CHAPTER 32: PAIN
"Snow, kinakabahan ako!" Nakatingin lang ako kay Mads na natataranta.
"Huwag kang kabahan. This is your day, you should be happy." I cheer her up.
Ngayon na ang kasal nila ni Martinez. Ilang oras na lang ay magiging Mrs. Bautista na siya.
Napatingin kami sa pinto ng pumasok ang wedding coordinator.
"Maid of honor, pila na po kayo sa labas ng church," Sabi nito bago tumingin kay Mads. "Be ready, bride. The wedding I'll start in 3 minutes."
"Pwede bang time-first muna?" She pouted while holding my hand.
Natawa ako sa kanya. "Ano ka ba? Huwag kang kabahan. Mauna na ako, ah?"
Nakanguso siyang tumango. "Okay. See you later, Snow!"
"Congrats ulit!" Masayang sambit ko bago lumabas ng make up room niya.
Bumaba ako at pumila na dahil mag sta-start na ang wedding. Nasa loob na si Basty kasama si Martinez sa altar. He's the best man.
Nag-start ang wedding. Bumukas ang malaking pintuan ng church. Nagsimulang tumunog ang 1+1 na kanta ni Beyonce bago pumasok ang mga guest at sinundan ng mga flower girl and boy tapos sinundan ng ring bearer. Tapos ang ninong at ninang, sinundan ko na maid of honor.
Umupo ako sa naka assign seat sa 'kin. Napatingin ako kay Mads na papasok ng church. Nasa dalawang gilid niya ang Mama at Papa niya. Sobrang ganda niya sa suot niyang gown.
Nang makarating sila ng altar ay hindi mapigilan na umiyak ni Mads. Naiyak rin tuloy ako. Masaya lang ako para sa kaibigan ko.
Nag-start ng nag-salita ang pare. Nag-bigayan na sila ng vows bago i-announce ang 'you may kiss the bride.' Nag-palakpakan kami ng mga tao ng mag-kiss sila.
After no'n ay nag picture-piture na. Dinala ako ni Basty sa labas ng church after naming mag pa-picture. Kaya ito kami nakatingin sa sunset habang yakap niya ako mula sa likod.
"Kailan ba ikakasal sila kuya Caleb at ate Christine? Para tayo naman sunod." Sabi niya maya-maya.
"Sabi ni kuya, this year siya mag po-propose kay ate Christine." Sagot ko.
"Pwede bang tayo muna mauna?" Bulong niya.
Tumingin ako sa kanya. "You want to break my Dad's rule?" Nag-taas ako ng kilay.
"Excited lang ako na ikasal tayo." Bawi niya tsaka ngumiti.
"Maganda rin na ikasal tayo after ma-renovate ng bahay natin, para wala na tayo ng iisipin." Ani ko at tumingin ulit sa sunset.
Naramdaman ko na tumango bago hinalik-halikan ang balikat ko. Akala gano'n lang gagawin niya, pero hinalikan niya ako sa leeg ko.
"Basty, nasa labas tayo?" Saway ko bago lumauyo sa kanya.
Ngumuso siya bago ngumisi. "Uwi na tayo?"
I chuckle. "May reception pa."
"I-ditch na lang natin 'yon."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Loko ka! Syempre hindi pwede 'yon!"
"Ma' and Sir, pwede na pong pumunta ng reception." Napatingin kami sa wedding coordinator.
Hinawakan ko ang kamay ni Basty. Sumakay kami ng kotse niya at pumunta sa hotel kung saan gaganapin ang reception. Kaya dito rin kami matutulog ni Basty.
Masaya ang naging reception nila Martinez at Mads. Sabay sila nag-cut ng cake.
"A celebration is never complete without a toast and a bottle of good wine. Let us bring out the good wine and pour it into our glasses. Please, welcome, the best man, Sebastian Herrera and the maid of honor, Crystal Snow Lopez!" Sabi ng Emcee.
Magkahawak ang kamay na umakyat kami ng stage ni Basty. Hinawakan ko ang mic at ngumiti kay nila Mads at Martinez.
"Good evening everyone," Pagsisimula ko. "I just want to say that I am very happy to see my two best friends getting married. Naalala ko lang si Mads ang unang nag-approach sa akin noong bagong punta pa lang ako dito sa Isla. And I'm very happy that I met you. Congratulations ulit and be happy together. Nandito lang ako para sa inyong dalawa." Ngumiti ako sa kanila.
Binigay ko mic kay Basty.
He cleared his throat. "Hindi ko pa-pahabain pa 'to. To Mads and Martinez, we've been together since we were a child. Masaya ako na nasaksihan ko kung paano kayo mag-asaran at magbiruan dati na na-uwi sa ligawan at pagmamahalan. I am so proud for both of you and congratulations."
Niyakap ako ni Mads after. Kumakain na ang guests.
"Congrats again, Mads!" I giggle while hugging her.
"Sebastian, waiting kami sa kasal niyo ni Snow." Sambit ni Mads.
"Oo, Basty. Huwag mo ng patagalin!" Dagdag naman ni Martinez bago inakbayan si Mads.
"Soon. Hintay lang." Nakangiting sagot ni Basty.
"After ni kuya Caleb, Mads." Tugon ko.
Masayang natapos ang reception nila Mads at Martinez. Nag-suggest yung classmates namin na mag-stay sa likod ng hotel dahil nandoon ang pool.
"Mads, honeymoon na dapat natin! Hindi na tayo dapat kasali diyan!" Maktol ni Martinez.
Aalis na dapat sila for honeymoon ng sumama sa amin said Mads para bumambay sa pool. Kaya ayan nagrereklamo ang mister niya.
"Minsan ko makasama mga kaibigan ko ngayon, kaya pagbigyan mo na ako!" Pamimilit ni Mads habang papunta kami ng pool.
"Madison —"
"After nito pwede mo akong puyatin sa honeymoon. Kahit huwag na tayo ng lumabas ng room natin." Paglalambing ni Mads.
Natawa ako sa kanila. Wala ng nagawa si Martinez kundi ang sumunod sa gusto ni Mads.
"Sa honeymoon natin, gusto ko rin na hindi tayo lalabas ng kwarto natin." Mahinang bulong ni Basty sa tenga ko habang naka-akbay sa 'kin.
I rolled my eyes because of what he said.
"Ngayon pa nga lang, hindi mo na ko pinapalabas ng kwarto eh!" I whispered too.
"I just can't get over you." Bulong ulit bago dinampian ng halik balikat ko.
Napa-bungisngis tuloy ako sa ginawa niya.
"Madison and Martinez, masaya kayo! Bakit hindi niyo ako inimbita sa kasal niyo!"
Napatingin kami sa sumigaw. Nakita namin si Dennise na nakasimangot habang papalapit sa 'min.
"Hindi naman kita close, bakit kita iimbitahan?" Sarcastic na bulong ni Mads.
Natawa tuloy ako.
"Akala kasi namin, hindi ka na uuwi dito sa Pilipinas." Sagot ni Martinez.
"Oh well, I'm back!" Ani Dennise at makabuluhang tumingin sa 'kin.
"Sa pool area kami pupunta, sama ka?" Alok ni Mads.
Masayang tumango si Dennise. "Sure!"
Nagpatuloy kami sa paglalakad at pumunta sa pool area. May mga pagkain doon pagdating namin. Umupo kami sa upuan.
"Dennise, kailan ka bumalik?" Tanong ng mga tao doon.
"Kahapon lang." Sagot ni Dennise.
"Akala namin for good ka na sa America?" Tanong pa ng isa.
"For now, dito muna ako. I still have a business here." Ngumiti si Dennise sa 'kin.
Kanina ko pa siya napapansin. Yung mga tingin niya sa 'kin iba. Parang nang aasar.
"Uwi na tayo." Napatingin ako Basty na blanko ang ekspresyon ng mukha.
Parang bad trip siya.
"Akala ko ba dito muna tayo?" Tanong ko sa kanya
"Uwi na tayo sa bahay natin."
"Oh, I thought we were sleeping here. Malayo ang biyahe at gabi na." Sagot ko.
"Kaya ko pang mag-drive," Aniya. "Kunin mo na ang gamit natin, hahanda ang kotse."
Bigla na lang nag-iba ang mood niya. Hindi naman siya ganto kanina. Tumango ako bago tumayo.
"Saan ka pupunta, Snow?" Tanong ni Mads.
"Kukunin gamit ni Basty. Uuwi na kami." Sagot ko.
Nagulat siya sa sinabi ko kaya napatingin siya kay Basty na blanko pa rin ang ekspresyon.
"Akala ko ba dito kayo matutulog?" Nagtatakang tanong ni Mads.
"Uuwi na kami, Mads." Seryosong sagot ni Basty.
"Bakit kayo uuwi, Basty? Takot ka ba?" Biglang singit ni Dennise.
Naguguluhan ako sa nangyari. Bakit naging ganito si Basty? Bakit kanina pa nagpaparinig si Dennise?
"Ano ang ikaka-takot ni Basty?" Tumingin ako kay Dennise.
She smirked at me. "Takot siya sa—"
"Crystal, kunin mo na ang gamit natin!" Nagulat ako sa tono ng boses Basty.
"Basty, ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanya.
"Just get our things," Aniya. "Trust me."
Naglakad ko papalayo sa kanila. Umakyat ako sa 4th floor at kinuha ang mga gamit. Mabilis ako bumaba at bialikan ulit sila sa pool area.
Malayo pa lang ako sa kanila pero rinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Basty, tell us the truth. Ano bang nangyari?" Boses 'yon ni Mads.
Nakatayo lang ako malayo sa kanila. Feeling ko may tinatago sila sa 'kin.
"Wala akong dapat sabihin sa inyo." Mahinang sagot ni Basty.
"Basty, tell them. Sabihin mo na may nangyari sa 'tin!" Singit ni Dennise. "Natatakot ka lang sabihin kay Snow kasi alam mong maghihiwalay kayo once na malaman niya."
Parang akong ng hina sa narinig ko. Na bagsak ko ang dala kong bag. Lahat sila napatingin sa 'kin.
"Nandiyan na si Snow." Dennise scoffed. "Ngayon mo sabihin na may nangyari sa 'tin habang nasa America tayo."
Dahan-dahan akong lumapit kay Basty. Bakas ang gulat at takot mukha niya.
"H-hindi naman totoo lahat ng sinabi ni Dennise, diba?" I held his hand. "Tell me that she's just lying. Nagsisinungaling lang siya diba?"
Tumingin ako sa kanya. Nagmamakaawa na sabihin niya hindi totoo lahat ng sinabi ni Dennise.
"Basty, please magsabi ka na hindi totoo lahat ng sinabi niya!" Pinipigilan ko na huwag umiiyak.
Pero tuluyang tumulo ang luha ko ng dahan-dahan siyang tumango.
"I-I'm sorry. . ." He looked at me. "Crystal, I didn't mean to do that—"
Hindi ko siya pinatapos dahil sinampal ko siya.
"Selos-selos ka pa kay Nathan, samantalang wala kaming ginagawang masama." Pinunasan ko luha ko bago tumingin kay Dennise. "You succeed on your plan, congrats? Kadiri kayo!"
I was about to leave when Basty held my right hand.
"Crystal,"
"Please lang, layuan mo muna ako!" Marahas kong tinanggal ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko bago tumakbo papalayo sa lugar na 'yon.
Umiiyak ako habang palabas ng Hotel. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa sunod-sunod na pagtulo ng luha pero wala akong pakialam do'n.
Gusto ko lang lumayo sa lugar 'to. Umuwi ako sa bahay namin sa Manila. Madaling araw na ng makarating ako sa Manila.
Umiiyak pa rin ako. Hindi ko maisip na magagawa ni Basty 'to. Kaya pala ang aga niyang umuwi. Kaya pala iniwasan niya ako pag-uwi niya.
Kaya pala, dahil nakagawa siya ng kasalanan. He promised that he won't make me cry, but he still does.
Mas masakit pa 'tong nararamdaman ko ngayon kumpara noong nakita ko si Aaron na nakikipag sex sa ibang babae sa kwarto niya.
Doble-dobleng sakit ang naramdaman ko ngayon.
"Snow, what happened?"
Mabilis kong niyakap si Daddy nang makauwi ako sa bahay.
"D-dad, niloko niya ako!"
Humihikbi ako habang yakap siya. Hindi siya nag-salita or nagtanong. Hinaplos niya ang likod ko habang umiiyak ako.
"It's okay," Alo ni Daddy sa'kin. "You'll be fine."