CHAPTER 66: AGONY
KAI
"You are casted for the newest episode of 'We Got Married'." She paused for a while then continues again.
"Together with Yuri."
Hindi ako makapaniwala nang marinig ang mga katagang iyan. Alam kong hindi magiging madali para samin ni Dasuri ang mga kakaharapin naming pagsubok, pero bakit kailangang umabot sa ganito?
Bakit kailangang si Yuri pa?
"Ayoko. Hindi ako papayag," pagtanggi ko.
"Pero Kai, eto lang ang paraan para maayos na ang lahat." Pagpupumilit pa nya.
"Bakit si Yuri? Bakit hindi na lang ibang babae? Bakit sya pa?" hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Hindi ko kasi talaga maintindihan. Sa dinami-dami naman ng pu-pwede kong makapareha, bakit ang babaeng minahal ko pa?
"Dahil sa nakaraan nyo. Yuri talked to our management and confessed about your past relationship. Dahil 'don naisipan nilang magandang gamitin ang nakaraan nyo para matakpan ang tungkol sa kasal mo. Ang pagsamahin ang dalawang taong nagmahalan dati sa iisang bubong, alamin ang tungkol sa nakaraan nila. Diba mas interesting 'yon kaysa sa isang isyung wala namang malakas na basehan?" hindi ako sumagot.
Walang lumabas kahit isang letra sa bibig ko. Tanging pagtitig lang sa mga mata nya ang nagawa kong itugon. Napabuntong-hininga naman sya.
"Alam kong mahirap 'to para sa'yo. Ayoko rin naman 'tong ginagawa ko eh. Hangga't maari ayokong mangialam sa personal nyong buhay pero wala na kong magagawa, mukhang kailangan mo talagang pumili." pinisil pa nya ang kamay ko para iparamdam ang pagdamay sa akin.
"Pwede mo namang hindi sundin ang gusto nilang mangyari pero may mga consequences na kapalit 'yon."
Alam ko ang ibig nyang sabihin. Ang tungkol sa kinabukasan ng grupo ko.
"I will give you enough time para makapag-isip-isip. Tawagan mo na lang ako kapag nakapagdesisyon kana."
Lumabas ako sa kwartong kinaroroonan ni noona na wala sa sarili. Dinaanan ko lang ang mga kasama ko habang ramdam ko ang mga pagtitig nila sa'kin. Sinubukan pa kong kausapin ni Kyungsoo hyung.
"Kai, kamusta ang pag-uusap nyo ni noona?"
Pero wala ko sa wisyo para pagtuunan pa 'yon ng pansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pansin ko pa ang pagtitig sa akin ni Suho hyung na halatang nagtataka rin sa kinikilos ko.
Naguguluhan na ko.
Ano ba talaga dapat ang maging desisyon ko?
YURI
"Good morning, ma'am," bati ko sa babaeng nakaupo sa gitna ng kwartong pinasukan ko. She looks younger than her age pero kahit ganon, you will definitely respect her because of her attitude.
Ilang beses kong pinag-isipang mabuti 'tong gagawin ko. I know it will cause me a lot, pero kung eto lang talaga ang paraan para mabawi ko sya, I'll take a risk.
"Good morning din iha. Please take a seat." Alok nya sa'kin ng mauupuan. Tinanggap ko naman iyon.
"My secretary told me na may gusto ka raw sabihin sa'kin. And sinabi din nya sa'kin na involve dito si Kai ng Exo?" bigla kong kinabahan nang maalala ang sadya ko sa kanya. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
"Hmm. Opo, totoo po 'yon." Ibinaba nya ang mga papel na kanina'y hawak nya pa. Umayos sya ng upo at tumitig sa'kin. Lalo namang dumoble ang kaba ko dahil sa ginawa nya.
"Then, let's go straight to the point."
Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko nang makita syang ngumiti sa'kin. She's a powerful woman, she's the one who dictates OUR future. Kapag sya ang nagsabi wala nang pwede pang bumawi nito. It's either followed what she wants or ruins your own life.
Natapos ang pag-alala ko sa mga nangyari nang makita ko si Jong In na papalabas ng practice room nila. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya ngayon. Although, umaasa ko.
"Jong In." tawag ko sa pangalan nya. Halata ang pagkabalisa nito. I feel guilty, alam kong ako ang rason nito.
Wala pa sana syang balak huminto kung hindi ko lang sya nahawakan sa braso.
"Sandali lang,"
"Bakit ba lagi mo kong iniiwasan?!" medyo naiinis kong tanong.
Lagi na lang kasi nyang ginagawa sa akin 'to. Kung hindi ako papansinin, ipagtatabuyan nya ko. Nagmumukha na kong tanga.
"Bitawan mo ko," kalamdo ngunit may diin nyang sabi.
Kahit medyo naalarma ko sa sinabi nya. Hindi parin ako nagpatalo. Hindi ko tinanggal 'yung kamay ko sa kanya.
"Bakit ko naman gagawin 'yon? You're my husband, right?" halatang lalo syang nainis sa ginawa ko. Bigla nya kong hinarap at tinitigan ng masama.
"Stop saying that. Alam mong may asawa na ko, at hindi ikaw 'yon." Parang nadurog ang puso ko pagkarinig 'non.
Talaga bang kinamumuhian na nya ko ngayon? Pinilit kong ngumiti para itago ang sakit na nararamdaman ko.
"Sino si Dasuri? That pathetic p. a of yours? C'mon Jong In, kapag sinabi mo sa lahat ang tungkol sa inyo siguradong katapusan na ng mga pangarap mo. Lahat ng pinaghirapan mo mula umpisa? Lahat 'yon mawawalang parang bula." Itinaas ko ang kanang kamay ko and touch his face.
"Pero kapag bumalik ka sa akin, you can save your career." I lean on him.
"And have me too," tinitigan ko muna sya sa mata bago akmang hahalikan.
I'm almost about to kiss him nang bigla syang lumayo. Nagulat pa ko nang titigan nya ko sa mata. Hindi na galit ang ekspresyon ng mukha nya pero halatang hindi nya rin gusto ang ginawa ko.
"Please lang, h'wag mo na kong piliting magalit pa sa'yo lalo." He said then walked away.
DASURI
Akala ko talaga magagalit sa akin si Ms. Shin ng pigilan ko sya kanina. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko 'non. Buti na lang at kabaligtaran 'non ang nangyari. Hindi pa nya tuluyang pinapatawad si Mr. Han pero binigyan nya ulit 'to ng chance. Mas maganda na siguro 'yon kaysa tuluyan silang magkahiwalay.
"Grabe Dasuri, ang tapang mo kanina ah. Biruin mong hinarangan mo si ma'am sabay sabing, 'Bakit ikaw, pilit mong tinutulak palayo ang taong mahal mo'? Luh, gumaganon kana ah. Haha." natatawang sabi ni Soyeon.
Wala pa kasi 'yung next teacher namin kaya nagdadaldalan muna kami. At 'yung mga classmate namin kanya-kanya ng topic.
"Oo nga, you look matured that time." Dagdag pa ni Yoonsoo.
Sobrang proud naman ako dahil sa mga papuri nila. Haha. Sabagay, kahit ako hindi makapaniwala sa ginawa ko kanina.
"Geez. I beg to disagree." Komento ni Krystal.
"Ingit ka lang, bleh!" dinilaan ko nga sya.
Epal eh. Maya-maya pa, biglang tumayo ang isa naming kaklase habang titig na titig sa hawak nyang tablet. Naphinto tuloy kami sa pag-uusap at napatitig sa kanya.
"OMG. Hindi ko kinakaya 'to." pinapaypayan pa nya ang sarili nya gamit ang kanyang kamay habang nakatitig parin sa tablet.
"Ano ba 'yang pinaglalaban mo, ha?" sita sa kanya ng isa pa naming kaklase. Hinarap naman nya kami saka sumagot.
"Nabasa ko kasi dito sa internet, Yuri of Snsd and Kai of Exo admitted that they date each other before. SME confirmed this news." Biglang naghiwayan ang mga kaklase ko. Lalo na ang mga kababaihan maliban sa Akin at sa mga kaibigan ko.
"Seryoso?"
"Pero paano 'yung napapabalitang asawa ni Kai?"
"Wala 'yon. Echusera lang 'yon."
Hindi na ko masyadong nagulat sa balita. Matagal ko na namang alam ang tungkol dyan. Siguro ang ipinagtataka ko lang, bakit biglang lumabas 'to sa publiko?
"Dasuri, okay ka lang?" naramdaman ko ang pagtapik sa'kin ni Amber. Napatingin ako sa kanila. Halata sa mukha nila ang pag-aalala. Ngumiti ako para ipakitang okay lang ako.
"At alam nyo kung anong mas matindi?" Nabalik ang atensyon ko kaklase kong nagsasalita.
"They will be the next couple for We Got Married. Dahil nga mag-ex na sila, lalagyan ng bagong twist ang episode nila. 'Yun ang dapat nating abangan. Kyaaaaah! Excited na ko." patuloy pa rin sa hiyawan ang mga kaklase ko.
Maski ang mga boys ay nakikiintriga na tungkol sa balita. Bigla namang kumirot ang dibdib ko. Kasabay nito ang pag-agos ng ala-ala sa utak ko.
"Nakarating na sa akin 'yung tungkol sa nangyari kanina sa fanmeeting nila. I was sad kasi nanganganib 'yung career ni Jong In. Nadamay pa pati 'yung ibang myembro nang Exo. Pero wag kang mag-alala. Magaling ang management namin kaya I'm sure malulusutan nila 'yan. Siguro nga sa mga oras na 'to meron na silang naiisip na gawin."
"To clear up that mess."
Pakiramdam ko, may kung anong tumarak sa dibdib ko. Wag mong sabihing connected 'to sa mga sinabi nya? Reality hits me again nang bigla namang tumunog ang cellphone na hawak-hawak ko.
"And you know what Dasuri, dahil kaibigan kita. I will tell you a secret. A little secret of mine."
Nakita ko ang pangalan ng asawa ko sa screen nito. Mukhang alam ko na kung bakit sya tumatawag. Eto na nga ba ang kinakatakutan ko. Ang magkatotoo ang sinabi nya.
"I am his wife too."
Natauhan lang ako nang maramdaman ang paghawak ni Amber sa balikat ko, "Sagutin mo na. Kailangan nyo talagang mag-usap."
Sinulyapan ko muna sya bago ibinalik ang tingin sa cellphone ko. Nanginginig pa ang kamay ko habang sinasagot ang tawag nya. Bakit ba ko kinakabahan? Hindi naman nya siguro ko, iiwan diba?
Lumabas ako ng kwarto para makapag-usap kami ng maigi. Masyadong maingay sa loob dahil sa hiyawan ng mga kaklase ko. Mukhang masaya silang lahat dahil sa nangyari.
"Hello?" sagot ko sa tawag nya.
“Umuwi ka agad sa bahay. Hihinatayin kita.”
Hindi ako sumagot. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Gusto ko sanang sabihin sa kanyang alam ko na ang tungkol sa kanila ni Yuri unnie. Kaso natatakot akong baka kapag napag-usapan na namin 'yon. Baka lalo lang akong masaktan.
"Sige, ibaba ko na." basag ko sa katahimikan. Pipindutin ko na sana 'yung end button ng bigla naman syang magsalitang muli.
“Wifey, I love you.” biglang kumabog 'yung dibdib ko.
Naestatwa ko bigla nang marinig ang sinabi nya. Hindi rin naman nagtagal ay napangiti ako, Oo nga pala, he loves me. Kaya wala kong dapat ikabahala. Everything is gonna be fine basta nandyan sya sa tabi ko.
Huminga ko ng malalim at saka nagsalita. "I love you too, hubby."
Bumalik ako sa upuan ko na may panatag na kalooban. Bakit ba ko nga-aalala, hindi nya ko iiwan. Sigurado ko 'don.
"Dasuri, nasabi mo na ba sa kanya na alam mo na 'yung tungkol sa WGM?" untag sa akin ni Amber pagkaupo ko. Nilingon ko naman sya.
"Hindi pa," kaswal kong sagot. Nagkaroon ng pag-aalala sa mga mata nya kaya nagsalita ulit ako.
"Pero ayos lang ako. Nangako sa akin si Kai na hindi na nya ko sasaktan pa. May tiwala ko sa kanya." nakangiti kong sagot. Hindi naman nawala ang pag-aalala sa mukha nya.
"Alam ko namang mahal ka na rin ng asawa mo. Nararamdaman ko 'yon, kaya lang hindi ko talaga maiwasang mag-aalala parin para sa'yo. Para kasing may mali." Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinabi nya.
"Anong ibig mong sabihin?”
"Nandito na ko." sambit ko pagkapasok ko sa bahay namin. Sakto namang nakita ko si Kai sa sala.
Nanunuod sya ng tv habang naghihinatay sa'kin. Naabutan ko pang tungkol sa next episode ng We Got Married ang pinatatalastas sa tv. Agad-agad nyang pinatay 'yon nang mapansin ako.
"Mabuti naman at umuwi kana. Kanina pa kita inaantay." Nagpanggap akong hindi ko napanood 'yon. Hinubad ko 'yung bag ko't tumabi sa kanya.
"Bakit sinabi ko bang hinatayin mo ko?" pagtataray ko pa kunwari. Hindi naman nya ko pinansin at niyakap ako mula sa harapan. Ipinatong pa nya ang baba nya sa balikat ko.
"Ganito muna tayo kahit ilang minuto lang. Gusto ko lang magpahinga." Bulong pa nya sa akin.
"Bakit hindi ka mahiga sa kwarto mo?" tanong ko naman.
"Ssh. Just hug me, okay?" utos pa nya sa'kin. Hindi na ko nakipagtalo pa't sinunod na lang 'yung gusto nya. Niyakap ko rin sya kaya mas naging magkalapit ang mga katawan namin.
Alam kong higit kanino man, sya ang pinaka nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon. Ang hirap naman kasi talagang mamili sa pagitan ng taong mahal mo at ng pangarap mo. Kaya nga gagawin ko ang lahat para lang hindi sya mahirapan.
Makalipas ang ilang minuto, si Kai na rin mismo ang kumalas sa pagkakayakap namin.
"Okay na ko. Salamat." Sabi nya sabay upo nang maayos. Bahagya ko namang pinindot ang ilong nya.
"Wala 'yon." Sabi ko pa. Medyo napangiti naman sya sa ginawa ko.
"Gutom ka na ba? Tara, kumain na tayo." hinawakan nya ko sa kamay para sana isabay na sa pagtayo. Pero pinigilan ko sya agad sa binabalak nya.
"Sandali lang, may gusto sana kong sabihin sa'yo." Nakatingala pa ko sa kanya dahil nakatayo na ito sa harap ko. Kumunot naman bigla ang noo nya habang nakatitig sa akin.
"Ano 'yon?" tanong nya pa.
"Maupo ka muna ulit." Itinuro ko pa 'yung pwesto nya kanina. Wala naman syang nagawa kundi sumunod na lang ulit. Nang makaharap na sya sa'kin, inipon ko na lahat ng lakas ng loob na meron ako.
Okay, this is it. Wala nang atrasan 'to. Ayoko nang pahirapan pa sya. Para naman sa kanya 'to eh kaya kakayanin ko.
"Hubby, a-ano.. yung tungkol sa We got married." 'yan pa lang 'yung sinasabi ko pero bigla nang tumalim ang tingin sa'kin ni Kai.
"Let’s not talk about it. Wala kong balak sundin ang gusto nila." biglang nagbago ang mood ni Kai.
Halatang ayaw nya talagang pag-usapan 'yon. Ibinaling pa nya sa ibang direksyon ang tingin sa akin. Pero hindi ako susuko, wala na talagang atrasan 'to.
"Pero bakit? Hindi naman kita pinagbabawalan. Okay lang sa akin kahit si Yuri unnie pa 'yung katambal mo. Hindi naman ako magseselos eh. Promise." Itinaas ko pa 'yung kanang kamay ko para patunayan 'yung sinabi ko. Nilingon nya lang ako't tinitigan. Sana maniwala sya. Sana.
"Sinungaling." Sabi nya sabay tayo. Hinabol ko naman sya. Papunta kasi sya sa kusina.
"Seryoso ko. Pumayag kana kasi." Para kong asong nakabuntot sa kanya. Samantalang sya. Binuksan 'yung refrigerator at kumuha 'don ng maiinom.
"Kai, pumayag kana na naman oh, please." Patuloy lang sya sa ginagawa nya at hindi ako pinapansin. Napuno na ko't sinigawan sya.
"Ano ba! Kung hindi talaga kita mapapayag, maghiwalay na tayo!" Kanina pa kasi ako nagmamakaawa pero ayaw nya parin akong pansinin. Nagmumukha na kong tanga.
Nagulat ako nang bigla nya kong hablutin at isandal sa refrigerator. Medyo nasaktan pa ko dahil sa impact ng pagtama ng likod ko dito. Pero hindi ko ininda 'yon. Sinalubong ko lang ang mga tingin nya sa akin.
"Naiintindihan mo ba 'tong ginagawa mo?" inis na inis nyang tanong.
"Kapag pumayag ako, kikilos ako bilang tunay nyang asawa. Magsasama kami araw-araw. Aalagaan ko sya, ipagluluto. Susubuan, hahawakan ang kamay. Sasabihan ng matatamis na salita, makakatabing matulog. Yayakapin at higit sa lahat, hahalikan.”
“Sa tingin mo magagawa ko lahat ng 'yon habang ang TOTOONG asawa ko, nasa bahay namin at umiiyak ng mag-isa. Mag-isip ka nga."
Kitang-kita ko sa mata nya ang pagkainis. Pero hindi mo rin makakaila na masyado rin syang naguguluhan. Nakipagtitigan lang ako sa kanya habang hindi ko namamalayan na may tumutulo na pa lang luha sa mga mata ko. Napatulala sya nang mapansin 'yon. Gusto kong pigilan ang mga ito pero hindi ko magawa.
Ayokong umiyak sa harap nya dahil alam kong hindi 'yon tama. Bakit kasi kailangan pa nyang ipamukha sa'kin lahat ng 'yon. Hindi nya ba alam na para na kong pinapatay sa loob ko dahil sa pamimilit ko sa kanya?
"Manhid kaba? Akala mo ba talaga gusto ko 'to? Akala mo ba talaga madali para sa'kin 'to? Sino bang tangang babaeng ipamimigay ang asawa nya sa iba?" patuloy lang ako sa pag-iyak habang sinasabi 'yon. Hinawakan ko pa ang lay-layan ng damit nya. Ang sakit-sakit na kasi eh. Akala ko matatago ko pero hindi, hindi ko pala maloloko 'yung sarili ko.
Nakatitig lang sa akin si Kai habang patuloy ako sa paghikbi.
"Pero kinakaya ko kasi mahal kita. A-Ayoko kasing nakikita kang nahihirapan. Gagawin ko ang lahat para lang mabura sa isipan ng mga tao 'yung tungkol sa kasal natin. Kahit pa, gawin kong tanga 'yung sarili ko." hindi ko na napigilan. Humahagulgol na ko sa harap ni Kai.
Dahan-dahan namang lumuluwag ang pagkakahawak sa'kin ni Kai. Kasabay nito ang unti-unti nyang pagyuko. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa 'yon. Pero hinayaan ko na lang din sya.
"Dasuri, dahil sa ginagawa mo. Lalo kong nagsisisi na naging idol ako."
Napahinto ko sa pag-iyak nang maramdaman ang mangilan-ngilang pagpatak ng tubig sa kamay ko. Hindi ko malaman kung saan nanggagaling 'yon dahil nahaharangan ni Kai.
Napabitiw ako sa kanya nang bigla syang umalis sa harap ko. Hindi ko na sya nagawang habulin dahil natuon ang atensyon ko sa nabasang kamay ko. Umakyat na si Kai papunta sa kwarto nya.
Ilang segundo pa ang nakalipas bago ko naintindihan ang mga nangyari.
Umiyak din ba sya kagaya ko?