Chapter 18: Real Or Pure Illusion
Para pa siyang naestatwa habang nakatitig kay Alessandro. Napakagwapo nito sa suot nitong three piece white suit. Pero pakiramdam niya ay dinadaya siya ng paningin. Baka may clone ito. Baka may identical twin ito na noon lang niya nakilala. Alien yata ito o baka nag-ha-hallucinate lang siya dahil namumugto pa rin ang mga mata niya. “I’m not drunk yet. I’m not dreaming,” aniya habang mahinang sinasampal ang mukha at kinukurot ang balat. “Mich, halika dito,” tawag niya sa isa sa mga waitress. “Sampalin mo nga ako nang malakas.”
“Ma’am?” Napatutop naman ito ng bibig nang mapatingin sa lalaki. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa isang direksiyon na nang sundan niya ay telebisyon.
“Mich, sampalin mo na ako. Apparition siya, hindi ba?” Itinuro pa niya ang lalaki sa harap niya na biglang tumawa.
“Ma’am, sigurado po kayo?”
“Kapag hindi mo ako sinampal, hindi kita i-re-regularize dito.”
“Sige po, ma’am. Ma’am, sorry po ha. Sasampalin ko na po kayo.” Agad na lumapat ang kamay nito sa pisngi niya. Mahina iyon sa inaasahan niya pero medyo malakas pa rin.
“Hindi nga ako nananaginip. Sige Mich, asikasuhin niyo na iyung mga customer,” aniya at humarap sa lalaki. “Sino ka? Magpakilala ka? Bakit mo ginagaya ang pogi pero babaerong ex-fiance ko! Ipakita mo ang totoo mong anyo!”
“Pogi pero babaero,” napangiwi ito bago nalukot nang tuluyan ang mukha. “Ako ito, si Alessandro, ang pogi pero babaero mong ex-fiance.”
“Sinungaling. Mich,” sigaw niya ulit. “Pakiabot nga muna ang isang garapon ng asin.” Tumalima naman ito at agad iyong isinaboy sa lalaki sa harap niya.
“Aray,” anito habang hinihilamusan ang mukha. “What did you do that for? Si Alessandro nga ako, baby.” Naiinis na dinala niya ito sa dulong mesa dahil napansin niya ang mga staff na napatingin sa kanila. Mamaya ay may makuha pang malisyosong ideya ang mga ito. “Ako nga talaga si Alessandro Borromeo.”
“Kung ikaw si Alessandro Borromeo, kailan mo akong unang hinalikan sa lips.”
Ngumisi ito. “Sa pagkakatanda ko, ikaw ang humalik sa akin. You seduced me, and I became your willing slave.”
“Ang kapal mo ha! Kung ikaw talaga si Alessandro, bakit hindi rin natuloy ang engagement natin?”
“Iniwan mo ako. Magpapaliwanag pa ako pero nalaman kong nasa US ka na.”
“Hoy, ikaw ang may kasalanan baka nakakalimutan mo.”
“Oo na,” sabi nitong malumanay ang boses na halatang nahihiya. “Ako ang may kasalanan dahil nahuli mo ako alam mo na.”
“Ikaw nga si Alessandro,” aniya at binigyan ito ng combo na sampal.
Pulang-pula ang mukha nito kaya bigla siyang naawa. “Masakit iyon ahh.” Ngumiti ulit ito. "But, I guess I deserve that."
“You guess?”
“Oo na, ex-fiancee ko, I deserve that.”
“Mabuti naman at inamin mo rin ang mga kalokohan mo. Anyway, nasampal na kita kaya okay na ako. Pero hindi tayo friends ha, just so you know.” Napahinto na siya nang may maalala. “Wait, kasal mo ngayon. Bakit nandito ka pa?”
Nahihiya itong napakamot sa batok. “I r-ran away.”
“You what? Mich! Bigyan mo ako ng isang basong tubig na puno ng yelo.”
“Mich, ako rin,” anito.
“You ran away? Why?” Doon niya lang napansin na pawis na pawis ang noo at leeg nito. Hindi niya alam ang nangyari at namalayan na lang niya ang sariling nakadukwang na habang pinupunasan niya ng panyo ang buong mukha nito. Nagpakuha pa siya ng malinis na bath towel. “Alisin mo ang coat mo.” Sumunod naman ito. “Hubarin mo ang polo mo.”
“Why? You want to frolic in public?”
“What?” Doon niya lang din siya bumalik sa huwisyo at inihampas dito ang tuwalya. Umupo na siya ulit at humalukipkip. Pagtingin niya sa telebisyon ay ang lalaki na ang laman ng balita. Napanganga na siya nang makumpirmang tumakas nga ito. “Bakit ka tumakas? Ganyan ka ba ka-insensitive hanggang ngayon? Magkaka-baby kayo tapos iniwan mo siya sa aisle. Masamang tao ka pa rin hanggang ngayon.”
“I really don’t know why I did that, okay? Kasalanan mo lahat ng ito eh,” anitong nakasimangot sa kanya.
“Hoy, lalaki, ang kapal naman ng mukha mo para ako ang sisihin mo. Desisyon mo iyan pero wala kang paninindigan.” Patuloy pa siya sa pag-sermon dito.
“Will you shut up? Mabuti pa bumalik ka na lang doon sa counter kesa ginugulo mo ako. Please huwag mo muna akong pakialaman,” masungit na sabi nito.
Inis na inis na tumayo siya dahil sa pambabara nito. Agad na siyang napangisi nang bumukas ang pinto ng bar at magpasukan ang mga taong naka-uniporme na media. “Oh iyan na ang fans mo.”
“Shit. Itago mo ako,” natatarantang sabi nito at nagtago sa ilalim ng mesa. Malakas na siyang napahalakhak dahil hindi nito mapagkasya ang sarili sa laking tao nito. Lalo pa siyang natawa nang marinig na parang may napunit. Marahil ay ang tela ng pantalon nito.
“Oh akala ko ba, huwag muna kitang pakialaman. Hey yow media people. Here’s the runaway asshole groom.”
“You’ll pay for this,” sabi ng lalaki at tumayo na. Agad naglapitan ang media at inilabas ang camera. “Turn off the camera or I’ll make your life a living hell.” Pero tila walang pakialam ang mga ito hanggang magsipasukan pa ang iba at dinumog si Alessandro.
“Okay, I’m out,” nababahalang sabi niya. Kailangan niyang makalabas ng bar. She could smell trouble. “Alodia, Queenie, kayo na ang bahala rito. Paalisin niyo na lang ang media at iyong lalaking iyon pagkatapos ng interview nila. Nananahimik ang bar natin, dinumog ng mga iyan,” naiinis na sabi niya. Inabot na niya ang bag niya sa counter at naglakad na palabas pero hahawakan niya pa lang ang door handle ay may pumigil na sa kanya. Agad na siyang pumiglas sa pagkakahawak ni Alessandro pero mahigpit iyon.
“Listen, this girl is the reason why I left the wedding.”
“Hoy ang kapal ng mukha mo.” Akmang sasampalin niya ito pero agad siyang napigilan nito.
“We’re even, baby,” nakangising sabi nito. “Say hi to the cameras.” Walang babalang hinapit na siya nito at siniil ng halik. Nagkislapan na ang camera. Bukas ay alam niyang magiging laman din siya ng mga balita sa internet, TV, at diyaryo. Muling bumalik sa ayos ang kanyang sistema nang magkagulo na naman. Laglag ang mga panga niyang tumingin kay Alessandro.
“Mr. Borromeo and Miss, can we get a statement from you?”
“Shit ka, Alessandro!”
“Let’s go.” Hinila na siya nito bago pa makalapit ang reporter sa kanila. Hinila na siya nito at inagaw ang susi ng kotse niya. Pinindot nito iyon at umilaw ang kotse niya kaya agad siyang isinakay nito roon.
Para lang siyang batang walang muwang na sumunod na lang dito. Mabilis na nitong pinaandar ang kotse. “Where are we going?”
“To our honeymoon, my baby,” nakangising sabi nito.
“You’re a pig,” naiinis na sabi niya pero tinawanan lang siya nito.