CHAPTER 82: FOUR YEARS LATER
KAI
"Kai, may two hours pa bago magstart ang premier ng movie mo. You can roam around basta make sure that you'll be here before we start, okay?" paalala ni manager Jamie bago sya lumabas ng van. Kasalukuyan kasi kaming nasa L. A upang umattend sa kauna-unahang movie na pinagbidahan ko.
Matapos ang mga nangyari sa nakaraan, ipinagpatuloy ko ang pagiging idol. We got bunch of awards and became known all over the worlds. Nagawa naming basagin ang iba't-ibang highest sales records ng iba't-ibang artist. Mas naging hectic ang schedule pero mas napalapit kami sa isa't-isa. Nabigyan kami ng offer sa iba't-ibang aspeto ng industriyang ginagalawan namin. Guesting sa mga tv shows, cameo role sa ilang telenobela. Host, single albums at kung anu-ano pa.
Mula nang umalis si Dasuri, Yes, she still left me.
Hindi ko sya pinigilan, hindi ko rin sya pinagkaabalahang hanapin. Bakit ako magpapakahirap hanapin ang isang taong kusang umalis? Kung may lakas loob syang maglayas dapat lang na may lakas loob din syang umuwi.
Natuon ang atensyon ko sa isang envelope na nakalagay sa tabi ng gamit ko. Ibinigay 'yon sa'kin ni Kris bago kami umalis sa dorm kanina.
"Here." Napatingin ako sa bagay na inilapag ni Kris sa harap ko. Huminto ako sa pagta-tablet at hinarap 'to.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"I have a friend in America, who is accidentally Dasuri's schoolmate." Pagkarinig ko pa lang sa pangalan nya. May kung anong kumirot sa dibdib ko. Pero hindi, hindi 'yon pwede.
"Kai, 4 years had been past pero alam kong may pwesto pa rin sya sa puso mo. My friend told me na mula nang umalis sya sa Seoul, pumunta sya sa America at nanirahan 'don kasama ang bestfriend nya.”
“I know, wala kong karapatan na manghimasok sa mga desisyon mo sa buhay. But just in case you still want to see her… there’s an address at the back of the picture.”
Pagbukas ko sa envelope, nakita ko ang mga larawan ni Dasuri, smiling happily with a young girl. Napatitig ako sa batang babae. Hindi ko alam kung bakit pero biglang pumasok sa isip ko na maari kayang...
"Hindi. Imposible." Saad ko sabay balik ng mga larawan sa envelope.
Itinuon ko ang atensyon sa labas, binuksan ko pa ang bintana ng van para sumagap ng sariwang hangin.
For all these years, nabuhay ako nang mag-isa.
Ginawa ko ang lahat para kalimutan sya. Sinubukan kong intindihin ang dahilan ng pag-iwan nya sa akin, pero hindi … kahit anong isip ang gawin ko, hindi ko pa rin matanggap na sa kabila ng lahat ng ginawa ko. Pinili nya pa rin akong iwan. Ano naman kung may kasama syang batang babae?
Ano naman kung may nangyari sa amin 3 years ago? It doesn't make sense! I groaned then laid my head on the headboard.
I want to denied it, I want to mock myself and believe that I don't have any care at all. Pero, hindi ko maitatangging, gusto ko ang ideyang...
"She bore my child." I whispered.
Ilang minuto rin akong nakatulala sa kawalan bago lumabas ng van. Pinigilan pa ako ng driver namin upang alamin kung saan ako tutungo. I didn’t answer him. Kinuha ko lamang yung larawan ni Dasuri at agad na pumara ng taxi.
Ipinakita ko sa driver yung address na nakasulat sa likod ng picture. Kasabay ng pag-andar ng sasakyan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Eto na siguro ang tamang oras para magpakatotoo ako.
Pagkababa ko ng taxi, isang bola ang gumulong mula sa aking paanan. Galing iyon sa loob ng gate ng bahay na nasa aking harapan. Kulay pink iyon at puno ng design na bulalak. Yumuko ako upang kuhain iyon.
Isang humahangos na batang babae naman ang lumapit sa akin.
“Mister, that ball is mine.” Saad nito gamit ang maliit na boses. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bata. Maganda ang mukha nito at mapusyaw ang balat.
Bahagya akong yumuko upang maging magka-level kami.
“Here’s your ball, little miss.” Sabay haplos ko pa sa kanyang buhok.
“Kia! Come back here! I told you not to run,” Isang boses naman ng babae ang umalingaw-ngaw sa paligid kasabay ng mga yabag na papalapit sa aming pwesto.
Mabagal kong nilingon ang nangmamay-ari ng boses na iyon kasabay ng batang babae. Napauwang naman ang aking bibig nang makilala ito. Humaba na ang dating hanggang balikat n’yang buhok ngunit imposible akong magkamali.
Bahagya rin itong natigilan nang magtagpo ang aming mga mata.
"Dasuri," I managed to say.
Ang dibdib ko, ang bilis ng tibok.
Alam kong galit ako sa kanya pero bakit ganito, I can't take my eyes on her. 'Yung pakiramdam na matagal ko nang hindi nararamdaman. My eyes are getting blurred and my knees are getting weak. Pakiramdam ko, nawala na lang bigla lahat ng sama ng loob na itinago ko sa loob ng mahabang panahon.
I want to hug her tight. I want to feel her again. How I missed to be with her.
"Dasuri, i-ikaw ba talaga ‘yan?" pahayag ko habang otomatikong kumilos ang aking mga paa upang lapitan s’ya. Nanatili naman ito sa kanyang pwesto na tila hindi rin makapaniwala sa kanyang nakikita.
"I-I missed you badly. Kahit galit na galit ako sa'yo, kahit na pinili mo kong iwang muli. B-Bakit hindi pa rin kita matanggal sa puso't-isipan ko? Bakit...." Garalgal ang boses ko habang nagsasalita.
Pakiramdam ko para kong batang dinaya. Gusto kong malaman kung bakit sa kabila ng lahat ng sakit na ibinigay nya sa'kin. Sa kabila ng pagsuksok ko sa kukote ko na wala na syang halaga sa'kin. Bakit umiiyak ako ngayon sa harap nya? Bakit ngayong nasa harapan ko na ulit sya...
"Bakit hindi ko maitangging, mahal na mahal parin kita?"
"Kai, I'm sorry." halos pabulong nyang sambit. Wala na ba talaga syang ibang alam sabihin, kung hindi ang sorry? Hinigit ko sya't niyakap nang mahigpit.
"You don't have an idea how miserable I am nang umalis ka. Pinilit kong magpatuloy dahil 'yon 'yung gusto mo. Sinubukan kong maging matapang, nagalit ako sa'yo, inisip kong wala na kong pakialam sa'yo.”
“Pero ang totoo, sa araw-araw na wala ka sa tabi ko, pakiramdam ko unti-unti na kong namamatay. I love you so much Dasuri, to the extent that, I... I can't stand a day without you."
Hindi ko na napigilan. Patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata ko. Ayoko nang lokohin ang sarili ko. Ayoko nang itanggi pa ang mga bagay na totoo naman talaga. Napakasaya ko nang muli ko syang makita.
Sobra.
"I'm sorry. I didn't mean to---"
"Sssh. Wala na kong pakialam sa naging dahilan mo. Wala na kong pakialam kung iniwan mo ko noon. Ang mahalaga, nandito kana ulit sa tabi ko. Hindi na ko papayag na mawala ka pa. Ayoko." Hindi sya sumagot. Napansin ko rin na hindi sya kumikilos mula kanina. Ni hindi nya nagawang ibalik ang yakap ko sa kanya.
Bigla kong kinabahan.
A-Anong ibig sabihin nito? Dahan-dahan akong dumistansya sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha nya. May mangilan-ngilan ngang luha rito pero kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata nya. Puno ito ng awa, para saan? Sa akin?
P-pero bakit?
"Mi! Mi!" Tinanggal ko ang tingin sa kanya at ibinaling ito sa batang babaeng humihila sa laylayan ng damit nya. S’ya rin yung batang may-ari ng bola kanina.
"Mi, who is he? Why he's holding my ball? Do you know him?" sinubukan kong sulyapan si Dasuri pero iniwas nya lang ang tingin sa akin.
Lalong kumabog ang dibdib ko. Gusto kong malaman ang sagot sa tumatakbong katanungan sa isipan ko kaya muli kong hinarap ko 'yung bata.
"Little miss, D-Did I hear it right? Did you call her... Mi?" mautal-utal kong tanong. Ngumiti naman sa akin ang bata at masiglang sumagot.
"YES! She's my Mi. My so caring and lovable Mi. Why?" namutawi ang pagtataka sa mukha ng bata. Hindi ko sya sinagot. Sa halip ay lumuhod ako at nanginginig na hinaplos ang buhok nya.
"How old are you?" I asked.
"3 years old." Sagot naman nya.
Lalong tumibay ang paniniwala ko. Maari kayang may nabuo nang mangyari sa amin noon? Sinulyapan kong muli si Dasuri ng may halong pagmamakaawa. Gusto kong sa bibig nya mismo manggaling.
"Maari bang... a.. ako ang..." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang may sumigaw sa di kalayuan.
"Kia! Choco! Saan ba kayo nagpupunta?!" lumapit sa amin ang humahangos na lalaki. Masigla naman syang sinalubong nung batang babae.
"Papa! I saw an ice cream vendor there. Let's buy there! I want ice cream! I want ice cream!"
"Kevin?" gulat kong tanong. Napalingon naman sya sa akin.
"Kai?" sinulyapan nya muna si Dasuri bago muling tumingin sa akin.
"Long time no see, dude." Bati nito sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa mga nangyayari. Kung 'yung batang babae ay anak ni Dasuri. B-Bakit nya tinawag na papa si Kevin? Naguguluhan na ko.
"Papa, who is he? Why he hugged my Mi?" pangungulit sa kanya 'nung bata.
"Ahh. Baby, C'mon, I'll buy you some ice cream." Aya nya sa bata.
"Dasuri, magkita na lang tayo sa kotse." Tinanguan naman sya nito. Paalis na sana sila nang bigla kong magsalita.
"Sandali!" huminto naman sila at muli akong nilingon.
"Anak mo ba talaga sya?" parang may nakaturok na pana sa dibdib ko habang sinasabi 'yon. Hindi ko akalain na, masasaktan na naman akong muli ni Dasuri.
"Ha?" halatang hindi alam ni Kevin ang dapat isagot.
"Answer me! Anak mo ba talaga ang batang 'yan?!" Nagulat 'yung bata at napakapit kay Kevin nang biglang tumaas ang boses ko.
Hindi ko na napigilan. I'm so desperate. I want to know the truth. Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi parin nagsasalita si Kevin. Balak ko sanang lapitan sya nang bigla namang sumigaw si Dasuri.
"OO! Anak sya ni Kevin!" Napatingin ako sa kanya.
Akala ko mas okay kung sa kanya manggagaling 'yung katotohanan. Akala ko mas matatanggap ko kapag ganon. Pero hindi eh ... mas lalo lang 'nung dinurog ang puso ko.
"Ahh. Now, I get it." Sinubukan kong ngumiti para itago 'yung sakit. Pero mas lalo lang nung pinaramdam sa'kin na isa kong talunan.
"Mukhang sa pagkakataong ito. Ako naman ang nahuli."
Nilapitan ko 'yung batang babae at ibinigay 'yung bola. Kinuha naman nya 'yon at tinignan ako nang nagtataka. Nginitian ko lang sya sabay haplos sa buhok nya.
"Take care of your mom. Don't make her cry, okay? Be a good daughter."
Umalis ako sa harap nila na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Umasa ko, akala ko pu-pwede pa. Akala ko maisasalba ko pa ang relasyon namin. Pero hindi eh. Nahuli na ko. Hindi ko na sila nilingon pang muli. Ayoko nang sulyapan pa sya. Baka kasi hindi na ko makapag-isip ng maayos at bawiin ang naging desisyon ko.
Kahit masakit. Kahit parang pinapatay na ko. Ibibigay ko parin ang kalayaang gusto nya. Siguro nga hindi ako karapat-dapat bilang asawa nya. Wala naman kasi akong ibang alam kundi ang saktan sya. Kaya bakit nga ba umasa pa kong babalik pa sya?
Ang laki kong tanga para umasa pa. Paalam Dasuri. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan. Pipiliin ko na lang na manatili na lang doon para makasama ka.
Patuloy lang ako sa paglalakad, pati na ang pag-agos ng luha sa mga mata ko, nang may tumamang kung anong bagay sa ulo ko. Paglingon ko, nakita ko si Dasuri na sobrang sama ng tingin sa'kin. Mukhang sya 'yung naghagis ng bola sa ulo ko.
"YAH! JOO GOO LAE?!!!!" nagulat ako nang bigla syang sumigaw.
"TINANONG MO LANG KUNG ANAK BA SYA NI KEVIN TAPOS NILAYASAN MO AGAD AKO?! NANG-AASAR KA BA?! SANA MAN LANG TINANONG MO RIN KUNG ANAK KO RIN BA SYA DIBA?!" kitang-kita ko kung paano mapabuga ng hangin si Dasuri sabay lakad papalapit sa akin.
Natameme ako sa naging reaksyon nya. Hindi parin ako nakapagsalita hanggang sa makarating na sya sa harap ko.
"Nakakainis ka! Sana nagtanong ka muna." Mas lalo kong nagtaka nang may makitang mangilan-ngilang luha sa mga pisngi nya.
"Edi sana... nasabi ko sayong, Hindi.... Hindi ko sya anak. Hinihintay ko pa kasi 'yung asawa ko na sunduin ako." Nakatulala lang ako sa harap nya.
Wala kahit isang letra ang lumabas sa bibig ko. Nananaginip lang ba ko?
"Yah! Hubby.. don't you get it? Dapat hinalikan mo na ko kanina pa." natawa ko sa nakita kong disappointment sa mukha nya. I cupped her face and shed her tears.
"Baliw." I poked her forehead and put my hand around her waist.
"I missed you, my clumsy." Hinalikan ko ang noo nya.
"Crazy.." the tip of her nose.
"Childish wife." Hinapit ko pa sya and own her lips. I might lose her again and again. But I won't get tired to put her back on my arms again.
My number one fangirl... my wife.
"Oh!" inabot ko sa kanya 'yung ice cream na binili ko. Kinuha naman nya 'yon saka mahinang dinuyan ang sarili.
"Thanks!"
Umupo ako sa katabi nitong duyan. Madilim na sa paligid at mangilan-ngilan na lang din ang tao dito sa Park pero kitang-kita ko parin ang ngiti ng babaeng mahal na mahal ko. Tumingala ako sa langit at pinakiramdaman ang simoy ng hangin. Nakita ko naman dito ang mga bituin.
"Ang ganda ng mga bituin 'no?" naulinigan kong sambit nya.
"Ah. yeah." Sagot ko naman without looking at her.
"Pero ang pinaka favorite kong star. Eh' yung katabi ko." napalingon naman ako sa kanya. Saktong nakatingin na rin sya sa akin.
"Kailan ka pa naging bolero?" sabay gulo ko sa buho nya.
"Yah! Bakit mo ginawa 'yon?! Nagulo tuloy 'yung buhok ko." reklamo nya habang inaayos 'yon. Pinagmasdan ko lang sya habang ginagawa nya 'yon.
"You’ve changed a lot. Ayaw mo nang nagugulo ang buhok mo. You are even wearing a make-up right now.” Puna ko rito. Tumawa sya nang mahina.
"Hindi ah. Nagmatured lang siguro ako nang kaunti. Eh' ikaw?" balik nyang tanong sa akin.
"Ako? Matured na naman talaga ko kahit noon pa. Ikaw lang naman ang hindi." Biro ko dito. Bigla nya kong hinampas sa balikat.
"Kapal! Ang sabihin mo mapang-asar ka pa din. Hmp!"
"Ikaw naman. Pikon parin. Haha."
"Tss." she rolled her eyes. Ngumiti ako at tumingin sa kanya ng seryoso. "Dasuri.." tawag ko rito.
"Hmm?"
"Talaga bang hindi mo anak si Kia?" gusto ko lang makasiguro. Tumawa muna sya saglit bago sumagot.
"Oo nga, anak sya ni Kevin sa iba. Nakilala nya ang mother ni Kia 'nung araw na nagpaalam sya sa akin na babalik na sya dito sa America. They had one night stand kaya nabuo si Kia. Pagkatapos 'non isinama sya ni Kevin sa dito para magsama na silang dalawa.”
“Nung una hindi pa talaga sya mahal ni Choco pero gaya ng sa atin, habang tumatagal ang pagsasama nila. Natutunan na rin syang mahalin ni Choco. Ang problema nga lang, namatay 'yung babae habang nagle-labor sya. Sobrang dinamdam 'yon ni Kevin na halos kamuhian nya pati ang sarili nyang anak. Sobrang nagalala ang parents ni Kevin sa kanya kaya hiniling nila sa akin na manatili muna ko sa tabi nya. Kahit hanggang sa maka-recover lang ito sa pagkamatay ng soon-to-be-wife nya. And that's explained why I lived with Kevin. Pero h'wag kang mag-alala, kahit bata pa lang si Kia, inamin na namin sa kanyang hindi ako ang tunay nyang ina. Kaya walang magiging problema kung...."
Huminto sya sandali at gave me a meaningful stare. "Magkaroon man ako ng tunay kong anak."
Lumapit ako sa kanya and intertwine my hand to her.
"Kung ganon, ano pa lang plano mo? Gusto mo bang magsama ulit tayo?" I look at her and pleaded for the answer. She leans on me and touches my face.
"Bakit, gusto mo pa rin ba ko bilang asawa mo?"
"Sa tingin mo ba maghihintay ako nang ganito katagal kung hindi?" napansin ko ang pagbaba ng tingin nya patungo sa kaliwang kamay ko. Hinahanap nya siguro 'yung singsing namin.
"'Yung divorce paper na iniwan ko sa kwarto ko. Pinirmahan mo din ba?" pagbalik ko sa bahay namin dati. Nakita ko sa ibabaw ng kama nya yung envelope na tinutukoy nya. Nasa loob 'non 'yung divorce paper namin na mayroong pirma nya.
Palihim akong ngumiti.
"Oo." Kaswal kong sagot.
"Ano?" naningkit ang mga mata ni Dasuri sabay bawi ng kamay nya sa akin.
Tumayo pa ito sa harap ko at nagcross-armed. Natuon ang atensyon ko sa kwintas nyang nakapendant ang singsing namin.
"Edi bakit pa tayo magsasama ulit. Eh' hindi na naman pala tayo kasal." Naiirita nyang saad.
"Bakit mo kasi pinirmahan 'yung divorce paper natin?" may halong pang-aasar kong tanong.
"Eh kasi...."
"Eh kasi?"
"Kasi akala ko hindi mo pipirmahan." Nakayuko nyang sagot. Psh. Pasaway parin talaga. Tumayo ako't hinatak 'yung kwintas nya. Nagulat naman sya dahil sa ginawa ko.
"A-Anong ginagawa mo? Ibalik mo sa akin yan!" singhal pa nito sa'kin. Hindi ko sya pinansin at inilayo 'yon sa kanya.
"Ano ba Kai! Ano bang gagawin mo dyan?" ngumiti muna ko sa kanya bago sumagot.
"Gaya ng ginawa ko sa singsing ko." Napanganga sya nang makitang itapon ko sa malayo 'yung sing-sing.
"YAH! Nahihibang kana ba?!" gulat na gulat nyang sabi. Balak pa sana nyang puntahan 'yung pinagbagsakan ng singsing kung hindi ko lang sya napigilan agad.
"Bitawan mo nga ko! Ano ba!" galit na sabi ni Dasuri.
Hindi ako nagpatinag at hindi sya binitawan. "H'wag mo nang balaking hanapin pa 'yon. Papahirapan mo lang 'yung sarili mo." sambit ko pa.
Tumalim naman ang tingin nya sa akin. "Ano naman sa'yo? Ako naman 'yung mahihirapan. Hindi ikaw." Hinatak nya ang braso nya sa akin at hinarap ako.
"Alam mo, kung ayaw mo nang magbalikan tayo. Sana sabihin mo nang maayos. Hindi 'yung itatapon mo na lang bigla 'yung singsing ko. Hindi mo alam kung gaano katagal kong iningatan 'yon." Dasuri looks frustrated and helpless at the same time.
"'Yun na nga lang ang nagpapaalala sa'kin ng tungkol sa nakaraan natin tapos tinapon mo lang ng ganun-ganon?! Nananadya ka ba ha?!" she looks so upset. Halos maiyak na sya sa sobrang inis. Niyakap ko naman sya nang mahigpit at binulungan.
"Magsimula ulit tayo. Gawin nating tama mula sa umpisa. Pinirmahan ko 'yung divorce paper kasi gusto ko, pakasalan mo ulit ako. Ayoko na ng sikreto. Napapagod na kong magtago. Kasi ang gusto ko ipagsigawan sa buong mundo na ako lang ang nagmamay-ari sa'yo. At ikaw lang ang nag-iisang babaeng pinakamamahal ko." naramdaman ko ang unti-unting pagyakap din sa akin ni Dasuri. Mas hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kanya.
"Pero kailangan ko pang ayusin 'yung mga bagay na maiiwan ko dito. Pati na 'yung pag-aaral ko, kung babalik man ako sa Seoul, kailangan ko pa ring tapusin ang semester para magawa 'yon. 2 or 3 months from now."
"Walang problema. Makakapaghintay ako. Nahintay nga kita ng ilang taon. Tatlong buwan pa kaya? Ang mahalaga..." humiwalay na ko sa pagkakayakap at hinarap sya.
"Ipangako mong babalik ka."
Tumango naman s’ya sabay halik sa noo ko.
"I promised."