Chapter 12: CHAPTER ELEVEN

Lexinne's Pov

"Hello mga baby ko! Na miss niyo ba ako?" Tanong ko sa tatlong pattotie na kumakawag ang buntot at nakatayo sa harapan ko

"Sweetheart magpalit ka muna ng damit bago mo laruin mga anak mo" pigil tawang sabi ni Didi na hindi ko napansin na nakatayo pala sa di kalayuan kasama si Mang Nicanor

"Waaah! Di! Nandito na pala kayo si Mama?" Tanong ko na sumilip sa bukas na pinto ng bahay pero hindi ko nakita

"Kasama ng Nanay Sally mo nasa kusina at naghahanda ng maluluto para sa hapunan mamaya" sabi niya

"Mukhang naging maganda lakad niyo sa Cebu ha? Pero bakit ang aga naman nilang maghanda ng hapunan? 4:30 palang ah" sabi ko habang nakatingin sa orasan sa bisig ko

"Hmm.. parang ganon na nga. Natalo tayo sa bidding sa paggawa ng hospital sa Cebu pero kagabi may tumawag sakin at gustong pag usapan over dinner yung pinapagawa niyang hotel and resort niya sa Tagaytay" malapad ang ngiting sabi ni Didi halatang tuwang tuwa. Naubo naman ako at umiwas ng tingin at napangiwi sa nalaman

"Wow! Goodluck po kung ganon" sabi ko tsaka sinuklian din ng matamis na ngiti si Didi

"O sige na magpalit kana muna ng damit" utos niya sakin

"Maya na Di makikipag laro nalang muna ako sa mga baby ko" sabi ko tsaka kinarga si Maddie na pinaka maliit sa kanila. Si pocholo naman ay tahol ng tahol dahil yata binuhat ko si Maddie.

"Naikwento ni Mang Nicanor na may bagong ampon ka pala" sabi ni Didi na yumuko at hinimas ang ulo ni Queenie

"Yes Di, siya si Queenie mukhang inabandona na siya ng dating furparents niya. Naawa ako at nacutan sa kanya kaya inampon ko nalang din" sabi ko

"Paano kung hindi naman pala siya inabandona gaya ng inaakala mo at nakawala lang o nakalabas sa gate ng bahay na tinitirhan nila dati? Paano kung hinahanap pala siya at paano kung malaman ng may ari sa kanya na nandito siya sa bahay natin ano gagawin mo?" Seryosong tanong ni Didi

"Kung inaalagaan talaga siya bakit pilay at may galis siya? Sige sabihin na natin nawala nila siya at sa kalsada na napilay at nagkagalis si Queenie. Bakit hindi nila hinanap? Sana nag effort sila kung hinanap talaga siya by posting poster diba? Kung sakali naman na hinahanap talaga siya at malaman nilang nandito siya edi ibabalik ko sa kanila. Basta ba aalagaan na talaga siya ng mabuti at payagan akong madalaw o makita si Queenie paminsan minsan" malungkot na sabi ko habang nakatingin sa kawawang aso

"Mukha naman hindi siya hinahanap kaya sigurado dito na siya sa atin" sabi pa ni Didi na nagpangiti sakin

"Hehehe" nakakalokong tawa ko naman

Muli akong nakipag harutan sa mga baby ko. Para akong batang nakikipag habulan pa sa kanila, lagi nga nila akong nahuhuli kaya puno na ng laway nila laylayan ng palda ko.

Nang mapagod ako ay pumasok na ako sa bahay at dumiretyo sa kwarto. Nilabas ko pambahay kong damit, isang maong na short at isang tshirt na malaki at mahaba. Lagi nga akong napapagalitan kay Mama kapag nagsusuot ako ng tshirt gaya ng balak kong isuot ngayon. Eh sa dito ako komportable eh.

Mabilis akong naligo at sinuot yung mga damit na kinuha ko. Hindi na ako nag abalang mag blower ng buhok kasi nandito lang naman ako sa bahay at binuksan nalang ang e-fan at hinayaan hanginan ang buhok ko.

Dumapa ako sa kama at binuksan ang laptop ko at nanood sa netflix. Kung ang iba binubuksan ang laptop nila para sa twitter at facebook ako naman binubuksan ko lang ang laptop ko para netflix at mag research. Madalang lang kung mag open ako ng facebook account ko at mas marami pa yung tagged photos kaysa sa ako mismo ang nag post.

Malapit ng matapos ang pinapanood ko ng katukin ako ni Nanay Sally.

"Lexinne tawag kana sa baba at kakain na" sabi ng matanda

"Sige Nay bababa na po ako" sabi ko tsaka tumayo na sa kama at nagsuklay ng buhok

Habang naglalakad ay dinig na dinig ko ang tawanan nila Mama at Didi may isang tinig din sumasali sa tawanan nila pero 'di ko lang alam kung kanino. Pagkababa ko ay nakita ko magulang ko sa sala kasama si Kidd na prenteng nakaupo. Nagtama paningin naming dalawa ni Kidd at kasabay ng pagngiti niya ay ang pagtayo niya hawak ang isang maliit na stuff toy nasa 6 inches lang siguro yon.

"Good evening" bati niya sakin

"Oh Hi! Good evening" mahinang sabi ko

"Mr. Pimintel this is my daughter Lexinne" pakilala sakin ni Didi habang naka akbay

"Omo! Wae geugeo ibgo iisni?" (Bakit ganyan ang suot mo) namimilog na matang tanong ni mama

"Waeyo? Nae os e mwoga munje ya?" ( bakit? Anong problema sa damit ko?) Tanong ko habang tinitignan ang suot ko

"Ang totoo po niya-" pinutol ko ang balak pa sanang sabihin ni Kidd at humarap kay Didi at malapad na ngumiti

"Ahm Didi magkakilala na po kami, kapatid siya ni Klea yung bestfriend ko na pumunta dito kailan lang" sabi ko

"Ohh! Kapatid mo pala si Klea! Nakakatuwa naman" napalakpak pang sabi ni Mama

"Kung ganon pala halina sa mesa at ng makakain na tayo" aya ni Didi kay Kidd

"Sige po Sir" sagot naman ni Kidd at tinaasan ako ng isang kilay.

Sumimangot ako at ngumusong tinignan si Kidd na nasa likuran ko lang. Kunot noong nakatingin lang siya sakin habang sumusunod samin papunta sa dinning table.

"Simple at konti lang naluto ko pero sana magustuhan mo" sabi ni Mama na nagmwestra pa kay Nanay Sally na tanggalin mga takip ng ulam "sige iho umupo kana huwag kang mahihiya" sabi pa ni Mama

Bago umupo si Kidd ay pinag urong muna niya ako ng upuan at hinintay makaupo bago siya umupo sa tabi ko

"Marami na nga po ito at mukhang masarap" pambobola pa ni Kidd sa Mama ko

"Sige na kumain na tayo. I don't want to brag about my wife cooking skills pero ipagyayabang ko na kasi talaga naman masarap siyang magluto. Makikita mo naman sa katawan ko" tumatawang sabi ni Didi

"Maging si Lexinne din naman po hiyang sa luto ng mommy niya lumulobo ang pisngi niya" sagot naman ni Kidd na pinisil pa pisngi ko

"Tse! Kumain ka nalang" sabi ko naman at kumuha na ng pagkain at nilagay sa plato ko.

Kumilos na din si Kidd at kumuha ng pagkain niya at kumain.

"Wow! It's delicious! Try this babe" sabi pa ni Kidd at nilagyan ng beef broccoli ang plato ko

"Thanks" tipid kong sabi

"I told you masarap magluto ang asawa ko" tuwang tuwang sabi naman ni Didi

"Masyado niyo naman akong binobola, sige na kumain lang kayo" sabi naman ni Mama

"Sir about po sa tinawag ko last night, nalaman ko po at nabasa yung sinubmit niyo na bid para sa hotel and resort sa Tagaytay. Sinabihan ko na po yung office na I cancel na yung bidding na gagawin next month dahil ang Gomez Construction Company niyo na po ang gagawin namin partner sa pagtayo ng Hotel and Resort ko sa Tagaytay" sabi ni Kidd

"Omo omo! Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mama

"Wow! Are you serious?" Hindi din makapaniwalang tanong ni Didi

Hindi ko naman napigilan ang mapangiti

"Yes po Sir at pag usapan nalang po natin yung contract bukas sa office ko" sabi ni Kidd tapos kumuha ng cordon bleu at nilagay sa plato ko

"Thank you" mahinang sabi ko

"Always welcome babe" sagot niya sakin

Napatingin ako sa parents ko at nagtatanong na mukha ang nababasa ko sa kanila.

"Anong oras kaba available bukas Mr. Pimentel?" Tanong ni Didi

"Kidd nalang po" sagot niya na nagkamot pa ng kilay "pwede po ba yung 10am sa inyo?" Magalang na tanong ni Kidd

"Oo naman ako ang nag aalala dahil alam kong busy ka" sabi naman ni Didi

"Medyo lang po" sagot naman ni Kidd

Habang kumakain ay tungkol na sa business ang pinag uusapan nila Didi at Kidd. Na aamaze ako sa mga pinag uusapan nila kahit wala akong kaalam alam pagdating sa pagnenegosyo. Nalaman ko din na may pineapple farm din pala si Kidd sa Cavite na namana naman niya sa lolo niya.

"Mabuti nga pala at nagpapatayo kapa ng Hotel and Resort sa Tagaytay? Diba kayo naman ang may ari ng Island Park Hotel?" Tanong ni Didi kay Kidd

"Yes Sir, ang Island Park Hotel po ay ang unang Hotel na itinayo ng Lolo ko. Mula ng mamatay ang lolo ko si Daddy na po ang pumalit sa kanya bilang chairman. Nag iisang anak lang naman po ang Daddy ko kaya sigurado din na sa akin o sa kapatid kong si Klea mapupunta ang IPH pero ang gusto ko po sana iwan nalang yon kay Klea tutal gustong gusto naman niya ang IPH. Gusto ko pong magtayo ng sarili kong kumpanya at Hotel na masasabi kong sakin nagmula. Malaki po naitulong sakin ng IPH, bata pa po ako sa IPH na kami umaasa at ngayong matanda na ako ay umaasa parin ako sa IPH. Gusto ko pong tumayo ngayon sa sarili kong sikap at makilala hindi bilang tagapagmana ng IPH kundi isang bagong businessman hotelier at chairman ng gagawin kong generasyon" mahabang sabi ni Kidd na nagpa bilib sakin

"Maganda yang naisip mo. Bata kapa at siguradong matutupad yang nais mo" puri naman ni Didi sa kanya

"Puro negosyo at trabaho nasa isip niyo mas maganda pa rin ang simpleng pamumuhay lang buo ang pamilya at nagkaka bonding. Mabuti pa tulungan ko nalang si Nanay Sally sa pag handa ng deserts" sabi naman ni Mama. Nakangiting tumango lang si Kidd kay Mama

"May punto naman ang misis ko, bilang lalaki at padre de pamilya hindi ibig sabihin naibibigay natin mga materyal na pangangailangan ng pamilya ay sapat na. Kailangan nating maglaan ng oras para sa kanila, at dapat laging nauuna ang pamilya bago ang anupaman" payo naman ni Didi kay Kidd

"Sang ayon naman po ako sa inyo Tito, kaya nga po tayo nagpapakapagod sa pagtatrabaho ay para mapasaya sila at maibigay lahat ng pangngailangan nila. Kaya dapat lang na unahin natin mga mahal natin na pinoprotektahan natin bago ang trabaho. Huwag dapat tanggalin sa isip na kaya tayo nagtatrabaho ay dahil para sa kanila" sabi naman ni Kidd

"Gusto kita. Gusto ko yang prinsipyo mo" sabi naman ni Didi na tinuturo pa si Kidd

"Gusto mong pagtimpla kita ngcoffee? O chocolate ice cream nalang?" Pabulong na tanong ko kay Kidd habang kumukuha ng dalawang cinnamon apple pie at nilagay sa plate niya

"Coffee babe" sagot niya sakin kaya tumayo na ako para ipagtimpla siya ng kape

"Babe?"

"Yes babe?" Sagot ko na tumingin kay Mama "yes ma?!" Biglang bawi ko at muling tumalikod

"Magtapat ka nga sakin Lexinne, boyfriend mo ba yang si Kidd?" Panghuhuli sakin ni Mama

"Ma ano kasi. Kapatid siya ni Kle-"

"Yes or No lang naman sagot sa tanong ko. Oo o hindi. Boyfriend mo ba si Kidd?" Ulit na tanong niya na pumutol sa sasabihin ko pa sana

"Yes" sagot ko at pumikit, inihanda ang anit dahil siguradong sasabunutan ako

"Really?! Omo! Akala ko tomboy ka" napamulat ako at nagulat dahil sa reaction ni Mama na mukhang tuwang tuwa pa.

"Hindi ka galit?" Paninigurado ko

"Bakit ako magagalit? Natutuwa nga ako dahil sigurado na ako ngayon na babae ka talaga at dalaga na" sabi pa ni Mama

"Ehh? Inisip mo talaga na baka tomboy ako?" Nakangiwing tanong ko

"Unfortunately yes, look how you dress" sabi pa nito na napansin na naman pananamit ko

"Ma nasa bahay lang kasi ako at sa ganitong suot ako komportable" sabi ko pa

"Okay pero bakit kasi ayaw mo magpahaba ng buhok? Nung bata kapa laging mahaba ang buhok mo at ang sarap ayusan pero ngayon headband nalang accessories na nilalagay mo sa buhok mo" sentimyento nito

"Eh kasi mas feel ko ang short hair. Maganda nga ako sa long hair pero dyosa ako sa short hair Ma, asset ko kaya to!" Sabi ko na inipit ang maikling buhok sa gilid ng tenga

"Anyway kailangan malaman ng Didi mo'to for sure matutuwa yon" excited pang sabi ni Mama na nauna nang bumalik sa dinning table

Hindi naman ako mapakali kung pupuntahan ko naba sila sa table o mag s-stay pa dito. Ayos na rin ang dalawang coffee na tunimpla ko ang kailangan ko lang ay lakas ng loob para harapin tatay ko. Hindi kasi ako sigurado kung matutuwa siya tulad ni Mama o magagalit dahil ngayon lang niya nakita si Kidd at malalaman pa niyang boyfriend ko siya. Hayyy.. ano gagawin ko? #BahalaNaSiBatman

***