Chapter 22: Alessandro Wanted Lisa Back

Alas-dos na ng madaling-araw nang lumabas ng bar si Lisa. Hanggang alas-dose lang talaga iyon pero dahil anniversary night ng bar ay inabot iyon ng pasado ala-una. Wala nang tao doon maliban sa kanya at ng ilang staff na naiwan sa loob at dalawang security guard. Kinausap niya muna ang mga ito at binilinan tungkol sa paglilinis na kung hindi kakayanin ay pwede namang ipagpabukas. Tinawanan lang siya ng mga ito dahil bihira naman daw sila abutin nang ganoong oras. Sanay na rin daw sa ganoon ang mga iyon.

Pagdating niya sa parking lot ay may naamoy siyang mabangong bulaklak. Mahalimuyak iyon dahil maliit lang naman ang parking space sa pinagpaparadahan ng kotse niya. Paglapit niya sa kotse niya ay natutop niya agad ang bibig nang makita si Alessandro na nakaupo sa isang monobloc sa tabi ng kotse niya at natutulog. Nakayupyop ito sa hood ng kotse niya at ang lakas pa ng hilik. Nakalagay din sa hood ang isang bungkos ng ecuadorian roses.

Dalawang linggo na niya ito gustong makita para makausap din. Pero bigla siyang natakot sa pagkakataong iyon. Ang paglalambing nito noon ay ganoon din. Hayun na naman ito at may dalang isang bungkos ng magagandang bulaklak katulad ng ibinigay nito sa kanya noong anniversary nila, isang linggo bago sila naghiwalay. Napatutop muli siya sa bibig nang mapagtantong ang petsa na iyon ay ang mismong anniversary nila. Sinadya ba nito iyon o nagkataon lang. Ano ba ang pakay nito sa kanya? Bakit gusto nitong balikan niya ito? Dapat ay matuwa na siya dahil ito na mismo ang nagpipilit na maging asawa niya pero hayun at may tinakasan itong buntis sa kasal. Nalungkot na siya. Kahit kailan ay hindi ito magseseryoso sa relasyon.

Tumikhim na siya at agad din itong nagising. Nakangiti itong bumangon at nag-stretching. Ang gwapo pa rin nito sa suot nitong pulang Lacoste na polo shirt na tinernuhan lang nito ng simpleng jeans at sneakers. College boy na college boy ang porma. Magulo na ang buhok nito marahil ay dahil sa pagkakatulog nito. “Tara,” nakangiting sabi nito at hinila siya palapit dito at ikinulong siya sa matitipunong bisig nito.

“Alessandro, pawis na pawis ka,” aniya.

“Sorry, ang init dito eh,” nahihiyang sabi nito.

“Sige.” Kung alam lang nito na ang bango nito. Amoy na amoy niya ang perfume nito na gamit nito mula pa nang makabangga niya ito. “Pati likod mo basang-basa. Baka magka-pulmunya ka,” aniya.

“Halika,” anito at inalis ang polo shirt nang makaupo na ito sa driver’s seat ng kotse niya. Pinunasan nito ang sarili. “Pakipunasan na rin muna ang likod ko, Lisa,” anito na ginawa niya. Oh boy the man smelled like marmalade. Nang matapos siya ay iniabot niya ang polo shirt nito pero basang-basa ito nang pawis. “Wala namang pulis,” nakangising sabi nito at pinasibad na ang kotse kahit hubad-baro ito. Ilang na ilang na siya dahil hindi niya maiwasang mapasulyap sa katawan nito. Ganoon pa rin ang porma ng muscles nito mula nang makita niya iyon sa rest house nito sa ibabaw ng burol. “Go ahead, my baby, feast on my body. It will be yours anyway,” anito. Hindi niya pa masyadong naintindihan iyon dahil parang nahipnotismo na siya nito. “Gotcha,” muling sabi nito na ikinatingin niya. Malapad ang pagkakangisi nito. Pati ang mga mata nito ay halatang puno ng panunukso.

“Tse,” naiilang na balik niya at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Nang nasa Estrella na sila ay nagulat siya nang iliko nito sa kanan ang kotse imbes na dumiretso papuntang Santiago. “Hoy,” aniya at tinampal ito.

“Ikaw talagang babae ka, lagi mo akong binubugbog,” sabi nito. “Dito muna tayo sa safe haven natin. We will talk like I promised.”

“Gabi na eh!”

“Umaga na. Please, dito ka na lang muna matulog. Mag-uusap tayo.”

“Fine,” sabi na lang niya. Mabuti na lang at nagsabi siyang sa condo na lang niya sa Estrella siya uuwi kaya hindi magtatanong ang mga magulang niya kapag kinabukasan na siya bumalik sa mansiyon. Ang Kuya Leandro naman niya at si Tiffany ay may bahay sa Rosario. Doon ang munisipyo kung saan ang opisina ng kuya niya.

Nang makarating sila sa rest house nito ay ito pa ang nagbukas ng pinto niya. Pagpasok nila ay mabilis itong pumasok sa kusina. “Diyan ka lang muna.” Pagkalipas ng ilang minuto ay sumilip na ito at pinapunta siya sa kusina.

Natutop na naman niya ang bibig nang makitang puno ng pagkain ang mesa at may scented candles pa. “Alessandro…”

“I know you haven’t eaten yet.”

“Why?”

“Hindi mo na ba naaalala ang anniversary natin?” Napanguso pa ito at mukhang nalungkot din.

“N-naaalala ko. Ngayon mismo ang anniversary natin.”

“Great,” anito at muling ngumiti bago siya ipinaghila ng upuan.

She realized she was really hungry, so she ate a lot. Puro seafood at pasta iyon kaya hindi na siya nagpakipot pa. Nang matapos silang kumain ay naglabas pa ito ng champagne at nilagyan ang baso niya. Doon lang siya muling bumalik sa huwisyo at nagtatanong na tumingin dito. “Why are you doing this?”

“What?”

“These sweet gestures. You gave me a bouquet of Ecuadorian roses and set up a candlelit dinner or midnight snack to celebrate our anniversary,” aniya at gumuhit pa ng panipi sa ere.

“D-don’t you like it?”

She didn’t know what to say. Titig na titig na siya sa lalaking parang nawalan ng kumpiyansa sa sarili. “Bakit mo ginagawa ito? P-paano ang ex-fiancee mo?”

“We broke up. The baby is not mine,” simpleng sabi nito.

“N-not yours?”

“Yes. I have proof that’s why she stopped posting dramas and spreading lies on the internet.”

“S-so w-what now? Okay na pala. Uuwi na ako pagkatapos nating kumain.”

“What now? I’m taking you back.”

“I didn’t ask you to take me back. Naipit lang din ako sa sitwasyon pero okay na. Pero iyan at tinutukso mo na naman ako at nagpapaka-sweet ka.”

“Ayaw mo ba?”

“Ayoko at please tigilan mo na rin ito,” napatayo na siya at lumabas ng kusina. Tumakbo na siya palabas ng rest house nito pero bago pa siya nakalapit sa pinto ay nakaharang na ito.

“Bakit ba ayaw mo?”

“Ayoko nga sabi,” aniya at pilit na itinutulak ito para maabot niya ang door knob pero hinapit lang siya nito at siniil siya ng halik. It has been more than a month since she last tasted his lips. She could taste all the food they ate and the champagne. But, it was perfect. It suited his sensual lips. The kiss was intoxicating until they stopped to catch their breath.

“You don’t have to resist me. It will be futile because your lips don't lie. You still want me. Brace yourself because you will be mine again.”

She pushed him away. “Ano ba kasi ang gusto mong mangyari? Bakit gusto mong ulitin ito?”

“Alam kong gusto mo.”

“Oo na! Gusto ko, Alessandro. Wala ka ba talagang kahit kaunting konsiderasyon sa feelings ko,” aniya at pumatak na ang mga luha.

“Please don’t cry, baby,” anito at sinubukan siyang yakapin pero itinaas niya ang isang kamay.

“Ayoko nang maulit ang dati,” aniya at pumiyok pa sa pagsasalita.

“Bakit?”

“Uuwi na ako,” aniya at pinilit makalagpas dito pero muli lang siya nitong hinapit at pinakatitigan. Yumuko na lang siya pero itinaas nito muli ang mukha niya.

“Please answer me.”

“Dahil babalik na naman ako sa simula. Ma-i-in love na naman ako at hahabol nang hahabol sa ‘yo. Malulunod na naman ako at masasaktan.”

“Eh ‘di bumalik ka sa simula. Mas gusto ko nga iyon eh.” Malumanay na malumanay na ang boses nito at niyakap siya nang mahigpit “Bumalik ka na ngayon sa simula, fiancee ko. Ako ang bahala.”

“Alessandro…”

“Everything will be okay. I promise you,” he said and planted a soft kiss on her lips.

“Paano ako?”

“Akong bahala sa ‘yo. Magtiwala ka sa akin, baby.”

“S-sigurado ka ba?”

“Sigurado ako. Please Lisa, I need you. Please say yes.”

“H-hindi mo na uulitin? Promise iyan?”

“Promise, hindi na mauulit. Nagkamali ako at ipinapangako kong hindi na mauulit. Maniwala ka lang masaya na ako. Kailangan kita, fiancee ko.”

“Sure ka?”

“Opo nga, bulinggit ko,” anito at dinampian siya ng halik sa noo.

“Okay,” nakangiting sabi niya.

“Can I kiss you again?”

“Sure,” she said and tiptoed to kiss him again. He grabbed the back of her neck to deepen the kiss. She felt like her feelings were kept in a dam. It rushed forward when the walls were broken. It drowned her again, and she could not stop herself from responding to his fervent kiss. Their bodies did all the talking. They removed each other’s clothes and stared at their nakedness with pure admiration. When she looked at him, his eyes were filled with passion. That was the same fire she saw when they first made love. That was the start of another hungry and ardent act that engulfed them in flames.