Chapter 21: A New Controversy
His ex-fiancee was more beautiful than the last time he saw her. She was as charming as she was the first time he saw her. Alessandro could very well remember how he was hypnotized by her innocent eyes when he bumped her into the campus. She was a bit boyish, but her beauty was evident. Her lips were so soft that he wanted to nibble it. But she was too young then. She annoyed him big time when she caught him doing some nasty things with his girls on the campus. She was so curious and stubborn that they got sanctions. He wanted to laugh when he saw the curious looks in her eyes. Little girls would just run and cry. But, she stayed there and talked like a scientist who discovered something new.
Lisa was a very beautiful kid. If she was sixteen or seventeen, he could have courted her. Yet, fate seemed to have a different twist. The little tease made his father sign a contract to have him marry her when she turned twenty-five. Of course, he was annoyed because it made him feel like a pedophile. But, the kid was persistent to the point of kissing him. That was when he realized she already got him.
Kaya siguro masayang-masaya siya nang gawan siya nito ng mga cute na cookies. Hindi niya na kinain iyon hanggang magkaroon na lang ng mga amag. Kung hindi pa pinilit ng Mommy niya na itapon iyon ay hindi niya iyon gagawin. Mabuti na lang at nakuhanan niya iyon ng pictures. Sa ilang ulit na pangungulit ng bulinggit sa kanya, wala siyang nagawa kundi ang magpatianod. Hindi niya magawang tanggihan ang mga halik nito. Inosente, puro, at walang bakas ng kahit anong karanasan.
Nang may mangyari sa kanila sa gabi ng JS Prom nito ay iyon na ang pinakamasayang gabi niya. Hindi niya napigilang sabihing okay na sa kanyang magpasakop dito. Naiinis pa rin siya minsan dito pero tuwing maglalambing ito ay nawawalan siya ng kakayahang sungitan at tanggihan ito. Gustung-gusto niyang halikan ito lalo na kapag napipikon ito sa mga pang-aasar niya. Gustung-gusto niya ang pakiramdam habang naglalakad sila sa campus na magkahawak-kamay. Wala na siyang pakialam din kahit ilang beses siyang bigyan ng sanction dahil doon.
Akala niya ay tuluy-tuloy na hanggang sa may matuklasan siya. Nagkamali ito. Nagkamali siya at doon nagtapos ang engagement nila. Parang kahapon lang iyon pero malinaw pa sa alaala niya ang init na pinagsaluhan nila ng araw na palayain siya nito.
Natawa tuloy siya nang maalala ang mga pagbabanta nito. Hayun lagpas na ito sa twenty-five pero wala pa ring asawa. Hindi na rin naman ito nagpahabol katulad ng pangako nito sa kanya. Mukhang nagkaroon naman ito ng boyfriend habang nasa ibang bansa ito. Ayaw na lang niyang tanungin dahil wala naman siyang karapatang gawin iyon. Napatingin na lang din siya dito nang bigla itong tumili.
PARANG nais na lang ni Lisa na bumuka ang lupa at lamunin siya nito. Ngayon niya naintintindihan ang implikasyon ng ginawa ni Alessandro. Hayun at trending na trending sila. Alessandro Borromeo, CEO of Borromeo’s Winery and Distillery ran away with his one true love. Binasa niya pa ang detalye kaya lalo na siyang nabahala. Nalaman agad ng mga itong kapatid siya ng governor ng kanilang lalawigan at anak ng may-ari ng chains of mid-sized hotels and restobars sa buong Pilipinas. “No,” malakas na tili niya. Napatingin siya kay Alessandro na natapunan ng pasta sauce marahil ay sa gulat sa tili niya.
“What happened?”
“Look at the news,” nagpapanic na sabi niya.
Binasa nito iyon at inilapag ang phone. “Don’t worry about it, princess. I’ll deal with everything. I’ll explain it to Tito Luis and Leandro,” anito at pinisil ang kamay niya.
Napatili na naman siya nang mabasa ang mga haka-haka na mistress siya at inakit niya si Alessandro. Nabitiwan na naman nito ang sandok na may pasta sauce sa gulat at natapunan sa damit. “Ako na ang bahala,” nakangiting sabi na naman nito.
“Ang dumi mo na, sorry. Hubarin mo na nga,” aniya at agad na inalis ang shirt nito. Doon niya lang napagtantong mali ang ginawa niya pero parang gusto niyang palakpakan ang sarili sa ginawa. Pagkalipas ng maraming taon, muling nahantad sa kanya ang perpektong katawan nito. Kung maganda iyong tingnan sa men’s health magazine ay hindi hamak na mas maganda iyon sa personal. She felt parched just by staring at his broad shoulders, well-defined arms, well-sculpted chest, and his perfect abs. Ilang segundo pa siyang nanatiling nakatingin doon hanggang makarinig ng pagtikhim.
“Like it, baby?”
“Tse! Magpalit ka na ng damit at uuwi na rin ako ng naka-dress.” Kahit anong pagpipilit nitong magpalit siya ng damit ay wala itong nagawa. Okay lang sa kanyang umuwi nang hindi nakaligo at nakapag-toothbrush. At least walang ibang maiisip ang mga magulang at ang kuya niya dahil ganoon pa rin ang hitsura niya.
Hindi pa siya tapos mamroblema ay nag-ring na agad ang cellphone niya. “Maria Lisa Lagdameo, anong kalokohan ang mga nababasa ko sa diyaryo? Totoo ba iyon?”
“Daddy, hindi po totoo iyon! Mahabang kuwento pero ipapaliwanag ko po mamaya.”
“Nasaan ka ba ngayon?”
“N-nandito po kina Alessandro.”
“Wala raw siya sa condo unit niya o sa mansion. Wala rin siya sa kahit saang resthouse nila pati sa Santuario de Santiago.”
“Nandito po kami sa resthouse niya sa Estrella.”
“Magkasama pala talaga kayong nag-overnight pagkatapos sasabihin mo sa aking wala lang iyon. You better be home before lunch. Bring that young man, and we will talk. Your Kuya Leandro, Isaac, and Lucas will be here as well.”
“Hindi na po kailangan!”
“I already talked with Alessandro before I called you up. We will talk. Don’t test my patience.”
“Okay po,” aniya at napabuntung-hininga na lang. Pagbaling niya ng tingin ay naroon na rin si Alessandro at nakabihis na. “Ikaw kasi eh,” aniya at napahagulgol na.
“I’m sorry, princess. I didn’t know the implications of what I did last night. I’m sorry for dragging you into this situation. Don’t worry, everything will be okay, my baby. I promise you, just trust me,” anito habang mahigpit siyang yakap. Gusto niyang kumawala pero kailangan niya ang yakap nito dahil hindi niya alam ang gagawin at tanging ito lang ang masasandalan niya sa mga pagkakataong iyon. Sa isang gabing pagtakas nila ay nakalkal na ang buo niyang buhay. Mabuti na lang at hindi nakalkal ang kalokohang engagement nila.
“Nananahimik na nga ako, nilapitan mo ulit ako.” Naiinis pa siya sa maarteng si Xylene na nagpa-press conference na kagabi pa. Napanood niya na din ang video kung saan sinabi nitong magmula nang magkita sila ni Alessandro ay nanlamig na ang pakikitungo rito ng lalaki. Mula pa raw noong high school sila ay sumusulpot siya sa relasyon ng mga ito. Totoo naman iyon pero hindi sila exclusive dahil narinig niya mismo iyon sa bibig ni Alessandro at may competition pa ang mga sexmates nito. Mayroon pang schedule ang sextime ng mga ito. Samakatwid ay walang katotohanan ang mga pinagsasasabi nito. Kaya pala may mga ispekulasyon pang inakit at inagaw niya ang lalaki dito dahil sa mga sinabi nito. Nainis na naman tuloy siya sa lalaki kung bakit kasi ay napakaharot nito sa mga babae at pati siya ay nasali sa mga isyu ng mga ito.