CHAPTER 80: SET HIM FREE

KAI

Pagkapasok ko pa lang sa building ng SME. Bumalik agad sa ala-ala ko ang mga panahong inilagi ko rito. Yung mga panahon na nagsisimula pa lang akong mangarap. 'Yung panahong puno ako ng pag-asa at pagtatyaga.

Napansin ko ang larawan ng iba't-ibang grupo ng idols na nakapaskil sa pader ng nilalakaran kong hallway. Naroon ang mga sunbaenims namin, ang SuJu, Snsd, Shinee at F(x). Mataman kong pinagmasdan ang mga iyon habang patuloy parin sa paglalakad. Sa pinakadulo nito, huminto ako at hinarap ang nakapaskil na larawan ng grupo ko.

Mula sa pagiging anim, hindi ko akalain na darating ang panahon na madaragdagan pa kami. Hindi ko man sila tinanggap nung umpisa. Pero hindi ko rin maitatanggi na nasasanay na kong kasama sila.

Ngumiti ako nang makita ang kauna-unahang litrato naming magkakasama. Tinitigan ko pa isa-isa ang mukha ng mga kasama ko.

"Akalain mong mamimiss ko rin pala ang mga ugok na 'to." bulong ko.

"Kamusta na kaya si D. O hyung? Malamang madalas parin syang asarin ni Chanyeol. Sino naman kaya ang nakakasama ngayon ni Sehun sa pagbili ng bubble tea nya? Tinitipus pa naman 'yon kapag hindi nakakainom." Dati kasi ako lang ang pumapayag na samahan sya. Lagi kasi syang tinatanggihan ng iba.

Lumipat ang tingin ko patungo kay Kris, bahagya akong ngumiti at bumulong, "Salamat sa lahat. Salamat sa mga ginawa mong pagsasakripisyo para sa asawa ko."

Sinunod ko naman ay ang larawan ni Suho, "Hyung," nagpaused ako sandali.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Sa sobrang dami hindi ko alam kung saan ba ko dapat magsimula. Mula pa noon, sa tuwing kailangan ko ng makakausap, si Suho hyung ang lagi kong natatakbuhan. Maliit man 'yon o malaking bagay nandyan parin sya sa tabi ko't hanggang dumamay.

"Hyung.." tawag ko sa kanya. Nilingon din naman agad nya ko.

"Oh' bakit Kai?"

"Umm. Nasabi muna kay manager diba?" pagbabakasakali ko. Humingi kasi ako ng tulong sa kanya na makapagpaalam kung pwede ba kong umuwi muna sa bahay.

"Alin? Yung diretsyo kana sa bahay nyo? Oo. Don't worry, pumayag na sya." nakangiti pa nyang tugon. Natuwa naman ako sa naging sagot nya. Pinat ko ang balikat nya.

"Thanks!" sabay ngiti.

Sya 'yung unang nakakapansin kung may problema ba kong dinadala.

"May problema ba?" tanong nya sa akin nang mapansin ang pagiging balisa ko.

"Hmmn.. ano masasabi mo sa Exo-M?" tinignan ko sya sa mata. Gusto kong malinawan sa mga bagay-bagay tungkol sa grupong Exo-M. Napansin naman nya 'yon at sinalubong rin ang mga tingin ko.

"Kai.. kung iniisip mong.." mukhang alam ko na ang sagot nya. Tumayo ako't pinutol ang sasabihin nya. Pumunta na lang ako sa gitna para magsimula nang magpractice.

"Magpractice na nga tayo hyung!" Napangiti naman sya dahil sa inasal ko. Alam nya kasing wala kong balak makinig sa sasabihin nya kaya ko ganto. Haha.

Dahil kumpara sa lahat, sya 'yung talagang nakakakilala sa akin. Alam nya 'yung pagkakaiba ni Jong In kay Kai.

"I’m sorry," Bulong ko. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang nakaraan. Kung pu-pwede ko lang isalba pa ang pagkakaibigan namin, ginawa ko na.

Nanatili pa ko roon ng ilang segundo nang mapalingon ako sa taong biglang nagsalita sa gilid ko. 

"Para saan 'yung sorry mo?"

Natameme ako bigla nang makilala kung sino ito. Nakasuot sya nang gray-stripped long sleeve sa itaas at itim na pantalon naman sa pang-ibaba. Nakatingin sya sa akin habang walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat kong iasta sa harap nya. Lumapit ito sa akin at nakipagtitigan.

"Sagutin mo 'yung tanong ko, para saan yung sorry mo?"

Mukhang ito na yung tamang panahon para makapag-usap kami. Hindi ko man magawang bumalik sa grupo, at least ang maibalik na lang yung magandang samahan namin ay sapat na.

"Hyung, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa inyo. Gusto kong...." hindi pa man natatapos yung sasabihin ko ay bigla na syang nagsalita.

"Alin? 'Yung tungkol sa kasal mong itinago sa amin ng mahabang panahon?"

Hindi ko parin mabasa ang totoong saloobin ni hyung. Blanko pa rin ang mukha nito hanggang ngayon. Tumango ako bilang sagot.

"Hindi mo kailangan magsorry sa'kin, dahil quits lang tayo."

Napaisip ako sa naging tugon nya. Anong ibig sabihin sa quits lang kami? Lalo akong naguluhan nang makita kong ngumiti sya sa harap ko.

Lumapit pa sya sa akin at niyakap ako, "Bumalik kana bro, miss kana ng grupo."

"T-Teka hyung, naguguluhan ako? Hindi kana galit sa akin? Pero bakit? Atsaka... a-anong quits lang tayo?"

Lumayo ako sa kanya nang kaunti at hinarap sya na gulong-gulo ang aking isipan.

Nginitian naman nya ko't tinapik-tapik sa balikat, "Wala, basta kalimutan na lang natin ang lahat ng masamang nangyari. Magsimula ulit tayo. Gaya ng pangako natin sa isa't-isa, WE ARE ONE"

Tinitigan ko lang sya dahil hindi ko alam ang dapat isagot. "Oh' bakit hindi ka nagsasalita?" tanong pa nya. Bumalik naman sa aking mga alaala ang mga katagang binitawan sa amin ni Jamie noona,

Halos tatlong minuto na ang nakakalipas mula ng gawin namin ang formation ng Tree of Life.

"Noona.. hanggang kailan pa kami magiging ganito?" – Suho

"Maawa ka naman sa amin." – Chanyeol

"Bakit pati kami kasali?" – Tao

"Pinagtitripan nya lang ata tayo." - Chen.

"Waaah! Ayoko na ng ganito!" reklamo ni Baekhyun. Tumayo naman si noona mula sa kinauupuan nya at inikutan kaming lahat.

"Makinig kayong mabuti sa lahat ng sasabihin ko. Simula sa araw na ito wala ng K and M. Wala na ang dalawang grupong sumikat sa korea at china. Dahil ang tanging meron na lang kayo ay. ang EXO.”

“Isang grupo na binubuo ng labing dalawang tao na nanggaling man sa iba't-ibang lugar at may iba't-ibang kwento sa buhay. Nagsama-sama para sa iisang pangarap and that is showing to the world what they have and what they got." Napansin ko ang biglang pagbabago sa expression ng mga mukha ng mga kasama ko. Kung kanina maririnig mo ang puro reklamo mula sa kanila. Ngayon, natahimik ang lahat at taimtim na nakikinig sa bawat salitang binibitawan ni noona.

"I want you to put on your mind na simula sa araw na 'to. Sa ayaw at gusto nyo ang tanging masasandalan at makakasama nyo ay ang isa't-isa. To the point na kapag ang isa sa inyo ay bumagsak." Sinipa nito ang tuhod ni Kris dahilan para bumagsak sya.

"Everyone will fall too." Napasunod din kami sa pagbagsak nya.

"Ang bagong landas na tatahakin nyo ay siguradong hindi magiging madali. Pero kung matututuhan nyong mahalin ang isa't-isa. Tulungan ang mga madadapa. Maging sandata nila sa problema. " Tinulungan nyang makatayong muli si Kris bago nya kami hinarap na may ngiti sa mga labi.

"I can make sure, that you will always be one from the hardship until success."

"Pasensya na kung ako ang kauna-unahang sisira sa pangako natin sa mga fans, Pasensya na."

Muli akong naglakad at iniwan syang nakatulala roon. Hindi pa man ako gaanong nakakalayo. Napahinto ako nang masulyapan ko ang isang kwartong pinalilibutan ng salamin ang loob. Pumasok ako rito at pinagmasdan ang paligid.

Alam kong hindi basta-basta ang desisyon na gagawin ko. Pero kahit ganon, buo na ang loob ko----mananatili ako sa tabi ni Dasuri. 

DASURI

"Manong, okay lang po ba kung hintayin nyo na lang ako rito? Hindi rin naman po ako magtatagal sa loob" pakiusap ko sa driver ng sinakyan kong taxi.

Patungo na ko sa airport para sa flight ko nang napagpasyahan kong daanan si Kai. Ayoko na sanang magpakita pa sa kanya kasi baka biglang magbago ang isip ko once na makita ko sya. Kaya lang hindi ko rin naman kayang umalis na lang bigla nang hindi man lang nakakapagpaalam.

"Sigurado ka bang sandali ka lang iha?" tanong pa ni Manong.

"Opo, siguradong-sigurado." Sagot ko naman.

"Oh' Sige. Maghihintay ako rito." Lumiwanag naman ang mukha ko. Nagmamadali akong lumabas ng taxi at pumasok sa loob ng SME.

Siguro para sa iba isang malaking kahibangan itong gagawin ko. Bakit mo nga ba iiwan ang isang taong handang talikuran ang lahat para lang makasama ka? Bakit pipiliin mong lumayo kahit pa ikaw na ang pinili nya?

Kaya lang kasi...

May mga pagkakataong kailangan mo pang hintayin ang tamang panahon para maiayos ang lahat.

Kakailanganin mong bumitaw, para mas wala nang mahirapan.

Nasa kalagitnaan na ko ng paglalakad nang makasalubong ko si Yuri Unnie. Pareho kaming napabagal sa paglalakad nang makatinginan. Nabalitaan ko ngang nakabalik na sya mula sa ilang araw na bakasyon pero hindi ko akalain na dito pa kami muling magkikita.

"Dasuri.." narinig kong bigkas nya. Nginitian ko naman sya kahit halatang naiilang sya sa pagkikita namin ngayon.

"Nae, Annyeong hasaeyo unnie." Pagbibigay-galang ko rito. Iniiwas naman nya ang tingin sa akin at bahagyang yumuko pa.

"Umm. Dasuri... alam kong isa ko sa mga dahilan kung bakit nahihirapan kayo ngayon ni Jong In. At narealized ko rin na ang laki kong tanga dahil ginawa ko sa inyo 'yon. S-sorry."

Ngumiti ako bago tuluyang lumapit sa kanya. Niyakap ko sya nang mahigpit na ikinagulat naman nya.

"Wala 'yon unnie. Napatawad na kita, matagal na. Kung hindi dahil sa mga sinabi mo sa akin noon. Baka hanggang ngayon nabubuhay parin ako sa binuo kong pantasya."

Bumalik sa ala-ala ko ang naging usapan namin ni Unnie nang bigla nya kong puntahan sa eskwelahan. Kakalabas pa lang noon nang balita tungkol sa pagtatambal nila ni Kai sa We Got Married.

Paglabas ko ng gate ng school. Laking gulat ko nang makita sya roon. Nagmamadali pa naman akong umuwi dahil iyon ang binilin sa akin ni Kai. Inalok nya kong sumakay sa kotse nya, gusto ko sanang tumanggi kaso may sinabi sya sa akin na naging dahilan para mapapayag na rin ako.

"Kapag hindi ka sumakay, hindi ko na ibabalik sa'yo ang asawa mo." kahit labag sa loob ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse at tumabi sa kanya.

"Good. Madali ka naman pa lang kausap eh." nanahimik lang ako habang nasa byahe kami. Ayoko nang magsalita baka kasi kung ano na naman ang malaman nya. At saka isa pa, natatakot parin ako sa mga pagtrato nyang ibinibigay sa akin ngayon. Para na syang ibang tao.

"Look! Nakikita mo ba 'yung mga estudyanteng nasa gilid?" napalingon ako sa tinutukoy nya. Isang grupo nang mga estudyanteng nagkukumpulan sa tapat ng SME. Hindi ko namalayaan na dito pala nya ko dinala.

"Mga Fans sila na kagaya mo," napalingon ako kay Unnie nang marinig ang sinabi nya. Hindi naman nagtagal ay ibinalik ko rin ang tingin sa mga esyudyante.

"Lagi silang nandyan para suportahan kaming mga idols. Umiiyak kapag malungkot kami. Tumatawa kapag masaya kami. At minamahal kami ng lubusan, ganon kasarap maging idols. Thousands of fans will love you more than you do. Pero alam mo ano ang nakakalungkot? They are living in a fantasy and avoid the reality of life."

Nilingon ako ni Unnie saka muling nagsalita, "But Fantasy would never be a reality. Hindi prinsipe o prinsesa ang mga idols para mainlove sa mga commoner at walang FairyGod mother, ang makakatulong sa inyo para mangyari ang pinapangarap nyong happily ever after."

"Same with you Dasuri, ang kasal nyo ni Kai ay para lang sa fantasy. Isang pantasyang hindi akma sa realidad. Kaya hangga't maaga pa, pilitin mo nang gumising sa kahibangan mo at harapin ang katotohanan, Cinderella story is not applicable in reality."

"Dasuri, hindi 'yon yung----"

"Ssssh" pinigilan ko na 'yung sasabihin nya. Humiwalay ako mula sa pagkakayakap namin at hinawakan ang magkabila nyang kamay.

"Unnie, gusto ko lang malaman mo na. Ikaw ang nag-iisang female idol na lubos kong hinahangaan. Kaya nga hindi ko malaman kung matutuwa ba ko o maaasar nang malaman kong pareho tayo ng lalaking gusto. Akalain mong sa dinami-dami ng babae sa mundo, 'yung pamantayan ko pa nang kagandahan at hinihiling kong maging katulad nya ay sya pa lang makakaribal ko? Nakakatawa 'no?" kitang-kita ko sa mata ni unnie na sobra syang na-touch sa mga sinabi ko. May mangilan-ngilan na kasing luha ang namumuo sa magkabilang mata nya.

"Pero kahit na hindi masyadong maganda 'yung mga nangyari sa ating tatlo nila Kai," ngumiti muna ko nang sobrang tamis bago muling nagsalita, "Ikaw parin ang Ultimate Female Bias ko for life. Saranghae, Unnie."

Hindi na napigilan ni Yuri ang pagtulo ng mga luha nya. Pinunasan nya iyon habang bahagyang tumatawa.

"Yeah right, you want to be like me pero alam mo rin bang mula nang malaman kong asawa ka ni Kai, hiniling ko rin na sana, maging ako ikaw. Haha. Life is a joke!" Tumawa pang muli si Unnie habang pinupunasan ang mga luha nya. Napapangiti na lang tuloy ako.

"Anyway, bakit ka nandito? Bumalik na rin ba si Jong In kagaya ko?" pag-iiba nito sa usapan. Nawala naman ang ngiti ko nang maalala ang totoong dahilan ng pagpunta ko dito.

"Ahmm. Oo, sya nga talaga 'yung pinunta ko rito."

"Ganon ba? Edi sige, puntahan mo na sya. Baka hinihintay kana 'non. Ayaw na ayaw pa naman 'nung naghihintay." Umarko pa ang mga mata ni Unnie na halatang naiinis sa ganong ugali ni Kai.

"Oo nga po eh. Sige, una na ko. Bye po." Paalam ko rito.

"Sure." Maglalakad na sana ko gaya nang sinabi nya nang muli ko syang marinig na magsalita.

"Umm. Wait," nilingon ko naman sya.

"Uhh, okay lang ba kung ipasabi ko sa'yo 'yung gusto kong sabihin sa kanya?" tumango ako bilang sagot.

"Just tell him that... I love him and goodbye."

Tumango akong muli bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakaramdam ako nang lungkot dahil sa mga huling salitang binitiwan ni Unnie.

Kahit kasi hindi nya ipakiusap, 'yon din ang mga katagang gusto kong sabihin para kay Kai.

Habang unti-unting nababawasan ang pagitan ko at ng practice room ng Exo, unti-unti ko na ring naririnig ang isang familiar na tugtog. Isa sa mga kanta ng Exo... Baby don't cry.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng PR. Doon, bumungad sa akin ang aking asawa na sumasayaw sa saliw ng tugtog. Ramdam na ramdam ko sa bawat galaw ng kanyang katawan ang nais ipakahulugan ng kanta. Habang nakatitig ako sa kanya hindi ko mapigilang madagdagan ang bigat ng aking dinadala.

Kumirot ang dibdib ko nang makita ang mga patak ng luha nya sa sahig. Kahit hindi nya sabihin, alam kong nahihirapan syang isuko ang pangarap nya. Ang pagsasayaw na ang naging buhay nya mula pa noon. Ito ang nagbibigay sa kanya ng kasiyahan kaya sino ba ko para hadlangan 'yon?

*Don't hesitate any minute please take away my heart

Yes the sharper the better, that night that even moon has closed her eyes

If it were any other man, if it were a single verse taken from a comedy

Burn all the scars you've exchanged for that love*

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makitang napaupo na lang si Kai sa sahig at sumandal sa pader nito habang walang tigil sa paghagulgol.

*Baby don't cry tonight after the darkness passes,

Baby don't cry tonight It'll become as if it never happened*

Napatakip ako sa bibig nang makita 'yon. Pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng ingay habang patuloy sa pag-agos ang luha mula sa aking mga mata.

*You're not the one to disappear into foam,

Something you never should've known

So Baby don't cry cry my love will protect you*

Knowing Kai? Ayaw nyang makita ko syang nagkakaganito. Ayaw nyang kaawaan ko sya. Kaya nga pilit nyang sinasarili ang problema. Pilit nyang sinasabi na okay lang ang lahat kahit deep inside, gusto na nyang sumuko.

*Exchanging only our separates fates that lead to one another

As inevitable as it seemed that we'd miss, I know we loved just as much

When you smile, sun shines a brilliance you can't fit into a framework of language

The waves crash my heart and crumble down oh*

Hindi ko na kinaya. Nagtago ako at saka sumandal sa pader. Doon ko na inilabas 'yung sakit na nararamdaman ko. Hinayaan kong bumagsak 'yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

*Baby don't cry tonight a night plagued by violent storms (ooh as is the sky will fall)

Baby don't cry tonight its slightly befitting

To let you go at a moment that shines more brilliantly than tears like this

So Baby don't cry cry, my love will be remembered*

Hinawakan ko 'yung dibdib ko habang dahan-dahang umuupo sa sahig. Hindi ko na kaya, ang sakit-sakit makita ang taong mahal mo na umiiyak nang mag-isa. Gusto ko syang lapitan, gusto kong yakapin sya nang mahigpit at ibulong sa kanya na nandito lang ako sa tabi nya. Ngunit paano ko gagawin 'yon kung nandito nga ko para... iwanan sya?

*Above the dark shade of pain, at the doorsteps of farewell

Even if I take a brutal fall, I can manage if it were for you

Uh, instead I'll give myself to you who don't know me

Don't cry, give me chilling laughter instead of hot tears, baby*

Hinintay kong matapos ang pag-iyak ni Kai. Pinunasan ko ang pisngi ko at tumayo. Hindi kana pwedeng umatras Dasuri, taandaan mo para 'to sa kanya. Para sa ikabubuti nya.

Bagsak ang dalawang balikat ni Kai nang makita ko syang muli. Nakayuko at halatang puno nang lungkot. Akala ko'y hindi parin nya mapapansin ang presensya ko pero saktong paghinto ko sa tapat nya ay ang pag-angat nya nang mukha.

Halata rito ang pagkagulat nang makilala ko. "A-anong ginagawa mo rito?!"

Umupo naman ako sa harap nya para maging magkalevel kami bago ko sagutin ang tanong nya.

"Bakit? Kasi wala akong nakikitang rason para hindi ako pumunta rito."

Iniangat ko ang aking kamay para haplusin ang magkabilang pisngi nya. Pinunasan ko ang mangilan-ngilang luha sa mata nya.

"P. A parin ako ng grupo mo, baka nakakalimutan mo."

Nakanguso kong sagot. Hinawakan naman nya ang dalawang kamay kong nasa pisngi nya at saka ko binigyan ng napakatamis na ngiti.

Tama 'yan Kai, ngumiti ka.

Mas gusto ko kasing makita ang pag ngiti mo kaysa ang pag-iyak.

Dahil kaya nga kita iiwan dahil gusto kong maging masaya ka.