Epilogue

Hingal na hingal si Alessandro nang ibaba si Lisa sa bangka. Dalawang buwan na ang triplets nila at tumakas muna sila para mamangka. Nasa Santuario de Santiago sila at iniwan muna nila sa mga magulang niya ang mga anak nila. Dumalaw kasi ito sa kanila ng kanyang Kuya Leandro. May mga kasambahay naman sa bahay ng asawa niya na hiniram muna nila sa mga magulang nito kaya may kasama ang mga babies nila.

“Ang ganda dito, Les.”

“Oo, parang ang misis ko lang.”

“Bolero!”

“Ayaw ding maniwala. Ito pala ang sinasabi kong isa ko pang safe haven. Hindi pa ito Santuario de Santiago. Paborito naming tambayan ito,” tukoy nito sa mga kaibigan. “Dito rin namin nakilala sina Tatay Tiyago at Nanay Vicky,” tukoy naman nito sa tatay-tatayan at nanay-nanayan ng mga ito. Nakilala niya ang mga ito nang magpakasal sila pero hindi naman niya nakausap masyado dahil sumumpong pa bigla ang rayuma ni Nanay Vicky. Nang muli silang magpakasal ay mas nakilala at nakausap niya pa ang mga ito. Mababait ang mga ito at parang pangalawang magulang na niya bukod sa mga biyenan niya.

“Les, punta rin tayo sa kanila pagkatapos nating mamangka ha.”

“Ang layo eh baka mabinat ka,” nakangiting sabi nito at itinigil ang bangka malapit sa talon. “Gusto ko dito kasi iyung mga asungot kong kaibigan mas gusto doon sa kabilang bahagi." Parang paraiso ang ilog kung titingnan kaya natawa pa siya nang malaman kung bakit bihira ang mga taong napadpad sa lugar na iyon.

“I love you, Les.”

“I love you, too, my wife.” Lalo pa siyang kinabig nito at isinandal sa dibdib nito. Masarap talaga sa pakiramdam na makulong sa mga bisig nito.

“Les?”

“Hmm?”

“Please punta muna tayo kina Tatay Tiyago at Nanay Vicky.”

“Magpa-checkup muna tayo ha. Sobrang layo na lakaran iyon. Ewan ko ba diyan kina tatay kung bakit gustong magkulong diyan sa gubat.”

“Fifteen minutes lang na lakad, sobrang layo agad?”

“Bagong panganak ka nga, bulinggit.”

“Na-miss ko iyan. Les, baba tayo doon,” aniya at itinuro ang bahaging maraming makukulay na bulaklak. Sumunod naman din ito at bumaba sila ng bangka. “Les, sure ka bang ayaw mong pumunta tayo kina Tatay Tiyago at Nanay Vicky.”

“Oo, huwag nang makulit. Ako muna ang boss,” anito at inalalayan siyang makaupo nang mailatag ang banig. Umupo na rin ito.

“Are you sure?” Itinulak niya ito kaya napahiga ito at pumuwesto siya sa ibabaw nito.

“W-wife, b-bawal pa,” anito na halatang nag-pa-panic.

“Pwede na yata,” pilyang sabi niya at hinubad ang shirt nito. Siniil niya ito ng halik sa mga labi. “Pwede na ba tayong pumunta kina tatay at nanay.” Naglandas ang mga labi niya sa leeg nito papunta sa maskuladong dibdib nito.

“P-pwede. Y-you’re the boss.”

“Totoo?”

“Totoo.”

“Mabuti naman,” aniya at natatawang umupo na. Nakasimangot na bumangon ito.

“You tricked me again. Pilya ka talaga porket alam mong ikaw ang weakness ko. You always get what you want.”

“Alam mo iyan. But even if we can’t make love yet, I know how I can help you.” Nagtatanong ang mga matang tumingin ito pero agad itong napangisi nang ibaba niya ang zipper ng walking shorts nito.

“A-are you sure?”

“Duh? Para namang ayaw mo! Dati sa school may pa-suck my cock-suck-my-cock ka pa!”

“Dati iyon saka iba ka eh.”

“I already did it many times.”

“Oo na. Saka na. Punta na lang tayo kina Tatay at Nanay,” nakangiting sabi nito at muli silang sumakay at nagsagwan ito.

“Ang macho pa rin. Parang hindi pa daddy,” natatawa niyang sabi habang pinipisil ang maskuladong dibdib nito at ang abs nito.

“Sabi ko naman sa ‘yo eh macho gwapito ang asawa mo eh.”

“Hoy! Pati dito sa ilog, hindi mo pinalampas, Alessandro.”

Natawa na siya nang makitang si Apollo iyon at nakasimangot. May kasama itong babaeng singkit na kahawig ni Princess Mako ng Japan pero para sa kanya ay mas magandang version ang kasama nito. “Wala kaming ginawang kalokohan, Apollo,” sagot niya habang nakataas ang kanang kamay niya.

“May tiwala ako sa ‘yo pero sa asawa mo, wala,” nakasimangot pa ring sabi nito.

“Wala nga, promise, ‘Tol. Usapan natin iyan. Itong misis ko makulit eh mang-aakit para pumayag akong pumunta kami ngayon kina Tatay at Nanay.”

“I see.”

“Mat-Mat, saan iyon?”

“Sama kayo,” paanyaya niya.

“Ahh wala lang din iyon,” sabi lang nito sa kasamang babae. Nagkatinginan na lang din sila ni Alessandro nang mapansin nilang naging malikot ang mga mata nito. Naalala niya ang usapan ng mga ito na ikinuwento rin sa kanya ng asawa. “Kayo na muna,” baling nito sa kanila.

“Sama tayo, Mat-Mat,” sabi ng babae at kinulit nang kinulit si Apollo na napasimangot na lang at napailing.

“Mat-Mat?” Nakangising tanong ni Alessandro.

“Mat-Mat, short for Matteo,” magiliw na sabi nito bago muling lumingon sa nakasimangot na lalaki.

“Hi, Mat-Mat,” sabay na bati nilang mag-asawa.

“Shut up!” Parang bubuga na ng apoy si Apollo sa inis sa kanila.

“Alis na tayo, misis. Nagagalit na si Mat-Mat,” humahalakhak na sabi ni Alessandro sa kanya kaya naiinis na nagsagwan palayo na lang din si Apollo.

Pagdating nila doon ay nasa hardin ang mag-asawa na parang mga teenagers kung maglambingan. Nagkumustahan muna sila hanggang sa magkuwentuhan pa sila nang mahigit isang oras bago ipaalala ng mga ito ang tungkol sa isang kuwarto at kontrata. “Ay oo nga pala! Nakalimutan ko,” natatawang sabi ng asawa niya. “Dadalhin ko po muna doon si misis,” sabi nito na tinanguan lang ng mag-asawa.

Pagpasok nila doon ay agad na nilbot niya iyon ng tingin. Napangiti na siya nang makitang puro mga pictures ng mga itong magkakaibigan ang nasa frame. May mga nakasabit sa pader at may mga nakadisplay lang sa ibabaw ng mesa. “Napaka-sweet niyong magkakaibigan.”

“Ako ang pinaka-sweet sa amin.”

“Mukha nga.”

“Mga kapatid ko iyan at mahal na mahal ko rin. Kaya nga kahit binugbog ako ng kuya mo okay lang lalo na at ang babaeng mahal na mahal ko ang nakasalalay.”

“Napaka-sweet naman ng mister ko,” aniya at ipinaikot ang isa niyang braso sa likod nito. “Kanina ka pa topless. Alam na naming macho ka kaya magdamit ka na.” Nakangiti lang din itong sumunod sa kanya na mukhang noon lang din napansin na nakasabit lang sa balikat nito ang shirt nito.

“Saglit lang, misis,” anito at mula sa cabinet ay inilabas ang pantatak. Ipinatong nito doon ang daliri at saka lumapit sa isang papel na nakadikit sa isang bahagi ng pader at itinatak doon ang daliri. “Ikaw din,” sabi nito.

Ginaya niya nga ang ginawa nito saka lumapit sa puwesto nito. Binasa niya muna ang mga nakasulat doon. Walong papel iyon at halatang matagal nang nakapaskil doon. Puro din sulat-kamay ng mga ito iyon at medyo magkakapareho ang nilalaman kaya napangiti siya at tinatakan iyon. They sealed their contract with a warm embrace and another sweet and fervent kiss.