CHAPTER 2: Starting A New Life In Danger
Tatlong araw na ang nakalipas magmula nang makilala nito ang taong bumili sa kaniya. Kahapon lamang nakalabas ng ospital ang dalaga at hanggang ngayon nga ay pinagpaplanuhan pa rin nito ang gagawing pagtakas. Kasalukuyan itong nakahiga sa kaniyang kama nang bumukas ang pinto ng kwarto.
Kaagad siyang napatingin sa pumasok, it revealed a dark grey haired guy in a white polo and black trousers. Ngayon niya lamang nakita ang lalake na ito bukod kay Eden at sa ibang mga tauhan ni Thao. Diretsong naglakad ang lalake papunta sa direksyon niya habang nasa likod naman nito si Eden.
The guy stopped infront of her. Celine watched as he scans her from her head to her toe.
“This is his new lady?” the guy said with a tone of amusement. Tumango si Eden at tinignan si Celine. His eyes went down to Celine’s bare thighs, napalunok ito at nag-iwas ng tingin.
“She’s pretty” the guy paused and looked down at her bare thighs with menacing eyes.
Napansin naman ito ni Celine kaya kaagad niyang hinila ang comforter at itinakip sa kaniyang hita. Nang makauwi kasi ito galing sa hospital ay wala itong nakahandang damit na maisusuot kaya kailangan manghiram ni Eden sa nakababata nitong kapatid na babae ng ilang damit pambabae at damit panloob, iyon nga lang ay puro maikli ang ibinigay ng kapatid nito.
“And sexy” anas nito at bahagyang ngumiti. Tumaas ang balahibo ni Celine sa nakitang asta ng lalake sa harapan niya.
“Phoenix” sambit ni Eden sa pangalan nito.
“Relax, kahit gusto ko man angkinin ang babae na ‘to ay hindi pwede. Thao will surely kill me” natatawang saad nito.
Humarap itong muli kay Celine, “The name’s Phoenix” pagpapakilala nito at inilahad ang kamay sa dalaga. Tinignan lamang ito ni Celine bago niya bawiin ang kamay at ipagkrus ang mga braso sa dibdib.
“I’m your bodyguard and shopping assistance for today”
Nangunot ang noo ni Celine, tatanggi sana ito na sumama nang maisip niya na baka makakuha siya ng tyansa na makatakas sa mga ito. Magmula kasi nang iuwi siya ng mga ito sa mansyon ay hindi na siya makalabas, gwardyado ng mga tauhan ni Thao ang buong mansyon at nakasarado ang bawat posibleng lagusan niya palabas. Ilang beses nitong sinubukan tumakas kahapon ngunit palagi itong nahuhuli kaya ibinalik ito sa kwarto at ikinandado.
Without letting Celine breathe a word, the guy spoke again, “Let’s go” tumalikod na ito at nagsimulang maglakad papunta sa pinto.
Inilahad ni Eden ang kamay niya para tulungan makatayo si Celine ngunit hindi ito pinansin ni Celine at diretsong naglakad. Nang marating nito ang pinto ay nagsalita si Phoenix.
“You know young lady, Thao will be mad if we let you out wearing less clothing”
Napatingin si Celine sa suot niya, ngayon niya lang napagtanto na maiksi nga ito.
“I’ve prepared a t-shirt and a pair of jogging pants for you. Sa akin ‘to, hindi ko pwedeng galawin ang gamit ni Thao” napalingon si Celine kay Eden at napatingin sa damit na nakalapag sa bedside table. Ngayon niya lang napansin ang dalang damit ni Eden. She was too occupied on planning her escape to notice even a small detail.
“Magpapalit muna ako” mahinang saad ni Celine. Tumango si Eden at lumabas ng kwarto.
###
“Alright, before we go inside the mall I just want to warn you” saad ni Phoenix nang huminto ang sinasakyang van sa parking space ng mall.
Celine already know kung ano ang sasabihin nito pero mas pinili niya na huwag intindihin ang sasabihin nito. Nothing can stop her from escaping these men and regaining her old life kahit pa wala itong plano kung ano ang gagawin sa oras na makatakas siya.
“Don’t you ever dare try to escape, if we caught you while you’re trying to escape, we’re going to report it to Thao and he’s gonna punish you. However if we didn’t even notice that you escaped hahayaan ka namin” huminto ito dahilan para mapatingin si Celine sa kaniya at hinihintay ang susunod na sasabihin nito.
“Hahayaan ka namin na mamatay sa kamay ng mga kalaban ni Thao” he simply said before opening the door beside him.
Celine was left confused. Papaano ito mamamatay sa kamay ng mga kalaban ni Thao samantalang hindi naman siya kilala ng mga ito. Sa isip niya ay baka tinatakot lang siya nito para hindi magtangka na tumakas. Ngunit wala na talagang makakapigil dito.
The warm breeze of air touches her skin as soon as she got out of the van. Phoenix started to move and so as the body guards and Eden.
Dahil nga nasa gitna at napapalibutan ng apat ng gwardya si Celine ay wala itong nagawa kung hindi maglakad na rin, dahil kung hindi ay mabubunggo siya ng mga lalake na ‘to.
Eksaktong pagdating nila sa elevator ay nagbukas pintuan nito, mukhang nagulat pa ang mga tao sa loob nito nang makita sina Eden ngunit agad-agad na lumabas ang mga ito sa elevator at pumasok sina Phoenix. Celine can feel the eyes of those people na kakalabas lang sa elevator kanina. She even made a quick eye contact with one of them before the elevator door closes.
Pagkalabas pa lamang ng elevator ay ramdam na ramdam nito ang tingin ng mga tao sa kanila. Hindi lang dahil sa mga suit na suot ng mga body guards at suot nina Eden kung hindi ang charisma at aura ng mga ito.
Dumiretso sila sa isang mamahaling shop, the staffs greeted the two men. Huminto si Phoenix at lumingon sa direksyon ni Celine, isinenyas nito ang kamay na lumapit ang dalaga. Nagtataka man ay sinunod na lamang niya ito, she has to be obedient para makatakas siya.
“Find shoes and clothes that will suit her, it doesn’t matter kung gaano karami” utos ni Phoenix sa dalawang babae nang makalapit ito rito.
“We’ll be back in a minute” paalam nito sa dalaga bago tumalikod.
“Don’t try to escape, Ms. Celine” bilin ni Eden bago ito tumalikod at maglakad palabas kasama ang mga body guards.
Walang nagbabantay sa kaniya, which means that she can escape whenever she want. At ngayon iyon.
“We can’t let you escape, Ms. Celine. The boss will kill us” rinig niyang sabi ng isa sa mga staffs kaya nilingon niya ang mga ito.
Mukhang nakuha yata ng isa sa mga ito ang pagtataka sa mukha niya kaya nagsalita ito, “This shop is managed by Eden, we were informed that Thao’s new lady will be coming here and we’re also warned that if we let you escape, then we’ll be punished”
“Let’s go” iginaya na siya nang tatlo papasok sa clothes section ng shop.
Napakaraming mga mamahaling damit. Too bad ay hindi ito maisusuot ni Celine dahil kahit anong mangyari ay tatakas siya ngayong araw.
May mga kinuha ang tatlong staff na mga damit mula sa rack at ipinakita sa kaniya.
Bago pa man makapagsalita ang mga ito ay nakarinig sila ng dalawaang magkasunod na putok ng baril.
Dali-daling tumakbo ang tatlong staff papunta sa entrance para usisain kung ano ang nangyayari. Sumunod si Celine sa mga ito.
Sa labas ay may nagbabarilan na mga lalake, nakatakip ang mukha ng mga ito at armado.
“Sumunod kayo sa sasabihin namin kung ayaw niyo mamatay?!” rinig niyang sigaw ng mga ito.
“Alex, tawagan mo si Sir Eden”
“Reya, pumunta ka sa back door at isara mo ang pintuan”
Hinila si Celine paloob ng babae, pinaupo siya nito sa counter. “Ms. Celine, please stay here for awhile, aayusin lang namin ang shop. Sir Eden will pick you up” nagmamadaling saad nito bago dumiretso sa pintuan at isarado ito saka kumaripas ng takbo papunta sa pinaka loob ng shop.
She has to take this chance para makatakas. Kahit pa may nagbabarilan at nagkakagulo sa labas.
Tumayo siya at sinilip ang tatlong babae ngunit hindi niya makita ang mga ito. Nilapitan nito ang pintuan na isinara ng babae. Tumingala siya at napangiti, mukhang nakalimutan ng babae na ibaba ang harang sa pinto.
She unlocked the door at kumaripas ng takbo. Nakisabay siya sa mga taong nagtatakbuhan, malakas ang kabog ng dibdib nito dahil sa naririnig na sigawan at putukan ngunit mas tinatatagan nito ang loob.
Pababa na sana ito sa escalator ng makita ang bukas na pintuan hindi kalayuan sa kinatatayuan niya, inaninag niya ito. Iyon ang fire exit, kumaripas siya ng takbo papunta sa fire exit.
Muli siyang tumingin sa shop na pinanggalingan at naalerto ng makita sina Eden at Phoenix na luminga-linga, bago pa man nila ito ay makita ay isinara na ni Celine ang pintuan at tumakbo pababa.
Siya lamang ang tao sa fire exit, she felt bad closing the door for people na nagmamadaling umalis sa mall pero kailangan niyang isipin ang sarili ngayon.
Matapos ng ilang minutong pagtakbo pababa ay narating nito ang parking lot. Alam niya na may posibilidad na hinahanap siya nina Eden sa taas at imposible na makababa ang mga iyon sa parking lot pero kahit na ganun ay tumakbo pa rin ito palabas ng parking lot.
Nang makalabas ay walang tigil itong tumakbo palayo sa mall. She’s not going to take the road, bagkus ay lumihis ito papunta sa mga commercial buildings and condominiums.
Nang makalayo sa mall ay umupo ito sa isang tagong gilid at hinabol ang hininga. Pakiramdam niya ay hihimatayin siya dahil sa init at bilis ng tibok ng dibdib niya. Kaya ini-relax nito ang sarili.
Habang nagpapahinga ay iniisip niya kung saan siya pupunta.
Pwedeng sa probinsiya siya nila magtungo, sigurado naman siya na hindi alam ng mga taong iyon kung saan ang probinsiya niya. Mayroon itong maliit na bahay sa probinsiya, ito ang dati nilang bahay bago sila lumipat ng siyudad, hindi nila ibinenta ito para gawin sanang bahay bakasyunan sa tuwing uuwi sila ng probinsiya.
Napangiti ito sa naisip, ngunit napawi ang ngiti nito nang maisip kung saan siya kukuha ng pera papunta sa probinsiya.
Isang tao lang ang pumasok sa isip niya.
###
“Ito na ang pinakahuli, Celine” iritadong saad ng tiyahin ng dalaga habang binibilang nito ang pera na ibibigay.
Iniabot nito kay Celine ang pera, pagkatapos ay inilabass nito ang pamaypay, “Patay na ang kapatid ko kaya wala ng dahilan para makipagkita o makipag-usap ka pa sa’kin”
Bagaman nasasaktan ang dalaga sa narinig ay mas pinili na lamang nito na lunukin ang pride.
“Umalis ka na, isara mo ang pinto paglabas” huling habilin nito bago siya talikuran.
Napayuko na lamang ang dalaga bago maglakad palabas. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ayaw sa kaniya ng tiyahin at ng tatay. Siguro nga ay sadyang hindi lang siya gusto nito dahil naikwento nito na aksidente lamang ang pagkakabuntis ng Ina.
Habang naghihintay ng masasakyan papunta sa terminal ay nahagip ng mga mata nito ang mga tauhan ni Thao, ‘tila ba may hinahanap ang mga ito. At alam ni Celine na siya ang hinahanap ng mga ito.
Kaagad niyang pinara ang parating na jeep, dali-dali itong sumakay bago pa man nila ito makita. Sobra ang kaba na nararamdaman si Celine sa mga sandaling ‘to.
Patingin-tingin sa labas ang dalaga para tignan kung nakasunod ba ang mga ito. Hindi niya alam ang gagawin kung muli nanaman siyang mahuhuli ng mga tao na ‘to.
Pagkababa sa terminal ng bus ay dali-daling bumili ng ticket papunta sa probinsiya ang dalaga, nanginginig ang tuhod at kamay nito ngunit mas pinatatag niya ang sarili. Alam niya na hindi siya pwedeng manghina at magpatalo sa takot at kaba na nararamdaman niya.
Medyo napanatag ang loob ng dalaga nang makapasok at makaupo na ito sa loob ng bus. Ilang minuto na lamang ay aalis na ito.
“Imposible na dito sila maghanap, siguradong nagpunta ang mga ‘yon sa dati namin bahay”
Tumango ang dalaga sa naisip.
Nakatanaw ito sa labas, tinitignan kung nakasunod ba ang mga tauhan ni Thao nang may maramdaman siyang umupo sa tabi niya.
“Akala mo ba makakatakas ka?” ‘tila nanigas ang dalaga sa kinauupuan, unti-unti niya itong nilingon.
He just smirked at her as the bus starts to move.
Celine’s mind suddenly went blank and all her hopes from escaping everyone vanishes. She knows that she’s doomed and there’s no way out.