Chapter 30: Alessandro Surrendered All Of Himself To Lisa

Dalawang linggo nang hindi nagpapakita kay Lisa si Alessandro at malapit na siyang mainis. Ang huling beses na pagpunta nito sa mansiyon ay alam niyang balak na nitong iuwi siya pero siyempre nagpakipot pa siya. Malapit na siyang mabahala dahil baka nagsawa na ang asawa niya. May promise pa itong iuuwi siya at babawi ito pero mukhang may bago na namang nakitang prospect na fuck buddy ito. Nasa terrace lang din siya at nagpapahangin pagkatapos ng hapunan. Medyo hirap siyang kumilos kahit halos apat na buwan pa lang ang tiyan niya. Noong nakaraang araw ay sinamahan siya ng mommy niya na pumunta sa obstetrician niya at nalaman niya kung bakit parang ang laki niyang magbuntis. Hindi lang isa ang anak niya, hindi dalawa, kundi tatlo! Magkakaroon sila ng triplets ng asawa niya. May lahi kasi ng kambal ang side ng daddy niya kaya hindi na nakakapagtaka na maramihan din siya magkaanak.

Nakaramdam na siya nang pagkauhaw kaya pumasok muna siya sa kuwarto niya. Habang umiinom ay nakarinig pa siya ng pagbusina kaya parang tumambol ang puso niya sa ideyang ang asawa na niya iyon. Minadali na niya ang pag-inom at tuimingin muna siya sa salamin bago naglakad papunta sa pinto. Pero bago pa niya mapihit ang seradura ay narinig na niya ang boses nito. Nagtataka pa siya kung bakit malakas iyon.

“Lisa, mahal ko, dungawin mo naman ako.”

“Nakakadiri ka, Alessandro. Ikinahihiya ka namin,” sabi ng nagsalita na sa tingin niya si Donatello at narinig niya ang tawanan ng mga kaibigan nito.

Sumilip nga siya at nakita niyang pormal ang suot ng mga ito na mukhang galing sa opisina. Pero nagtaka siya nang makita ang suot ng asawa niya. Naka-short sleeves na kulay blue na polo ito at parang pagod na pagod ang hitsura. “Anong nangyari sa ‘yo? Ang dami mong pasa!”

“Just stay there, my wife,” anito. May microphone pala ito na hawak ng isang mukhang foreigner. Naalala niyang pinsan nito iyon na si Vladimir. Kinalabit na nito ang gitara. Napansin niyang medyo may sablay pa ito pero pwede na sa mga baguhan. “'Di ko man maamin, ikaw ay mahalaga sa akin.” Sabay-sabay pang nagtawanan ang mga kaibigan nito pero wala itong pakialam na kumanta kahit sintunado. “Ako'y alipin mo kahit hindi batid. Aaminin ko, minsan ako'y manhid.”

“Ang pangit ng boses mo ‘Tol, hindi tolerable,” humahalakhak na sabi ni Donatello. Maging si Apollo na silent type ay hawak din ang tiyan habang tumatawa.

Patuloy lang ito sa pagkanta. “Ayoko sa iba. Sa 'yo, ako ay hindi magsasawa. Ano man ang 'yong sabihin. Umasa ka, ito ay diringgin.”

“Oo na.”

“Please let me finish,” sabi nito at nagpatuloy sa pagkanta. “Pilit man abutin ang mga tala. Basta't sa akin, 'wag kang mawawala. Ako'y alipin mo kahit hindi batid. Aaminin ko, minsan ako'y manhid. Sana at iyong naririnig. Sa 'yong yakap, ako'y nasasabik. 'Pagkat ikaw lang ang nais makatabi. Malamig man o mainit ang gabi. Nais ko sanang iparating na ikaw lamang ang s'yang aking iibigin.” Pagkatapos nitong kumanta ay akala niya mga fans ang mga kaibigan nitong pumapalakpak at sumisipol pa.

“Hanep ka talaga, Alessandro. Bagay ka talaga doon sa banyo ng munisipyo,” sabi ng Kuya Leandro niya kaya lalong nagtawanan ang mga ito.

“Diyan ka lang, misis. Aakyat ako diyan,” anito at pumasok na nga sa mansiyon nila. Maya-maya may kumatok sa kuwarto niya kaya mabilis siyang lumapit para pagbuksan iyon.

“Bakit ngayon ka lang? Akala ko ba iuuwi mo ako.”

Ngumiti ito nang matamis at napapikit pa na parang musika sa pandinig ang sinabi niya. “Ang sarap sa pakiramdam na hinihintay mo ako at hindi itinataboy. Pasensiya ka na ha. Pinaghandaan ko talaga ang panliligaw ko sa misis ko eh.”

“Les, bakit mukhang haggard ka? Iyung suot mo parang uniform sa munisipyo.”

“Ahh ehh…” Nag-alangan pa itong magsalita pero napilitan din itong umamin nang humalakipkip siya. “Pwede bang sa loob tayo? May mga audience eh,” anito at itinuro ang hagdan. Naroon nga ang mga kaibigan nito at mga nakasilip sa balustre. Pinapasok na niya ito. “Ganito ang suot ko kasi isang buwan akong nagtrabaho sa munisipyo.”

“What?”

“Kailangan eh.”

“Bakit? Wala ka nang trabaho? Wala ka na talagang shares sa company niyo?”

“Hindi. Hindi naman binawi ni Daddy Luis ang shares na usapan namin.”

“Sagutin mo na nga ako nang diretso.”

“Punishment sa akin ito ng Kuya Leandro mo at dalawang pinsan mo. Nasa maintenance ako ng one month at naka-toka sa mga banyo.”

“Ano?” Nanlaki ang mga mata niya. Nang hawakan niya ang mga kamay nito ay parang mas naging magaspang pa iyon. “Kawawa naman ang baby ko,” malambing na sabi niya.

“Iyan, iyan. Kaya minamahal kita lalo, baby. Ang dami ko nang kasalanan sa ‘yo pero hindi ka nagsasawang mahalin ako. I deserve all the punishments I got.”

“Pati iyang mga pasa mo?”

“Oo. Galit na galit ang kuya mo eh kaya pinagsasasapak ako kahapon. Ayokong lumaban dahil kagagawan ko naman kaya malungkot ka.”

“Iuuwi mo na ba ako?”

“Kung okay lang sa ‘yo?” Napangiti ito nang makita ang bagahe niya na naka-ready. “Hinihintay mo talaga ako.”

“Oo, mahal kita eh. Matitiis ba kita?”

“Mahal na mahal din kita. Magpapaliwanag muna ako bago tayo umuwi. Please listen to me, and I hope you can give me another chance.” Huminga muna ito nang malalim. “My first mistake was when you saw me kissing Xylene in my bedroom even when we were already lovers, princess. Hindi ko alam kung napansin mo pero iyung dating kuwarto ko kung saan mo kami nakita, iyon na ang guest room sa condo unit natin.”

“Oo nga noh!”

“Pasensya ka na ha. Alam kong walang depensa. Nothing really happened. Yes, you saw us kissing, but I didn’t like it. Pero wala eh ma-pride ako. It sounds awful, but I did it on purpose. That morning when you texted me that you would go to my condo unit, I called up Xylene so you would see us doing it. My second mistake was unforgivable. That was the night you saw a woman who would give me a b-blowjob. I also did that on purpose. You see, I asked you when you would get back.”

“Ginawa mo pa akong masokista,” aniya at napahikbi.

“I’m so sorry, baby. C-can I hug you now?”

“H-hindi.”

“Alright. I did those nasty things because of Christian.”

“Christian?”

“Yes, Christian, your best friend.” Itinaas na nito ang kamay para pigilan siyang magsalita. “I know I screwed up big time. Iyung araw na sabi ko dadalhin kita sa isa pang safe haven ko. Naaalala mo pa siguro iyon. Tumango na siya. “Nakita ko kayong magkasama ni Christian sa park. You kissed,” malungkot na sabi nito. “I was hurt. Mahal na kita noon kaya masakit dito,” anito at itinuro ang dibdib.

“That was also the day before he flew to the US. He told me he loved me, but he knew I couldn’t reciprocate his feelings. How could I love him when you already had my heart? I just kissed him because he asked for it. I couldn’t bear to see him cry because I hurt him unintentionally. You see, we’ve been friends since we were kids. I never loved him the way a woman loved a man. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw din naman ang first kiss ko kaya nga pinagbigyan ko siya dahil kung hindi pa kita nahalikan, kahit mag-drama kami buong araw, hindi ko siya hahalikan. Gusto ko ikaw ang first ko eh. Alam mo naman iyon.”

“Kaya nga napakagago ko. Sorry ha. Takot na takot lang ako at masyadong mataas ang pride ko. The second time I did it, nakita kong magkayakap kayo sa likod ng college building sa school natin. He kissed your forehead.”

“You’re so stupid!” Humahagulgol na siya. “Why didn’t you ask me? Bakit hindi ka lumapit? Sana nalaman mo ang lahat! When you saw us there, I was comforting him because he was heartbroken. Kung hindi ka agad umalis malalaman mong nagmamadali siyang pumunta ng airport because he was in love with my other friend, Charice.”

“I’m so stupid,” anito at inihilamos pa ang isang kamay sa mukha.

“Yes you are! Hindi ka man lang nagtaka kung bakit kami na lang ni Rex ang pumunta sa Santuario!”

“God, I’m so sorry,” anito at niyakap siya nang mahigpit.

“Bitawan mo muna ako! May isa ka pang kasalanan.”

“Oo nga pala. That morning when you heard me talking with your daddy, walang meaning iyon. Pero totoong mag-e-expand kami. Kailangan namin ng bagong shares at si Daddy Luis lang ang mapagkakatiwalaan ko bukod sa mga kaibigan natin. I showed him the feasibility study my marketing team made. Pumayag naman siya agad. Biro niya lang iyung sa baby natin na mag-i-invest siya sa expansion. Ang sarap mo kaya talagang magkaka-baby tayo. Eh itong alaga ko, nangangailangan ng kalinga mo kaya every night ang lovemaking natin. Iyung isa kong business na itatayo, mag-i-invest doon si Daddy Luis, ako lang ang nagma-manage, partners kami doon. Joke lang din iyung sa baby. You can ask him, wife, just believe me.”

“Sige na nga. Hug mo na ako saka kiss na rin,” sabi niya na agad nitong ginawa. Hindi niya na namalayang naalis na nito ang mga damit nila. “Lalo kang naging macho, asawa kong gwapo.”

“Ikaw ba naman mag-workout sa munisipyo,” anito at mabilis na pumuwesto sa ibabaw niya.

“Pero teka!”

“Bakit na naman?” Nagmamaktol na ito na parang bata.

“Kung mahal mo talaga ako mula dati pa, bakit ka magpapakasal kay Xylene dapat?”

“Eh kasi po mahal na mahal kong asawa, napikot ang asawa mong gwapo.”

“Mapipikot? Ikaw? Eh napakahilig mo!”

“Oo nga. I’ll tell you a secret. Sa atin lang ito.” Bumuntung-hininga muna ito bago umalis sa ibabaw niya at humiga sa tabi niya. Tumagilid ito paharap sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. I never had sex with anyone after we made love on our love nest. Siguro iyung kay Xylene at doon sa nakita mo caught in the act talaga, pero wala eh. Kumbaga sa commander, demoted sa desk officer itong junior ko. Naging mapili na simula nang makapasok sa police station mo,” nakangising sabi nito.

“Weh?”

“Cross my heart, baby. Also, I never kissed anyone. I never dated anyone twice. You see, lagi akong laman ng balita na nag-de-date ng mga babae puro one night stand pero hindi totoo dahil wala naman kahit halik. Iyung kay Xylene, nagkita lang kami bigla sa bar. Lasing na lasing ako niyon kaya inuwi niya ako sa condo ko. Hindi ko naman alam na may kalokohan siyang gagawin. Paggising ko, wala kaming damit kaya akala ko may nangyari talaga sa amin.”

“So your playboy image was just a sham?” Malakas pa siyang tumawa.

“Sige lang tawanan mo ako. Alam mo naman kung sino ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito eh.”

“Sino ba?”

“Now, you’re laughing at my expense. Kasalanan mo. Simula nang halikan mo ako, wala na. Ikaw lang nakagawa sa akin ng ganito. I used to always be in control when it comes to intimacy. Tingnan mo nga ang ginawa mo sa akin. Para akong alipin mo na sumusunod lang sa mga sinasabi mo habang hinahalikan mo ako. You already saw me having sex before, tatlong beses pa doon sa playroom ko,” anito at parang nahihiya pa. “Nakita o narinig mo bang inutusan nila ako? Alam kong napaka-asshole ko mula noon, and that’s something I will always be ashamed of. Ayokong manahin ng magiging anak natin kaya kinakabahan ako kapag naging babae iyan dahil baka siya ang umani ng mga kalokohan ko.”

“I believe I already heard enough. Makakauwi ka na,” sabi niyang blangko ang hitsura.

“S-so y-you don’t want to be with me anymore? A-annulment na ba talaga?”

“Ano ka ba?” Inaasar niya lang ito.

“Ayaw mo na sa akin.”

“Kapag hindi ka tumigil sa kaartehan mo, talagang may annulment na darating.”

Tumigil nga ito agad sa pagdadrama saka pinakatitigan siya. “S-so ano ba ang plano mo sa atin?”

“Makakauwi ka na nga.”

“Pinapauwi mo ako eh.” Napasimangot ito nang humalakhak siya.

“Makakauwi ka na kasama kami ng mga babies natin.”

Napangiti na muli ito at napasigaw pero muli itong natigilan. “You said babies.”

“Opo, triplets ang babies natin.”

“Triplets? Tatlo ang babies natin?”

“Opo, kaya paglabas nila, family planning na tayo ha?”

“Yes! Yes! Yes,” anito at parang batang nagtatatalon sa kama niya at walang pakialam kahit umaalug-alog din ang nagmamalaking bahagi nito. “Hah! Akala ng mga kaibigan ko. Good job, boy,” anito at nilaru-laro ang bahaging iyon. “Ang lakas pala ng warhead na ‘to!”

“Ang yabang! Pero para sabihin ko sa ‘yo, nasa lahi namin ang kambal. Kaya tingnan mo naka-dalawang kambal na si Kuya Leandro. Si Kuya Isaac, kambal ang pangalawang babies.”

“Pero ibahin mo tayo, triplets ang atin. Ibig sabihin mas astig ang warhead ko at military base ni commander ko.”

“Halika na dito, mahal na mahal kong asawa,” nakangiting sabi niya at muling nagsanib ang kanilang katawan.