Chapter 19: Safe Haven With Him Again

Inis na inis lang si Lisa dahil hindi siya sineseryoso ni Alessandro. Panay ang singhal niya na sinusuklian lang nito ng malulutong na halakhak. Mas naging makulit pa ito kung kailan tumanda kaya lalong gusto niya bigyan pa ito ng isang right hook. Nang makarating sila sa Estrella ay mukhang wala na ang media. Nailigaw nila ni Alessandro ang mga ito. Maya-maya ay pansin niyang tinatahak nito ang medyo masukal na daan pero pamilyar pa rin sa kanya. May malaking gate na iyon at sa paligid ay may mataas na pader na puno ng barbed wire. Bumaba ito at sinusian ang kandado saka muling bumalik sa kotse. Nang makapasok ay muli nitong isinara iyon at ikinandado.

Doon na siya natauhan. “Bakit mo ba ako dinala dito? Iuwi mo ako!”

“Mamaya na! Makulit ka masyado,” naiinis na singhal din nito sa kanya.

“Huwag mo akong sigawan! Dinamay mo ako dito!”

“S-sorry,” anito at nahihiyang napakamot sa batok.

“Nakakainis ka!” Pero hindi niya na magawang magalit dito. Para itong batang may kasalanan at natatakot mapagalitan nang mag-sorry sa kanya. Makulit ito at malambing pero egoistic ito hanggang ngayon kaya naninibago siya. Umandar iyon pataas at naalala na niya ang lugar. Nang makarating sa tuktok ng burol ay huminto na ito.

“S-sorry, baby,” anito at pinisil ang kamay niya. “I’m hungry, pwede bang kumain muna tayo?”

“Okay.” She couldn’t say no to him. Nang makalabas sila ay naglakad pa sila papunta sa dulo. Napanganga siya nang makitang ang dating kubo ay isa nang malaking two-storey house.

“Pinagawa ko iyan two years ago,” sabi nitong bilang sagot sa nagtatanong na tingin niya rito.

“Why?”

“Wala lang.”

“Maganda ang ginawa mo dito.”

“Mas maganda ang ginawa natin dati dito.”

Tiningnan niya lang ito nang matalim. “Please stop it, Alessandro.”

Tumingin lang ito sa kanya nang mataman bago marahang tumango. Pumunta na ito sa isang bahagi ng bahay na sa tingin niya ay kitchen nito. “What do you want to eat?”

“Ako na lang ang magluluto. Ako na ang bahala. Umupo ka muna diyan,” aniya at nakikalkal na sa fridge.

“Sige na nga, ang kulit mo,” nakangiting sabi nito at mabilis siyang kinintalan ng halik sa mga labi. Pasipul-sipol pa itong lumabas ng kusina. “I’ll just change clothes, baby.”

“Stop calling me baby! I’m not anyone’s baby, oh please.”

“Okay, my princess,” he said and gave her a boyish grin.

“Maharot pa rin talaga, nakakainis!” Ibinaling niya sa manok ang inis niya. Mabilis na tinimplahan niya iyon, inilagay sa itlog, harina, at bread crumbs. Habang nagluluto siya ay nag-crave siya sa carbonara. Mabuti at may stock ito. Pinagsabay niyang lutuin ang mga iyon at wala pang isang oras ay luto na lahat. “Alessandro,” aniya pero walang sumasagot sa kanya. Umakyat na siya at nakita niyang may dalawang kuwarto doon. Walang tao sa unang kuwarto. Pagsilip niya sa pangalawang kuwarto ay napangiti pa siya nang mabungaran itong natutulog. That was the first time she caught him sleeping, no boyish and naughty grins, not frowning, not smiling. He really looked charming, which caught her attention. But, it was his caring side that made her fall in love with him. She had to get over him no matter how impossible it appeared.

She came closer and sat on the bed. Bagong ligo ito pero halatang pagod na pagod. Doon niya napansin ang eyebags nito. “Puyat ang poging baby,” sabi niyang wala sa sarili at patuloy na hinaplos ang mukha nito. “Puro ka kasi kalokohan,” aniya at dinutdot ang ilong. “Iyan tuloy, kung anu-anong napasukan mong gulo, nadamay pa ako kung hindi lang kita mahal na mahal eh.” Malakas na malakas pa rin ang hilik nito kaya nagpasya siyang takpan muna ang mga iniluto. Nang magutom siya ay ginising na niya ito. “Alessandro, nagugutom na ako. Kain na tayo.”

Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata at ngumiti sa kanya. “I’m sorry, hindi ko namalayang nakatulog ako. Dito muna tayo,” at hinila siya pahiga at nakulong sa mga braso nito.

“Alessandro, baba na tayo.”

“Mamaya na please. I want to stay with you like this,” he said and kissed her forehead.

“Please,” aniya pero nakangiting umiling lang ito at idinikit ang noo sa noo niya hanggang muling makatulog. Ayaw niyang masanay na naman dahil nanganganib na namang madurog ang puso niya. Pero hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti. Pagbibigyan na muna niya ang sarili dahil iyon lang naman at hindi na iyon mauulit. Masarap makulong sa mga braso nito katulad noong high school pa lang siya. “Ayoko nang lalong ma-in love sa ‘yo.” Hindi na rin niya namalayang nakatulog na rin siya sa mga bisig nito.

Nang magising siya kinabukasan ay ang nakangiting mukha nito ang bumungad sa kanya. “Did you sleep well?”

“Yes,” nakangiti niyang sabi. “Nagugutom na talaga ako, Alessandro.”

“Sorry ha, nakatulog ako. Napabayaan kita. Lagi na lang akong palpak pagdating sa ‘yo.”

“Huh?” Ang dami namang sinabi nito. Pagod din naman siya kaya nakatulog siya agad. Parang may ibang kahulugan ang huling sinabi nito. Lagi na lang daw itong palpak pagdating sa kanya.

“Wala iyon. Kain na tayo,” anito at kinintalan ng halik ang mga labi niya at parang bata na kinarga siya nito pababa. “Naka-dress ka pa rin pala,” anitong umaalog ang balikat sa pagpipigil na matawa. “May damit ako diyan na hindi ko pa nagagamit. Iyon na muna ang gamitin mo bago kita ihatid sa inyo.”

“Okay,” aniya at hindi makatingin ng diretso rito.

Ito na ang nagpresintang initin ang niluto niya. Mabuti na lang at hindi napanis iyon. Nang mainit na iyon ay idinulog na nito iyon sa hapag. Siya na ang nagtimpla ng kape sa coffee maker nito. Habang kumakain ay parang bata pa itong napapapikit na sarap na sarap sa kinakain. “This is good,” anito at tuluy-tuloy sa pagsandok ng sinangag. Tinikman din nito ang pasta at ganoon din reaksiyon nito. “This is the best and happiest breakfast I’ve ever had,” anito at pinisil ang kamay niya.

“Wala iyon,” aniya at binawi ang kamay.

“You know you were right.”

“Tungkol saan?”

“You were right when you told me you were the only perfect bride I could ever have,” anito at ngumiti bago muling itinuon ang atensiyon sa pagkain. Hindi na muna siya kumibo dahil hindi niya rin alam ang sasabihin.

“Kumain na lang tayo nang kumain kaysa mag-usap sa mga bagay na wala nang saysay. Tapos na iyon at nagkamali tayo pareho kaya kalimutan na natin iyon. May kanya-kanya na tayong buhay kaya hayaan na natin iyon. Tapos na tayo matagal na kaya wala nang halagang pag-usapan pa iyon,” tuluy-tuloy na sabi niya habang sinasandukan ito ng pagkain sa plato nito.