CHAPTER 19: SWEET

Last day na namin sa school ngayon, kaya pinag-usapan na namin ang magiging project na gagawin namin next month after ng Christmas break. Ka-partner ko si Ronan at Alex para sa project namin.

After class ay pupunta kami ng bahay nila Ronan para pag-usapan ang project. Nandito kami sa cafeteria dahil break time.

"Pwede naman kayong sa bahay. Bakit sa bahay pa nila Ronan?" Maktol ni Basty.

"Eh, kasi nandoon ang mga kailangan namin at ang ate niya ang napili namin para sa interview." Sagot ko.

Eh, paano nagseselos kay Ronan. Hindi parin niya makalimutan ang nangyari noong birthday ni Tita Grace.

"May gusto sayo si Ronan, Crystal!" Para siyang bata na ina-asta niya ngayon.

"Ano naman kung meron? Wala naman akong gusto sa kanya!" Napa-irap ako sa mga sinabi ni Basty.

"Wala akong tiwala sa kanya," Ulit niya.

Ilang beses na niyang sinabi yan.

"Sebastian, ang sabihin mo nag-seselos ka lang. Project ang gagawin nila hindi sila maglalandian sa bahay ni Ronan." Si Martinez iyon habang kumain.

"Tsaka, saglit lang naman nawawala yang si Snow. Mamayang gabi ay uuwi siya sayo." Sunod na sambit ni Mads.

"Si Ronan ang lalandi kay Snow," Ngumuso siya na parang bata.

Natapos ang break time na nagrereklamo parin si Basty. Hinatid ko siya sa room nila dahil gusto daw niya. Pinayagan ko na dahil nagpapa-baby na naman siya.

"Talaga bang kailangan na si Ronan ang partner mo? Wala na bang iba? Si Mads nalang." Huminto kami sa tapat ng room nila.

Nakatawa ako. "Ang kulit mo! Si Ma'am ang nag-assign ng magiging partner namin."

"Saglit ka lang don," Aniya.

"Opo, saglit lang ako." Kinurot ko ang ilong niya. "Punta na ako ng room."

Paalis na dapat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.

"Goodbye kiss ko," Sabi niya at tinuro ang labi niya.

Natawa ako bago tumingkayad at dinampian ng mabilis na halik ang labi niya.

"Okay na?"

Masaya siyang ngumiti bago tumango. Umalis ako ng building nila at pumunta ng room namin. Natapos ang klase namin at dumiretso kami sa bahay nila Ronan para sa project.

"Until 7PM lang ako," Sabi ni Alex. "Alam niyo ag strict ang parents ko. May curfew tayo." Dugto niya bago tumawa.

Pumayag kami ni Ronan na until 7PM lang namin pag-usapan ang project. Gusto ko ring umuwi ng maaga, dahil pagod na pagod ang katawan ko.

Ang daming school activities tapos pagod pa ako sa trabaho kami. Hindi ako naka-upo dahil sa dami ng customers ng store.

Matatapos na kami sa para sa project namin nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'to mula sa bag at nakitang si Daddy ang tumatawag.

"Hello, Dad," Sabi ko nang masagot ang tawag.

"Snow, ang kuya mo. . ." He said, "Na-aksidente."

Na patayo ako bago kinuha ang mga gamit ko. "D-dad, papunta na po ako diyan." Naluluhang sambit ko bago pinatay ang tawag

"Guys, muna na ako ah? Ma-may emergency lang."

Hindi ko hinintay na makasagot sila Alex at Ronan, mabilis akong tumakbo pa labas ng bahay. Nag-book ako ng ticket papuntang Manila.

Pumunta ako ng airport. Nang makasakay sa airplane ay do'n ako umiyak. Bumalik lahat ng nararamdaman ko ng maaksidente ang Mommy 10 years ago.

Natatakot ako para sa kuya ko ngayon. Baka kung anong mangyari sa kuya ko. Hindi ko kakayanin na pati siya mawala samin ni Daddy.

Hindi ko kaya.

Nang makarating ako ng Maynila ay agad ako sumakay ng taxi papunta sa tinext ni Daddy na Hospital kung saan naka confined si kuya. Patakbo akong pumasok sa loob ng Hospital at hinanap si Dad.

"Kamusta po si Kuya?" Tanong ko kay Daddy.

"Nasa maayos na ang kalagayan niya, pero wala pa rin siyang malay ngayon." Sagot ni Daddy.

Niyakap ko Daddy. "A-akala ko po kung anong ng nangyari kay kuya." Naiiyak na sambit ko.

"Your brother is fine now," Pag-aalo niya sa 'kin. "Dapat hindi kana pumunta pa rito."

"Mag-alala po ako kay kuya, Daddy." Sagot ko.

"Kumain kana ba?" Tanong niya at humiwalay sa pag-kakayakap sa 'kin.

"Hindi pa nga po, eh. Dumiretso po ako agad dito nang tumawag kayo." Pinunasan ko ang luha ko.

"I'll go get some food to eat. Ikaw muna ang magbantay sa kuya mo." Aniya.

Tumango ako bago pumasok ng kwarto ni kuya. Nakahiga si kuya sa hospital bed at walang malay. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay.

Napatingin ako sa pinto nang may pumasok roon. Isang babaeng nakasuot ng denim jeans at oversized shirt. Nag-aalala ang mukha na pumunta siya sa kuya ko.

"Siraulo ka, Caleb! Nagbibiro lang ako kanina, eh. Gumising ka diyan!" Umiiyak ito habang hawak ang kamay ng kuya ko.

Hindi niya yata napansin na nandito ako dahil diretso ang tingin niya sa kuya ko.

"S-sino po kayo?" Tanong ko.

Napansin niya ako at parang nahiya ng nakita ako.

"I-i'm Christine," Mahinang sambit niya. "I'm his girlfriend."

Halos malalaglag ang panga ko dahil sa gulat.

"M-may girlfriend ang kuya ko?" Gulat na tanong ko.

Wala naman kasi siyang sinasabing may gusto siya or may nililigawan siya eh. Mahinang natawa ang babaeng kaharap ko na girlfriend daw ni kuya.

"One year na kami." Sagot niya sa 'kin.

Napanganga ako sa mga sinabi niya. I can't believe na may long time girlfriend ang kuya ko ng hindi ko nalalaman.

"You're here," Napatingin kami kay kuya ng gumising siya.

"I'm sorry for what I've said earlier. I didn't mean that." Naiiyak na sambit ni Christine. "Okay ka na ba?"

"Minor injuries lang naman ang natamo ko. I'm fine." Sagot ni kuya.

Hinampas ko si kuya sa kamay niya. "Wala kang sinasabi sa 'kin na may girlfriend ka?" Sigaw ko sa kanya.

Mahina siyang natawa. "You're here too?"

"Syempre nag-aalala ako sayo! May sikreto ka palang tinatago samin ni Dad!" Sigaw ko ulit.

"Oh, ikaw nga rin may boyfriend sa lsla Esme, diba? May sikreto ka ring tinatago samin ni Dad." Ang look ng asar pa.

"Oh sh*t!" Naalala ko si Basty na naiwan sa isla. "Hindi ko nasabi kay Basty na nandito ako sa Manila!" Bulaslas ko.

"About that," Napatingin kami kay Dad na kakapasok lang kwarto. "I need to talk to you." Seryosong sambit ni Dad bago nilagay ang palang pagkain sa table.

Wala akong magawa kundi ang sumunod kay Daddy.

"Lagot ka!" Pang-aasar ulit ni kuya.

Inirapan ko bago lumabas ng kwarto. Nakaupo si Dad sa upuan sa labas ng kwarto. Tumabi ako sa kanya.

"So, you have a boyfriend in Isla Esme?" Unang tanong ni Dad.

"Opo," Nakayukong sagot ko.

"Kelan pa?" Tanong niya ulit.

"One week na po," Sagot ko ulit.

"Anak, kaka-galing mo lang sa break up one month ago and now you're in a relationship again?" Tumingin sa 'kin si Dad.

"Dad, Basty is different. Magkaiba sila ni Aaron dahil mabait si Basty at hindi niya ko sasakyan." Sabi ko. "Basty is really a good man, Dad. Siya ang reason bakit na-iibsan ang pag-miss ko sa inyo ni kuya. He makes me laugh all the time."

"But you're living together?"

Ngumuso ako. "About that," Pag-uumpisa ko. "Hindi pa kami ay nakatira na siya sa bahay na inuupahan ko sa isla. Hindi naman kami tabi na natutulog, eh"

Ngumisi ang Daddy. "Oh, bakit parang defensive ka na hindi kayo tabi na natutulog."

"Hindi naman po talaga kami tabi na natutulog. Tapos wala kaming ginagawang masama!" Depensa ko.

"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako."

"Wala naman kasi talaga!" Sagot ko.

"Oh, sige na. I know you're not lying. Ang sa akin lang, anak, be careful of your heart. I don't want you to be heartbroken again." Niyakap ako ni Daddy.

Ngumiti ako sa kanya. "Don't worry, Dad, Basty will never hurt me." Proud na sabi ko.

"Tawagan mo na ang boyfriend mo at baka hinahanap ka na no'n. Pagkatapos ay kumain kana." Aniya bago tumayo at pumasok sa kwarto ni kuya.

Kinuha ko ang cellphone ko bago tinawagan si Basty.

"Damn it, Crystal! Where are you?" Nag-aalala na tanong niya sa kabilang linya.

"I'm in Manila," Sagot ko. "I'm sorry I didn't tell you. Nawala sa isip ko na nag-sabi sayo kasi sobra akong mag-alala kay kuya. Naaksidente siya, eh."

"Pupunta ako diyan."

"Sa Sunday ka nalang pumunta dito, dahil iyon naman dapat talaga ang alis natin." Pigil ko sa kanya. "Anong oras na ngayon."

"But. . ."

"Basty, hindi mo alam ang Manila. Baka mapano ka pa pag-pumunta ka ngayon. Susunduin kita sa airport sa Sunday." I said to him,

I heard him sigh. "Okay, but careful there okay?"

"Oo, don't worry." Sagot ko. "I'll see you on Sunday. I love you,"

"I love you too," Sagot niya sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.