CHAPTER 25: HINDI PAPAYAG
One month had already passed. Natapos ang quarterly exam namin at nasa last quarter na kami. After nito ay graduation na namin. Sobrang bilis ng panahon. 2 months from now, ga-graduate na kami.
Maraming nangyari sa loob ng one month. Sila Martinez at Mads ay going strong parin. Natanggap na ni Mads ang magiging trabaho niya sa Manila. After ng graduation ay pwede na siyang pumasok as a intern sa company na papasukan niya. Ang sabi nila ni Martinez ay sabay silang aalis papuntang Manila, dahil baka hanap na rin ng matutuluyan doon.
Kami ni Basty ay okay rin. Medyo komplikado nga lang minsan, dahil kay Dennise. Ewan. She just tries to make a scene sometimes. Papansin siya kumbaga kay Basty. Gusto niya laging nasa kanya ang atensyon ni Basty.
Minsan lagi silang magkasama dahil nga sa field study ni Basty. Kailangan na laging nandoon si Dennise dahil siya ang nag ga-guide kaynila Basty. Kaso, hindi ko talaga kayang hindi magselos lalo na't papansin si Dennise.
Pinag-mumukha niya na mas close sila ni Basty. Eh, ako kaya ang girlfriend! Ayoko lang na mag-away kami Basty dahil lang sa papansin siya sa relasyon namin.
"Snow, ako na diyan." Napatingin ako kay Matthew.
Kasama ko siya sa trabaho dito sa store. Last week siya nag-simula ng trabaho niya. Trainee pa lang siya, kaya gina-guide ko siya sa pag-aayos ng mga pagkain sa shelf at lalo na counter dahil baka mamali siya once na mag-isa na lang siya.
"Sure ka?" Tanong ko.
Tumango siya kaya hinayaan ko siya na-ayusin ang mga pagkain sa instant noodles sa shelf nito. Pumunta ako ng counter para ayusin ang dapat na ayusin. Magsasara na kasi ang store kaya naglilinis na lang kami.
After namin na malinis ang store ay sinara na namin iyon. Ni-lock namin ng maayos ang store.
"Snow, gusto mo hatid na kita?" Alok ni Matthew.
Ngumiti ako bago umiling. "Hindi na. Salamat na lang Matthew, pero kasi sa kabilang kanto lang bahay ko."
"Sige, ingat ka na lang."
"Ikaw rin," Sabi ko at nag-simula na naglakad.
Sa paglalakad ko ay nakita ko si Basty na baka-sandal sa posted malapit sa bahay namin at nakapa-bulsa. Ngumiti ako bago siya nilapitan at niyakap.
"Hinihintay mo ako?" Tanong ko sa kanya at humiwalay sa pagka-kayakap sa kanya.
Tumango siya. "Kararating ko din,"
Hinawakan niya ang kamay ko bago kami sabay na pumasok sa loob ng bahay. Naligo ako agad pagdating namin. Paglabas ko ng banyo ay tapos ng magluto si Basty ng pagkain namin.
Nag-suot ako ng pajama at pantulog ko na damit at lumabas ng kwarto. Umupo ako sa tapat ni Basty at sabay kami na kumain.
After namin na kumain, siya naman ang nag-linis ng katawan niya. Kinuha ko ang laptop ko at tiningnan ulit ang gagawin namin na arts para sa last project namin sa arts.
Pumasok si Basty sa kwarto ko habang hawak ang towel at pinupunasan ang bass niyang buhok.
"Ako na," Ani ko at kinuha sa kanya ang towel.
Pinatay ko ang laptop ko at nilagay iyon sa night stand bago pumunta sa likod niya. Umupo siya sa kama habang nakatalikod sa akin.
"Sasamahan mo kami ni Mads sa makawala sa shop diba?" Tanong ko sa kanya.
Mag ka-canvas kasi bukas para sa gagawin namin sa arts project namin. Something with halaman ang kailangan namin na i-paint. May alam si Basty kung sa mga halaman, kaya siya ang sasama sa amin Mads.
"May gagawin kami ni Dennise bukas, Crystal." Mahinang sambit niya.
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. Humarap siya sa akin kaya nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ko.
"Important kasi yung gagawin namin sa farm. Sorry,"
"Bakit ba lagi siyang umi-eksena sa atin? Sabi mo wala kang gagawin bukas kaya pumayag ka." Na pa-irap ako sa inis.
Kagaya ng birthday ni Mads noong nakaraang linggo. Sabi niya sabay kami ng pupunta dahil ang gusto ni Mads, din kami matulog sa bahay nila. Hindi natuloy yun dahil may gagawin daw sila sa farm ni Dennise, kaya ayun! Hinatid ako nila Mads dito sa bahay.
"Saktong biglaan lang, Crystal." Hinawakan niya ang kamay ko.
Gusto ko na minsan na maging selfish kay Basty. Alam ko na hindi pwede, dahil kailangan ko na intindihin na para 'to sa farm nila. Ayaw niyang ma-dissapoint sila Tito at Tita sa kanya, kaya ayoko ring humarang sa gusto niya.
"Sorry na," Niyakap niya ako.
"Ano pa nga ba ang gagawin ko? Naiintindihan kita."
Humiwalay siya sa akin. "Salamat! Promise, next time hindi na nangyayari 'to."
Tumango ako. Wala naman akong magawa kundi ang intindihin siya.
Hinalikan niya ako sa labi. Gumanti ako. Dahan-dahan at marahan niya akong hinalikan. Nang bumaba ang halik niya sa leeg ko ay tinigilan ko siya.
Nagtatanong ang mga mata niya na tumingin sa akin.
"I can't," Bulong ko. "I'm on my period today."
Marahan siyang tumango bago ngumiti. "Sayang! Marami pa naman akong dala nito," Tinaas niya ang hawak na boxes full of condom.
Namula ang pisngi ko sa nakita.
"Basty!" Hinampas ko siya sa braso.
"Why? Proteksyon 'to!" Inosenteng sambit niya bago tinabi ang box.
Pinahiga niya ako sa dibdib niya. "Hindi naman kita na pipilitin na gawin yun, kaya magagamit lang natin yun pag gusto mo rin."
Natawa ako. "Sira ka talaga!"
Kinabukasan wala na si Basty sa tabi ko. For sure nasa farm na yun, dahil mamayang hapon pa ang class niya. Lumabas ako ng kwarto at nakita ang note ni Basty kasama ang luto niya na pancakes.
Good morning, Crystal! See you later. I love you.
With smiling face emoji pa ang dulo ng note niya. Napangiti ako bago kumain at naligo after. Nang maayos ko ang sarili ko ay pumasok na ako sa school.
Nakita ko si Mads na nasa bench ng basketball court ng campus.
"Snow, yung lakad natin bukas. Kasama ba si Basty?" Bungad niya sa akin.
Umiling ako bago umupo sa tabi niya. "Hindi nga, eh. May gagawin daw sila sa farm."
"Busy na masyado, no? Lapit na kasi ng graduation, eh!"
Tumango ako. "Kaya tayo lang bukas. Magtanong na lang tayo sa store ng shops kung anong magandang halaman na pwedeng i-paint." Sabi ko.
Nag-simula ang klase namin ni Mads. Buong maghapon ay naging busy dahil lahat ng professor namin ay nag-turo. Natapos ang klase kaya nag-hiwalay kami ni Mads. May trabaho pa ako habang si Mads ay pupunta kay Martinez.
"Ba-bye! See you tomorrow, Snow!" Paalam niya sa akin.
Nag-simula ang trabaho ko na busy, dahil maraming customer ang pumunta ng store. Kami dalawa lang ulit ni Matthew.
After matapos ng trabaho namin ay nag-linis kami at sinara ang store. Umuwi ako sa bahay na wala pa si Basty kaya mag-isa lang ako na kumain.
It's already 12 AM, pero wala parin si Basty. Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto para tawagan siya ng may kumatok sa pinto.
Hawak ang cellphone ko ay pumunta ako ng pinto para buksan iyon. Bumungad sa akin si Simon na na ka-alalay kay Basty. Lasing na lasing si Basty.
"Anong nangyari? Bakit lasing si Basty?" Tanong ko at tinulungan na alalayan si Simon kay Basty.
"Nag-katuwaan lang dahil tapos na ang project namin." Sagot niya.
Dahan-dahan namin na pinahiga si Basty sa kama.
Humarapa ako kay Simon. "Salamat sa paghatid sa kanya." Ani ko.
Ngumiti lang siya. "No problem! Dapat si Dennise ang maghahatid sa kanya, kaso ayaw ni Basty." Bahagya itong natawa. "Mukhang may topak dahil lasing."
"Sige na, ako na ang bahala sa kanya. Ingat sa pag-uwi."
Hinatid ko si Simon sa labas at muling bumalik sa kwarto. Nakahilata si Basty sa kama at mukha nakatulog na sa sobrang kalasingan. Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan na i-unbutton ang suot niyang blue na long sleeve.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-tatanggal ng butones ng damit ng hawakan niya ang kamay ko.
"W-wag, Dennise," Bulong niya habang pinipigilan ako sa ginawa ko.
I frowned because of what he said.
"Basty, ako 'to." Sabi ko.
Marahan siyang umiling, pero nakapikit parin ang mga mata niya.
"I have a girlfriend and I don't want to hurt Crystal, so p-please stop doing this." Tinanggal niya ulit ang kamay ko. "M-mahal ko si Crystal."
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit niya sinasabi 'to. Isa pa, pinag-kakamalan niya na ako si Dennise.
"Ako nga 'to!" Ulit ko.
"You can't seduce me, Dennise. Ka-kahit lasing pa ko, hindi mo magagawa sa akin yun."
Nayukom ko ang kamay ko sa narinig. I can't believe that Dennise would go this far! Napakasama niya na tao!
Akala ko atensyon lang ni Basty ang gusto niyang kunin sa akin. Si Basty talaga ang gusto niya.
Sinapo ko ang mukha ni Basty. "Ako nga yung girlfriend mo. Ako 'to, si Crystal." Bulong ko.
Dahan-dahan na minulat niya ang mga mata niya. "C-Crystal?"
Tumango ako. Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap.
"Akala ko si Dennise," Sabi niya.
"B-bakit? May ginawa ba siya sayo?" Nauutal na tanong ko.
"She tried to kiss me," Sagot niya. "Pero tinulak ko kasi ikaw lang dapat hahalik sa akin."
Mariin kong pinikit ang mata ko. Galit ako dahil sa ginawa ni Dennise kay Basty, pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil kahit lasing si Basty ay hindi niya hinayaan na mangyari ang gusto ni Dennise.
Hindi ako papayag na gawin 'to ulit ni Dennise!