Chapter 30: Confession, Acceptance, And Another Chance In Love And Happiness

Nang magising siya ng madaling-araw ay wala na sa tabi niya si Isaac. Iniwan na naman ba siya nito? Ganoon na lang ba ito palagi? Bakit ba kapag pakiramdam niya ay lagi lang ito sa tabi niya, saka naman ito umaalis. Bigla ang pag-akyat ng emosyon sa mga mata niya hanggang sa magkatunog ang iyak niya. Sa ganoong tagpo bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Isaac na takang-taka at nag-aalala.

“Get out,” aniya patuloy na umiiyak.

“W-why?”

“Just leave me alone!"

“Why?”

“Do I have to answer that? Masama ang pakiramdam ko kaya wala ako sa mood makipagbangayan sa 'yo. I just want to be alone," pagdadahilan niya.

"Please don't push me away," anito at tumabi sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"You have already left me so many times. Sanay na sanay kang umalis nang hindi nagpapaalam. But now you're asking me not to push you away."

“I’m sorry, I just went to the bathroom, naiihi ako eh."

"It doesn't matter anymore. I feel better now so you may leave now."

"What’s wrong?”

“Wala!” Biglang tumaas ang depensa niya. "Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko pero okay na ako. Hindi na kita kailangan ngayon kaya makakauwi ka na."

“Belle, why are you pushing me away again? Nandito na naman ako ahh. Hindi naman ako lumabas. Akala ko pa naman bukas mag-uusap tayo. Hindi ba babantayan ko kayo ng baby natin?"

"Tigilan mo na nga ako. Kaya ko na naman ang sarili ko. Maayos na din naman ang pakiramdam ko ngayon kaya please lang din umuwi ka na. Nakapagdesisyon na ako ngayon na hindi na kita pakakasalan."

"Kailangan kita. Mahirap ba iyong maintindihan?" Pinakatitigan siya nito bago ikinulong sa mga palad nito ang mukha niya.

"H-hindi na iyon mahalaga," mahinang sagot niya at nag-iwas ng tingin. “M-malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo.”

"M-mahal mo na ba si Lucas? Si Lucas na ba talaga? Paano na ako?”

"M-malaki ka na. Kinaya mo nga akong iwan ng ilang beses."

Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito pero iniiwas niya ang tingin dito. “Nahuli na pala talaga ako. Balewala na pala talaga ako." Bigla itong pumiyok kaya napatingin na siya rito at napamaang.

"A-ano ka ba?" Hindi niya maisip kung ano ang dapat gawin dahil sa pagkabigla. Hayun ito parang batang umiiyak sa harap niya.

“Hindi na ba talaga tayo pwede? Mahapdi pala talaga dito,” lumuluhang sabi nito sabay turo sa kaliwang bahagi ng dibdib nito. “Mahal na mahal kita, Belle. Huli na pala ang lahat pero gusto ko lang din sabihin na mahal na mahal na mahal kita. Nagalit lang naman ako nang makita ko kayo ni Lucas kaya nasabi ko ang mga iyon. Sabi ko kung mahal mo naman ako, siguro hindi mo ako agad ipagpapalit. Pero wala eh napakatanga ko kasi eh. Nasa akin ka na, binitiwan pa kita."

"Will you please stop? Why are you doing this? Tama na please."

"Maybe I just want to tell you that I love you even if it's too late. I know I was an idiot because just when you were all set to move on did I realize that I loved you. I was a fool to let you go."

"W-why d-did y-you n-not t-tell-me b-before?”

"I saw how you looked at him. Naisip ko, mahal mo na siya. Kunsabagay karapatan mo iyon dahil pinabayaan kita. Pero hindi ko kaya eh. Sobrang hapdi dito." Pumiyok na naman ang boses nito nang magsalita. "Pasensiya ka na ha. Hayaan mo, pipilitin ko namang hindi na manggulo basta lumaki ang batang ako ang kinikilalang ama.”

"B-bakit ka ba kasi ganyan? Mahal mo ako pero iba ka may namang babae. Sabi mo mahal mo ako pero sinusukuan mo na agad ako." Muli na naman siyang napahagulgol. Totoo bang mahal siya nito? Maniniwala na ba siya? Ilang beses na nitong sinabi iyon pero naguguluhan siya.

"Wala akong ibang babae. Hindi ko alam kung mahalagang magpaliwanag pa dahil hindi mo na ako mahal. Gusto ko pang ipilit pero masakit eh. Pero pwede pa ba kahit last chance na? Belle, sa iyo lang ako. Gawin mo kahit ano, kahit parusahan mo ako. Tanggapin mo lang ako ulit." Bigla siya nitong niyakap at pareho na silang umiiyak.

"Isaac…"

"Please, please, please," patuloy sa pagsusumamo nito hanggang matibag ang pader sa puso niya.

"Isaac naman eh. Huwag ka na kasing umiyak." Hayun at parang tinatarakan ng patalim ang dibdib niya dahil dito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Isaac, the most self-assured person she has ever met, the love of her life, the dream she thought would never come true, was sobbing in front of her. "S-stop c-crying, y-you're breaking my heart," humahagulgol niyang sabi.

"A-ang b-bilis n-namang n-nawala."

"Isaac…" Tuluyan nitong nalusaw ang mga pagdududa niya pero may mga tanong siya na dapat sagutin din nito. "P-please s-stop. I can't bear to see you cry. It's tearing me apart."

"P-lease l-love m-me a-again."

"Si Frances."

"She's nothing but a good friend. His husband was my best friend in college, and he asked me to look after Frances. Gusto ko din namang sabihin kaya lang nagseselos ka. Mahabang kuwento pero sana maintindihan mo. Pero wala na rin naman kasi hindi mo na ako mahal eh," muli na naman itong umiyak. "Honey, ayaw mo na ba talaga sa akin? Please, honey, please, kahit naman kaunti lang."

"K-kiss m-me," humahagulgol niyang sabi.

"B-Belle?" Bigla itong napahinto sa paghikbi at maang lang na napatitig sa kanya.

"Kiss me." Hindi na niya ito hinintay na magsalita dahil siya na ang kusang humalik dito hanggang sa tumugon ito. Tamang-tama ang tamis kahit humahalo roon ang kanilang mga luha. Nang matapos ay muli siya nitong niyakap nang mahigpit habang humihikbi. "Tumigil ka na nga," naiinis na sabi niya kahit bumabaha na ang kasiyahan sa dibdib niya.

"I love you. Hindi kita kayang hayaan kay Lucas."

"Mahal na mahal din naman kita eh. Mahal na mahal kita."

Bigla na naman itong tumigil sa kakaiyak pero nanatiling nakayakap sa kanya. "Belle?"

"I love you, too, Isaac."

"Belle?" Humarap na ito sa kanya habang kinukusot ang mga mata.

"I never stopped loving you, you fool!"

Bigla itong tumigil sa pagkusot ng mga matang nanlaki. "T-totoo?"

"Hindi na pala," nakaingos niyang sabi.

"Please, Belle."

Hindi niya mapigilan ang ngiti. “Ano ka ba, Isaac? Tumigil ka nga diyan sa pag-iyak. Ang laki mong tao, napakaiyakin mo pala." Paulit-ulit niya itong hinalikan sa mga labi. "Sinabi ko na sa iyong ikaw lang ang ultimate crush ko. Paulit-ulit ko din namang sinabi dati na ikaw lang ang para sa akin. I love you so much. Tingnan mo nga, lalaki, itong ginagawa mo sa akin. Tatanggapin ba kita kung hindi kita mahal? Nandito ka sa bahay ko. Score ka lang nang score sa akin. Pumayag akong magpakasal sa iyo kahit may pagdududa ako. Saka nakita mo namang nagseselos ako kapag may kasama kang iba. Itatanong mo pa kung mahal kita. Mahal na mahal kita. Nakakainis ka talaga,” biro niya pero patuloy siya sa pag-iyak at pinaliguan ng halik ang buong mukha nito.

“B-Belle?” Halata sa mukha nito ang pinaghalong pag-asam at pagkalito.

“Isaac, mahal na mahal pa rin kita.”

“R-really? Napangiti na din ito.

“Oo, bwisit ka!”

“Thank you, thank you, thank you," natatawang sabi nito habang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. Ganoon din ang ginawa niya rito.

“Iyung sa pinsan mo wala naman iyon. Bakit hindi mo kasi agad sinabi?”

“Sorry, I was just a jerk, too proud to admit it,” malumanay na sabi nito at siniil siya ng halik.

“You’re the only one who touched my heart and soul. Alam mo namang ikaw lang naman ang nag-iisa sa buhay ko."

Noon ito muling napangiti at kinabig siya. “Thank you, honey.”

“Ikaw lang naman ang nang-aaway sa akin tapos lapit ka nang lapit para mangalabit. Hindi naman kita matanggihan."

“I don't want to believe you don’t love me anymore. But, honey, you hurt me so much whenever you tell me you love my cousin and that you’re also having sex with him. Hindi naman talaga sana ako maniniwala pero makirot kasi sa pakiramdam kapag sinasabi mong mahal mo iyung pinsan ko at may nangyari na sa inyo kaya hindi na tayo pwede.”

“Hindi naman totoo iyon eh. Ilang beses mo ba kaming nakitang magkasama? Iyon lang din naman sa binyag nagpasama ako kasi parang sinasakal iyung puso ko habang nakikita ko kayo ni Frances. Ikaw naman susugod ka at magsasabi ng mga paratang. Iyung kanina, wala naman iyon. Nag-thank you lang naman ako sa mga advice at suporta niya. Pinipilit niya pa akong maniwala na mahal mo ako at pakinggan ka."

“Sabi rin niya sa akin pagkatapos naming mag-away. That’s why I am wondering why you don’t want me to be the father of our baby so I thought you already fell in love with him but was just too shy to tell him."

“Patingin nga niyan. Nakakainis talaga iyang Lucas na iyan,” aniya habang iniinspeksiyon ang pumutok na labi nito at namamagang pisngi. “Pasensya ka na ha. Akala ko kasi girlfriend mo si Frances kaya lagi kayong magkasama. I thought you got back together. Ang hapdi kasi talaga sa pakiramdam kapag nakikita ko kayong magkasama. You don’t know how many tears I’ve cried because of you. Pagkatapos pakiramdam ko pa sinasabi mo lang na mahalaga ako dahil sa baby. Then came that night when you had late dinner with Frances. My friend sent me a photo of you laughing with her. Sabi ko, walang katotohanan ang mga sinabi mo dahil isa pala akong rebound. Nainis pa ako nang bigla mo kaming sigawan ni Lucas. Gumawa pa kayo ng eksena. Hindi naman namin sinabing mag-boyfriend kami, but you assumed we were. Kasalanan mo iyan.”

“I’m really sorry, honey, I’ve hurt you so much,” malungkot na sabi nito bago siya muling siniil ng halik at pinakatitigan. “She’s my first girlfriend, but that’s all in the past now. Natakot lang din akong sabihin kasi alam kong nagseselos ka na. Kaya lang naman kasama niya ako kasi nangako akong sasamahan ko siya lagi eh saka busy si Francis na asawa niya sa pagpabalik-balik dito at sa Maynila. But I don’t love her anymore, you made sure of that. It’s you that I love now. Napakaliit ng pagmamahal ko sa kanya kumpara sa iyo. Kaya pala parang tanga akong pabalik-balik sa opisina ni Leandro para inisin ka, para mahalikan ka lang ulit, para mayakap ka pagkatapos kong makipag-break sa 'yo. Life just would not work without you. Nasanay na kasi akong nandiyan ka, nasa kuwarto, at gigisingin ako ng mga halik mo. Para akong tanga na nagmamadaling bumangon kasi baka nauna lang akong magising bago ka matapos magluto. Tapos malulungkot lang ako kasi wala ka na pala. Hindi ko pa alam na mahal na mahal kita kahit parang mababaliw ako dahil hindi na kita nahahalikan at nayayakap. Hindi mo pala alam na wala namang namamagitan sa amin kaya pala iniiwasan mo ako lagi.”

“Isaac…”

“I heard you when you told me you loved me when we were in my condo unit. Gising ako kapag sinasabi mo iyon kaya siguro malakas ang loob ko na hindi mo ako kayang ipagpalit. Napakagago ko eh pasensya na talaga, honey, ha. I was a coward kasi hindi ko gusto iyung mga nararamdaman ko sa iyo. You made me feel so weak. You made me lose control. Gusto ko kasing lagi lang akong nasa tabi mo. Gusto ko na ngang bumaba na sa pagka-mayor kasi nami-miss kita habang nasa office ako. Mahal na mahal na mahal kasi kita eh. Kung sinu-sino pang babae ang hinanap ko, iyon pala nasa penthouse ko na. Iyon lang naman kasi iyong nag-iisang babaeng pinatira ko sa penthouse ko eh. I admit I bedded a lot of women before, but it was only you my heart has been yearning for.”

“Hayaan mo na nga iyon mahal kong boyfriend. Gets ko na kaya okay na iyon,” aniya habang patuloy sa paghagulgol.

“Pasensiya ka na, honey. Napakatanga kasi ng boyfriend mo. Takot na takot ako na baka lalo akong ma-in love sa iyo. Lunod na lunod na kasi ako sa iyo kaya hindi ko kakayanin kapag iniwan mo ako. Pinakawalan pa kita, pinaiyak ng ilang beses. Promise hindi ka na iiyak. Kahit anong hilingin mo ibibigay ko maging masaya ka lang ulit.”

“H-hayaan m-mo na iyon. Masaya na naman ako na mahal mo rin ako, Isaac. I’ve always known that you were the only one for me. Nasa college pa lang tayo, alam kong gusto na kita. Pero noong nag-date tayo first time, doon ko na-realize na masyado na akong infatuated kasi lagi akong updated sa iyo. I was already in love with you, and you hurt me big time when you told me that you were just a nice guy trying to be nice to me because I was your cousin’s secretary.”

"Oh my God.” He hugged her tight. “I’m so sorry. Wala akong ibang pwedeng excuse doon kung hindi I was threatened because I knew you were trouble. But I could not stay away from you. Mula noon hanggang ngayon, palapit-lapit ako sa iyo. Gusto ko kasing nakikita kita eh. I didn’t know then that I was already in love with you. And when something happened to us that night, I knew I would never be the same again. You got me wrapped around your finger. I love you very much, my honeybee, my honey Belle. I won’t let you go again."

“Promise?”

“Promise."

"Isaac…"

"Why, honey?

"Sabihin mo naman iyon ulit."

"Ang alin?"

"Na mahal mo ako."

"Mahal na mahal kita, my honey Belle. Tandaan mo iyan.” Muli siyang napahagulgol sa mga palad. “Oh honey, why?” Mahigpit siyang niyakap nito.

“Ang tagal ko na talaga kasing gustong marinig iyan. Akala ko hindi ko maririnig iyan kahit kailan.”

“I’m sorry, baby. I’m sorry for hurting you so much. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.”

“Mahal na mahal din kita, Isaac, mula noon hanggang ngayon. Kiss mo na nga ako,” paglalambing ulit niya na pinagbigyan naman nito.

"No more questions?"

"Wala na."

"Magpakasal na tayo dapat."

"Oo."

"Gusto ko bukas magpakasal na tayo para wala ka nang kawala."

"Sige, para wala ka na ring kawala," sabi niya at muling pinaliguan ng halik ang mukha nito.

"Honey, ilang araw akong natakot. Akala ko katawan ko lang talaga ang habol mo kasi sabi mo gusto mo ako pero hindi mo ako mahal."

"Ang kapal mo," natatawang sabi niya at tinampal ito sa dibdib. "Pero oo, gusto ko naman talaga iyung kamachohan mo."

"Sabi ko na nga ba eh," sabi nitong mukhang nagtatampo at pinatulis ang nguso.

"Ang drama naman ng Mayor Pogi na iyan. Pa-kiss pa ulit."

Pinagbigyan naman siya nito at niyakap siya nang mahigpit. Noon ito napabaling ng tingin sa gilid ng kama niya “You play guitar?”

“Yes. Lagi akong tumutugtog kapag namimiss kita. Magaling lang talaga akong actress pero balde na yata ang iniluha ko sa iyo."

“Babawi ako promise.” Kumalas ito sa kanya at kinuha ang gitara bago muling umupo sa kama paharap sa kanya. “Tutugtugan kita. This is what I felt when I let you go.” Nagsimula na itong tumugtog at kumanta. “I used to call you my girl. I used to call you my friend. I used to call you the love, the love that I never had. When I think of you, I don't know what to do. When will I see you again? I miss you like crazy even more than words can say. I miss you like crazy every minute of every day. Girl I'm so down when your love's not around. I miss you, miss you, miss you. I miss you like crazy.”

“I don’t know how I’ll make up for all the heartaches I’ve caused you. But I promise you, I’ll always try to make you smile. I will never let you go again. I’m all yours forever.”

Niyakap niya ito nang mahigpit nang makita niyang umiiyak na naman ito. “I love you, Isaac, very much.” She wiped his tears and they kissed again.