Chapter 16 – Kulang Ang Halik
Wala akong marinig na iba kung hindi ang hiyawan lang. Hindi ko alam kong anong kalseng halik iyon, o kong may klase ba ang isang halik, basta ang alam ko, nalulunod ako sa paraan ng pag halik niya. Sinipsip niya ang labi ko at pinaglaban ang mga dila namin.
Hinabol ko ang hininga ko nang lumayo siya. Nakahawak pa rin siya sa batok ko. Bago tuluyang lumayo ay bumulong pa siya.
"Gay can kiss a girl, Secretary Gillian," sambit nito at lumayo. Sa isang iglap ay bumalik ang pagkabakla niya.
"Kadiri, hindi na ako manghahalik ng babae," maarteng sambit nit at umupo na parang walang nangyare.
"You, okay?" Lumapit si Zeyo at na upo sa tabi ko.
"Uuwi na ako," yun lang ang nasabi ko. Gusto pa niya akong ihatid, pero sabi ko susunduin ako ng kaibigan ko, buti na lang at naniwala siya.
Gusto ko nang lumayo doon. Hindi na ako makahinga dahil sa lakas nang kabog ng dibdib ko.
Mabilis kong minessage si Yunard kong free siya, alas 10 na din kasi at ilang oras na ako doon. Nakahinga ako ng maluwag nang tumawag niya at sinabing papunta na siya.
Ayaw ko na sana siyang abalahin, pero parang hindi ko na kayang umuwi ng mag isa. Unang dahilan ay dahil nakainom ako, pangalawang dahilan ay dahil lumilipad ang isip ko, bumabalik sa loob ng bar, bumabalik sa taong iyon.
Wala akong masabi. Lunod ako sa ginawa niyang paghalik. Unang beses kong mahalikan, oo at sinabi ko sa kaniya na hahalikan ko siya, pero--
Napapikit ako at hinawakan ang labi ko, parang nandoon pa rin ang labi niya. Parang hinahalikan pa rin niya ako. Kung pwede lang sana na iuntog ang ulo at makalimot, ginawa ko na.
Nakatayo lang ako sa may poste, habang naghihintay sa kung nasaan kaming dalawa kanina ni Sir. napaayos ako ng tayo nang maramdamang may naglagay ng jacket sa likod ko.
Napaayos ako ng tayo nang makita ko si Yunard. Nakakunot ang noo nito na para bang hindi nagustuhan ang nadatnan.
"Bakit ka nakasuot ng ganito? Kitang kita ang likod mo, Gillian!" Narinig ko ang pagpipigil sa boses niya nang sambitin ito.
Hindi ko napansin na nandito na pala siya. Hinanap ng mata ko ang motor niya, ibinalik ko ang tingin ko sa kanya nang makita iyon sa medyo malayo sa amin.
"Ngayon lang 'to, Yunard. Salamat, sorry kong nakaabala ako? Saka bagay naman sa akin dina?" Mahinang sambit ko at linagyan ng sigla para hindi niya mapansing may mali sa akin.
Bumuntong hininga siya at inayos ang jacket niya na ipinatong sa balikat ko. Para hindi matanggal ay isinuot ko na iyon.
"Mabuti nga at tumawah ka." Bumuntong hininga siya saka ulit nagsalita. "Nakainom ka rin pala," mahinahong sambit niya. Mukhang naamoy niya galing sa akin ang amoy ng alak. "Sino nag painom sayo? Hindi ba nila alam na hindi ka umiinom! At bakit uminom ka? Claire...." muli siyang tumigil "Bakit parang nag iba ka?" Dugtong nito.
Nag-iwas ako ng tingin. Nag-iba? Nag-iba nga ba ako?
"Hindi ako nag iba," hindi ko alam kong para sa kanya 'yun o para sa akin. Parang kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko.
Muli siyang bumuntong hininga "Tara na," sambit nito kaya tumango ako.
Tulad ng dati ay yumakap ako sa bewang niya, pero iba ngayon, subrang higpit, nahihilo ako at baka mahulog.
"Humawak ka nang mabuti," sambit niya kaya tumango ako.
Sana bukas makalimutan ko ang nangyare.
****
Zachary's POV
Napaangat ang ulo ko nang marinig na kasali ang secretary ko sa body shots. What the hell? Anong iniisip ni Samuel?
Pinanood ko ang expression niya. Napailing ako nang marinig na nagtanong pa siya kay Zeyo kong ano iyon. Talaga bang hindi niya alam? Muli kong ibinalik ang ulo sa pag kakasandal. Ang iba ay tumayo para mapanood. Kahit kasali ako ay wala akong ganang tumayo.
Hanggang sa natapos si Zeyo at Nheya, pinanood ko ang reaction ni Secretary Gillian at kita ko ang pagkailang habang pinapanood.
Nakuha lang ang atensyon ko ng si Secretary Gillian na ang bubunot. Hindi ko alam, pero inisip ko nasa ako ang mabunot niya.
"Woah, Zachary!" Si Zeyo nang makita ang nabunot ni Secretary Gillian. Napaayos ako ng upo. Matagal bago lumapit ang Secretary ko para bumunot kong saang parte ng katawan ko ang lalagyan niya ng asin.
"What? You try to kiss me a while ago? Asan nanaman ang tapang mo?" Pang aasar ko. Mahina ang pagkakasabi ko para siguradong siya lang ang makakarinig.
Muntik ko ng hawakan ang bewang niya nang maupo siya sa kandungan ko. This girl! Bakit ang hilig niya akong surpresahin!
"Pano ba iyan? Matapang na ulit ako," sambit niya. Imbes na magsalita pa ako ay isinandal ko na ulit ulo ko sa sofa para mailagay na niya ang asin.
Dampi pa lang ng daliri niya ay gusto ko na siyang sunggaban, subrang pagpipigil ang ginawa ko para huwag gawin 'yun, lalo na at madaming mata ang nakatingin sa amin ngayon.
Ilang ulit akong napalunok. Sinubukan kong pigilin ang sarili kong lumunok nang dilaan niya iyon, pero hindi ko kaya. Nabuhay ang lahat sa akin nang dumampi ang dila niya sa mismong adams apple ko.
Sunod na pag dila nito ay hindi ko na namalayang napakapit na ako sa likod niya at idiniin siya sa akin. Fuck! I'm fucking turned on! Ang init ng dila niya.
Naghiyawan ang lahat nang makita ang paghawak ko sa likod niya. Mabilis siyang lumayo pagkatapos noon. Ako ay dali dali nang pumunta sa bunutan para matapos na, halos ipanalangin ko na siya, para akong asong uhaw! Nakakagago!
Nagdiwang ako nang makita ang pangalan niya sa papel na nabunot ko at mas lalo akong nagdiwang nang mabunot ko ang papel kung saan nakasulat ang salitang labi.
Hindi ko alam kong swerte ba 'to. Gusto ko na ngang ngumiti ng mas malaki, pero pinigilan ko ang sarili.
Nakita ko ang gulat sa mata niya nang makita ako sa harap niya.
Bago pa siya makapagsalita ay nilagay ko na ang asin, hindi na ako nag aksaya pa ng oras, ininom ko na ang alak at hinalikan ko na siya. Oo na, aaminin ko na! Ako ang uhaw! Ako na ang uhaw sa aming dalawa.
Nang igalaw ko ang labi ko ay napagtanto ko, It's her first kiss. Hindi ko akalain na ang babaeng gumugulo sa isip ko ay wala pang karanasan kahit sa halik.
Nang maisip na first kiss niya iyon, mas pinag igihan ko ang paghalik, i even put my tongue inside her mouth. Kung wala lang ibang nakatingin ay hindi ko pa tatapusin ang halik.
I still want to kiss her! Kulang ang halik!
****
"Parang nakita ko ang dating Zachary. I can't believe what I see," natatawang sambit ni Clyde, isa sa barkada ni Samuel.
"Iyong dating Zachary na pinakamalupet pagdating sa babae," sambit naman ni Samuel at nginisian ako.
Uuwi na daw siya. Pagkatapos ng halik na iyon ay umuwi na siya. Nalaman ko kay Zeyo na susunduin daw siya ng kaibigan niya.
"Uuwi na ako," sambit ko tumayo na, hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Pagkapasok ko sa kotse ay may bigla ring pumasok.
"What was that!" Bulyaw ni Nheya nang makasakay sa kotse ko.
"What?" maang kong tanong.
"What? You fucking kiss her!" Napaiwas ako nang makita ko ang naiiyak nitong mata.
"It's just a game, Nheya," sambit ko at papaandarin sana ang kotse nang pigilan niya ang kamay ko.
"Game? Pwede kang humindi! Pwede kang umayaw! Ganoon naman palagi ang ginagawa mo kapag isinasali ka nila, pero bakit!? Who is that girl para pumayag ka!! Isipin mo, bakla ka sa mata nila at halos gawin mo na lahat para mapaniwala sila! Tapos ganoon lang?" Ngayon ay umiiyak na ito kaya mas lalong hindi ko siya matignan.
"Nheya, please," sinulyapan ko siya. Masama ang tingin niya sa akin. Mabilis niyang pinunasan ang luha.
"I hate you!" Bulyaw nito at lumabas na.
Pagod kong isinandal ang ulo ko, pero imbes na si Nheya ang isipin ko ay iba ang pumasok sa isip ko. Ang dila nitong dumampi sa adams apple ko at labi niyang nahalikan ko ang pumasok sa isip ko.
Napatawa na lang ako sa sarili, ibang klase ka, Zachary.
Gillian's POV
"Papa, sorry hindi ako nagising ng maaga," sambit ko nang makita kong nakaupo si papa sa sofa. Imbes na tanggapin ang sorry ko ay iba ang sinabi niya.
"May nag-iwan ng mga paper bags sa labas at may pangalan mo," unang sambit ni papa nang makalapit ako.
Ang sakit ng ulo ko kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magising ng maaga. Hindi ako nakapaghanda ng pagkain. Paggising ko ay nakaluto na si papa. Siguradong nahirapan nanaman siya sa paghahanda.
"Paper bags po?" Tumango siya at tumitig sa akin, seryoso ang titig niya at hindi ako sanay na ganoon ang tingin niya sa akin.
Tinuro niya ang isang sofa, meron ngang paper bags iyon at nanlaki ang mata ko nang makitang mga branded iyon. Anim na paper bags ang nandoon.
Mag rereact sana ako nang biglang mag vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Message iyon galing kay Madam Anastasia.
Madam:
Use the red one.
Napabuntong hininga ako, siguro ay ito na yung sinasabi ni Madam Anastasia na mga damit.
Lalapitan ko na sana ang paper bags nang maramdaman ang titig ni Papa. Nang sulyapan ko siya ay nag iwas siya ng tingin.
"Sana ay wala kang ginagawang masama, anak," sambit nito.
Tumikhim ako at nagsalita. "Papa, ano naman ang masamang gagawin ko?" sinabayan ko pa ng tawa. Lumapit na ako sa mga paper bags at bumalik sa Kwarto.
Walang gana kong inilapag iyon sa kama. Paper bags pa lang ay alam ko nang mahal.
Gaya ng sabi ni Madam Anastasia at ang kulay Red ang suot ko. Napanguso ako, para namang hindi ako secretary sa suot kong ito, parang pupunta lang sa party. Fitted Red dress iyon at bakat na bakat ang hinaharap ko.
Muli akong bumuntong hininga. Wala akong magagawa, ito ang utos.