CHAPTER 34: TIME
Mabilis akong nakarating sa bar na sinend ni Nathan. Pumasok ako sa loob at rinig na rinig mo ang lakas ng music. Maraming tao kaya nahirapan akong nahapin sila.
"Basty, dito!" Rinig kong sigaw ng isang babae.
Napalingon ako sa counter kung saan nandoon ang bartender. Sa likod ay may babaeng nakataas ang kamay.
Nakatingin ito sa 'kin at sinisenyasan na lumapit ko. Lumapit ako sa kanya. Naka dress siya na pink at maikli ang buhok.
"Si Crystal?" Tanong ko agad.
"Nandoon sa may dance floor. Sinasaway ni Nathan dahil kanina lasing at nakikipagsaway sa mga lalaki." Sagot niya.
Malalaking hakbang ang ginawa papunta sa dance floor. Agad kong nakita si Crystal na sumasaway kasama ang isang lalaki.
Agad na nag-init ang ulo ng hawakan siya ng lalaki sa hita niya. Lumapit ako sa kanila at hinila si Crystal papalayo.
"Ay, ano ba!" Napatingin si Crystal sa 'kin.
"Hey, can't you see we're dancing!" Reklamo ng lalaki.
"Back off! She's mine!" Mariin na sambit ko.
Wala ng nagawa ang lalaki kundi ang umalis.
"Oh, you're my unfaithful boyfriend!" Dinuro-duro ako ni Crystal.
Gumegewang-gewang na siya kaya halatang lasing na lasing na siya. Hinawakan ko siya sa braso.
"Umuwi na tayo. Lasing ka na." Mahinahon na sambit ko sa kanya.
"Ayoko sumama sa 'yo!" Marahan niyang tinanggal ang pagkaka-hawak ko sa braso.
"Snow, sumama ka na sa kanya. Uuwi na kami ni Sam."
Napatingin ako kay Nathan. Kasama yung babaeng nasa counter kanina.
"Ayaw!" Ngumuso siya bago umalis.
"Crystal!" Tawag ko bago siya sinundan.
Muntik na siyang matumba sa exit ng bar, buti na lang at nahabol ko siya.
"L-let go of me," Lasing na sambit niya. "May boyfriend na ko."
Gusto kong natawa sa sinabi, pero hindi pwede 'yon ngayon.
"Lasing ka na talaga," Sabi ko tsaka siya inalalayan. "Hahatid na kita sa inyo."
Mapungay ang mga mata ng tumingin sa 'kin.
"Ayokong sumama sa 'yo," Sumimangot siya pagkatapos. "Do'n ka sa Dennise mo!" Tinulak niya ako sa dibdib.
Umayos siya tayo, pero natumba ulit siya kaya inalalayan ko na naman siya.
"Kaya ko ang sarili ko!"
"Hindi ka nga nakatayo ng maayos, eh!" Sabi ko. "Bubuhatin kita!"
Inirapan lang niya ako.
"Umuwi na tayo." Ani ko ulit.
"Ayoko nga! Ayoko sa 'yo!"
No choice ako, kaya binuhat ko siya.
"Hoy! Bitawan mo ako!" Sigaw niya habang hinahampas ang dibdib ko.
Dinala ko siya sa parking lot. Tinulungan ako nila Nathan at Sam na buksan ang pinto ng kotse. Pinasok ko si Crystal sa loob ng kotse at mabilis na nilagyan siya ng seat belt.
"Papakulong kita!" Sigaw niya sa 'kin.
Hindi ko siya pinansin at humarap kanila Nathan at Sam.
"Salamat, Nathan." Sabi ko.
Ngumiti lang siya. "Wala 'yon," Sagot niya bago inakbayan si Sam. "Ikaw ng bahala kay Snow. Naku! Papakulong ka daw niya." Dugtong niya tsaka tumawa.
Natawa rin ako at si Sam. "Ako ng bahala sa kanya. Ihahatid ko siya sa bahay nila."
Umalis sila Nathan. Pumasok ako sa kotse at nakita kong nakapikit na ang mga mata ni Crystal. Tulog na siguro.
Pinaandar ko ang kotse at dumiretso sa bahay nila. Dumating kami sa bahay nila at binuhat siya ulit.
Bumungad sa 'kin si kuya Caleb. Pinapasok niya ako sa loob. Umakyat kami sa taas at pumunta sa kwarto ni Crystal.
Dahan-dahan ko siyang nilapag sa kama niya. Tulog pa rin siya.
Tumingin ako kay kuya Caleb. "Ako ng bahala sa kanya, kuya."
"Sure ka? Baka awayin ka niyan pag-nagising 'yan." Sabi niya.
"I can handle her." Sagot ko sa kanya.
"Sige, basta tawagin mo ako pag kailangan mo ng tulong."
Tumango ako bago siya umalis. Pumasok ako sa kwarto ni Crystal at pumunta ng banyo. Kumuha ako ng basin at towel. Nilagyan ko tubig ang basin bago bumalik sa kama niya.
Nilapag ko ang basin sa lapag tsaka kumuha ng damit pantulog sa closet niya. Bumalik ako at nakita ko siyang nakaupo sa kama niya.
Shocked was written on her face when she sent me.
"What are you doing here in my room?" Diretsong tanong niya.
Blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Makikita sa mga mata niya na lasing pa siya. Nahimasmasan na siguro. I thought.
"Magpalit ka na ng damit mo." I said instead of answering her question. Nilapag ko damit niya sa ibabaw ng kama.
"Umalis ka dito." Hindi siya nakatingin sa 'kin ng sabihin 'yon.
"Aalis lang ako pag-okay ka na. Kaya magbihis ka na." Nakatayo lang ako hindi kalayuan sa kanya.
"Okay na ako, kaya pwede ka ng umalis." She said coldly.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi ng kama niya.
"Crystal, alam ko na nasaktan kita. Pero huwag ka naman ganito. Kausapin mo ako." I tried to reach her hand but she moved away.
"Nag-uusap naman tayo ngayon." Sarcastic na sagot niya. "Sabihin mo na gusto mong sabihin. Pagkatapos umalis ka na."
"Lasing ako no'n, Crystal. Alam ko na mali ako. Alam kong kasalanan ko bakit tayo nagkaganito, pero sana maintindihan mo na nandito ako para magkaayos tayo. Nagkamali ako at nasaktan kita. Nangyari na ang nangyari, hindi ko na mababago 'yon pero huwag mo naman akong sukuan." Napayuko habang sinasabi ang mga 'yon.
Hindi siya nagsalita. Walang umimik sa 'min na dalawa. Tahimik ang apat na sulok ng kwarto niya ng marinig ko siyang humikbi ng mahina.
"Y-you hurt me," bulong niya tsaka tumingin sa 'kin.
Nakita ko siyang umiiyak. May tumusok sa puso ko ng makita siyang umiiyak. At kasalanan ko bakit siya umiiyak.
"I'll do everything just to forgive me. Gagawin ko lahat para bumalik ang tiwala mo sa 'kin." Hinawakan ko kanang kamay niya.
"I want you to leave," She wiped out her tears. "Gusto ko na lumayo ka muna sa 'kin. Umalis ka. Kaya mo bang gawin 'yon?"
"Crystal. . ."
"Sinaktan mo ako. I need time to heal the wound that you caused. Kailangan ko ng space, Basty. Kaya mo bang gawin 'yon?" She looked at me with her teary eyes.
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. She wants me to leave. Alam ko na hindi lang pag-alis ang gusto niya. Gusto niyang umalis ako. Away from here, away from her.
Mapait akong ngumiti bago tumango at tumingin sa kanya.
"Okay," I said. "Kung 'yan ang gusto mo, ibibigay ko sa 'yo. Aalis ako, basta tandaan mo na pag-okay ka na puntahan mo lang ako. I'll wait for you, so take your time. Maghihintay ako kahit matagal, basta bumalik ka lang sa 'kin. Take care of yourself. I love you."
Binitawan ko ang kamay bago lumabas ng kwarto niya. Nang makasakay ako sa kotse ay do'n lang umiyak.
I'm giving her what she wants, but I am not giving her up.
I burst out crying again. Nakaupo ako habang yakap ang tuhod. Masakit man, pero ito ang kailangan ko.
Kailangan ko ng panahon para maghilom ang sakit na nararamdaman ko. Paano ko gagawin 'yon kung sunod siya ng sunod sa 'kin?
Naramdaman ko na may yumakap sa 'kin.
"Hey, tahan na." My brother hushed me. "Everything will be okay someday.
Niyakap ko siya pabalik at umiyak ulit. Nakatulog ako sa kakaiyak. Nagising ako na tanghali na.
Hindi na ako nakapag-palit ng damit kagabi. Nasa kama ko parin yung damit na kinuha ni Basty para sa 'kin kagabi.
Kinuha ko ito at pumunta ng banyo para maligo. Mataas na ang sinag ng araw. Bumaba ako para kumain.
Nadatnan ko si Dad na kumakain din sa dining table.
"Sumabay ka ng kumain sa 'kin." Nakangiting sambit niya.
Tumango ako tsaka umupo sa upuan. Tahimik lang kumakain ng nagsalita si Dad.
"Busy ka ba ngayon?" Tanong niya.
Umiling ako. "Hindi po." Sagot ko.
"Can I talk to you later?"
Tumingin ako Dad bago tumango. "Okay po."
Natapos akong kumain kaya umakyat ulit ako sa kwarto ko. Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang humiga sa kama at tingnan ang kisame.
Napatingin ako sa bracelet na suot ko. Malungkot akong napangiti ng maalala si Basty.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto at pumunta sa likod ng bahay namin. Umupo ako tsaka tiningnan ang mga halaman namin.
"Anak," Napatingin ako kay Daddy.
"Dad." Ngumiti ako sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko. "I just want to talk about you and Basty." Pag-uumpisa niya.
"Dad, nag-usap na po kami kagabi." Sagot ko.
"I know. Your brother told me." Aniya. "Snow, alam ko na nasaktan ka ni Basty. I get it, but you still have to give him a second chance."
"Dad, hindi madaling ibigay 'yon sa kanya ngayon. Sinaktan niya ako." Tumingin ako sa kanya. "Bakit parang kinakampihan mo pa siya?"
Dad chuckle. "Hindi sa naman sa kinakampihan ko siya. Ang sa 'kin lang, parehas kayong masasaktan ngayon. Itatapon mo lang lahat ng pinagsamahan niyo? Lasing si Basty. Hindi niya alam ang ginagawa ng araw na 'yon."
"Parehas sila ni Aaron, Dad. Parehas nila akong sinaktan at niloko." Tugon ko.
"No, you're wrong." Aniya. "Basty and Aaron are different. Hindi ka naman niloko ni Basty. Aaron chooses to cheat on you, while Basty is not. Pinili kang saktan ni Aaron dahil 'yon ang ginusta niya, si Basty hindi. Sa tingin mo ba, kung hindi lasing si Basty ng gabing 'yon hahayaan niyang may mangyari sa kanila ni Dennise. Diba, hindi?"
Napayuko ako. "Alam ko naman po 'yon. Kailangan ko lang po ng time."
Hinawakan niya ang kamay ko. "I know. Ang sa 'kin lang, huwag mong pahirapan ang sarili mo. You gave Aaron a second chance, why give Basty too?"
I bit my lower lip. Dad is right. Alam ko naman na ni deserve ni Basty ang second chance. Mahal ko siya at hindi ko kayang mahiwalay kami.
Kailangan ko lang ng panahon para maging maayos ako. Hindi ko naman hahayaang mawala siya sa buhay 'to.
EPILOGUE
3 months later
"Congratulations team!" Masayang sambit ko.
Tinaas namin ang hawak na kopita na may laman na champagne. Ininom ko 'yon tsaka lumapit sa mga kasama ko sa trabaho.
"Magaling kasi ang manager natin kaya pumayag ang investors." Ani Michael.
"Hindi naman!" Nahihiyang tugon ko sa kanila.
Napapayag kasi namin ang mga investors na pumirma para mag-invest sa company. Masaya ako dahil malaking investor 'to. Akala namin noong una, mahihirapan kami pero hindi.
Naging maayos ang takbo ng meeting namin. Maayos ang naging presentation namin para mapapayag ang mga investor.
"Go back to work now!" Sabi ko. "Madami pa tayo ng gagawin. Good luck to us!"
Ngumiti sa 'kin ang mga team ko. Pumasok ako sa loob ng office at nag-umpisa na magtrabaho ulit.
It's been three months since Basty left. Three months simula ng hiniling ko na lumayo siya. Wala na akong nakita sa kanya after no'ng mag-usap kami.
Hindi niya ako tinext or tinawag para kamustahin. Talagang lumayo siya. Hindi ko alam ang pinaggagawa niya sa loob ng three months, pero sana okay lang siya.
I hope he's doing fine and healthy. Kasi gano'n din ako. Tinupad ko ang sinabi niya na alagaan ko siya ang sarili ko.
I miss him. So much. Sa three months na dumaan, araw-araw ko siyang iniisip. Alam ko na kasalanan ko kung bakit wala na siya ngayon sa tabi ko, pero wala akong pinagsisihan doon.
Nahanap ko ang sarili ko. Nawala yung sakit dito sa puso at okay na okay na ako ngayon.
"Pag-okay ka na puntahan mo lang ako. I'll wait for you, so take your time."
'Yan ang sinabi niya sa 'kin dati. And I will do that now. Tama na yung three months na nagkalayo kami.
Next week ay babalik na ako sa Isla Esme. Aayusin ko ang mga dapat ayusin sa aming dalawa.
"Ma'am, someone wants to see you."
Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi ng secretary ko.
"Sino daw?" Tanong ko.
"Dennise daw po pangalan."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Papasukin mo." Ani ko.
Umalis ang secretary ko. Maya-maya ay nakita ko si Dennise na pumasok ng office. Kulit sa baba ang buhok niya. Nakasuot siya white pant at oversize na shirt.
Ngumiti siya sa 'kin. "Sorry, biglaan ang punta ko. May sasabihin lang Sana ako sa 'yo bago ako umalis."
"Take a seat." Sabi ko.
Umiling siya. "Hindi na," Sagot niya. "I just came here to say sorry to everything that I've done. Dahil sa 'kin kaya naghiwalay kayo ni Basty. I'm sorry, Snow."
I crossed my arms. "Wala na 'yon. Matagal ng nangyari 'yon." Nakangiting sambit ko.
"Salamat! Si Basty, kailangan ka niya. Sana puntahan mo na siya bago ang alis niya."
I frowned at what she said. "Aalis si Basty? Saan siya pupunta?" Tanong ko.
"Tutuloy niya ang pag-aaral sa America. Actually, matagal na siyang pinabalik do'n dahil maganda ang records niya kaso ayaw pa niyang bumalik dahil hindi kayo nagkaka-ayos. Pero ngayon aalis na siya. Sa Saturday ang flight niya." Sagot niya.
"That's 3 days from now!" Hindi ko mapigilan na sumigaw.
"Kaya nga, puntahan mo na siya."
Mabilis ko na kinuha ang bag ko tsaka patakbo na palabas ng office. Mabilis akong sumakay sa kotse ko.
Habang nag da-drive ay nag-booked ako ng ticket papuntang Iloilo kasi fully booked na sila. Nang makarating ako ng airport ay mabilis akong pumila para makabili ng plane ticket.
"One ticket to Iloilo, please!" Sabi ko.
Binigyan niya ako ng ticket. Mamayang 6PM ang flight. Naghintay pa ako ng one hour and thirty minutes para sa flight ko. Nang makarating ako sa Iloilo ay bumili agad ng ticket papuntang sa Isla Esme.
Habang nasa barko ay tinawagan ko si Mads.
"Oh, Snow napatawag ka?" Bungad niya sa 'kin.
"Mads, alam mo ba kung nasaan si Basty ngayon?" Tanong ko agad.
"Nasa farm pa nila 'yon ng ganitong oras. Baka nasa office niya. Bakit?"
Tumigil ang barko na sinasakyan ko kaya tumakbo ako palabas ng barko.
"Salamat, Mads!" 'Yon lang nasagot ko bago pinatay ang tawag.
Sabi niya hihintayin niya ako. Bakit aalis siya ngayon ng walang paalam?
Sumakay ako ng tricycle.
"Kuya, sa Herrera's farm po tayo." Sabi ko sa driver.
Tumakbo ang tricycle na sinasakyan ko.
Nakalimutan na ba niya ako kaya siya aalis? Nasa pala matagal ko na siya pinuntahan kung ganito ang nangyayari!
Ang data niya! Sabi niya maghihintay siya bakit ngayon ay aalis siya?
Kumuha ako ng pambayad kay kuya ng makarating kami sa farm nila Basty. Nagbayad ako tsaka pumasok sa farm.
"Ate, saan po opisina ni Basty?" Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko.
"Sa likod po niyan. Kaliwa lang po kayo nandoon na po office ni Sir Basty." Sagot niya.
"Salamat po!" Ani ko tsaka pumunta sa office ni Basty.
May nakita akong isang babae paglikom Mukhang secretary ni Basty.
"Si Basty?" Tanong ko paglapit ko.
"Umalis po si Sir Basty kanina. Baka po maya— Nandiyan na po sila." Aniya sabay turo sa likod ko.
Napatingin ako at para akong binagsakan ng langit at lupa sa nakita ko. I saw Basty with another woman.
Nakasuot ng dress na kulay red ang babaeng kasama niya. Nakapulupot ang mga kamay nito sa braso ni Basty habang masaya silang nag-uusap.
"Sir, may naghahanap po sa inyo." Sambit ng secretary niya kaya do'n lang naputol ang pinag-uusapan ng babaeng kasama niya.
Napatingin sila sa 'kin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Basty ng makita ako. Alam ko na hindi niya ine-expect na darating ako.
Tumingin siya sa kasama niya. "Chloe, maya na lang mag-usap." Aniya sa babae.
Ngumiti lang yung Chloe. "It's fine," Sagot nito tsaka hinalikan si Basty sa pisngi. "I'll see you on our dinner date later."
Nakangiting tumango si Basty. "Oo, ingat ka."
Nakahigpit ang hawak ko bag ko. The way he looked and smiled at her, it seems like she's special to Basty.
Nang makaalis ang babae ay tumingin siya sa 'kin. "Pasok tayo sa loob." He casually said.
Nauna siya sa office niya. Nakasunod ako sa kanga. Dumiretso siya sa upuan at umupo naman ako sa tapat ng table niya.
Walang nagsalita sa amin. Nakayuko lang ako. Hindi ko paalam paano na siya kausapin ngayon. Nahihiya ako.
I cleared my throat. "Nakausap ko si Dennise kanina." Pag-sisimula ko. "She apologized for what happened."
"Iyon lang pinunta mo dito?" Tanog niya.
Tumingin ako sa kanya. Nagkatinginan kami ng dalawa, pero I looked away. Natutunaw ako sa uri ng tingin niya.
I bit my lower lip. "G-girlfriend mo yung Chloe?" Tanong ko.
Alam kong ang tanga ng tanong ko. Gusto ko lang maki-sigurako.
"No. Hindi ko siya girlfriend, pero taken na ako." Sagot niya.
Parang tinusok ang puso ko sa sagot niya. Naka-moved on siya.
Humigpit ang hawak ko sa bag ko. Nayuko ako. Ayokong makita niya ang mukha ko. Naiiyak ako.
Ang sakit! Akala ko maghihintay siya sa 'kin? Naiinis ako. Sinungaling siya! Akala ko may babalikan pa ako, wala na pala!
Tumayo ako. "S-sige na, aalis na ako." Mahinang sambit ko.
Maglalakad na sana ako ng pigilan niya ako. "Kakarating mo lang, aalis ka na naman." Hinawakan niya ang pulsohan ko.
Marahas ko tinanggal 'yon tapos tinulak niya. "Sinungaling ka!" Humarap ako sa kanya. Nakita niya tuloy na umiiyak ako. "Sabi mo maghihintay ka, bakit aalis ka? Aalis ka ng walang paalam sa 'kin? Dapat hindi mo na lang sinabi na maghihintay ka, para hindi ako umasa tapos ito ang aabutan ko! May girlfriend ka na pala!"
Pinunasan ko ang luha ko. Wala na! Umiiyak na talaga ako!
Narinig ko siyang tumawa ng malakas. Masama ko siyang tiningnan.
"Bakit ka tumatawag diyan? Umiiyak na ako dito, tatawa ka pa!" Sigaw ko.
"Seriously, Crystal? Ikaw ang girlfriend ko. Nagseselos ka sa sarili mo?" Natatawa siya.
Napakunot ang noo. "Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko.
"Oh, bakit nag-break ba tayo? Hindi naman diba? Space ang hiniling mo sa 'kin, hindi ang makipaghiwalay." Natatawa parin siya. "Halika nga dito!"
Hinapit niya ako papalapit sa kanya tsaka niyakap. Mas lalo akong naiyak. Niyakap ko siya pabalik. Na-miss ko siya ng sobra!
"A-akala ko pinagpalit mo na ako, eh!" Umiiyak na sambit ko.
I heard him chuckle. "Ikaw pagpapalit ko? I'll do that, Crystal." Humiwalay siya sa 'kin. "Huwag ka na ngang umiyak." Aniya tsaka pinunasan ang pisngi ko.
Ngumuso ako. "Ikaw kasi, eh! Pero aalis ka pa rin?"
Tumango siya. "Kailangan kong tapusin ang pag-aaral sa America. Sa Saturday ang alis ko. Pupunta dapat ako sa inyo bukas para magpaalam, kaso nandito kana."
Suminghot ako. "Tatlong araw na lang kita makakasama."
"Edi, sulitin natin ang tatlong araw na 'yon." Nakangiting sabi niya.
Hindi ako nagsalita at niyakap siya ulit. "I miss you so much, Basty."
"Miss na miss din kita, Crystal."
Kagaya ng sinabi ni Basty ay sinulit namin ang tatlong araw na magkasama. Ngayon lang ulit kami nagkita after three months tapos aalis pa siya.
"Maganda na ang magiging bahay natin." Aniya.
Nakangiting ako tumango. "Kaunti na lang maayos na siya." Tugon ko.
Nandito kami sa bahay na pinapagawa namin. Malapit ng matapos ang bahay. Mamayang gabi ang alis ni Basty.
"Crystal, may sasabihin ako."
Napatingin ako sa kanya. "Ano 'yon?"
"Ayoko ng patagalin pa 'to." Sabi tsaka may kinuha sa bulsa niya na maliit na box pagkatapos ay lumuhod sa harapan ko.
"Basty. . ." Bulong ko.
I can't believe this is happening right now.
"Gusto ko pagbalik ko, ikasal na agad tayo. Alam kong malayo pa 'yon. 1 year pa, pero gusto ko sa 'kin ka na talaga. Mahal na mahal kita, Crystal at alam mo 'yan. I know, I'm not a perfect person but I promise to you that I will make you smile everyday. Nasaktan kita, pero hindi ko na gagawin 'yon ulit. I can't wait to wake up every day to see you beside me. Will you marry me?"
Sunod-sunod akong tumango. "Yes! I will marry you, Basty!" Masayang sagot ko.
Sinuot niya ang diamond ring sa palasing-singan ko tsaka ako niyakap.
"Thank you." Tugon niya bago humiwalay sa 'kin. "I love you."
"I love you too."
Hinalikan niya ako sa labi. Nakangiti kong tinugunan ang halik niya.
Masaya naming bumalik sa bahay nila Basty. Ihahatid na namin siya sa airport.
"I'll marry you." Bulong niya habang yakap ako.
"Dapat lang! Wala ka ng mawala sa 'kin ngayon." Sagot ko.
"Alis na ako."
Tumango lang ako. Tinawag ang flight kaya naglakad na siya papalayo. I waved my hand on him.
Nakangiting akong umalis sa airport. At least ngayon, panatag na ang loob ko.
Umalis man siya at magkalayo kami. Pagbalik naman niya ay ikakasal na kami.