CHAPTER 27: TIWALA

Nang makarating ako sa farm nila Basty ay mabilis akong tumakbo papunta ng factory nila. Napunta ako doon na wala ng tao. Tanging mga trabahador lang nila ang nandoon.

"Si Basty po?" Tanong ko sa isang trabahador nila.

"Ka-aalis lang po ma'am," Sagot sa akin. "Baka umuwi na yun."

Tumango ako bago lumabas ng farm. Sumakay ulit ako ng tricycle at pumunta sa bahay. Baka nandoon na si Basty dahil tanghali na at sabi niya na sabay kami ng kakain.

Nakarating ako ng bahay. Nagbayad ako sa tricycle driver at pumasok ng bahay. Nakita ko si Basty na nasa kusina, nagluluto.

Ngumiti siya ng makita akong pumasok sa kusina. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Tapos na kayo ni Mads? Saan ang nabili mong halaman?" Tanong niya at humiwalay sa akin.

"Nasa lamesa," Sagot ko.

Tumango siya bago binalikan ang niluluto niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagluluto siya. Parang wala siyang balak na sabihin ang tungkol sa pag-aaral niya sa US.

Naiinis ako dahil do'n!

"Dennise said that you're going to US to continue your study there." Simula ko. "So, kelan ka aalis?" Diretsong tanong ko.

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin.

"C-Crystal. . ." Nauutal na sambit niya.

"So, totoo? Aalis ka? Kelan mo balak sabihin sa akin? Pag-umalis ka na? Or wala ka talagang balak na sabihin sa akin?" Inis na sabi ko.

Ayokong makita niya na galit ako, pero hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko. Lumapit sa akin bago hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Hindi naman sa ganon. Humahanap lang ako ng paraan paano ka kakausapin sa bagay sa yun." Sagot niya.

"Kung hindi pa kami nag-kita ni Dennise, hindi ko pa malalaman."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hindi naman na ako tutuloy," Aniya.

Natigilan ako sa sinabi niya. "Hindi ka tutuloy sa pag-alis? Bakit?" Naguguluhan na tanong ko.

Sinapo niya ang mukha. "Hindi ako tutuloy sa America dahil ayokong iwan ka dito," Bulong niya.

"Basty, na galit ako kasi hindi mo sinabi sa akin agad. Pero hindi kita pipigilan na umalis." Hinampas ko siya dibdib.

"Matagal ng buo ang desisyon ko na hindi pag-patuloy ang pag-aaral sa America. Ayokong iwan ka dito. Ayokong magkalayo tayo." Aniya.

"Basty," Mahinang sambit ko. "Sayang yon. Malaking opportunity yun sayo lalo na sa farm niyo. Kailangan mo yon, kaya dapat ipagpatuloy mo."

Umiling siya. "Ayokong malayo sayo, Crystal. Hindi ko kaya hindi ka makita ng isang araw." Bulong niya.

"May technology naman, kaya araw-araw mo parin akong makikita. Pwede tayong mag-usap kahit malayo tayo." Sabi ko.

"No, ayoko."

"Basty, kailangan mo yun. Hindi ako papayag na tanggihan ang offer nila sayo kasi opportunity 'to." Marahan akong ngumiti sa kanya.

"Isa si Dennise sa mag ha-handle sa akin don. Kaya ko tinurn down ang offer, dahil kay Dennise. Ayokong magselos ka."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tila nawalan ako ng lakas ng marinig yun. Kaya ko na tiisin na malayo kay Basty, pero yung kasama niya si Dennise ay mukhang hindi ko kaya lalo na kung alam ko ang kaya niyang gawin.

"Crystal, I can't leave you." Dugtong niya bago ako dinampian ng halik sa noo.

Dumating ang Lunes na wala masyadong ginagawa sa school. Mabilis ang mga pangyayari at 3 weeks from now gra-graduate na kami. Maraming nangyari for the past few months.

Ayaw talaga na umalis ni Basty at pumunta ng Amerika para sa pag-aaral niya. Ilang beses ko siyang pinilit pero ayaw niya talaga. Ayokong maging selfish lalo na't kung para sa future ng farm nila Basty ang usapan.

Oo, ayokong makasama niya si Dennise pero kaya kong tinisin yun para sa farm nila. Ayoko lang na pagsisihan ni Basty 'to, dahil sa 'kin.

"Snow, una na ako sa cafeteria ah?" Napatingin ako kay Mads.

Tumango lang ako. Paalis na ko nang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad yun ng makita ng si Tito Wilson ang tumatawag.

"Hello po, Tito?" Bungad ko pag-kasagot ng tawag.

"Snow, pwede ka bang makausap?" Malumanay sa sabi niya.

Tumingin ako sa wrist watch ko bago sumagot. "Okay lang naman po Tito, tutal wala na po naming klase."

"I'll meet you in your house today." Sabi niya.

"Okay po." Sagot ko.

Hindi ako pumunta ng cafeteria at diretso ako sa bahay namin. Pagdating ko ay natanaw ko agad si Tito sa labas ng gate na nag-hihintay.

"Pasok po kayo." Sambit ko ng makalapit sa kanya.

Tumango lang siya. Kinuha ko ang susi para buksan ang gate. Sabay naming pumasok sa loob ng bahay.

"Maghahanda lang po ako ng maiinom niyo." Sabi ko pagpasok namin sa loob ng bahay.

Umiling si Tito. "Hindi na," Sagot niya. "Saglit lang naman 'to."

Ngumiti ako bago tumango. "Upo po tayo."

Umupo kami sa sofa. Kinakabahan ako sa pag-usapan namin ni Tito. Pero isa lang ang alam ko, tungkol kay Basty ang pag-usapan namin.

"I just want you to convince Basty about him studying in America." Pag-umpisa. "Maganda opportunity 'to hindi lang para sa farm kundi para rin sa kanya. Ayaw niyang umalis dahil ayaw ka niyang iwan, kaya kung pwede sana ay kumbinsihin mo siya."

Napayuko ako. "I'm sorry po, Tito," Sagot ko. "Tina-try ko naman po kumbinsihin siya kaso ayaw po talaga. Every time na ino-open ko po yung topic about diyan, ini-iba naman niya po."

Na gi-guilty tuloy ako. Dahil sa 'kin bakit ayaw umalis ni Basty. Mas pinipili niya ako kesa sa maganda future ng farm nila.

"Naiintindihan ko naman ang anak ko bakit ayaw ka niyang iwan," Bayaghang natawa si Tito. "Dumaan din kami diyan ng Mama niya. Ayokong iwan ang Mama niya para lang makapag-aral sa America. I know it's hard to be away from your loved ones but love requires sacrifice but it's worth it because we still ended up together."

Ngumiti si Tito sa 'kin. Alam ko naman ang mga sinasabi niya.

Ngumit rin ako. "I know, Tito. I'll try to convince him again. Kausapin ko po siya mamaya." Sabi ko.

Hinawakan ni Tito ang kamay ko. "Salamat, Snow," Aniya. "Iyon lang ang sasabihin ko. Mauna na ako."

Tumango ako bago hinatid si Tito sa labas, pero pag-labas namin ng bahay ay saktong papasok naman si Basty. Nang makita kami ay sumimangot ang mukha niya.

"Papa, naman! Pati ba naman si Snow kakausapin niyo para lang umalis ako?" Nakasimangot niagain. sambit.

"Tama naman ang Papa mo, Basty. Mahalaga 'to sa 'yo." Ako na ang nag-sabi.

"Crystal naman! Ilang beses ko ng sinabi na hindi kita kayang iwan!" Lumapit sa sa 'kin.

"Mauuna na ako, anak," Tumingin kami kay Tito. "Basty, you need to think about it." Aniya bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Crystal, okay lang sa 'yo na umalis ako?" Maktong niya ng nakapasok kami sa loob ng bahay.

Umupo ulit ako sa sofa. "Kung 'yon ang kayang gawin, edi gagawin ko." Sagot ko.

Umupo rin siya sa sofa. Nakabusangot ang niya habang naka-nguso.

"Ayokong iwan ka." Bulong niya.

Natawa ako sa kanya. "Alam ko naman 'yon," Sabi ko. "Pero kung kaya nga nila Tito at Tita dati na magkalayo rin sila. Bakit hindi kakayanin ngayon? May technology naman."

Bumuntong hininga niya. "Gusto ko naman talagang tanggapin yung offer. Tinanggap ko 'yon dati, kaso ayoko ko lang iwan kita. Nandoon rin si Dennise at alam ko na nagseselos ka tuwing magkasama kami at ayokong maramdaman 'yon."

Napangiti ako. Sobrang caring lang niya pagdating sa 'kin. Talagang ayaw niyang masaktan ako.

Sinapo ko ang mukha niya. "Thank you for loving me, Basty. Alam ko na ayaw mo akong saktan, pero hindi ka naman gagawa ng bagay na ikaka-galit or ikakainis ko habang nandoon ka. She tried to kiss you when you were drunk, but you pushed her away. I trust you."

Tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko mabasa ang kung anong iniisip niya. Naging blanko ang ekspresyon ng mukha niya.

Dahan-dahan siyang tumango maya-maya. "Okay," Bulong niya. "Tatanggapin ko ulit yung offer. Pero promised me one thing."

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Araw-araw tayong mag-uusap. Gusto ko na laging naririnig ang boses mo." Aniya.

Tumango ako bago siya niyakap. "Kung 'yan ang gusto mo. Gusto ko ring palagi kang kausap, eh!" Masayang sambit ko.

Humiwalay siya sa 'kin bago ako hinalikan ng mariin sa labi. I kissed him back. Naging malikot ang kamay niya. Napunta 'yon sa likod hanggang sa balikat, pababa sa dibdib ko at mariing pinisil 'yon.

"Hmm." I softly moaned.

"I think we should continue this in bed." He whispered.

Binuhat niya ako habang hinalikan at dinala sa kwarto. Naramdaman ko na lang ang na nakahiga ako sa malambot na kama, wala ng suot na damit habang nakadagan siya sa 'kin at hinalikan ako.

I moaned again when he entered me slowly. It felt so good to be inside him.

"I love you," He whispered.

And that day, I surrendered myself to him. Again and again.