CHAPTER 75: HERE WE GO AGAIN

AMBER

"Good morning class. Before I start my lesson for today. Gusto kong ipaalala sa inyo na ilang araw na lang ay pasahan na nang second part ng project nyo sa akin." Panimula ni Ms. Shin pagkapunta nya sa harapan. Mataman namang nakinig ang lahat.

"This is exactly one month before your graduation. Kailangan nang i-finalize ang mga grado nyo. Siguro naman wala kayong balak magpaiwan sa school? So please, sa mga wala pang nasisimulan sa essay nila. Magsimula na kayo. Ano hinihintay nyo, pasko? Ayoko nang makita ang mga pagmumukha nyo rito kaya siguraduhin nyong makagraduate kayong lahat."

Nagtawanan ang karamihan dahil sa sinabi ni miss. Shin. Halata naman kasing joke lang 'yung huling part ng sinabi nya.

"Nakuha nyo naman siguro ang point ko. Good luck sa inyo." Isang ngiti ang binigay sa amin ni Ms. Shin bago simulan ang lecture.

Naulinigan ko naman ang usapan ni Soyeon, Yoonsoo at Krystal.

"Isang buwan na lang ga-graduate na tayo. Pero si Dasu, missing in action parin." Nahahabag na usal ni Soyeon.

"I tried to contact her pero hindi naman nya sinasagot. Pati sa chat, nasi-seenzoned lang ako." Komento pa ni Yoonsoo.

"That girl! Sasabunutan ko talaga sya pag nakita ko sya. Lagi na lang nya tayong pinagaalala." Kunwari ay naiinis pero halatang nagaalala si Krystal base sa tono ng boses nya.

Napatingin na lang ako sa labas ng bintana. Tama sila. Matapos masangkot ni Kai sa iba't-ibang kontrobersya. Hindi na rin namin nakita si Dasuri. Maski ang makontak sya ay hindi na rin namin nagawa.

Ano na bang nangyari sa babaeng 'yon? Nagaalala na naman kami sa kanya pero siguro naman, natuto na sya sa pagkakamali nya dati.

"Hindi mo naman siguro sisirain 'yung pangako mo samin diba? Hindi mo sisirain ang buhay mo dahil kay Kai."

KAI

"Mabuti naman at naisipan mo pang bumaba?" bungad ko pagkakita ko kay Dasuri pagkababa nya ng hagdan. Lumapit ito sa akin habang nakaupo ako sa sofa.

Hindi sya sumagot. Nakatitig lang sya sa'kin. Ibinaba ko naman 'yung tablet na hawak ko at saka pasimpleng kinuha 'yung paper bag sa gilid.

"Oh." Inabot ko sa kanya 'yon. Sinulyapan nya naman ito saglit bago ibalik sa akin ang tingin.

"Ano naman 'yan?" walang gana nyang sambit. Medyo nainis ako sa kawalan nya nang interest sa ibinigay ko. Hindi 'yon 'yung inaasahan kong reaksyon nya. Tsk.

"Bumalik ka sa kwarto mo and wear that. Sa labas tayo kakain." Medyo cold kong sambit. Kinuha kong muli 'yung tablet at tinuon 'yung atensyon ko 'don.

"Okay," sabay lakad nya paakyat.

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko. "Ano na naman bang hangin ang na-inhale ni Dasuri at nagkaganyan sya bigla? Psh. Damn that Mood swing."

After a minutes, palinga-linga na ko sa taas.

"Bakit ang tagal nya ata?" Naiinip kong sambit. Hindi na ko mapakali sa pwesto ko. Parang gusto ko na syang puntahan sa kwarto nya. Kaso ayoko rin namang pangunahan sya.

Hayst. I heaved a sigh, kinakabahan ako. Ano kayang naging reaksyon nya sa ibinigay ko? Nang marinig ko na ang mga yabag nya pababa ng hagdan. Nagmamadali akong bumalik sa dati kong pwesto. Kinuha kong muli 'yung tablet at umastang busy sa paggamit nito.

"Tapos na ko," rinig kong saad nya.

Bahagya akong ngumiti at dahan-dahang tumingin sa kanya.

"Sabi na nga ba bagay sa---WTF?!" bulalas ko nang makita ang suot-suot nya.

She's wearing a gray sweater on top. And above the knee black skirt that clearly show her legs. Nabitawan ko pa ang hawak-hawak kong tablet nang makita sya nang buo. Automatic ding nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"Lalabas ka ng ganyan ang suot mo?" I ask shockingly.

"Oo. Wala naman akong nakikitang masama 'don." Walang gana nyang sagot. Lalo namang kumulo ang dugo ko.

"Walang masama? Ha. Stop kidding me. May asawa ka nang tao tapos ibabalantra mo parin sa mga lalaki 'yang katawan mo?!" Huminga ko nang malalim para pigilan ang inis ko.

"Ayoko nang makipagtalo. Bumalik ka sa kwarto mo at magpalit." Maawtoridad kong utos. Halatang nainis sya sa sinabi ko. Padabog kasi syang umakyat ng hagdan.

"I told her na ayokong may nakakakitang iba sa dapat ay akin lang. Ang tigas parin ng ulo. Tsk." Usal ko pagkaalis nya.

Lumipas pa ang ilang minuto ay naramdaman ko na ang pagbalik nya. Mas mabilis na ito kumapara sa kanina. Pero mas dumoble naman ang inis ko nang makita sya.

Hindi sya nagpalit ng damit. Nagsuot lang sya nang high socks pero kita parin ang kalahati ng hita nya. I groaned.

"Dasuri, iniinis mo ba talaga ko?" matalim ang tinging pinukol ko sa kanya. Inirapan naman nya ko.

"Ano pa bang ayaw mo sa suot ko? Nakahigh socks na nga ko oh? Ikaw itong nakakainis!" singhal nya sa akin.

"What? Ako pa ngayon?" Inayos ko ang upo ko't hinarap sya.

"Oo ikaw talaga. Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Ikaw 'yung problema. Sabihin mo na lang kasing hindi mo kaya. Edi sana hindi na ko umaasa pa. Sana nagagawa mo na 'yung gusto mo. Sana---" naputol ang sasabihin ni Dasuri nang mapansing nyang nakatitig lang ako sa kanya.

Nagulat ako sa naging reaksyon nya. Bakit parang may itinatago sya sa akin kung ano. Pinagmasdan ko sya na puno nang pag-aalala. Dahan-dahan akong tumayo upang lapitan sya. Kaya lang bago pa ko makalapit sa kanya, pinigilan na nya agad ako.

"Dyan ka lang. Magpapalit na ko nang damit." Sabay lakad nya paakyat. Napahawi na lang ako sa buhok ko.

Ano na naman ba 'to?

DASURI

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. Tinaggal ko 'yung sapatos ko sa pamamagitan ng pagsipa. HAYYST. Heto na naman kami.

Nagdududa na naman ako kay Kai. Nakakainis naman kasi, bakit kailangan ko pang makita 'yon? Bakit kailangang bumalik na naman ako sa dati? Paulit-ulit na lang, nakakasawa na.

Umupo ako sa kama at tumabi kay Kauru. Tinitigan ko sya sandali bago magsalita.

"Baby, naguguluhan na ko. Ano ba talaga 'yung problema? Ano ba 'yung mali? Mali na umasa kong mamahalin din ako ng bias ko? O mali na nagpakasal sya sa isang fangirl na katulad ko?"

Sabi nya mahal nya ko. Nararamdaman ko naman 'yon kaya lang bakit ganon.. pilit parin kaming pinaghihiwalay ng pagkakataon?

Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinawagan ang isang tao. Agad din naman nya itong sinagot.

"Hello Unnie?"

“Oh? Napatawag ka?”

"Tungkol 'to kay Kai."