CHAPTER 33: HURT

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Sa kama ako ni Dad nakatulog kakaiyak ka kagabi. Wala akong gana na tumayo at pumunta ng kwarto ko.

Nahiga ako ulit at niyakap ang unan ko. I feel numb. Feeling ko sinaksak ako ng maraming ng kutsilyo sa puso ko.

I started crying again. Alam kong namamaga na ang mata ko, pero ito lang ang kaya kong paraan para kahit papaano ay mawala ang sakit na nararamdaman ko.

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Snow, anak? Kumain ka na." I heard my Dad say. "Bumaba ka lang kung nagugutom ka."

Maya-maya ay nawala ang katok. Feeling ko umalis na rin si Dad sa tapat ng kwarto ko.

I wiped out my tears before I went outside. I should not remain like this. Hindi dapat ako mag mukhang tanga.

They hurt me, then fine!

Hindi dapat huminto ang buhay ko dahil sa panloloko nila. Nakaahon nga ako kay Aaron dati, kaya I'm sure makakaahon din ako ngayon.

Pagbaba ko nakita ko si Dad sa sala. Wala si kuya dahil umalis sila ate ni Christine. They went on a cruise ship for their 5th anniversary. Sa Saturday pa yata dating nila.

Tumayo si Dad ng makita ako. "You okay?" Nag-aalala na tinignan niya ko.

Tumango ako. "I'm fine, Dad. Don't worry."

I tried to smile but I couldn't. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko.

"Nanay Cecil cooked something for you. Kumain ka na." Aniya.

Tumango lang ako.

"Anyway, Basty was here today. 5AM siya nagpunta dito, pero tulog ka. He wants to talk to you, but I said to give some time. Pinapa-uwi ko siya sa Isla Esme, pero sabi niya hindi daw siya uuwi hangga't hindi ka niya nakakausap."

Pilot akong ngumiti kay Dad. "Thank you, Dad."

Pumunta ako ng dining area para kumain. Nadatnan ko si Nanay Cecil na nandoon.

"Kain ka na." Sambit niya bago ako hinandaan ng pagkain.

Tahimik akong kumain. Tahimik din sila Dad at Nanay Cecil sila. Hindi na sila nag tanong kung okay ako.

After ko na kumain ay umakyat ulit ako sa taas para buksan ng cellphone ko. Pinatay ko 'to kagabi at ngayon lang ulit binuksan.

Bumungad sa 'kin ang 300 missed called na galing kay Basty. Simula nang umalis ako sa hotel ay tumatawag na siya sa 'kin. May 100 messages din na galing sa kanya.

To Basty:

Please talk to me, Crystal.

I was drunk that night. Hindi ko alam na may gano'n na nangyayari. Let me explain, please!

I'm sorry, please talk to me.

I bit my lower lip. Binura ko lahat ng messages niya sa 'kin. I pressed my home screen. Naluha na naman ako ng makita ang wallpaper ko.

It was him.

I tried to compose myself, but I just can't. Kahit saan ako tumingin ay siya ang nakikita ko. Kahit saan ako tumingin ay siya ang maalala ko.

I looked at my phone when it started ringing. Pinunasan ko luha ko bago sinagot ang tawag.

"M-Mads," I whispered.

"Okay ka lang?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Hindi, eh! Ang sakit!" I burst out crying again.

"I know its hurt. Pareho kayong nasasaktan ngayon. He's hurting too. I think you two should talk together. Fix this, Snow." Sambit niya.

"Hindi ko pa kaya, Mads. Masyadong masakit ang ginawa niya sa 'kin." Napahikbi ako.

"I know, pero hindi niya naman niya sinasadya na saktan ka. He told me the truth after you left yesterday." Aniya.

Umiling ako. "Ayoko pa."

Narinig ko ang buntong hininga niya. "Okay, I understand you. Just fix this okay?"

Hindi na ako sumagot ay pinatay na ang tawag. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame.

I closed my eyes. Sana panaginip lang lahat ng 'to.

I fell asleep, thinking that tomorrow everything will be okay.

4 days have passed since Crystal found out what happened in America. At apat na araw na rin niya akong iniiwasan at hindi kinakausap.

Alam ko na galit siya sa nagawa ko. Nasaktan ko siya at hindi reasonable na lasing ako ng gabing 'yon. Ako na dapat ang umiwas kay Dennise noong lumapit siya sa 'kin.

Dapat umalis na lang akong Gabi na 'yon. Dapat hindi na ako dapat nag-stay pa doon. I know, it's my fault.

Kaya nga nandito ako sa Manila para kausapin siya makapag-explain. Hindi ako papayag na tuluyan kaming maghiwalay.

Sa 4 days na dumaan, araw-araw akong pumupunta sa kanila. Sa condo ako nag i-stay habang nandito sa Manila. Pilit ko na kinakausap si Crystal kahit pinagtatabuyan niya ako.

Hindi niya ako kinakausap. She just ignoring me when I tried to talk to her. I deserve this, I know but I'm not giving up.

Not on her.

Lumabas ako ng kotse at nag-door bell sa bahay nila Crystal. Nakita ko ang kotse ng Tito na papalabas.

"Tito, si Crystal po?" Tanong ko ng lumapit siya sa 'kin.

"Maaga umalis. May meeting kasi siya sa board mamaya." Sagot niya.

Napayuko ako. "Balik na lang po ako mamaya. Anong oras po ba uwi niya?"

"Hindi ako sure kasi baka mag-over time siya." Tinapik niya ang balikat ko. "Don't worry, I will try to talk to her para maka-usap ka niya. Kailangan lang talaga niya ng time para maghilom ang sakit na nararamdaman niya."

"Salamat po, Tito."

"It's fine. Parang anak na rin kita at alam ko na hindi ginusto ang nangyari sa inyo ni Dennise. Naiintindihan kita, pero sana maintindihan mo rin na kailangan ng space ni Snow sa ngayon." Sabi niya bago bumalik at pumasok sa loob ng kotse niya.

I took a deep breath before I went back to my car. Bumalik ako sa condo ko na bagsak ang balikat. Nahiga ako sa kama at tumingin sa kawalan.

I miss her so much!

I can't live like this. Para akong isang patay. Hindi ako makakain ng maayos at dami kong kailangan ayusin pero hindi ko magawa.

Tawag na ng tawag ang school na pinasukan ko sa America. Pinapabalik na nila ako. Babalik ako dahil kontrata akong pinirmahan, pero hindi pa ngayon.

Aayusin ko muna 'to bago ako ulit umalis. Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ito.

"Basty, kailan ang balik mo dito?" Tanong ni Nick.

"Hindi pa ko sure, pero babalik naman ako." Sagot ko bago tumayo at luto ng instant noodles.

"Pare, hinahanap ka na kasi ni Sir. Sayang ang nasimulan mo dito kung hindi mo tatapusin 'tong study na 'tin. Mataas pa naman ang grades mo." Aniya sa kabilang linya.

"Don't worry, dahil babalik ako diyan. Hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko. May problema lang talaga dito." Sabi ko.

"Oh, sige. Ingat ka diyan!" Paalam niya.

Pinatay ko ang tawag tsaka nagsimula ng kumain. Nang sumapit ang 5PM ay kinuha ko ulit ang susi ng kotse ko.

Pupunta ako ng company nila Crystal. Ganitong oras ang uwi noong nasa America ako. Baka naabutan ko pa siya.

Nakarating ako ng company nila kaso wala na daw si Crystal. Kanila pa daw umalis kasama si Nathan.

Bumalik ako sa loob ng kotse tsaka umuwi ulit sa condo. Sa apat na araw, wala akong matinong tulog.

Hindi pwede laging ganito! Kailangan ko siyang makausap bago ako bumalik sa America. Ayokong umalis na hindi kami nagkaka-ayos ni Crystal.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa. Nagising na lang ako ng may tumatawag sa cellphone ko.

Sinagot ko ang tawag ng hindi tiningnan ang tumatawag.

"Hello, Basty?" Bungad ng lalaki sa kabilang linya.

Hindi ko kilala ang tumatawag kaya tiningnan ko screen ng phone ko. Pangalan ni Crystal ang caller.

"Basty? Nandiyan ka ba?"

Nilagay ko ulit sa tenga ang cellphone. "Bakit hawak mo ang cellphone ni Crystal?" Tanong ko agad.

"Nandito kasi kami sa bar," Sagot niya. "Anyway, I'm Nathan. Pakisundo si Snow dito dahil lasing na lasing. Ayaw paawat, eh."

Na patayo agad ako sa sofa tsaka kinuha ang susi ng kotse.

"Nasaan kayo?" Tanong ko at lumabas ng condo ko.

"Send ko sa 'yo yung location namin."

Patakbo akong sumakay ng elevator at pinindot ang lobby. Sumakay ako ng kotse ang pinuntahan kung nasaan sila.