CHAPTER 70: BAHAY-BAHAYAN

DASURI

Pagkatapos ang madramang moment namin ni Kai. Pinagpasyahan kong maligo muna. Grabe kasi 'yung saliva na ibinahagi sa akin nung tatlong aso. Akala mo naman wala nang bukas. Tss.

Pagkababa ko ng hagdan natuon agad ang atensyon ko sa asawa kong nakaupo sa sofa at masayang nakikipaglaro sa mga aso nya. Psh. Bitter pa rin ako sa mga asong 'yan. Bukod kasi sa pangit ang pagkikita namin, mukhang makakaagaw ko pa sila sa atensyon ng asawa ko.

Hindi ako papayag! ANDWAE!!!!

Hindi ako lumapit sa kanya. Hinayaan kong sya mismo ang makapansin sa'kin. Limang minuto na ang nakakalipas pero hindi parin nya ko napapansin. Anak ng! Hinahalikan pa nya 'yung aso, nang-aasar ba sya?! Umubo ko ng malakas para makuha ang atensyon nya,

"Ehemp," Napalingon naman sya sa akin.

"Nandyan kana pala. Come here." Tinapik-tapik pa nya 'yung puwesto sa tabi nya. Hindi naman ako sumunod.

"Ayoko nga." Pag-iinarte ko. Gusto ko ako lang katabi nya. Kapag umalis na 'yung mga aso saka lang ako tatabi sa kanya. Hmp.

"Sigurado ka?" tanong nya pa ulit.

"Oo." Pagmamatigas ko.

"Okay," hindi na nya ko pinansin pang muli at nakipaglandian na lang sa mga aso nya.

Arrgh! Halos umusok naman ang dalawang butas ng ilong ko. Diba bawal ang makipaglandian? Tapos sa harap ko pa? Foul 'yon eh!!

Ilang sandali pa't hindi na ko nakatiis. Lumapit na ko kay Kai at tumabi sa kanya. Nakakarami na 'yung mga aso nya eh. Umangkla agad ako sa braso nya habang pinanlalakihan ng mata ang aso nyang mukhang chocolate ang balat. Tunawin ko sya dyan eh. Ang lakas ng loob nyang humiga sa lap ni hubby. Ako nga hindi ko pa nata-try 'yon eh. Kaasar 'to.

"Hubby~" panlalambing ko sa kanya.

Nilingon naman nya ko. "Bakit wifey?"

"Hug mo naman ako." Sabi ko habang nakapout. Tinignan nya lang ako nang hindi makapaniwala bago tumawa. Problema nito? Sumimangot nga ko.

"Tinatawanan mo na naman ako. Nakakainis kana." Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kanya sabay cross-armed.

"Sige, magsama-sama kayo ng aso mo. Tutal feel na feel mo naman eh." reklamo ko. Nilalandi na nga eh. Ayaw pang makicooperate. Wala syang teamwork grabe!

Naramdaman ko naman ang pagbaba nya sa aso nyang mukhang chocolate. Akala ko yayakapin na nya ko kaya palihim na kong napapangiti. Kaso si Jjanggah naman 'yung kinuha nya at inilagay sa lap nya. Talagang 'yung babaeng aso pa 'yung pinalit nya ah.

"Ang ganda mo talaga Jjanggah. Namiss mo ba si daddy?" rinig kong sabi ni Kai. He's cheating on my back! Nakakaiyak! Huhu. Nag-isip na lang ako ng ibang paraan para masolo ko si Kai.

Ay, alam ko na!

"Hubby, nagugutom na ko. Kain tayo sa labas?" nagpuppy-look pa ko sa harap nya. Wag nya kong tatanggihan. Magwawala ko, promise.

"Wag na tayong lumabas. Umorder na ko ng Jajjangmyun. Darating na rin 'yon mamaya-maya." Sabi nya sabay baba kay Jjanggah.

"Pero hubby," sinubukan ko pang mangatwiran. Kailangan kong mailayo si Kai sa mga aso nya kaso binigyan naman nya ko ng Pumayag-kana-please-look. Napasigh na lang tuloy ako.

Wala na kong nagawa kundi umo-oo na lang. As if naman may choice pa ko. Maya-maya pa, dumating na nga 'yung mga inorder nya. May kasama pa 'yong mga soda.

Mabuti na lang napagod na sa kakalaro 'yung mga aso nya kaya natulog na 'yung mga 'yon sa tabi. Wooh! Masosolo ko rin ang hubby ko. Haha.

Tinignan ko 'yung orasan, tanghalian na pala pero mag-aalmusal pa lang kami ni Kai. Hindi naman kami masyadong matipid nito 'no?

"Wow. Nakakatakam." Sabi ko habang inaayos ni Kai 'yung black noodles na kakainin ko. Hinalo-halo nya 'yon para malagyan ng sauce lahat ng noodles.

"Dahan-dahan lang sa pagkain baka mabilaokan ka. Eto 'yung inumin mo." paalala naman nya sa akin. Nang matapos na nya 'yung pagaayos ng mga 'yon. Kinuha ko na agad 'yung chopstick ko.

Matapos kumain. Nagising na 'yung mga alagang aso ni Kai. Nagtakbuhan agad 'yung mga 'yon papalapit sa kanya. Binuhat naman agad ni Kai 'yung isa sa kanila. Assual, ako etchapwera. Che!

"How's your sleep baby?" bulong pa nito sa kanila.

Nanlisik naman ang mga mata ko at sinamaan ng tingin ang mga aso nya. Aba! Nagwi-wiggle-wiggle pa ang mga buntot. Nanghahamon ata 'yung mga 'to eh. Sige, Ano gusto nila. Away o gulo?!

"Hubby!" pagkuha ko sa atensyon ng asawa ko. Ako ang legal na asawa kaya bakit ako pagpapatalo? Ano ko bale? Tss.

"Umm?" sagot nya habang hindi ako nililingon.

"Inaantok ako, samahan mo naman akong matulog." Sabi ko gamit ang malambing na boses.

"Hindi ako inaantok. Ikaw na lang." sagot nya habang hindi man lang ako nililingon. Anak ng! Kalma lang Dasuri. Wag kang papatalo sa mga asong 'yan.

"Ehh. Gusto kita katabi." Pagpupumilit ko.

"Papakain ko pa ang mga baby ko." sagot naman nya.

"Pano naman ako? Akala ko ba gusto mo kong makasama?" desperada na ko. Hubby~ pansinin mo naman ako.

"Sinabi ko ba 'yon?" Halos mapanganga ko sa naging sagot nya. SERYOSO?! Nagka-amnesia sya bigla? Arrgh.

"Yah! Hindi kana nakakatuwa." Saway ko sa kanya.

Maya-maya pa, napansin ko naman si Jjanggu, 'yung asong mukhang chocolate. Hindi ko sana sya balak pansinin kaso yumakap pa 'to sa binti ko. Inalis ko naman 'yon at bahagya syang tinulak-tulak. Hindi kami close, wag syang feeling close.

"Dasuri, wag mong sipain si Jjanggu. Masasaktan mo sya." saway sa'kin ni Kai nang mapansin ang ginagawa ko. Napairap na lang ako.

"Ang kulit kasi nya, lapit pa ng lapit oh." Sumbong ko naman. Totoo naman kasi ang kulit-kulit ng aso nya.

"Because he likes you." Saad ni Kai. Medyo natameme ko sa sinabi nya. Ako gusto ng aso nya? Bakit? Karibal ko nga sila eh.

Pinagmasdan ko 'yung tatlong aso nya habang masaya nyang hinahaplos ang mga ito.

"Pero... ayoko sa kanila." Medyo mahina lang ang pagkakasabi ko. Hindi naman kasi totoong galit ako sa kanila. Nagseselos lang.

"Bakit kasi nagdala ka pa ng aso dito. Inaagaw ka lang nila sa'kin eh." tumayo na ko't iniwan sila 'don. Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Alam ko parang ang O. A ko masyado kasi pati aso pinagseselosan ko. Pero masisisi nyo ba ko? Ngayon ko na nga lang masosolo 'yung asawa ko tapos may kahati pa.

Pumasok ako sa kwarto ni Kai para sana kunin si Kauru.

"Tara na baby, ayoko mang masaktan ka pero may anak sa labas ang daddy mo. At sila ang pinili nya pero wag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. Mag-isa kitang itataguyod."

Saktong pagbukas ko ng pinto. Nandoon si Kai at nakatitig sa'kin. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Tabi. Dadaan ako." Sabi ko. Hindi naman sya nagpatinag. Nanatili lang sya sa pwesto nya.

"Yah! Nakikinig ka ba?!" singhal ko sa kanya.

Hindi pa rin sya kumilos kaya ako na lang ang humawi sa kanya saka lakad papunta sa kwarto ko. Nakakainis sya. Ang manhid nya masyado. Hindi pa man ako nakakalakad nang malayo naramdaman ko na ang paghablot nya sa braso ko.

"Wifey," sambit pa nya. Hindi ako sumagot pero huminto ko sa paglalakad.

Maya-maya pa, naramdaman ko na lang ang pagyakap nya sa'kin mula sa likod. Kinuha pa nya si Kauru sa kamay ko at iniharap 'to sa amin. Bale napapagitnaan ako ng asawa't anak ko.

"Baby, nagtatampo ba sa akin si mommy? Hindi nya kasi ako pinapansin eh." I rolled my eyes. Talagang dinadamay pa nya 'yung anak namin sa kalokohan nya. Tsk.

"Baby, sabihin mo naman kay mommy h'wag na syang magtampo. Nasasaktan kasi ako sa tuwing iniiwasan nya ko." I got stiff nang ipatong ni Kai ang ulo nya sa balikat ko. Tanging kay Kauru lang ako nakatingin pero pinakikinggan kong maigi ang bawat salitang sinasabi ng asawa ko.

"Kung nagseselos sya because of Janggu, monggu and Janggah. Sana maisip nya na dinala ko sila dito hindi para asarin sya kundi para tuparin 'yung gusto nya. She wants to enter my world and know me better.”

“Ang mga aso ko, parte sila ng mundo't pagkatao ko kaya kung talagang gusto nyang pumasok sa mundo ko. Dapat lang siguro na kilalanin nya muna ang mga importante sa akin. Tanggapin at pahalagahan din sila gaya ng ginagawa ko."

Bigla kong naguilty nang marealize ang pagkakamali ko. Ano ba 'yan! Ako parin pala ang iniisip ng asawa ko kaya nya dinala dito 'yung mga aso nya. Tapos nag-inarte pa ko. Haysst!

Nakakaguilty talaga.

Unti-unti na nyang binibitawan si Kauru kaya ako naman ang humawak dito. Umalis na rin sya sa pagkakayakap sa'kin. Samantalang ako, nanatili lang sa dati kong pwesto.

"H'wag ka nang magalala, hahatid ko na rin sila sa bahay bukas ng umaga."

Mukhang hindi naman sya nangongonsensya. Kaya lang hindi ko parin maiwasang malungkot. Hubby~ sorry. Nang makaalis na nang tuluyan si Kai, pinisil-pisil ko si Kauru.

"Baby, sa tingin mo nagalit sa akin si daddy?! Uwaaaah!" hala sya, nagalit nga kaya sa'kin si Kai?! Wag naman.

KAI

Kanina ko pa napapansin na parang nagseselos si Dasuri sa mga alaga kong aso. Natatawa na lang tuloy ako sa mga kinikilos nya. Napakaisip-bata talaga. Pinagmasdan ko muna sya saglit bago ko kinuha 'yung chopstick sa tabi. Balak ko syang subuan para naman hindi na sya magselos sa pag-aalaga ko sa mga aso ko.

Kumuha ko ng kaunting noodles gamit ang chopstick at pinaikot 'to para hindi mahirapan si Dasuri kapag sinubo ko na sa kanya 'to. Akmang susubuan ko na sya nang bigla naman nyang sinubuan 'yung sarili nya. Medyo nailang ako sa nangyari kaya isinubo ko na lang ito.

Napansin nya siguro ang pagkadismaya ko kaya napatingin sya sa akin.

"Bakit?" Tanong nya pa. Ngumiti lang ako ng pilit at saka nagpatuloy sa pagkain.

"Wala." Sambit ko pa habang hindi sya nililingon. Mukhang naniwala naman sya't nagpatuloy na sa pagkain. Tss.

"Ahmm. Hubby? Pwede ba kong magtanong?" napaangat ako ng mukha ng magsalita sya.

"Sure." Sagot ko naman.

"Ahmm. Bakit ka nandito?" nag-aalinlangan nyang tanong. Huminto naman ako sa pagkain at hinarap sya.

"Bakit ka rin ba laging nagrereklamo kapag nandito ko sa bahay. Umamin ka nga, ayaw mo ba kong nandito?" She was shock sa naging tanong ko.

"H-Ha? Hindi 'no! Hindi naman ako nagrereklamo. Nagtatanong lang. Magkaibang bagay 'yon." depensa nya agad sabay iwas ng tingin.

"Nandito ko kasi eto 'yung gusto ko. Nandito 'yung taong mahal ko. Ayoko nang isipin pa kung ano ba 'yung pwede pang mangyari. Basta ang gusto ko lang ngayon, makasama ka. Hahayaan mo naman siguro ko sa naging desisyon ko diba?"

Nilingon ko sya para ipakita kung gaano ko kasincere sa mga sinabi ko. Hindi kalaunan ay tinignan nya rin ako. Hindi sya sumagot pero tumango-tango naman sya. Napansin ko ang sauce sa labi nya. Lumapit ako nang kaunti at inabot ang labi nya.

"Good. Marunong ka naman pa lang makicooperate eh." biro ko pa.

Nasa kwarto na ko para matulog. Matapos ang naging pag-uusap namin ni Dasuri tungkol sa mga alaga kong aso. Mukhang naliwanagan sya't hindi na nagtatampo. Pero kahit ganon hindi parin kami nagpansinan kanina. Medyo nagkakailangan lang siguro.

Patulog na ko when I felt someone open my door. Nagpanggap akong tulog. Naramdaman ko ang paglapit nya sa'kin. She poked my shoulder.

"Hubby, tulog kana?" bulong nito sa'kin. Hindi ako sumagot.

"Hubby~ sorry sa mga ginawa ko. Pasensya na kung pati mga aso mo pinagselosan ko. Ganon lang kasi kita kamahal, nagseselos ako kapag wala sa'kin ang atensyon mo."

Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko. Nakayuko si Dasuri habang nagsasalita.

"Hayaan mo sa simula ngayong araw magpapakabait na ko. Aalagaan ko na rin sila gaya ng ginagawa mo. Basta ipangako mo sa'kin na mas mo ko kaysa sa kanila ah? Promise mo 'yan."

Napangiti ako.

Hanggang ngayon nagseselos parin talaga sya. Haha. Niyakap ko sya at inihiga sa tabi ko. Nagulat pa sya 'nung una pero sa huli ay hinayaan na lang din nya ko.

"Dito ka muna hanggang sa makatulog ako." Sambit ko sabay pikit na namang muli.

Makalipas ang ilang minuto. Naulinigan ko si Dasuri na magsalita.

"Hubby, tulog kana?" bulong nito. Hindi ako sumagot.

"Mukhang tulog na nga sya." naramdaman ko naman ang unti-unti nyang pagtanggal sa braso kong nakayakap sa kanya. Napansin ko rin ang paggaan ng kama indikasyon na may umalis sa tabi ko. Bago pa sya tuluyang makaalis. Minulat ko na agad 'yung mata ko at pinigilan sya.

"San ka pupunta?" tanong ko rito.

"Eh? Gising ka pa pala." Gulat nyang saad.

"Sagutin mo 'yung tanong ko. Saan ka pupunta?"

"Sa kwarto ko. Sabi mo naman kasi diba dyan muna ko sa tabi mo hanggang sa makatulog ka. Eh kala ko tulog kana kaya binalak ko nang umalis." Napakunot ang noo ko. Seriously?

"Kaya ba dati paggising ko, wala ka na rin sa tabi ko?" Naalala ko 'yung umaga nang malasing ako at matulog katabi si Dasuri. Kaya lang wala na sya pag gising ko.

"Oo. Doon sa kwarto ko ako natulog eh." inosente nyang sagot. Napaismid na lang ako dahil hindi ako makapaniwala.

"'Yan ang gusto ko sa'yo eh. Ang galing mong umintindi, sobra." Sabi ko with a sarcastic tone. Tinalikuran ko na lang sya sabay talukbong.

Wala. Panira talaga ng diskarte.