CHAPTER 81: ONE LAST CRY

KAI

Habang nakayuko ako, nakarinig ako ng mga yabag ng sapatos. Nag-angat ako ng ulo para hanapin ang pinangagalingan 'non. Sobra ang naging pagkagulat ko nang makita ang asawa kong nakatayo sa harap ko.

"A-anong ginagawa mo rito?!" bulalas ko pa.

Hindi sya sumagot agad, sa halip ay umupo sa aking harapan. "Bakit? Kasi wala akong nakikitang rason para hindi ako pumunta rito."

Iniangat pa nya ang kanyang kamay para haplusin ang magkabila kong pisngi. Pinunasan nya rin ang mangilan-ngilang luha sa aking mata. Shit! Naabutan nya kaya ang pag-iyak ko?

"P. A pa rin ako ng grupo mo, baka nakakalimutan mo." nakanguso pa nyang sagot. Nawala naman ang pag-aalala ko nang marinig ang naging sagot nya. Hinawakan ko ang dalawang kamay nyang nasa pisngi ko at saka ko ngumiti ng napakatamis.

She never failed to make me smile.

Kahit gaano kahirap ang sitwasyon, basta't nandyan sya sa tabi ko, hinding-hindi ako mawawalan ng dahilan para lumaban. Hangga't nandyan ang asawa ko magagawa kong ngumiti ng paulit-ulit.

"Tss. Seryoso, anong ginagawa mo dito?" tinanggal nya ang kamay nya sa mukha ko.

"Binibisita ang asawa ko. Masama?" sarkastiko nyang sagot.

"Ako nga ba talaga? Baka naman 'yung bias mo?" sabay pitik ko pa sa noo nito. Napahawak naman sya 'don sabay tingin sa'kin ng masama.

"Ikaw kaya 'yung bias ko." angal nito.

Nagpanggap akong walang narinig. Alam ko naman kasing lumulusot lang sya. Ayoko nang pag-awayan pa namin ang tungkol 'don. Masyado na kong maraming iniisip para magdagdag pa. At hindi na rin big deal para sa akin ang tungkol sa bias thingy na 'yan. Ang mahalaga ako ang asawa nya.

Umalis sya sa pwesto nya at umupo sa tabi ko. "Eh' ikaw, anong ginagawa mo rito?" Umangkla pa sya sa kaliwang braso ko. Sinulyapan ko naman sya.

"Magqu-quit na ko bilang member ng exo." Napansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Dasuri. Para bang hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.

"May problema ba?" tanong ko rito.

Umiling-iling sya pero halata parin ang pagkabalisa nya. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at ikinulong sya sa mga bisig ko. Ipinaglapat ko rin ang mga kamay namin habang isinasandal ang ulo nya sa dibdib ko.

"Sabi ko naman sa'yo, hindi ko 'to ginagawa para sa'yo kundi sa buhay ko"

"Kaya h'wag mong sisihin ang sarili mo. Ang gusto ko lang gawin mo, manatili ka sa tabi ko" hinalikan ko ang buhok nya.

Gusto kong maramdaman nya kung gaano ko na sya kamahal. Kung gaano ko sya kailangan. Hindi ko man madalas sabihin ang tungkol dito, pero alam ko at sigurado kong sa kanya na umiikot ang mundo ko.

Pareho kaming hindi nagsasalita. Siguro dahil pareho naming gustong damhin lang ang presensya nang isa't-isa.

"Hubby..." mahinang tawag sa akin ni Dasuri.

"Umm?" tugon ko naman.

"May tanong ako." nagulat ako sa biglang pagbabago nang tono ng boses nya. Humina ito at naging seryoso. Pero kahit ganon nagawa ko rin naman syang tanungin.

"Ano?"

Matagal rin bago sya nakasagot. "Kung sakaling lumayas ulit ako sa bahay..."

Gusto ko sanang lingunin ang mukha nya kaso hindi ko magawa kaya minabuti ko na lang na makinig sa sasabihin nya.

"Kung sakaling... iwan ulit kita,"

"..... susunduin mo ba ulit ako?"

Napalingon ako kay Dasuri habang magkasalubong ang dalawang kilay,

"Anong klaseng tanong naman 'yan? H'wag mong sabihing may balak ka na namang iwan ako?!"

"Kung ganon nga, mapapatawad mo ba ko?"

Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko bigla kong nawalan ng kakayahang makapag-isip ng maayos. Namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Umalis sya sa pagkakasandal sa akin at hinarap ako.

"Wag na nga. Kalimutan mo na lang 'yung mga sinabi ko" sabay ngiti pa nito.

Hindi ako sumagot, tanging pagtitig lang ang ibinalik ko sa kanya. Bakit ganon ... bakit kahit nakangiti sya sa harap ko. Kahit sinabi nyang kalimutan ko na 'yon.

Bakit parang kinakabahan parin ako?

"Yah! H'wag mo naman akong titigan ng ganyan. Naiilang ako." natauhan ako nang makita ang naging reaksyon ni Dasuri.

"Psh. Oo nga pala, may ibibigay ako sa'yo." Humarap sya sa akin at may kinuha sa bulsa ng damit nya.

Hindi parin ako nagsasalita. Pinagmamasdan ko lang mga kilos nya. Hindi naman nagtagal at inilabas nya ang isang susi mula rito.

"Dati hiniling ko sa'yong papasukin mo ko sa mundo mo, and you did. Kaya ngayon ako naman ang magbubukas ng pinto para sa'yo. Here." Kinuha nya 'yung kanang kamay ko at inilagay rito 'yung susing hawak nya.

"Eto 'yung susi sa kwarto ko. Paguwi mo sa bahay, kung sakaling gusto mo paring pumasok sa mundo ko. I'm letting 'you in." tumayo sya at akmang aalis na sa harap ko.

"Sige, aalis na ko." hindi ko alam pero parang gusto ko syang pigilan. Para bang may kung anong nagtutulak sa'kin na pigilan sya. Tinalikuran na nya ko't nagsimulang maglakad.

Natauhan naman ako't tumayo.

"Dasuri, sandali." Sigaw ko rito.

Huminto sya't muling humarap sa akin. Namamalik-mata lang ba ko o talagang parang pinipilit nyang hindi umiyak sa harap ko?

Nilapitan ko sya't niyakap.

"Gusto ko, paguwi ko mamaya. Nandoon ang asawa ko't hinihintay ang pagdating ko."

DASURI

"Sige, aalis na ko." ramdam kong muli na namang babagsak ang mga luha sa mga mata ko kaya pinili ko nang umalis. Akala ko kapag nakita ko sya mas magiging madali para sa akin ang pag-alis. Akala ko mas matatanggap ko 'yung sitwasyon namin. Kaya lang, bakit ganito?

Bakit parang mas lalo ko lang pinagsisisihan ang naging desisyon ko?!

Patuloy lang ako sa paglalakad nang maulinigan ko ang pagtawag sa'kin ni Kai.

"Dasuri, sandali."

* We often fool ourselves

And say that its love..

Bigla kong naistatwa nang marinig ang boses nya. Dahan-dahan ko syang nilingon habang pilit na pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Nilapitan nya ko't niyakap nang mahipit.

* Only cause when it's gone we end up being lonely

So how are we to know that it just isn't so*

Napapikit ako nang maramdaman ang mga braso nya sa katawan ko. Isa 'to sa mga bagay na mamimiss ko kay Kai, yung pakiramdam na kapag yakap-yakap nya ko. Alam kong sya lang ang tanging lalaking ka-kailanganin ko.

Lalong dumoble ang sakit sa dibdib ko nang marinig ang sinabi nya,

"Gusto ko, paguwi ko mamaya. Nandoon ang asawa ko't hinihintay ang pagdating ko."

Napakapit na lang ako sa damit nya. Sana nga Kai, sana magawa ko pang hintayin ang pagbabalik mo.

* When we shared precious moments

But later realized they were only stolen moments*

Hindi ko na napigilan. Kusa nang nagbagsakan 'yung mga luha sa pisngi ko. Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Kai, ayoko kasing makita nya ang pag-iyak ko.

"Wifey? Umiiyak ka ba?" nag-aalala nitong tanong. Sinubukan pa nyang humiwalay sa pagkakayakap pero pinigilan ko sya.

"K-Kai, S-sorry." sambit ko habang patuloy sa pag-iyak. Kumalas naman sya sa pagkakayakap sa'kin at hinarap ako.

* So how are we to know that it just wasn't so?

That we just had to let each other go*

"Bakit ka nagso-sorry?!" halata sa tono ng boses nya ang pagkalito. Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa paghingi ng tawad habang umiiyak.

"I'm sorry."

"P-Patawarin mo ko,"

Lalo namang nagulimihanan si Kai kaya hinawakan nya ko sa magkabilang balikat.

"Tell me. B-Bakit ka ba kasi umiiyak?! May nagawa ba ko?" ramdam ko sa boses nya ang sobrang pag-alala. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maamin sa kanya ang totoong dahilan.

I shook my head and say it again. "I'm sorry..."

* If loving you is all that means to me

When being happy is all I hope you'd be

Then loving you must mean

I really have to set you free*

Kai heaved a sigh. Alam kong naiinis na sya sa ginagawa ko pero pinipigilan nya dahil ayaw nya kaming magkasakitan. He cupped my face and gave me a peck on my eyes,

"Please, tumahan kana."

"I can't bear to see you like that." Pang-aamo nya sa akin.

"Nasasaktan din ako." Basag na rin ang boses ni Kai. Mukhang maski sya ay nahihirapan sa kalagayan ko.

* Each day remains my love for you

Keeps growing stronger But every time we meet

Makes leaving you so much harder*

"Just tell me the reason," he pleaded. Ano bang gagawin ko? Naguguluhan na rin ako. K-Kaya ko bang sabihin sa kanya nang harap-harapan,

"Dasuri, please..." na kaya ko nagkakaganto dahil balak ko na naman syang iwan?

*So how are we to know that this just wasn't so?

That we just have to let each other go*

Tumingala ko at huminga nang malalim. Siguro, eto na 'yung tamang panahon. Siguro, mas magandang sa'kin na manggaling kaysa sa iba pa nya malaman. Pinunasan ko 'yung mga luha sa pisngi ko at hinarap sya nang buong tapang.

*If loving you is all that means to me

When being happy is all I hope you'd be

Then loving you must mean

I really have to set you free**

"Hubby," tawag ko sa kanya. Tinignan naman nya ko gamit ang malamlam nyang mga mata. Damang-dama ko rito ang lungkot na dinadala nya.

"Pasensya na pero .... pero..." bago ko man matapos ang sasabihin ko. Bigla kaming nakarinig nang kalabog mula sa pinto ng practice room. Dahilan para mapalingon kami pareho roon, bumungad samin si Kris na halatang nagmamadaling makapunta roon. Nakafocus ang tingin nya sa akin habang habol-hininga pa dahil sa pagtakbong ginawa.

Para syang nabunutan ng tinik nang makita ko. Ilang sandali pa'y mabilis syang lumapit at niyakap ako. Pareho kaming nagulat ni Kai kaya hindi kami nakakilos agad.

"Dasuri!" sigaw nya sa pangalan ko.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Diba sinabi ko naman sa'yo, kung may balak kang umalis, sabihan mo agad ako! Wala naman akong balak pigilan ka, I just...."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa ipinapakita sa'kin ni Kris. He's trying to be cool kahit halatang gusto na nyang umiyak.

"I just want to ensure that you'll be okay."

Tumango-tango ako bago bumulong, "Sorry … oppa."

Wala pa sanang balak kumalas si Kris sa pagkakayakap sa akin kung hindi lang may humawak sa braso ko at hilahin ako palayo. Pagtingin ko sa taong 'yon, biglang nanlambot ang mga tuhod ko, lalo nang makita ang isa-isang pagpatak ng luha sa mga mata nya.

*Letting go is not an easy task

When smiling feels like

I must wear this lonely mask*

Sinubukan kong umiwas, sinubukan kong ituon sa iba ang atensyon ko pero pinigilan ako ni Kai na gawin 'yon. Hinawakan nya ko sa magkabilang braso at pilit pinagtagpo ang aming mga mata.

"Sabihin mo, totoo ba 'yung sinabi ni Kris?!" garalgal ang boses nya dahil na rin sa patuloy na pag-iyak. Kasabay nito ang mga nagbabagsakang luha mula naman sa mga mata ko,

"Totoo bang.. iiwan mo na naman ako?!"

* It hurts deep inside and I just cannot hide

That there's anguish at the thought

That we should have to part*

My heart skips for a beat. Para kong tinarakan ng pana sa dibdib. Ang sakit makitang nasasaktan ko sya, na ako ang dahilan ng pag-iyak nya. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Kai sa braso ko. Pero hindi ako umangal dahil alam kong mas doble ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

"Ano, Dasuri! Sumagot ka!!" nagulat ako sa bigla nyang pagsigaw. He looks so devastated. Kitang-kita ko sa mga kilos nya ang pagkalito at lungkot.

Kai, bakit ka ganyan... lalo mo lang akong pinapahirapan.

Yumuko ako at garalgal na sumagot kasabay ng pagbagsak ng mga luha sa aking mata,

"S-Sorry.."

Mukhang napansin ni Kris ang sitwasyon ko kaya tinanggal nya 'yung pagkakahawak sa akin ni Kai.

"Huminahon ka Kai, nasasaktan muna si Dasuri." sambit pa nito. Sinamaan naman sya ng tingin ni Kai.

"H'wag kang makialam dito! Problema naming mag-asawa 'to!" balak pa sana kong lapitang muli ni Kai pero pinigilan agad sya ni Kris.

"Yeah, you're right! Pero hindi ko hahayaang saktan mo si Dasuri sa harap ko," hinarangan nya itong muli para hindi makalapit sa akin.

Lalong nagtangis ang mga ngipin ni Kai. Tinulak nya si Kris saka 'to sinuntok. Napaatras naman si Kris dahil 'don.

"Fuck!" Kris cursed.

"Sira-ulo ka talaga!"

Ibinalik naman ni Kris ang suntok kay Kai. Napahiga ito sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok. Natameme ko nang makita 'yon. Sinubukan kong awatin sila pero wala kong lakas ng loob para lapitan sila.

"Tama na! Please.." pagmamakaawa ko.

Inupuan nya kasi si Kai atsaka pinagsusuntok. Hindi naman lumalaban si Kai at hinahayaan lang sya.

"Kai!"

"Kris!"

"Hyung!"

"Dasuri!"

Sabay-sabay na sigaw ni Suho, Sehun, Kyungsoo at miss Jamie nang maabutan ang sitwasyon namin. Nanatili naman akong nakatayo sa pwesto ko. Hindi ko alam pero parang napako na ang mga paa ko sa sahig.

"NOONG PINAUBAYA KO SA'YO SI DASURI, YOU PROMISED TO ME THAT YOU'LL TAKE CARE OF HER. TAPOS NGAYON MAAABUTAN KO SYANG UMIIYAK NA NAMAN?!" Galit na galit si Kris habang walang tigil sa pagsuntok kay Kai. Iniupo nya pa ito sa pamamagitan ng pagkuwelyo rito.

"Tama na hyung!"

"Kris!"

Sinubukan silang awatin ng mga dumating pero masyadong malakas si Kris. Nagagawa parin nyang makasuntok kahit hawak-hawak na sya ni Suho at Sehun.

"DAMN YOUR WORDS, KAI!! I SHOULD'NT TRUST YOU."

Halos madurog ang puso ko nang makita ang mga sugat sa mukha ni Kai. May mga dugo na sa paligid nang labi nya. Sinubukan kong lumapit para awatin sila pero bigla kong nanlumo nang marinig syang magsalita.

"Sige lang. S-Saktan mo lang ako, 'Yan lang ba ang k-kaya mo?" nagawa pa talaga nyang manghamon ganong tadtad na sya ng mga pasa at sugat sa iba't-ibang parte ng katawan at mukha.

"Su... suntukin mo lang ako kahit saang parte ng katawan ko, kahit paulit-ulit pa. O-Okay lang sa'kin, h'wag ko lang maramdaman 'tong sa.. sakit na nasa dibdib ko." kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ni Kai kasabay nang pag-agos ng dugo sa bibig nya.

Napaupo na lang ako sa sahig habang hawak-hawak ang dibdib ko.

*If loving you is all that means to me

When being happy is all I hope you'd be*

Huminto naman si Kris sa pagsuntok ng marinig 'yon. Nawala ang galit sa mukha nya at napalitan ng awa. Kinuha ni Suho at Sehun ang pagkakataong iyon para mapaghiwalay sila. Natahimik bigla ang paligid. Halata sa mga mukha nila ang awang nararamdaman para kay Kai.

Tumayo ako para sana lapitan si Kai. Gusto kong punasan 'yung mga dugo sa labi nya. Gusto kong gamutin 'yung mga sugat nya. Kaya lang bago ko pa sya mahawakan, pinigilan na nya agad ako.

"H'wag mo kong hahawakan." Sobrang talim nang ipinukol nyang tingin sa akin.

Pinilit nyang tumayo kahit nahihirapan sya dahil sa dami ng sugat na natamo.

"Kai, kaya mo ba?" nag-aalalang inalayan sya ni Kyungsoo. Hinawi naman nya 'yon.

"Bitawan mo ko! Hindi ko kailangan ang mga awa nyo. Kaya kong mag-isa." Napayuko ako nang ibaling sa'kin ni Kai ang tingin nya bago nya bitawan ang mga huling kataga ng sinabi nya. Nagawa pa nya kong banggain pag-alis nya sa harap ko.

*Then loving you must mean

I really have to set you free*

"Kai!" tawag ko sa pangalan nya.

Hindi ko man inaasahan pero huminto sya nang marinig 'yon. Dahan-dahan ko syang nilingon.

"P-Pwede bang mangako ka sa akin?" Hindi naman ako nabigo dahil hinarap din nya ako.

"P-Pwede bang ... mangako kang hinding-hindi mo bibitawan 'yung pangarap mo?"

"Dasuri," pigil sa akin ni Jamie unnie. Pero hindi ako nagpatinag. I look straight to Kai's eyes and pleaded,

"Para kahit nasa malayo ko, magagawa parin kitang mahalin,"

"Kahit bilang isang hamak na fan mo," kitang-kita ko kung paano nagdilim ang mukha ni Kai.

Halatang mas dumoble ang inis nya nang marinig 'yon pero iyon ang dapat. Dapat lang na kamuhian na nya ko.

Nanginig ang mga tuhod ko nang makita ko syang ngumiti. Isang ngiti na puno nang paghihinagpis,

"H'wag kang mag-alala, habang buhay ka na lang magiging isang fan sa paningin ko."

Umalis din naman agad sya pagkatapos 'non. Agad din syang sinundan ng iba. Tanging ako at si Kris lang ang naiwan. Nilapitan nya ko't inusisa.

"Hayaan mo muna syang mapag-isa. He needs space to breathe. Ang mabuti pa, magpahinga ka na rin. Saan mong gustong magpahatid?" I smiled at him wickedly.

"Salamat pero kaya ko na ang sarili ko."

"Dasuri..." Kris holds my hands while his eyes are begging.

"Pwede bang sa pagkakataong ito, hayaan mo naman akong gawin ang gusto ko?" Wala na kong lakas para makipagtalo pa kaya bahagya na kong tumango. Nagliwanag naman ang mukha ni Kris.

Aalalayan na sana nya ko palabas nang huminto ko sandali.

"Pero sa isang kondisyon," I look at his eyes,

"Sa airport tayo pupunta."

KAI

"Kai! Sandali! Saan ka pupunta?!" habol sa akin nila Jamie noona.

"Kai! Huminahon ka muna! Maraming fans sa labas, hindi ka nila pwedeng makita."

"Tama si Suho hyung, baka mas lalong lumaki ang gulo kapag nakita ka nilang ganyan."

I smirked. Ayan na naman 'yung mga tang-inang mga bawal na 'yan. Lahat na lang hindi pwede. Lahat na lang kailangan ganito. Kailangan perpekto ka. Para saan? Para sa kag*guhang IMAGE na 'yan?!

Pagod na ko. Pagod na kong maging tau-tauhan ng kung sinu-sino. Tao rin kaming maging IDOLS. Nagmamahal at Nasasaktan, bakit ba hindi 'yon maisip ng mga tao?!

Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretsyo sa labas. Dinaanan ko ang mga fans namin na nagkukumpulan sa tapat ng building. Nagsitabi silang lahat at binigyan ako nang daan nang makita ang itsura ko.

"Kai!"

"Kai! Bumalik ka rito!"

"KAI! Ano ba!"

Wala kong pakialam sa mga iniisip ng mga tao sa paligid ko. Wala kong pakialam kung ano mang kwento ang gawin nila tungkol sa'kin. Dahil ang alam ko lang ngayon, nasasaktan ako ... sobra

Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot 'yon.

"K-Kai, S-sorry."

"Bakit ka nagso-sorry?!"

"I'm sorry."

"P-Patawarin mo ko,"

"Tell me. B-Bakit ka ba kasi umiiyak?! May nagawa ba ko?"

"I'm sorry..."

Hindi ko alam kung saan ba ko pupunta. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para makalimot. Masyado kong nasaktan. Binigay ko naman lahat ah? Handa kong ipagpalit ang lahat pati na ang pangarap ko, makasama lang sya.

Pero anong ginawa nya?

"Sabihin mo, totoo ba 'yung sinabi ni Kris?!"

"Totoo bang.. iiwan mo na naman ako?!"

"Ano, Dasuri! Sumagot ka!!"

"S-Sorry.."

Binalak pa rin nya kong iwan nang nag-iisa. Padalos-dalos akong nagpreno kung saan. Hindi ko na pinagkaabalahang alamin kung nasaan ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa manubela at inilabas ang lahat ng sama ng loob na meron ako.

"Kai!"

"P-Pwede bang mangako ka sa akin"

"P-Pwede bang..... mangako kang hinding-hindi mo bibitawan 'yung pangarap mo?"

"Para kahit nasa malayo ko, magagawa parin kitang mahalin,"

"Kahit bilang isang hamak na fan mo,"

"Dasuri, bakit ang selfish mo?!"