang ay bumalik na si Mang Nicanor bitbit ang lagayan ng mga gamot at vitamins ng tatlo.
Inuna kong lagyan ng ointment mga galis ni Queenie. Sabi ng doctor effective daw ang ointment na to para matuyo agad mga galis ni Queenie. Mukha namang effective kasi natuyo na yung ibang sugat sa gilid niya.
"Mang Nicanor pasuyo ko nalang po sa inyo mamaya si Queenie, pagkatapos niyang kumain ng lunch paki pahiran nalang po ulit ng gamot mga galis niya. Tapos po pinainom ko na silang tatlo ng LCvitamins bigyan niyo nalang po sila ng fish oil mamaya pagkatapos nilang mag lunch tapos ako na po bahala sa kanila mamayang gabi" pakiusap ko
"Sige walang problema, sila lamang namang tatlo ang lagi kong kasama dine. Hayaan mo ako bahala sa kanila habang nasa eskwelahan ka. Paliliguan ko rin mamayang tanghali sina Pocholo at Maddie para pagdating mo galing sa eskwelahan ay mabango sila" nakangiting sabi ni Mang Nicanor
"Thank you po, sige po maliligo na ako" paalam ko at pumasok na sa loob ng bahay at umakyat papuntang kwarto ko para makaligo.
*******
"Good Morning!" Bati ni Kidd sakin na nagpagulat sakin dahil sa pagsulpot niya "for you" sabi pa niya sabay abot sakin ng isang pirasong pulang rosas na mukhang pinitas lang niya sa flower garden ng school at isang paper bag"
"Good Morning din ano to?" Tanong ko sa kanya habang pinapakita yung paper bag
"Breakfast mo ako naghanda niyan" nakangiting sabi niya
"Nyee! Nag breakfast na ako ikaw nalang kumain niyan" balik ko sa kanya
"Kahit tikman mo lang pinaghirapan ko kayang gawin to" parang batang sabi niya
"Teka nga wala ka bang trabaho bakit ang aga nandito ka?" Kunot noong tanong ko sa kanya
"Ako ang boss kaya okay lang malate ako" nakangiting sabi niya
"Napaka buting halimbawa mo naman pala sa mga empleyado mo bossing" sarcastic na sabi ko
"Ngayon lang naman pampagaan lang ng umaga. Mamaya magiging busy na ako sa dami ng meetings ko" sabi niya na hinila ako at pinaupo sa isang bench
"Uy ano ginagawa mo? Hindi ko na nga napasukan last subject ko kahapon malelate pa ako ngayon" angil ko
"Ang aga kong nagising para ipag prepare ka ng breakfast, tikman mo naman kahit konti lang tapos aalis na ako pangako" sabi nito na tinaas ang isang kamay
Nilabas niya mula sa paper bag ang tatlong tupperware. Nang buksan niya ay natawa ako dahil sa itsura ng nagkalasog lasog na omelet. Yung isang tupperware naman ay may lamang bacon at hotdog at yung isa naman na lagayan ay may sinangag.
"Nag breakfast na nga kasi ako pero sige para titikman ko para tigilan mo na'ko" sabi ko na kukunin na sana ang kubyertos pero naunahan niya ako. Mabilis siyang kumuha sa omelet na ginawa niya at nagtangkang subuan ako.
"May kamay ako kaya kong kumain mag isa" natatawang sabi ko na pilit kinukuha ang kutsara. Sa huli siya din ang nanalo. Tumingin muna ako sa paligid, mukha namang walang pakealam mga tao kaya ngumanga nalang ako at sinubo yung pinapakain niya sakin.
"Kumusta ang lasa?" Tanong niya na tila nag aalala na nakatingin lang sakin
"Okay naman lasang itlog" sagot ko habang ngumunguya
"Malamang itlog yan kaya lasang itlog ang gusto kong malaman kung masarap ba o maalat o matabang o kulang sa lasa" parang dismayadong sabi niya
"Tikman mo kaya ng malaman mo" natatawang sabi ko tsaka siya sinubuan din ng omelet niya "oh anong lasa? Itlog diba?" Sabi ko tsaka muling sumubo nung omelet
"Masarap ba? Pati dito sa school PDA kayo ha? Alam niyo ba yung tinatawag na indirect kiss?" Biglang sulpot ni Klea at inagaw sakin ang tinidor na may hotdog
"Hindi naman ha! Kumakain lang naman kami" depensa ko
"Oo nga kita ko nga kasi may mata ako diba? Ang aga aga niyong naglalampungan at dito pa sa school naisipan mag pda" sabi pa ni Klea na muling tumusok sa hotdog
"Hey! Hindi yan para sayo. Pinaghirapan kong lutuin yan para sa babe ko" sabi naman ni Kidd at inagaw tinidor kay Klea
"Grabe kuya para hotdog lang" angal naman ni Klea
"Oo nga naman, sabi ko naman sayo nag breakfast na ako sa bahay. Mag share nalang kayo ni Klea sa niluto mo tutal busog pa ako" sabi ko
"Gusto ko lang naman makasabay kang kumain. Sobrang busy kasi ng sched ko kaya 'di kita magawang maayang kumain sa labas" parang gusto kong maniwala na nalulungkot nga siya. Pero naisip ko napag usapan namin kahapon, kailangan gampanan namin ang role ng tunay na mag jowa kaharap man o hindi mga tao.
"Edi mag visit ka sa bahay nila mamayang gabi at doon ka nalang mag dinner. Huwag ka nalang mag overtime at kung may dinner appointment ka pero di naman gaanong importante o makakapag hintay pa edi cancel mo muna ng makadalaw kana rin sa bahay nila Lexinne" payo ni Klea na ikinabilog ng mata ko. Noooo! Hindi pa ako ready ipakilala siya sa parents ko.
"Yeah right. Good idea!" Sang ayon naman ni Kidd sa kapatid niya
"Naturingan kang matalino pero ang simpleng bagay pinapa kumplikado mo" mayabang na sabi ni Klea
"Tara na baka malate tayo" aya ko kay Klea na hinila siya pataas
"Babe wait, dalhin mo na tong sandwich make sure you eat it and hot lemon water inumin mo, ubusin mo" utos pa ni Kidd
Ganito ba talaga may boyfriend? May nag c-care sayo?
"Okay I will. Ingat ka" sabi ko at nag babye na sa kanya
"Bye kuya! Thank you sa pa breakfast!" Malapad na ngiting sabi naman ni Klea na kumakaway din sa kapatid
Kumaway din si Kidd samin at sa huling pagkakataon tumingin ulit ako kay Kidd na puno ng ngiti ang mga labi at muling kumaway sa kanya.
*******
"Baka gusto mo mag explain?" Sabi ni Klea pagkaupong pagkaupo palang namin sa mga upuan namin sa loob ng classroom
"Anong i eexplain ko na naman sayo? Kung tungkol sa nakita mo kanina wala yon. Matindi lang talaga topak ng kuya mo kaya pinagdala niya ako ng breakfast without asking me if kumain na ako" sabi ko sa kanya
"Hindi yon bruha! Gusto kong malaman yung tungkol sa inyo kung paano kayo naging kayo" kulit nito
"Diba sinabi ko na sa text ko sayo kagabi? Nagkakilala nga lang kami sa facebook tapos niligawan niya ako tapos sinagot ko siya at naging Ldr kami" ulit kong sabi sa kanya tulad ng text ko sa kanya
"Ang gulo kasi! Hindi ako makapaniwala" sabi pa niya
"Saan yung magulo don? Baka ayaw mo lang ako bilang girlfriend ng kuya mo kaya ayaw mo maniwala" kunwari nagtatampong sabi ko
"Baliw kaba?! Syempre gusto kita para sa kuya ko kaya lang nawindang ako kahapon at ayaw pa mag sink in sa utak ko mga nalaman ko" sabi niya na hawak hawak ang ulo at umiiling
"Sorry na" nakangiting sabi ko
"Ano pa magagawa ko kundi supportahan ang bestfriend ko at kuya ko. Ang ayoko lang at huwag sana mangyari ay yung mag away kayo at magkalabuan kayo. Ayokong masira friendship natin dahil sa kapatid ko ang boyfriend mo" sabi niya na may lungkot sa tinig habang nakangusong nakatingin sakin
"Thank you beh" sabi ko sabay yakap kay Klea "kahit anong kahantungan ng relasyon namin ng Kuya Kidd mo bff pa rin tayo" sabi ko pa tsaka parang sinayaw sayaw ko ang hug naming dalawa kahit nasa upuan lang kami
"Promise yan ha? Pero bakit hindi mo sinabi sakin na boyfriend mo pala kapatid ko? Kagabi ko pa nga iniisip yang tanong na yan eh. Nagkatampuhan ba kayo? Nagalit ka sa kanya? Todo deny ka kaya sa kanya kahapon" akala ko ako lang tsismosa pati rin pala siya
"Hindi ko kasi alam na kapatid mo siya, hindi siya nagkukwento about sa family niya. Tsaka kasi diba sa video call lang kami nagkikita dahil LDR nga kami, tapos yang magaling mong Kuya nangako na uuwi nga dito sa Pilipinas day after ng pagdating ko dito sa pinas kaso nganga lang ako kaka antay sa kanya. Kaya yon hindi ko na muna siya kinausap ng ilang araw. Tapos nung tumawag ulit siya sakin sabi niya tatapusin lang niya gagawin niya sa Australia at uuwi na talaga siya dito sa Philippines. So ako naman asang asa naman sa sinabi niya hindi ko naman naisip na baka next year pa matatapos yung gagawin niya kaya nagalit ulit ako dahil dakilang paasa siya. Kaya yun nagalit ako at hindi na talaga siya kinausap tapos nabasa ko text niya huwag na daw ako magalit at isang araw makikita ko nalang siya sa bahay namin. Tapos sabi ko break na kami at iisipin kong hindi siya nag eexist sa mundo. Tapos yung nangyari kahapon na nakita mo yung continuation" mahabang paliwanag ko. Papa God sorry po sa mga kasinungalingan ko. Napapikit pa ako ng mariin sa piping dasal ko.
"Kaya pala. Pero sinabi ko sayo kung nasaan kuya ko at yung work niya at kung saan siya nagtatrabaho diba? Tsaka pareho din kami ng apelyido hindi ba sumagi sa isip mo na baka siya nga yung sinasabi kong kapatid?" Panghuhuli niya sakin
"Oo nga nagkwento ka tungkol sa kuya mo pero hindi sumagi sa isip ko na yung kuya mo na kinukwento mo ay yung boyfriend ko. Alam ko lang nasa Australia siya at sa isang hotel siya nag w-work. Tsaka naalala mo yung kwento mo na ayaw niya sa babae? Chickboy kaya si Kidd kaya hindi ko talaga maiisip siya yon" sabi ko na pinag ekis ang kamay tsaka umiling iling
"Omo! Na kwento ko sayo yung tungkol sa ex niya diba? Lagot!" Sabi niya na tinakpan ang bibig niya
"Ayos lang ano kaba! Past na niya yon ang importante kami ngayon at mahal niya ako" nakangiting sabi ko pero sa isip ko ay nagdarasal ako ng sampung Abe Maria dahil sa kasinungalingan ko.
"Huwag mo nalang sabihin kay Kuya mga nakwento ko ha? Patay ako don pagnagkataon" pakiusap niya habang magkadikit ang dalawang palad niya
"Wala ka naman kinuwento diba? Ano ba kinuwento mo?" Natatawang sabi ko tsaka kunwari ziniper ang bibig
"Waaah! Kaya love kita eh!" Sabi nito tsaka ako niyakap
"Hahaha! Masyado ka lang kasi nag aalala, hindi naman kita ipagpapalit dun sa kuya mong may sayad" tumatawang sabi ko
"Sus! Maniwala ako sayo!" Nakangusong sabi niya tsaka ngumiti
Tinignan ko yung tumbler na binigay ni Kidd pati na yung sandwich na ginawa daw niya for me. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang tinitignan ang mga yon at nakikita ang imahe ni Kidd kanina na huling sulyap ko sa kanya. Gusto kong kiligin pero kailangan kong magpigil kasi fake lang lahat. Baka umasa ako at sa huli masaktan ako kaya kailangan kong pigilan ang sarili ko. #HuwagUmasa
***