Chapter 10: CHAPTER NINE

Lexinne's Pov

"Hindi ko na alam iisipin ko mababaliw na ako! Kailangan niyo talagang mag explain sakin kung paano nangyari to!" Histerikal na sabi ni Klea na palakad lakad sa harapan namin ng Kuya niya

"Sa bahay nalang tayo mag usap may pupuntahan lang kami ni Lexinne" sabi naman ni Kidd na hinawakan ang kamay ko at inalalayan makatayo

"Ehh? May pasok pa kami" sabi ko na hinila ang kamay ko

"Then ano ginagawa niyong dalawa dito?" Kunot noong tanong ni Kidd

"Foodtrip! Diba dinatnan mo kanina kumakain ng french fries at ice cream? Omo! Natunaw na ice cream ko!" Sabi ko sabay ang pamimilog ng mata at pagtakip sa bibig ng maalala yung ice cream na ngayon ay tunaw na nga

"I'll buy you a new one. Come on let's go" sabi naman ni Kidd na muling hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kanya

"Ehh?" Tanging nasabi ko lang at tumingin kay Klea na humihingi ng saklolo

"Hep! Hep! Saan mo balak dalhin ang bestfriend ko? Tsaka tama na nga yang holding hands niyo kinikilabutan ako" sabi ni Klea na tinanggal pagkakahawak ni Kidd sa kamay ko

"Hihiramin ko lang siya sandali may paguusapan lang kami" sabi ni Kidd sa kapatid niya

"Edi pag usapan niyo nalang dito, thirty minutes nalang next subject na namin" sabi naman ni Klea at tumango tango naman ako bilang pag sang ayon

"I need to talk to her in private" pakiusap naman ni Kidd na muling hinawakan ang kamay ko

"Is it really important?" Seryosong tanong naman ni Klea

"Yes. It's really important" sagot naman ng Kidd

"Okay, siguro naman sapat na ang twenty minutes na yan. Kung ayaw na sayo ng bestfriend ko Kuya huwag mo ng ipilit okay? Mag move on kana lang. Mag kita nalang tayo sa classroom. Lock niyo ang pinto paglabas niyo" sabi pa ni Klea na cool na naglakad palabas.

"Ano ba paguusapan natin?" Simulang tanong ko

"You need to help me" sabi niya na hinila ako paupo sa sofa at hinawakan ang dalawang kamay ko

"Help you saan?" Takang tanong ko

"You need to pretend na girlfriend kita" diretyong sabi niya

"What?! Nasisiraan ka naba talaga?! Ngayon ko nga lang nalaman pangalan mo tapos gusto mo magpanggap ako na girlfriend mo?! No way!" Tanggi ko na tumayo at lumayo sa kanya

"Ano ba dapat kong gawin para pumayag ka?" Tanong nito

"Wala kang kailangan gawin kasi 'di naman ako papayag" diretyong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya

"But I badly need your help" parang nagmamakaawa ang boses niya

"Why me? Ang dami namang babae bakit ako pa?" Nalilitong tanong ko

"Kasi alam ko hindi ka ma fafall sakin" mabilis na sabi niya

"Paano ka nakakasigurado aber?!" Tanong ko

"Bakit may chance ba?" Tanong naman niya

"W-wala!" Sagot ko na medyo nabulol pa

"Wala naman pala eh edi walang problema" sabi pa niya

"Paanong wala eh hindi pa ako pumayag!" Halos isigaw kong sabi sa harapan niya

"Edi pumayag kana para wala ng problema" kulit pa niya

"Hindi nga! Ayoko nga! Ano nalang sasabihin ng parents ko sakin pag nalaman nila?! Ano ako kaladkaring babae?! Nagpapaligaw sa daan?! Buti nga mga easy to get na babae kahit papaano niligawan tapos ako instant ganon?! No way! Ayoko talaga!" Malakas na sabi ko habang naka cross arms

"Edi sabihin natin magka chat tayo at doon kita niligawan dahil nga nasa Australia ako at hindi kita mapuntahan dito sa Pilipinas" kumbinsi pa rin niya

"Yah! Siraulo ba you?! Tuturuan mo pa akong magsinungaling sa magulang ko, kung ikaw sanay kang lokohin pamilya mo at mga taong nasa paligid mo well ibahin mo ako! Hindi ako magaling umarte kaya maghanap ka nalang ng iba" sabi ko na buo na ang desisyon

"Ayaw mo ba talaga?" Tanong pa niya

"A-Y-A-W ayaw!" Sabi ko na umiiling iling pa

"Tatay mo pala si Mr. Raffael Gomez no?" Sabi niya na pinakita pa sakin phone niya at pinakita picture namin dalawa ni Dad na may caption na My SuperMan.

"Wow ha! Ang bilis mo na istalk facebook ko ang galing naman" sarcastic na sabi ko

"Friends kayo sa fb ni Klea kaya agad kong nakita" balewalang sabi niya "ohh.. may construction company pala kayo at may import export furniture international company din kayo" dagdag pa niya

"Eh ano naman ngayon?" Taas kilay na tanong ko

"Tutulungan ko ang mga company niyo magkaroon ng big clients pumayag ka lang. Kapag pumayag ka na maging girlfriend ko tatawag ako ngayon sa office at sasabihin na ang construction company niyo ang gusto kong gumawa ng hotel and resort ko sa Tagaytay plus ang furniture company niyo naman ang mag susupply din samin don. At! Tutulungan ko ang dalawang company niyo magkaroon ng mga bigating kliyente" sabi nito na nagpatunganga sakin.

"Maayos takbo ng company namin kaya kahit hindi mo kami tulungan ayos lang" mayabang na sabi ko pero sa totoo lang napapaisip ako

"Oh? Kaya pala nasa Cebu parents mo at nakikipag deal sa mga investors at possible clients sana nila. Kaso balita ko natalo sa bidding kahapon ang company niyo" sabi ni Kidd na iiling iling

"Ano ba gusto mo ha?!" Di mawala sa boses ang inis na sabi ko

"Be my girlfriend at tutulungan ko dalawang company niyo magkaroon ng mga kliyente" seryosong sabi niya

"Akala ko ba pretend girlfriend lang? Bakit wala na yung pretend ngayon?!" Inis kong tanong

"Hahaha! Okay be my pretend girlfriend" ulit niya

"Okay deal! Pero siguraduhin mo lang na tutulungan mo Didi ko makahanap ng bagong kliyente kundi break agad tayo!" Pag sang ayon ko

"Deal!" Sabi niya na di mawala wala ang ngiti sa labi

"Pero anong sasabihin ko sa parents ko at sa kapatid mo? Kailangan din natin ng contrata para makasigurado ako na susunod ka sa usapan" paninigurado ko "tsaka kailangan natin ng rules para walang lamangan" dagdag ko pa

"Hindi natin kailangan ng contract may isang salita ako" sabi nito

"Kahit na! Lahat ng bagay kailangan ng kontrata" pilit ko

"Okay isulat mo mga rules mo at pipirmahan ko. Hindi ko na kailangan mag sulat dahil sapat na sakin ang mapakinggan at maintindihan mo sasabihin ko" sabi nito

"Sige may isang salita din naman ako, ano ba?" Tanong ko

"Wala naman akong rules maliban sa habang mag boyfriend girlfriend tayo kailangan mong manatiling loyal. Ibig sabihin hindi ka tatanggap ng ligaw at ako lang ang lalaki sa buhay mo" sabi nito

"Yun lang?" Tanong ko na hindi makapaniwala "teka hanggang kailan ba fake relationship natin?" Tanong ko

"Hanggang gusto ko" sagot nito

"What?! Ang daya naman! Paano kung may magustuhan akong lalaki pero in relationship pa din tayo pwede na tayo mag break non?" Tanong ko

"Hindi. Hanggat gusto ko at kailangan kita hindi ka pwedeng makipag relasyon sa iba" sagot niya

"Hindi pwede yon! Dapat may date limit! Sabihin na nating 6 months. Dapat after 6 months mag break na tayo" pilit ko

"Hindi nga. Hanggat gusto ko in relationship pa rin status natin" sabi niya

"Paano kung may magustuhan kana? O kaya nag girlfriend at nag asawa kana pero ayaw mo pa rin makipag break sakin paano naman ako diba? Ang unfair po kaya non!"

"Magiging loyal ako sayo at wala akong ibang babaeng titignan maliban sayo" sabi niya habang diretyong nakatingin sa mata ko. Medyo nag init ang pisngi ko kaya iwas tingin nalang ako

"Kung ganon hindi ko naman pala kailangan na ding magsulat ng kontrata pero siguraduhin mong makikinig ka at susunod sa mga rules ko. Una! No holding hands. Pangalawa, walang yakap yakap at pangatlo walang kiss!" Mariin na sabi ko pagdating sa huling word na sinabi ko

"Sino namang maniniwala sa atin na magkarelasyon tayo kung walang holding hands, hugs and kisses?" Tanong niya na hindi makapaniwala

"Oo nga no? Pero kahit na bawal mga yon. If hindi mapipigilan dahil sa sitwasyon dun lang pwede" sabi ko

"Okay deal" sagot niya na ngingiti ngiti

"Ngayon pagusapan natin kung anong sasabihin ko sa parents ko at sa kapatid mo. Syempre dapat pareho tayo ng sasabihin" sabi ko kay Kidd na pangiti ngiti lang

"Yeah kailangan mag match ang kwento ko at kwento mo pero bago yon kailangan muna nating malaman basic information nating dalawa" sabi niya kaya agad kong sinulat sa notebook ko yung mga sinabi niya. Mahirap na Baka makalimutan ko lalo na birthday niya.

"So nagkakilala tayo sa Facebook ganon? Seven months mo akong niligawan bago kita sinagot. Five months na tayong in relationship ngayon exactly today April 30, 2018. So ibig sabihin November 30, 2017 ng maging official tayo" basa ko sa mga sinulat sinulat ko sa notes ko. "Okay, pag aaralan ko nalang ibang details na sinabi mo pero siguraduhin mo tutupad ka sa pangako mo" sabi ko na tinignan pa siya ng masama.

Inayos ko na ang sarili ko at inihanda ang sarili bilang girlfriend ni Kidd Pimentel, este fake girlfriend ni Kidd Pimentel pala at syempre sekretong malupet lang namin yon ni Babe.

***