Chapter 7: DISGUSTED
CINDY
Nakakainis!!! Nakaka bwesit! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buhay ko, bwesit na mafia mafia na yan. Pinag titinginan tuloy ako ng mga tao, urgh!!! Paano ba naman kasi ung lalaking iyon hindi ko inaasahan na may ganun siya.
Kung naalala niyo ung lumabas ako sa room na iyon at hindi sinunod ang gusto niya ay pagka labas ko at pumunta sa room tsaka umupo ng may dumating at yumuko sa harap ko tapos isinisigaw na bumalik ako.
Nakakahiya, pinag tatawanan ako sa room at pinagalitan ng instructor namin dahil naiistorbo sila. Sabi pa man din hindi sila titigil kakasalita hanggat hindi ako bumabalik, wala akong choice kundi bumalik at sobrang inis ko kinagat ko tenga niya.
“ sikat na sikat ka ah” sinamaan ko ng tingin si amanda.
“ hanggang kailan kaya ito?? Isang araw pa lang pero di ko na kinakaya” sumimangot ako.
“ haggang magsawa siya sayo, malas mo at ikaw ang natipuhan niya. Kilala ko si conrad, pag yan may naatipuhan hindi yan titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya” sagot ni amanda.
“ at anong gusto? Ung aakitin siya?? Eh paano ko gagawin iyon nabwe-bwesit ako sakanya, sa inis ko kanina sakanya kinagat ko tenga niya” natawa si amanda.
“ kung ganyan kayong dalawa, mapapa tagal pa kayong mag lalaro hahahhaa” imbes na tulungan ako tumatawa na lang siya, isa din to eh.
“wag ka ng sumimangot diyan, gaya nga ng sabi ko titigil lang si conrad pag nakuha na ang gusto niya. Kaya gawin mo na ang lahat ng makakaya mo para matapos na, hindi naman yan tulad ni ben na manyakol----”
“ ouch! Grabe ka amanda, sobra kana” heto ang mahirap ung bigla bigla silang sumusulpot.
“ ang lawak ng school ben, bakit kayo andito” inis na sabi ni amanda.
“ iisa lang ang canteen ng school so malamang andito kami, eto parang walang nangyare-----” sinamaan siya ng tingin ni amanda, ngumiti na lang si ben at umupo sila sa tabi namin.
“ cindy tignan mo ung tenga ni boss, bakat na bakat ayos ka din mag lagay ng kiss mark ay bite mark pala hahaha” tinignan ko ang tenga ni conrad, medyo nasobrahan ko pero hindi ko din masisi ung sarili ko kasi sa ginawa niya kanina.
“ alam mo nagtataka nga ako kung bakit buhay ka pa eh, kasi kung ibang tao ang gumawa niyan malamang may mga soco na dito” sabi ni daniel.
“ ibig sabihin pa niyan nag eenjoy ang boss” sabi ni ben, tumawa sila. Etong mga to kung maka pang asar akala mo kung hindi nila kaibigan at kaharap ung inaasar nila.
“ mukhang may pag asang tumayo ang bandera ni conrad!” sabay pa nilang sabi, nag tinginan kami ni amanda. Ano ba pinagsasabi ng mga to.
“ excuse me, pwede bang mag tanong asan ang c. r dito?” napa tingin kami sa nag salita pero biglang nag bago ang mood ng mga lalaki, sumeryoso kasi ang mga mukha nila.
“ mukha ba kaming information desk?!” si daniel ang sumagot.
“ naku wala kasi akong makitang matino dito kayo lang” sagot nong lalaki na parang nang aasaar oop tono.
“ oopss hindi ko napansin may angel pala dito sa tabi----” napa tigil siya sa pagsasalita, si conrad kasi kinupi ung can ng coke niya.
“ may tatlong segundo ka para lumayo dito” tinignan siya ni conrad ng masama, ung tingin niya ibang iba at tumayo ung mga balahibo ko sakanya.
“ chill----”
“ 1” napa ngiti na lang ung lalaki at tumango, tumalikod na siya.
“ im watching you conrad” sabi ng lalaki sabay nag lakad palayo, tinignan ko ung tatlo na at hindi maganda ung nakikita ko. Tinignan ko si amanda at mukhang may alam kung sino ung lalaking iyon.
“ boss” teka kailan pa dumating itong mga lalaking ito dito?? Hindi ko man lang napansin.
“ bakit siya andito?” malamig na tanong ni conrad, ibang iba si conrad. Hindi siya ganito pag kami pero simula nang sumulpot ung lalaki ay naging ganito na siya.
“ andito ung taong may hawak kaya andito din sila” sagot nong lalaki.
“ hindi tayo pwedeng maunahan, naiintindihan niyo ba?” sabi ni conrad.
“ yes boss” sagot naman niya.
“ si papa nasan na?” pang iiba ni conrad, bakit nga ba ako nakikinig sa usapan nila. Tinignan ko ung oras at oras na para umuwi ako, nag promise pala ako na ako ung magluluto ng dinner namin bago ako pumasok sa trabaho.
Tumaayo na ako ng biglang may humawak sa kamay ko, si conrad kaya tinignan ko siya. Kausap niya lang ung lalaki habang naka hawak sa kamay ko, ano ba problema neto. Umalis na ung mga lalaki at tinignan na ako.
“ iwasan mo ung lalaking iyon nag kakaintindihan ba tayo?’ seryoso niyang sabi.
“ o-okay” sagot ko, pinakawalan na niya ung kamay ko.
“ mauuna na ako” paalam ko, nag lakad na ako palabas ng scchool ng my bumangga saakin. Ito ung lalaki kanina, naka tingin lang siya saakin.
“ hi” hindi ko siya pinansin at nag lakad palayo sakanya.
“ mag iingat ka, baka mapano ka pag mag isa ka lang” sabi niya, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya.
Maayos akong nakauwi at nakaluto na ako, dahil maaga pa para mag dinner pumunta muna ako sa kwarto ko. Konti lang klase ko bukas kaya mag babawas ako ng notebook sa bag ko pero napansin ko ung maliit na notebook.
Andito pa pala eto, binuksan ko at pahapyaw kong binasa pero hindi siya diary na inaakala ni amanda. Kinakabahan ako habang binabasa eto at hindi ko na tinapos dahil hindi na ako maka hinga, susmaryosep! Isa lang maliwanag, etong notebook na ito ay napaka halaga.
Tumayo ako at nag hanap ng pwedeng pagtataguan, biglang pumasok sa utak ko ung pinag kuhanan namin. Teka, baka hinahanap na kami dahil dito?? Susmaryosep ano tong napasukan ko. Kailangan kong ibalik to kung saan namin nakuha, kakausapin ko si amanda bukas.