OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS
*TEASER*
“Ms. Kim.”
“Mrs. Kim po, ma’am,” pagtatama ko sa aking professor na kasalukuyang nakatingin sa akin ng masama. Napansin nya siguro ang palihim kong pagte-text sa loob ng klase. Lumapit pa ito sa pwesto ko habang nakapameywang.
“Are you kidding me?” taas-kilay nitong tanong sa akin.
Hindi ako nagpatinag sa ginawa nya, kahit pa na sa amin na nakatuon ang atensyon ng mga blockmates ko. MRS na kaya ko! Hmp.
“No, ma’am, I can show you my marriage contract if you want.” Sabay ngiti ko rito. Nagtangis naman ang mga ngipin nito,
“Hinahamon mo ba ko Ms. Kim?!”
“It’s MRS. KIM!” nagsukatan kami nang tingin ni ma’am.
Hindi naman ako papatalo sa kanya ‘no! Si DASURI KIM kaya ‘to! Mukhang walang balak magpatalo ang kahit isa sa amin. Maski ang mga tao sa paligid namin ay inaabangan ang mga susunod na mangyayari.
“Ugh’ Excuse me?” biglang singit ng isang boses galing sa pintuan ng kwarto. Sabay kaming nagbawi ng tingin ni ma’am sabay lingon dito.
“WHO ARE YOU?!” iritang bungad ni ma’am. Sumilay naman ang napakatamis kong ngiti nang makilala ito.
“I’m Kim Jong In. Can I talk with my wife, Dasuri?” sabay tanggal ng shades nya na naging dahilan para magwala ang mga classmates ko.
HAHAHA. Proud Wifey here.
*KYAAAAAAHHHH*
*WAAAAAAHHHHH*
*KAAAIIIIII OPPAAA!!!*
Wala na kong marinig kung hindi ang hiyawan ng mga kaklase kong babae na mamatay-matay sa sobrang feels. Yung mga lalaki naman, kahit hindi sumisigaw ay makikitaan ng paghanga sa mga mata. Hoho. Tama ‘yan, maglaway kayo sa hubby ko. Haha.
“QUIET CLASS!!!!” Panira na naman ng magaling kong professor. Psh. Kahit halatang hindi sang-ayon ay nanahimik naman ang lahat.
Umalis ito sa harap ko at nilapitan ang gwapo kong asawa. Kunwari pa ‘tong si ma’am, obvious namang nikikilig din sya. Makatitig sa hubby ko kulang na lang hubaran eh. Tss.
Matapos pagnasaan ang hubby ko, dahan-dahang akong nilingon ni ma’am. Nginitian ko naman sya nang ubod ng tamis.
Ano ka ngayon?! HAHAHA.
Si Kai naman ay halatang walang naiinindihan sa mga nangyayari.
“So, umm…it’s official now?” pasimpleng tanong ni ma’am.
Tumayo naman ako’t hinawi ang aking buhok. Nagcrossed-arm pa ko bago buong kumpyansa syang sinagot.
“I told you, ma’am. I AM OFFICIALLY MARRIED WITH MY BIAS.” Then smile.
BURRRNNN!!!!!
EHEMP! So official na daw? Ready na ba kayo sa BOOK II?!
Samahan ulit natin ang buhay mag-asawa ng ating mga bida.
Ano nga ba ang mas magulo?
‘Yung SECRET lang,
O ‘yung OFFICIAL na?!
TARA ALAMIN NA’TIN. =)))