Chapter 27: OFFER

Nagising ako kinabukasan na wala ulit si Basty sa tabi ko. Bumangon at lumabas ng kwarto. Nakita ko siya na nasa dining table at nakahawak sa ulo niya. May kape na nakalagay sa lamesa.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan na pwesto sa likod. Hinawakan ko ang sintido niya at marahan na minasahe iyon.

"Getting better?" Tanong ko habang patuloy na minamasahe ang sintido niya.

"Hmm," Marahan siyang tumango at uminom ng kape.

"Bakit ka naman kasi na lasing kagabi? Yan tuloy masakit ang ulo mo." Ani ko.

"Nag-celebrate lang kami dahil tapos na ang farm nila Jade. It means tapos na ang field study namin para sa project." Sagot niya.

Nang matapos ako sa paghihilot ng sintido niya ay umupo ako sa tapat niya.

"Basty, wala ka bang na aalaala kagabi?" Tanong ko.

Clueless siyang tumingin sa akin. Parang pilit na inaalala ang nangyari at mga sinabi niya kagabi habang laging niya.

"Wala akong maalala," Sagot niya. "May ginawa ba ko kagabi na hindi mo nagustuhan?"

"Wala ka talagang maalala na sinabi mo kagabi?" Tanong ko ulit.

Tumingin ako sa mga mata niya. Sinusuri kung magsisinungaling siya o hindi.

"Ano ba ang sinabi ko kagabi?"

Huminga ako ng malalim. I think he has the right to know. Gusto ring malaman kung ano ba talaga ang nangyari kagabi.

"Binanggit mo si Dennise kagabi habang lasing ka." Sabi ko. "Sinabi mo pa na she's trying to kiss you but you pushed her away because you love me and you don't want to hurt me."

Pinag-masdan ko ang reaskyon niya. He's confused but I can see in his eyes that he remembers what happened last night. Bahagya siyang nagulat.

"Basty, tell me what happened last night." Ani ko.

Tumayo siya sa upuan at lumapit sa akin. He kneel down in front of me and holds my hand.

"Totoo ba lahat ng sinabi mo kagabi habang lasing ka?" Tanong ko.

"Oo," Sagot niya. "Natapos kami sa project namin kagabi para sa farm. Nagyaya si Dennise na nag-celebrate kami since pinaghirapan namin na gawin at tapusin ang field study na yun. Tumanggi ako dahil gusto ko na umuwi agad, pero pinilit nila ko. Nag-karoon ng kaunting inuman tapos nalasing ako. Lumapit sa akin si Dennise and she's trying to kiss me but I pushed her away. Kahit na lasing ako, alam ko ang gusto niyang mangyari sa amin dalawa. She said that she loves me, simula pa daw noong highschool kami. She regrets that she rejected me when I'm courting her, that's why she came back here."

Nagtiim ang bangag ko sa narinig. Sabi na, eh! Kaya niya palaging ginugulo ang atensyon ni Basty sa akin, dahil mahal niya si Basty. Kaya pilot niyang sinisiksiok ang sarili niya kay Basty kahit ayaw sa kanya ng tao.

"Hey, wala namang ibang nangyari sa amin dalawa ni Dennise. Lumayo ako at nag-pahatid kay Simon dahil ayokong makita siya."

Tumingin siya sa mga mata ko. Sinalubong ko naman yun.

"Ayoko na kasama mo si Dennise sa totoo lang," Sabi ko. "Nag-seselos ako sa tuwing inaagaw niya ang atensyon at oras mo. Iniintindi ko lang dahil alam ko na ginagawa mo 'to para sa future mo at ng farm mo. I know, I'm being selfish but I really don't want to see you around her."

Sinapo niya ang mukha ko. "I'm doing this because of our future. Nangako ako sayo ulit ibigyan kita ng magandang future, kaya ginagawa ko 'to." Aniya. "Don't worry, dahil ngayon na tapos na ang field study namin hindi na ulit ako lalapit sa kanya."

Niyakap ko siya. "I just can't lose you, Basty. Mahal na mahal kita, kaya baka mabaliw ako once na mawala ka sa 'kin. I want you to be honest with me, dahil hindi ko kaya maloko ako ulit."

Naiiyak ako sa thoughts na lolokohin ako ni Basty kagaya ng ginawa sa akin ni Aaron. Hindi ko kakayanin pag nangyari yun. Hinding-hindi ko kaya.

"Wag ka nga mag-isip ng ganyan! Kahit kailan hindi kita lolokohin. Hinding-hindi ko gagawin ang ginawa sayo ni Aaron at lalong hindi ko ipaparanas sayo ang naramdaman mo kay Aaron dati. Hindi ko hahayaang masaktan ka."

Ngumiti kami sa isa't-isa. Alam ko na naman na hindi ako sasakyan ni Basty. Hindi niya ako lolokohin, dahil may tiwala ako sa kanya.

"Kung tapos na ang field study niyo, pwede mo na kami ng samahan ni Mads sa shop?" Pag-iiba ko ng topic.

"Tinapos ko talaga ang field study para sana samahan kayo ni Mads, pero si Papa nag-papatulong sa factory namin."

"Totoo ba yan? Sabi mo kahapon si Dennise ang kasama mo ngayon?"

Tumawa siya bago pinakita ang message ni Tito Wilson. "Ka-text ko si Papa kanina lang," Sabi niya.

"Kami na lang ni Mads ang bahala," Nakangiti na tugon ko sa kanya.

"Impokrita talaga ang babae na yan! Buti na lang at honest talaga si Basty at loyal sayo!" Inis na sambit ni Mads.

Nandito kami sa shop. Nag-hahanap ng halaman na pwedeng i-paint. Ang gusto kasi ni Ma'am Alvarez ay yung may meaning para mas creative.

"Buti na lang talaga," Sang-ayon ko sa kanya.

"Kung ako ang nasa posisyon mo, baka nasabunutan ko si Dennise pag nakita ko siya. Ang kapal ng mukha! Reject-reject niya si Basty ng nanliligaw sa kanya, tapos naninira ng relasyon ngayon! Ka-imbyerna!"

"Easy ka lang, Mads."

Mas mukha pa siyang galit kesa sa akin, eh. Hindi ko siya masisisi dahil kaibigan ko siya at kahit sino naman yata ay maiinis kay Dennise.

"Kumukulo talaga ang dugo ko diyan kay Dennise!" Inis parin na sambit niya bago tinuro yung isang halaman. "Okay na 'to?"

Isang Climbers plants ang tinuro niya na kulay purple.

Tumango ako. "Maganda, ikaw na lang dumiskarte kung paano niya pa-pagandahin." Sagot ko.

"Ang arte-arte kasi ni Ma'am Alvarez, eh! Kung hindi lang major subject ang hawak niya, hindi ko ipapasa 'tong arts, eh!" Inis na napakamot siya sa maikli niyang buhok.

Natawa sa kanya bago tinapik-tapik sa likod.

"Okay lang yan. Malapit na tayong grumaduate, kaya konting tiis na lang." Sabi ko sa kanya.

"Doon tayo sa kabilang side, baka may makita tayong maganda dun."

Sumunod ako sa kanya at pumunta sa kabilang side kung saan nandoon ang iba't-ibanh uri ng halaman.

"Ito na lang, oh!" Tinuro ang Aponogeton Distachyos na isang uri ng Aquatic plants.

"Maganda nga 'to! Ito na lang ang gagawin ko." Sang-ayon ni Mads bago kinuha iyon. "Ano sayo?"

Kinuha ko ang Bletilla Striata 'Alba' na isang uri ng Bulbs, Orchids plants.

"Ito na lang siguro, dahil simple lang siya na i-drawing. Hindi ako mahihirapan." Nakangiti na sambit ko.

Pumunta kami sa counter para magbayad. Palabas na kami ng shop ng sikuhin ako ni Mads.

"Speaking of the devil," Bulong niya at pa-simpleng tinuro ni Dennise.

Mukhang nakita kami ng Dennise dahil ngumiti siya sa gawi namin bago lumapit.

"Anong ginagawa niyo dito?" Nakangiting tanong niya.

"Bumili lang ng halaman para sa arts project namin," Sagot niya Mads.

"Snow, okay lang ba si Basty? Sobrang nalasing siya kagabi." Tumingin siya sa akin.

I smirk. "Yeah, he got drunk because someone is trying to seduce him. But don't worry, he's okay now." Sagot ko.

Natigilan siya. Tila alam na niya na alam ang ginawa niya kay Basty kagabi.

Nang makabawi siya ay ngumiti sa akin. "Snow, he's the one whose trying to seduce me. Napagkamalan niya akong ikaw, kaya pinahatid ko na siya kay Simon."

Napairap ako sa kasinungalingan niya. "Stop lying, Dennise. Anong akala mo? Magsisinungaling sa akin si Basty? Sorry, but he will never to that. Stay away from my boyfriend. Siguro naman hindi masyadong makapal ang mukha mo para ipagsiksikan ang sarili sa relasyon namin."

Matalim ko siyang tiningnan. Hindi ko kayang makita ang peke niyang ngiti. Napaka-plastik niya!

"Ako ang una niyang nagustuhan," Matalim din siyang tumingin sa akin.

Ngumisi ako sa sinabi niya.

I crossed my arms. "Ikaw nga ang una niyang nagustuhan, pero binaliwala mo yun. Ikaw ang unang gusto niya, pero ako ang mahal niya ngayon. Ginusto ka lang, samantalang minahal ako ni Basty."

Nag-tiim ang bagang niya sa mga sinabi ko.

"Huwag kang masyadong pakampante, Snow. Sa tingin mo ba sinabi na sayo ni Basty halos lahat nangyari sa kanya?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Hindi niya kailangan sabihin sa 'kin lahat ng galaw niya. I know he's honest enough to tell everything." Ani ko.

Ngumisi siya. "Talaga ba?" Pang-aasar niya. "Alam mo bang pupunta siya ng America after graduation para ipag-patuloy ang pag-aaral ng agriculture?"

Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Wala sa aking sinabi si Basty about diyan.

Hindi nawala ang ngisi niya sa labi. "Bases on your reaction, it seems like you don't know about that." Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Now you know," She whispered before she start walking away from us.

Tumingin ako kay Mads. "Alam mo ba ang tungkol dito?" Tanong ko.

"Oo, pero ang alam ko tinanggihan niya yung offer." Sagot niya. "3rd college pa lang kami simula ng offeran siya tungkol sa pag-aaral sa US. Tinanggihan niya dahil ayaw niyang malayo sa parents niya at sakto naman daw ang knowledge niya about agriculture para maayos ang farm nila once siya na ang magpatakbo nito. Hindi ko alam natanggap na niya yung offer. Wala siyang sinasabi sa amin ni Martinez."

"Salamat sa pag-sabi sa akin ng totoo," Bahagya akong ngumiti.

"Kausapin mo na lang si Basty tungkol diyan."

Tumango ako. "Mauna na ako, ah?"

"Sige, okay lang. Ingat ka!"

Sumakay ako tricycle at pumunta sa farm nila Basty. kailangan kong malaman ang totoo.