Chapter 9: DEAL
RED
“ kamusta?”
“ nakikiusap ako wag mong idamay si cindy dito, ako na lang at nakuha mo naman na ang gusto mio diba?” si amanda, nagtataka kayo kung bakit? Si amanda ay matagal ko ng hawak, sa totoo lang ay siya ang kusang lumapit noon para ipatumba si ben noon dahil nga sa gginawa nito sakanya.
“ sa tingin mo kuntento na ako doon amanda?? Nakuha kana ni ben bago pa kita matira at ung notebook? wala ng pakinabang iyon ngayon dahil sa lintik na conrad yan, masyado siyang matinik dahil nalaman agad niyang may anumalya kaya mabilis niyang nasosolusyonan kaya kahit alam ko ung laman ng notebook na iyon ay wala ng kwenta” sagot ko.
“ ung kaibigan mo na lang ang huling alas ko at salamat sayo” ngumiti ako sakanya.
“ napaka walang hiya mo! Alam mo ang kahinaan ng kaibigan ko kaya sinasamantalo mo, paano pag nalaman ito ni conrad? Sa tingin mo hindi ka niya babawian?!!” inis kong sabi.
“ bago pa ako mabawian ay wasak na siya, wasak na siya dahil sa babang akala niyang puro ang intensyon sakanya ay hindi pala hahaha! Tsaka bago niya pa makuha ay uunahan ko na hahahha” masama ang tingin ni amanda saakin.
“ may kasunduan tayo red!!! Wag mong gagalawin si cindy kung ayaw mong----” hinablot ko ang braso niya.
“ ano??? Isusumbong mo ako??!!! Tandaan mo amanda! haWak ko ang anak mo!” kita ko ang inis niya saakin, meron siyang anak. Anak nila ni ben pero dahil nga nainis siya sa ginawa sakanya ni ben ay ipinang bayad niya ang anak niya para lang maparusahan si ben pero masamama damo talaga si ben dahil nabuhay pa siya kahit sobra sobtra na ang ginawa namin sakanya.
“ nagsisisi ako kung bakit ikaw pa ang nilapitan ko! Hindi ka marunong sumunod ng usapan!” nnataw ako sa sinabi niya.
“ kaya nga wag kang gagawa ng ikakapahamak niyong ddalawa na mag kaibigan dahil baka mag bago isip ko ay patayin ko na lang kayong tatlo” tumulo ang luha ni amanda.
“ please wag mong idamay ang anak ko” ngumisi ako.
“ bakit ngayon nagiging ina ka, noon isinusumpa mo ung anak mo tapos ngayon nagmamakaawa ka?? Hahahaha amanda huli na pero may puso naman ako kahit papaano para mag bigay ng konsidirasyon kaya sumunod ka lang sa sinasabi ko at mapapa sayo ang anak mo” kinindatan ko siya.
“ mangako ka hindi mo sasaktan si cindy” lulumaw ang ngiti ko.
“ hindi yan basta ba sumunod siya sa gusto ko” sagot ko.
Matapos kong mag bigay ng utos kay amanda ay umalis na agad siya, pumasok na ako sa loob at tinignan ang anak ni amanda na busy sa paglalaro.
“pap…pa” sabi niya, ngumiti ako.
AMANDA
Hinihintay ko si cindy dito sa canteen ng school, hindi ako pumasok diba dahil nga pinatawag ako ni red.
“ ang lalim ng iniisip mo ah, baka may maitulong ako” si ben, sinamaan ko siya ng tingin,
“ bakit ba ganyan lagi ang tingin mo saakin?? Naging mabait naman ako sayo” natawa ako sa sinabi niya.
“ talaga ba? Naging mabait ka ba saakin ng pinilit mong kunin ang hindi dapat sayo?? Binaboy mo ako ben” madiin kong sabi.
“ hindi mo ako masisi dahil mahal kita, ilang taon akong nagpakatao para sayo dahil iyon ang gusto mo pEro ginago mo ako” sagot niya.
“ kaya ba pinilit mong kunin dahil lang doon??” kumunot ang noo niya
“ dahil lang doon??? Amanda tao din ako at may pakiramdam, nasasaktan din ako kahit mafia ako. Sa ginawa mong pagtataksil saakin hindi iyon makatwiran, nag bago ako pero ganun ang nakuha kong kapalit sayo” bwelta niya.
“ kahit na, hindi parin iyon rason para gawin mo iyon saakin!!!” tumaas na ang boses ko.
“ dahil sa gginawa mo nawala ako sa sarili, antagal kong hanapin ung sarili ko at ung hindi ko dapat magawa ay nagawa ko dahil sayo! Sinira mo ang buhay ko, gumuho ang lahat ng dahil sayo kaya wag kang magtaka na hanggang ngayon ay galit na galit ako sayo dahil sa ka demonyohan mong ginawa!!” taas baba ang dibdib ko dahil sa galit sakanya.
“ wag mo akong lokohin dahil alam kong ginusto mo din iyon, ramdam ko iyon kahit pinilit kita. Hindi ako manhid para hindi maramdaman iyon amanda, alam kong----”
“ manahimik ka!!! Hindi ko ginusto iyon!! Hinding hindi ko magugustuhan iyon lalo pa sayo galing!!!” kumunot ang noo niya, napatigil ako.
“ anong ibig mong sabihin??” dumilim ang mukha niya.
“ anong tanong yan??” sagot ko.
“ anong galing saakin?!!” bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ako maka pag isip ngayon ng isasagot.
" amanda!!!” tumingin ako sa paligid dahil nakuha namin ang mga atensyon nila pepe mas nag aalala ako sa tingin si ben saakin.
“ ano pa nga ba??!! Kundi ung walang kwenta mong pagmamahal” tinignan ko siya sa mata niya.
“wag kang umasa na may iba pa akong ibig sabihin at pwede ba lumayo layo ka saakin dahil bawat lapit mo ay kinikilabutan ako sayo” tumayo na ako.
“ siguraduhin mo lang na iyon ang ibig mong sabihin amanda dahil pag nalaman ko na iba, hinding hindi ka makakatakas saakin. Baka nakakalimutan mo isa akong mafia at bilang mafia masama akong magalit lalo pa kong paulit ulit na akong ginagago” napalunok ako doon at tumalikod na ako, mabilis akong nag lakad palayo hanggangg makasalubong ko si cindy.
“oh napano ka??” niyakap ko siya at doon ay tumulo na ang luha ko, hindi ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko.
Umiyak lang ako ng umiyak at wala na akong pakialam kong may mga taong makakita saamin, ramdam ko naman ang suporta ni cindy saakin.
“ salamat” ngumiti siya.
“ okay na ba ang pakiramdam mo??” tumango ako.
“ si ben nananman ba?” tanong niya.
“ oo, nagka sagutan kami kanina at malapit ko ng masabi na may anak kami” nanlaki ang mata niya.
“ na sobrahan ko dahil ngayon lang kami nagkausap at hindi ko maiwasang magalit sakanya”