CHAPTER 65: I DO CHERISH YOU

KAI

"Naku, mukhang nagsisimula na sila. Sige hubby, mauna na ko. Bye. Salamat sa paghatid."

Nagmamadaling lumabas ng kotse si Dasuri. Halos madapa-dapa pa sya dahil sa sobrang pagmamadali.

"Mag-ingat ka nga." Pahabol ko sa kanya. Nilingon naman nya ko habang tumatakbo.

"Oo na po. Babye. Mwua." Nagflying-kiss pa sya pagkatapos 'non. Pasaway talaga. Hinintay ko munang makapasok sya ng tuluyan sa loob bago ko itinaas 'yung salamin ng kotse ko.

Dasuri never failed to make me smile. Kahit sandali lang, nagagawa kong kalimutan ang mga problema ko kapag kasama sya.

Bubuksan ko na sana 'yung makina nang bigla namang tumunog 'yung cellphone ko.

"Hello hyung?" si Kyungsoo 'yung tumatawag.

“Pinapupunta ka dito ni noona. Gusto ka daw nyang makausap.”

But still, I can't escape.

"Ganon ba. Sige, pupunta na ko dyan," ibababa na sana ni hyung 'yung cellphone nya nang bigla ulit akong magsalita.

"Sandali lang, galit parin ba sila sa akin?" medyo matagal pa bago nakasagot si Kyungsoo hyung.

Siguro iniisip pa nyang mabuti ang isasagot. Sabagay, hindi naman talaga madaling tanong 'yon.

“Hindi naman talaga sila galit sa'yo eh. Nagtatampo lang. Hayaan mo muna siguro silang mag-alis ng sama ng loob. Hindi rin naman makakatiis ang mga 'yan. Babalik din sa dati ang lahat.”

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago sumagot.

"Sana nga hyung, tama ka."

MS. SHIN

Pagkatapos ng sayaw nila Bambam at Krystal biglang namatay ang ilaw. Akala ko tapos na ang performance nila kaya tumayo na ko mula sa kinauupan ko. Kaya lang laking gulat ko nang biglang bumukas ang ilaw at bumungad sa'kin ang isang malaking screen. Parang wala naman 'to kanina ah.

Maya-maya pa, biglang may nagplay na video.

LOVE IS TROUBLE.

TROUBLE THAT WILL HUNT YOUR MIND

AND KILLS YOUR HEART.

Maya-maya pa'y may sumabay ditong tugtog, isang espesyal na tugtog para sa'kin. Isang tutog pero puno nang masasaya't malulungkot na alaala. Para kong napako sa kinatatayuan ko nang isa-isang lumalabas ang mga litarato ko at litrato ni.... Dongwoo.

*I do I do now

I do I do

All I am, all I'll be

Everything in this world

All that I'll ever need

Is in your eyes shining at me

When you smile I can feel

All my passion unfolding

Para kong nakakita ng multo habang patuloy sa pag play ang video na nasa harapan ko. Laman nito ang mga litratong puno ng masasayang ala-ala.

Your hand brushes mine

And a thousand sensations

Seduce me 'cause I

I do cherish you for the rest of my life

You don't have to think twice

I will love you still from the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long to say this to you

If you're asking do I love you this much, I do, oh baby oh

"Ma'am, lagi nyo kaming binibigyan ng payo. Pero sa pagkakataong ito, hayaan nyo namang kami ang magpayo sa inyo." Nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin si Soyeon, Krystal at Yoonsoo na may dala-dalang belo.

"Using your brain to prevent heartache is not bad."

"But sometimes, you also need to listen to your heart to be happy."

Hinayaan ko silang isuot sa'kin 'yung belong dala-dala nila. Pagtingin kong muli sa video, nagsisimula nang ipakita ang mga pictures na kinuhaan bago ang supposed to be kasal namin ni Dongwoo.

In my world before you

Lived outside my emotions

Didn't know where I was going

Until that day, I found you

How you opened my life

To a new paradise

Tuluyan nang umagos 'yung mga luha sa pisngi ko.

In a world torn by change

Still with all my heart

Until my dying day.

Muli na namang bumalik sa ala-ala ko ang mga masasakit na pangyayari sa nakaraan. Lalo na nang muli kong masilayan ang mukha ng lalaking nang-iwan sa akin.

Nagtagpo ang mga mata namin. Pakiramdam ko biglang nanghina ang mga tuhod ko.

Galit ako sa kanya, OO, pero hindi ko rin makakailang..

I do cherish you for the rest of my life

You don't have to think twice

I will love you still from the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long to say this to you

If you're asking do I love you this much, yes I do

I still love him.

I do

If you're asking do I love you this much

Baby, I do cherish you from the depths of my soul

It's beyond my control

I've waited so long to say this to you

If you're asking do I love you this much, baby I do

I do.*

"Hara," pinutol ko agad 'yung pagsasalita nya.

"Anong ginagawa mo dito?" gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong ipagkait sa kanya ang kapatawarang inaasam-asam nya.

"Umalis kana," sinubukan ko syang ipagtabuyan. Pero lumapit lang ulit sya sa'kin at hinawakan ako sa kamay.

"Pwede mo kong ipagtabuyan ng paulit-ulit. Sabihan ng masasakit na salita. At patuloy na sisihin sa nagawa ko sa nakaraan. Pero hinding-hindi mo ko mapipigilang mahalin ka. Mula noon, kahit kailan, hindi ka nawala sa puso't-isipan ko. Nagawa man kitang iwan pero hindi ibig sabihin 'non ay hindi kita mahal."

Pansin ko ang unti-unting pagpatak ng mga luha mula sa mata nya. Kitang-kita ko rito kung gano sya nasasaktan sa ginagawa kong pagtataboy sa kanya.

Dahan-dahan syang lumuhod sa harap ko, "Kaya nagmamakawa ko sa'yo Hara. Patawarin mo na ko. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Sa bawat araw na lumilipas na hindi kita nakikita, pakiramdam ko unti-unti na rin akong nawawalan ng dahilan para mabuhay pa."

Halos madurog ang puso ko habang nakikita syang humahagugol sa harap ko. Pilit syang nagmamakaawa sa'kin. Pero kahit ganon, pinilit kong ginawang bato ang puso ko. Binawi ko ang mga kamay ko sa kanya at sabay tanggal sa belong nasa ulo ko. Napaistatwa pa sya dahil 'don.

"Kahit anong gawin mo, hindi na 'non mababago ang katotohanang sinaktan mo ko. I hate you Dongwoo, I hate you." Pilit kong iniiwasan ang mga mata nya. Ayokong bumigay, ayokong ibigay ang kapatawarang inaasam-asam nya.

Hinarap kong muli ang mga estudyante ko, kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha nila. Lalo na kay Amber. Umalis ako sa pwesto ko para umalis na loob ng kwartong 'yon.

DASURI

Habol-hininga ko nang makarating na ko sa room namin. Bumungad sa'kin ang isang hindi magandang atmosphere sa paligid. Nakaluhod si Manager Han habang halata ang pagtulo ng mga luha nya. Samantalang si Ms. Shin ay umalis sa harapan nya.

Tahimik ang lahat. Walang kahit sino ang naglakas-loob na magsalita. Mukhang hindi maganda ang kinalabasan ng lahat.

"Ma'am," pigil ni ni Amber kay Ms. Shin. Halatang naawa sya kay manager Han. Sinamaan naman sya ng tingin nito.

"Who told you to do this? Para sa kaalaman mo, hindi ako natuwa sa ginawa mong panghihimasok." Bigla syang natameme at walang nagawa kundi yumuko na lang. Nagpatuloy naman si ma'am sa paglalakad.

Napatulala lang ako habang pinagmamasdan si ma'am papalapit sa pwesto ko. Wala na sana kong balak makialam pa kung hindi ko lang napansin ang mun-munting mga luha sa mata ni Ms. Shin.

Bakit s’ya umiiyak?

Sinulyapan kong muli ang mga kaibigan ko. Halata sa mukha nila ang sobrang kalungkutan. Sinilip ko rin si mr. Han na nakatulala lang sa kawalan. Hindi na ko nakatiis, humarang ako sa pintuang daraan ni Ms. Shin.

"Get out of my way, wag ka nang makialam rito, Dasuri." Mariin na utos ni ma'am. Umiling-iling ako.

"Ano ba. Hindi mo ba ko narinig? Umalis ka sabi sa daraanan ko." sinalubong ko na ang mga tingin sa'kin ni ma'am. Medyo nagulat pa sya dahil sa ginawa ko.

"Ayoko. Hindi ako aalis dito." Napaismid si ma'am dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman ininda 'yon. Mas nilakasan ko pa ang loob ko.

"Diba sabi mo sa akin dati, ipaglaban ko 'yung mga taong ayaw kong mawala sa buhay ko. Kaya nga pinaglaban ko 'yung mga kaibigan ko eh. Pinilit kong ibalik sila sa buhay ko. Pero bakit ikaw, pinagtatabuyan mo 'yung taong mahal mo?"

KAI

"Kai, nasa loob si noona," itinuro ni kyungsoo sa kwarto sa tabi ng practice room namin. Tanging sya lang ang nag-abalang kausapin ako pagpasok ko sa loob.

Pansin ko naman sa iba na parang gusto din nila kong kausapin. 'Yun nga lang ay nagdadalawang-isip silang gawin 'yon. Napadako ang tingin ko kay Suho hyung na tahimik lang sa isang tabi. Mukhang hanggang ngayon ay dinadamdam nya parin ang mga nangyari.

Mamaya-maya nama'y naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Kris.

"Kamusta na si Dasuri?" bungad nya sa akin. Nilingon ko naman sya.

"She's fine. Mukhang nagawan ng management natin na mapigil ang pagkalat ng balita tungkol sa nangayari." kaswal kong sagot. Tumango-tango naman sya.

"That's good to hear. Kung kailangan mo ng tulong, just call me." Napatitig naman ako sa kanya. Talaga bang si Kris 'tong kausap ko?

"I'm only doing this for Dasuri." depensa nya agad.

"Sabi mo eh." sabi ko na lang. Umalis na ko sa harap nya at nagdiretsyo sa kwartong tinutukoy ni Kyungsoo hyung. Pagpasok ko, nakita ko si noona na busy sa mga papel sa mesa nya.

"Noona, pinatawag mo raw ako?" pagkuha ko sa atensyon ni manager. Hinarap naman nya ko na may nag-aalalang ekspresyon ng mukha.

"Kai, maupo ka muna." Sabay turo pa nya sa upuan sa harap nya. Sinunod ko naman ang kanyang gusto. Umupo ako 'don at hinarap sya.

"What they want?" diretsyahan kong tanong.

Alam kong kinausap sya ng management namin tungkol sa issue na nasangkutan ko kamakailan lang. Alam ko ring kaya gusto nya kong makausap, dahil meron silang gustong ipagawa sa akin.

Nagpabuntong-hininga muna sya sa harap ko. Medyo kinabahan ako sa nakikita kong reaksyon nya. Mukhang hindi maganda ang kakalabasan nito.

"I'm sorry Jong In, but this is the only way we can do to save your career. Para mailihis ang atensyon ng lahat tungkol sa kasal nyo ni Dasuri. Kailangan nating gumawa ng isa pang isyu na siguradong mas pagtutuunan ng pansin. To hide the present, you need to show the past."

Hindi ko naintindihan ang ibig ipakahulugan ni noona. Anong nakaraan ang ibig nyang sabihin? At paano 'yon makakatulong na solusyunan ang problema ko ngayon?

"You are casted for the newest episode of 'We Got Married'." She paused for a while then continues again.

"Together with Yuri."