CHAPTER 71: I NEED A GIRL
KAI
Pagkagising ko kinabukasan, tumayo agad ako mula sa kama. Balak ko kasing ipagluto ng almusal si Dasuri. Alam ko naman kasing hindi ko sya pwedeng asahan pagdating sa mga ganong bagay.
Bubuksan ko na sana 'yung pinto ng kwarto ko nang mapansin kong wala na sa higaan nila ang mga alaga kong aso. Naalarma ko bigla at dali-daling lumapit dito. Sinilip ko rin ang ilalim ng kama ko 'kung naroroon sila.
"Jjanggu? Janggah? Monggu? Nasa'an kayo?"
Binuksan ko pa pati ang pinto ng cr para lang malaman kung nakarating ba sila 'don. Naikot ko na ang buong kwarto ko pero wala kahit anong palatandaan kung saan napadpad ang mga aso ko.
Napatitig ako sa pinto ng kwarto. Imposible naman silang makalabas ng kwarto nang walang nagbubukas ng pinto. Kahit anong ganda ng lahi nila imposible talaga 'yon pwera na lang kung may nagbukas.
Lumapit ako sa pinto at binuksan 'to. Bukod sa'kin si Dasuri lang naman ang pu-pwedeng gumawa 'non. Pero bakit? Naiinis nga sya sa mga aso ko kaya imposibleng ilabas nya ang mga 'yon at igala.
Teka, h'wag mong sabihing? H*ly Sh*t! Mali sana ang iniisip ko. Patakbo kong bumaba para kompirmahin ang ideyang nabuo sa utak ko. Hindi naman nya minamurder ang mga alaga ko diba?
Pagbaba ko nang hagdan, didiretsyo na sana ko patungo sa kusina nang mahinto ko bigla. Napatitig ako sa isang gilid kung saan nakita ko ang asawa kong nakaupo habang matyagang pinapakain ang mga alaga kong aso.
Napatitig ako sa kanila at unti-unting napapangiti. Masarap talaga sa pakiramdam na makitang ang mga importante sa'yo ay pinapahalagahan din ang isa't-isa. Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nila habang hindi nila namamalayan.
"Ayan, kumain kayo nang madami ah. Tulog pa kasi 'yung daddy nyo eh." kausap pa nya kila Jjanggu.
"Pasensya na nga pala sa inasal ko kahapon. Hindi naman talaga ko salbahe eh. Selosa lang. Feeling ko kasi inaagaw nyo sa'kin si hubby kaya naiinis ako sa inyo. Pero ngayong naiintindihan ko na ang lahat. Magpapakabait na ko sa inyo."
"Susubukan ko na kayong tanggapin, kung gusto nyo nga pwede nyo rin akong maging mommy. Magiging apat na kayong anak ko, kayong tatlo tapos si Kauru. Diba mas masaya 'yon? Ano payag kayo?"
Nakalapit na ko sa tabi ni Dasuri pero hindi nya parin napapansin ang presensya ko. Lumuhod ako't umupo sa tabi nya. Napatingin sa'kin 'yung tatlong aso at nagmamadali akong nilapitan.
"Aw. Aw. Aw."
"Aw. Aw."
"Aw. Aw."
Nagkakawagan pa ang mga buntot nila nang makalapit sila sa'kin. Hinaplos ko lang ang mga ito saka tumitig kay Dasuri. Sakto namang nakatingin narin sya sa akin.
"Hubby?" gulat nyang sambit. Pumihit ako nang kaunti at humarap sa kanya. Inabot ko rin ang kamay nya.
"Thank you for accepting them." Naglean ako then kiss the top of her nose.
"Hindi mo lang alam pero sobra mo kong napasaya dahil sa naging desisyon mo. Lalo ko tuloy napatunayan na I'm so lucky to have you."
Pagkatapos naming kumain nang almusal, dumating na 'yung mga tagapag-alaga ng mga aso ko. Tinawagan ko sila para sunduin na ang mga ito. Ayaw pa ngang pumayag ni Dasuri kasi gusto pa daw nyang makipaglaro sa kanila pero hindi ako pumayag. Nandito naman ako kung gusto nya talaga nang kalaro.
"Nakakainis ka! Bakit mo sila pinauwi agad? Kung kailan naman nage-enjoy na kong kalaro sila eh. tsk!" Reklamo nya sabay upo sa sofa pagkaalis nila Janggu. Sinundan ko naman sya.
"Halata nga eh. Hindi mo na ko pinapansin." Saad ko naman. Inirapan nya lang ako sabay cross-armed. Umusod ako nang kaunti sabay yakap sa likod nya.
"Nagselos tuloy ako bigla." Bulong ko. Kahit hindi ko makita alam kong namula sya dahil sa sinabi ko.
"Paano ba 'yan, wala na 'yung mga aso ko. Edi ibig sabihin sa'kin na lahat ng atensyon mo?" Hinalikan ko 'yung likod ng tenga nya para asarin sya. Gaya ng inaasahan bigla syang kumalas mula sa pagkakayakap ko't tumayo.
"Yah! A-Ano ba 'yung ginagawa mo?" naiilang nyang sabi. Ngumiti ako na parang walang ginawang kalookohan.
"Ano ba sa tingin mo?" umayos ako nang upo then look at her intensely. Lalo naman syang nailang at medyo namula pa ang magkabilang pisngi.
"ANO BA!" sigaw nya sabay palo pa sa balikat ko. Tinawanan ko lang sya sabay sandal nang likod ko sa sofa.
"Ang O. A mo. Wala naman talaga kong ginagawa. Kung anu-ano lang 'yung pinag-iisip mo." Isinandal ko na rin 'yung ulo ko sa sofa. Ngayon ko na lang ulit naranasan ang makapagpahinga. Simula kasi ng magdebut kami, kaliwa't kanan na ang trabaho.
Masarap din pala minsan 'yung pakiramdam na magkulong ka sa isang bahay kasama ang mahal mo. Pag-angat ko ulit ng ulo ko, nakita ko si Dasuri na may inaayos sa tapat ng flat screen Tv.
Kumuha sya ng isang tape sa lalagyan sabay pasok 'non sa video player namin. Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa makabalik na sya sa tabi ko.
"Wala naman tayong gagawin na. Nood na lang tayo. Ilang beses ko na 'tong pinanood pero gustong-gusto ko syang panuorin ulit. Nakakarelate kasi ako eh. Hehe." Tuwang-tuwa syang umupo sa tabi ko pagkatapos ayusin ang lahat.
"Dream High Part II." Basa ko 'don sa title ng palabas. Nilingon ko saglit ang mukha ni Dasuri. Halatang gustong-gusto nya 'yung papanoorin namin.
"Aha! Tungkol 'yan sa mga idols na bumalik sa school dahil sa ginawa nilang paglabag sa bagong batas ng Korea. Kung saan hanggang 10:00 pm lang pwedeng mag-perform ang mga under age na idols. Ipapakita dyan 'yung mga paghihirap nila bago maging isang tunay na idols. Tapos ipapakita din dyan na hindi mo kailangang maging talented para matupad ang pangarap mo, ang kailangan ay pagpupursigi at determinasyong maabot 'to.”
“Ang pinaka gusto ko ngang line na sinabi dyan eh, 'Dreams do not belong to the talented people. But dreams belong to the person that dares to dream.' Nakakainspired kaya 'yan pero alam mo kung ano ang pinaka gusto ko?" Nilingon pa ko ni Dasuri habang nagpapaliwanag. Kahit hindi ako masyadong interesado, nakinig parin ako sa kanya. Mahirap na. Baka pagawayan pa namin 'yan.
"'Yung lovestory nung bidang babae na si Haesung. Estudyante kasi sya ng Kirin Art School kung saan muling papasok 'yung two groups na i:dn at HerShe. Bias nya kasi si JB ng i:dn tapos sakto naging magkaklase pa sila.”
“Noong una hindi s’ya pinapansin ni JB pero 'nung huli unti-unti na rin itong nahulog sa kanya. Ang sweet 'no? Naging sila ng bias nya. What a dream come true para sa isang fangirl na katulad nya." Bakas sa mukha nya na sobrang hinahangaan nya ang nangyari sa bidang babae.
"Ayan, ayan 'yung pinakafavorite kong part." Tinuro-turo pa nya 'yung tv. Paglingon ko dito nakita ko si JB na papalapit sa isang babae. Sya siguro 'yung tinutukoy ni Dasuri na bidang babae.
"Kinikilig talaga ko sa part na 'yan. Panoorin mo dali." Natutuwa ko sa reaksyon ni Dasuri. As the performance started, hindi na naalis ang matamis na ngiti sa labi nya. She really likes this part, huh?
I'm tired of being alone.
Sick of being single.
I think I need me a girl,
I need a girl like,
One that speaks without thinking,
Not a child, but someone who will embrace me.
Yeah~
Not a girl who plays around when she's bored.
But one that will love only me
Even if she stays still..
And guys hands her their phones~
That kind of girl who will..
Proudly take out and show my picture.
(Girl~) Girl~
I need a girl
Pretty no matter what she does
A pretty body too
Girl~
I need a Girl
Baby I need you
Girl you need me too
"Woaah!! Nakakakilig talaga!!" halos magtatalon na si Dasuri dahil sa sobrang kilig nya. Samantalang ako ay nakangiti lang habang pinagmamasdan sya.
Maya-maya pa, nilingon nya ko at hinawakan ang kamay ko. Napapitlag pa ko dahil sa gulat pero hindi ko pinahalata sa kanya 'yon. Hinarap nya ko habang nagniningning ang kanyang mga mata.
"Hubby~ sayawan mo din naman ako ng ganon oh' please~" nagpuppy-look pa sya sa harap ko. Tinanggal ko naman 'yung kamay ko sa kanya at nahiga sa sofa.
"Ayoko. Tinatamad ako." Sabi ko with a lazy tone. Pumikit pa ko para maniwala sya.
"Yah! Nagpapanggap ka lang eh." inalog-alog pa nya ko para gisingin.
"No. I'm not." Sagot ko naman.
"Hubby naman eh." tumayo sya mula sa kinauupuan nya at lumapit pa sa'kin. She cupped my face and pinches my cheeks.
"Pumayag kana please~ lead dancer ka naman ng grupo mo eh. Sisiw lang sa'yo 'yon. Sige na~" pilit nya talaga kong ginigising.
"Gagawin ko lahat ng gusto mo. Magiging slave mo ko everyday sayawin mo lang 'yon. Please?" nakulitan na ko sa kanya kaya minulat ko ang mata ko. Nagulat pa ko ng makitang sobrang lapit na pala ng mukha nya sa akin. Nakaupo sya sa sahig sa tapat ko.
"Papayag na 'yang si Hubby~" patuloy parin sya sa pagpapacute sa harap ko. Kumunot naman ang noo ko.
"Bakit ba gustong-gusto mong gawin ko 'yon?" tanong ko. Ngumiti sya ng malapad bago sumagot.
"Kasi nga nakakarelate ako kay Haesung." Pagmamalaki nyang sagot.
"Tapos sobrang sweet kaya 'nung sinayawan sya ng bias nya. Nakakaingit." Tinapik-tapik pa nya 'yung dalawang pisngi nya. Mukhang nagpe-play na naman sa utak nya 'yung scenario na tinutukoy nya.
Pinitik ko nga ang noo nya,
"Bakit ako ang pilit mong pinasasayaw 'non. Hindi naman ako 'yung bias mo diba?" biglang nanigas sa kinauupuan nya si Dasuri. Para bang may bigla syang naalala.
"Si Sehun dapat ang kinukulit mo. Sya ang bias mo diba?" umupo ako at tinitigan sya sa mata.
DASURI
"Si Sehun dapat ang kinukulit mo. Sya ang bias mo diba?"
Anak ng kape! Hindi nga pala alam ni Hubby na sya 'yung bias ko. Bigla tuloy akong nalagay sa hot seat. Ano ba 'yan.
"Answer me. Si Sehun nga ba talaga ang bias mo?" Naglean sya sa akin para itapat ang mukha nya sa'kin habang nakaupo sya sa sofa at ako naman ay sa sahig sa baba nya.
"Baka naman, ako talaga?" nagsmirk pa sya na lalong nagpakaba sa'kin. No way! Nahahalata na ba nya? Lagot!
Pilit kong iniiwas 'yung tingin ko. Hindi nya ko pu-pwedeng mabuko. Tumayo ako dahil balak ko nang umalis. Kailangan ko nang tumakas.
"Aakyat muna ko, may gagawin lang ako saglit." Alibi ko. Paalis pa lang ako nang hilahin naman nya ko papaupo sa lap nya.
"Y-Yah! Anong ginagawa mo?" Kinakabahan ako. Hindi naman sya sumagot sa halip ay niyakap ang bewang ko para hindi ako makaalis sa pwesto ko. Bigla tuloy akong nailang.
"B-Bitawan mo ko. Aalis na ko 'oy!" nagpupumiglas ako para makawala kaso hindi parin nya ko binibitawan.
"Ayoko." Sagot nya sabay yakap pa sa'kin ng mas mahigpit.
Ano ba 'tong si Kai. Hindi nya ba naisip na dalawa lang kami dito sa bahay? Pano kung biglang may mag-apoy? Magawa kaya naming pigilan 'yon?! Waaaah! Ano ba 'tong pinag-iisip ko! Erase! Erase!
Hindi ako tumigil sa pagpupumiglas kasi hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa posisyon namin. Nakakailang kasi. Sobra!
"Hubby, bitawan mo na ko please!" nagpapuppy look na ko sa harap nya kaso parang nage-enjoy pa syang kargahin ako eh. Pangiti-ngiti pa 'yung loko eh.
Habang busy pa ko sa pagiging kikinsot nagulat ako nang may marinig kaming boses. Galing 'yon sa taong kakapasok pa lang sa loob.
"Wow. Nice view. Kaya pala nawiwili si Kai dito sa bahay nyo. Masyado syang nage-enjoy sa mga pinaggagawa nyo." Nanlaki ang mata ko nang makita si Jamie eonnie na nasa harapan na namin.
"Noona." Napatayo bigla si Kai at nabitawan ako.
"Aray!" reklamo ko nang mahulog ako sa sahig.
Alam kong kanina pa ko nagpapabitaw pero kailangan ba talaga ganto kadahas? Psh. Hinawakan ko pa 'yung pwet kong tumama sa sahig.
"Para ka namang nakakita ng multo nyan. Gulat na gulat ka bang makita ko rito? Anyway, dumaan lang naman ako para ibigay sa'yo 'to." lumapit sya samin at inabot kay Kai ang isang envelope.
Umayos ako nang upo sa sofa at pinagmasdan 'yon.
"Ano 'to?" tanong ni Kai pagkakuha 'non.
"Isang bagay na hindi mo hahayaang makita nang asawa mo." Nagulat ako nang lingunin ako ni manager Jamie.
"Naked photos ni Kai kasama ang iba't-ibang babae." Bulong pa nya.
"EH?" bulalas ko naman. SERYOSO?!
"Noona! Tumigil ka nga. Maniniwala talaga sa'yo 'yang si Dasuri. Alam mo namang napakainosente nyan." Wala sa mood na singit ni Kai. Sinamaan ko naman sya nang tingin.
Paano kung totoo 'yung mga sinabi ni manager? Anak ng Tipaklong! Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan! Hmp.
"I was just joking Dasuri. Baka mamaya gyerahin mo na 'yang asawa mo ah. Haha. Isa lang 'yang document na hindi na magagamit but still dinala ko na rito para hindi na pagsimulan ng gulo." Sabi pa nya habang tumatawa.
Hindi ako naniniwala.