Chapter 8: SEDUCING
CINDY
Dumiretso ako sa c. r, nag hilamos ako ng nag hilamos at tinignan ung mukha ko. Bakit parang hindi ko kayang ituloy pa ito, pumikit ako at huminga ng malalim.
“ may nangyare ba?” si amanda.
“ amanda paano pag dahil sa gginagawa ko ay mahulog ako sakanya” problemado kong tanong.
“ yan ang hindi mo dapat maramdaman, kung hindi sana ganito ang sitwasyon natin ay pwede. Malaya kang mahalin siya ngunit ngayon? Hindi pwede cindy” sagot ni amanda.
“ parang hindi ko na kasi kayang ituloy pa ito amanda, natatakot ako” naluluha na ako.
“ im sorry, sorry kung napunta ka pa sa ganitong sitwasyon pero huli na. gawin na natin para matapos na ito” tumango ako, inayos na niya ang buhok ko at na freshen ako ng make up saka ako bumalik doon at andon parin si conrad.
“ sorry kanina” nahihiya kong sabi.
“ okay lang yan” sagot niya, sinenyasan niya akong umupo kaya umupo ako.
“ conrad bakit mo naisip maging mafia??” wala kasi akong maisip na ibang itanong kaysa naman tahimik lang kami at para narin mawala ung mga iniisip ko.
“ alam monongg bata pa ako lagi akong binubully ng mga bata maski matatanda ay nakikisali, si mama lang lagi ang taga pag tanggol ko noon kasi si papa hindi namin maiwasan dahil mafia na siya nong nag asawa sila ni mama”
“ lagi kong sinasabi na hindi ako magiging katulad ni papa dahil wala siyang ibang gginaw kundi ang pumasok sa gulo pero one time may nakasalamuha akong mga bata sa kalsada at pinag tripan ako. Umuwi akong sugatan at paika ika, nagalit si mama sa nakita niya kaya sumugod siya at kinausap ung mga magulang nong mga bata pero imbes na pagalitan nila ang anak nila ay hindi. Si mama pa ang sinisisi nila hanggang pinatulan na sila ni mama pero pinag tulungan din nila si mama”
“ nong time ma iyon wala akong magawa kundi umiyak at sumigaw na tama na dahil nasa lapag na lang si mama at kitang kita ko ang dugo sa mukha niya, doon ko naisip na kailangan kong maging malakas para kay mama”
“ binawian naman sila ni papa pero hindi iyon sapat saakin kaya doon ako nag sikap na maging mafia kahit sa murang edad pa lang” kwento ni conrad, kita ko ang lungkot sa mukha niya.
“ nasan na ang mama po?” tanong ko.
“ namatay siya dahil kay papa, kinuha si mama dahil sa mga kaaway ni papa at huli na nong nailigtas ko siya. Sa totoo lang wala pa ako kaya noon, nag makaawa lang ako sa mga kaibigan ni papa para tulungan ako na iligtas si mama pero nahuli na kami”
“ si papa na nakatulala at si mama na duguan na lang sa sahig ang naabutan namin, itinakbo namin sa hospital pero dead on arrival na daw” sagot niya.
“ nagalit ako kay papa dahil mismong kapamilya niya ay hindi niya nailigtas, simula non nag kanya kanya na kami ni papa. Hinayaan niya na ako kahit ilang taon pa lang ako kaya nagsikap ako hanggang narating ko ang posisyon kong ito” nilingon niya ako.
“ kung ganun madami ka ng napatay??” pang iiba kong tanong, tumango siya.
“ sa edad kong 20? Hindi naman sa madami p3ro hindi na mabilang sa kamay ang napatay ko” kinabahan ako sa sinabi niya.
“ hindi naman ako pumapatay basta basta, basta ba wag mo tatarantaduhin dahil iyon ang pinaka ayaw ko lalo pat maganda naman ang pinapakita ko sa isang tao” sagot niya.
“ kung ganun papatayin mo ako?” hindi ko alam kung bakit ko bigla iyon natanong.
“ bakit kita papatayin kung wala ka namang ginagawang masama laban saakin, meron ba?” tanong niya, napa tigil ako ng ilang segundo doon.
“ wala pero paano pag meron?? Papatayin mo ako?” naka tingin lang siya saakin.
“ naka depende sa ginawa mo, hindi naman ako ung taong mababaw kung magalit” sagot niya, ngumiti ako ng tipid.
Sinamahan ko siya, hindi ako uminom dahil nga may klase pa ako bukas. Si conrad kasi hindi niya kailangang pumasok dahil kahit hindi mag aral ay pasado siya, ganun daw siya kagaling.
“ tama na kaya? Baka di ka niyan makauwi?” ngumiti siya.
“ kung hindi ko kaya, iuwi mo muna ako sainyo” sagot niya, sumandal siya sa upuan at pumikit.
“ maliit ang bahay namin, hindi ka kasya doon tsaka saan ba ung mga tao mo?” tanong ko.
“ ano ka ba busy ung mga tao ko at konti lang ang pahinga nila tapos kukunin ko pa, baka umalis naman na sila saakin pagka ganun” natatawa niyang sagot.
“ so pag ako okay lang??” tumango siya.
“ parte parin ito ng pag aakit mo” sagot niya, naka tingin lang ako sakanya habang siya’y naka pikit.
“ falling in love??” inimulat niya ung mata niya at tinignan ako.
“ kahit naka pikit ako alam kong may naka tingin saakin” inirapan ko siya.
“ hinding hindi ako mag kakagusto sayo, isa kang mafia at ayokong matulad sa mama mo” sagot ko.
“ as if naman papayagan kong matulad ka kay mama, hindi ako tulad ni papa” seryose niyang sagot habang naka tingin saakin, ung puso ko ang bilis ng tibok.
“ kahit na, hindi parin ako magkaka gusto sayo” napa ngiti siya.
“ malalaman natin yan basta ba wag mo akong sisihin pag nahulog ka at wag kang mag alala, willing akong saluhin ka maski alam kong masasaktan ako” bakit parang may ibig siysiya sabihin doon? Hindi na ako sumagot dahil knock out na, paano na to? Paano ko siya iiuuw sakanila? Hindi naman ako marunong mag drive.
No choice kundi iuwi saamin, ayon lang kasi andaming tanong nanaman ng mga kambal kong kapatid pag nakita nila si conrad. Haist! Bahala na, ginising ko siya kasi hindi ko kayang buhatin siya no.
“ ma dito muna siya” nakarating na kami sa bahay at inabot kami ng isang oras dahil nga hirap ako, anlaking tao niya kaya.