Chapter 29: Another Heartbreak
Tahimik lang si Belle Mula paggising nila. Mukhang napansin naman ni Isaac na hindi siya okay kaya maya't maya itong nagtatanong sa kanya. "Wala ako sa mood, Isaac." Pero hindi ito natinag hanggang sa sumabog na siya. "Hindi mo ba ako naiintindihan? Wala ako sa mood! Ayoko na, Isaac. It will never work out! Itigil na natin ito. Hindi na tayo pupunta sa inyo mamaya."
"Are we at it again?" Bumuntung-hininga ito at niyakap siya nang mahigpit.
Doon na siya humagulgol. "Tama na, Isaac. Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin? Tinanong kita nang ilang beses tungkol kay Frances pero sinabi mo na wala kahit ex-girlfriend mo siya. Tapos ilang gabi na kayong nagkikita. Magigising ako nang wala ka sa tabi ko, iyon pala siya ang kasama mo. I hate you! The very sight of you disgusts me! Get out of my house, you lousy liar and sex-starved jerk!"
"Honey, let me explain."
"Explain? Magsisinungaling ka na naman! Sabi ko bibigyan na kita ulit ng pagkakataon. But, you did it again huh? I guess you will never be content with one woman. Kailan ka ba naging committed? You broke my heart so many times, and I won't allow you to do further damage. Umalis ka na dito."
"Hindi ako aalis dito. You have to listen to me. Gusto ko kasi maging maayos muna tayo bago ko ikuwento ang lahat. Iyung haharap ako nang malinis sa 'yo kaya lang naunahan mo ako. You got it wrong, honey. Walang ibig sabihin iyung pagkikita namin ni Frances. She's my friend, and she needs my help. Ikaw lang ang para sa akin, Belle. Please naman, huwag mo akong itulak. Please give me another chance. Pumunta tayo sa bahay muna mamaya para makilala ka ng pamilya ko. Pagbalik natin dito, ipaliwanag ko lahat mula simula para hindi ka na blindsided. I promise you, hindi ka na malilito. Hindi na kita iiwan. Sinabi ko na sa kanya na pansamantala, iyung isang staff ko muna na babae ang mag-aasikaso sa kanya dahil hindi ko kayo pwedeng iwan ng baby natin."
Tumigil na siya sa pag-iyak at pagsuntok sa dibdib nito. "Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Yes, honey, promise."
"Fine. I'm giving you another chance. We will go to your house later." Akmang hahalikan siya nito pero pinigilan niya ito at tiningnan na kasinlamig ng yelo bago kumawala rito.
NANG makarating sila sa mansiyon ng pamilya ni Isaac ay magiliw agad silang sinalubong ng mga magulang nito. Taliwas sa medyo aristokratang dating ng mga ito ay palangiti ang mga ito gayundin ang kuya ni Isaac, kabaligtaran nito. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa lalaki dahil umaapaw pa ang pinaghalong pagdaramdam at pagdududa rito. Naroong bawat hawak nito sa kamay niya ay binabawi niya kaya ngayong kaharap nila ang pamilya nito ay todo ang ngiti niya kahit durog na durog ang puso niya. Martir na martir talaga siya dahil hindi niya kayang bitiwan ang lalaking mahal na mahal niya pero may iba namang mahal.
"Smile ka naman, honey," bulong sa kanya ni Isaac na hinalikan pa ang gilid ng leeg niya.
Pasimpleng siniko niya ito at tiningnan nang matalim. "Nakakarami ka na ha! Hindi talaga ako natutuwa sa 'yo."
"Pagbigyan mo na lang muna sila," anito at itinuro ang mga magulang na nakangiting pinagmamasdan pala sila. Ginantihan din niya ng ngiti ang mga ito.
"Isaac, honey."
"Yes, my honey Belle," anito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya mula sa likod. Muntik pa siyang mapasinghap nang idiin nito ang ibabang bahagi nito.
"Napakahilig mo talaga. Mamaya ka sa akin dahil hindi ako natutuwa sa 'yo," pagbabanta niya rito habang malapad na nakangiti. "You're so sweet, Isaac." Humarap siya rito kaya lalo nitong idiniin ang sarili sa kanya. Ngumisi siya at ipinuwesto ang mga kamay sa kuwelyo ng polo shirt nito. Madiin na isinara niya ang nasa pinakaitaas na butones kaya bahagyang nasakal ito at nasamid. Dinibdiban niya pa ito kaya lalo itong inihit ng ubo. "Oh my honey. What happened? I'll get you a glass of water," nakangising sabi niya.
Maya-maya'y dumating na sina Leandro at Tiffany kasama ang kambal na anak ng mga ito. Ilang buwan na rin ang mga iyon. Napangit na siyai at kinarga ang isang sanggol at pinanggigilan. "Naku, Tiff, kamukhang-kamukha ni Governor Lagdameo. Sana huwag maging heartbreaker."
"Naku sinabi mo pa, Belle," nakaismid na sabi nito at tumingin kay Leandro.
"Si Nanay talaga oh. Hindi na mauulit iyon alam mo namang ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso at kaluluwa ko kahit katawan ko lang naman ang habol mo."
"Kapal mo ha! Sapakin kita diyan mamaya!"
"Sapak? Baka naman kiss. Tiffany, Nanay, baby ko, love you."
"Andoy, Tatay, love you, too!"
"Kadiri kayo. Lumayas nga kayo dito," natatawang sabad ni Lucas na kararating lang din. "Gumaganda lalo ang buntis natin ha. Halatang alaga talaga ni Isaac. Belle, you got our cousin by the balls. Hayaan mo iyang bumawi sa 'yo para matuto," natatawang sabi nito. "Tingnan mo oh, tingin nang tingin dito kahit kinakausap ni Tito," tukoy nito kay Isaac at sa ama nito. "Mukhang nagseselos pa rin. Loko talaga iyang si Isaac. Ganyan ma-in love iyan kaya pagpasensyahan mo na kung seloso at masungit minsan."
"Oo nga," segunda ni Leandro. “Ngayon ko lang nakita na ganyan iyan kasaya. Excuse me Belle ha. Pero kahit sa ex niya na si Frances, hindi iyan naging ganyan. Ikaw lang talaga ang nagpabaliw at nagpatino diyan. Tingnan mo naman parang maamong tupa sa 'yo. Hindi umuubra ang pagsusungit sa 'yo eh. Mabuti na rin iyang under mo iyan para lalong bumait.” Nagkatawanan lang ang mag-pinsan at nag-high five pa habang sila ni Tiffany ay napapailing lang.
"Oh my, Dorothy, the prettiest girl in town," manghang sabi ni Lucas na nanlalaki pa ang mga mata. Crush na crush kasi nito ang singer na bestfriend ni Tiffany at naging kaibigan na rin niya. Mabuti at nagbabakasyon pa ito sa Rosario at naimbitahan niya. Matagal itong nawala sa showbiz. Iyon pala ay nagtago sa kumbento na pinasukan din dati ni Tiffany.
"Hoy, Lucas, umayos ka diyan ha! Galing sa heartbreak iyang kaibigan ko. Asar na asar pa rin ako diyan sa bestfriend ng asawa ko ha!"
"Grabe ka naman, Tiff," natatawang sabi nito. "Crush ko lang siya saka respeto kay Jaime. Besides meron na ako." Napahinto ito at tumikhim saka nagsabing kukuha lang ng pagkain. Sinundan niya ito doon at tinanong dahil sigurado siyang si Pamela ang tinutukoy nito. Hinila siya nito sa likod-bahay nina Isaac. Doon ito nagkuwento na dati pa palang magkakilala ang mga ito. Dati kasi aktibo ang tatlong Lagdameo sa pagsali sa liga ng basketball. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng karangyaan at impluwensiya ng mga ito ay kaya ng mga itong makibagay sa mga taong may simpleng pamumuhay. Nakilala raw nito si Pamela sa liga sa Santiago. Nasa hayskul pa lamang daw ang mga ito at nanonood ang babae hanggang sa lumapit daw kay Lucas. Naging magkaibigan ang mga ito hanggang sa nagkaroon ng mutual understanding pero saglit lamang dahil hindi naman seryoso iyon ayon dito. Nagtanong pa siya dito pero hindi na nito iyon ipinaliwanag pa. Nagdesisyon siyang lalapit kay Pamela at maghahanap ng sagot dito. Ito naman ang nag-interview sa kanya. "Umamin ka na kasi mahal na mahal mo pa rin ang pinsan ko."
"Maitatanggi pa ba iyon? Kung hindi ko mahal iyon, hindi ako papayag na makasama ulit iyon at pakasalan." Bumuntung-hininga siya at napansin naman iyon ni Lucas. Sabi nito ay magtiwala siya makinig sa paliwanag ni Isaac kung may misunderstanding at pagdududa man siya. Tahimik na tao daw talaga ang lalaki pero sigurado itong mahal na mahal siya. Napangiti siya sa sinabi nito. "Maraming salamat ha, Lucas," aniya at niyakap ito. "I owe you a lot. Yes, I love him so much."
"Kaya pala ayaw mo na kunwari dahil hindi pa kayo tumitigil." Napabitaw siya kay Lucas nang marinig ang galit na boses ni Isaac na halatang medyo nakainom na.
"Isaac, walang meaning iyon."
"Kaya pala kahit anong paliwanag ko, wala kang tatanggapin. Sa akin mo pa ipinapasa iyung mga pagsisinungaling, Belle. Ang hapdi dito eh," anito at itinuro ang kaliwang bahagi ng dibdib.
"You jerk! Makinig ka nga sa akin," naiiyak na sabi niya at nilapitan ito bago niyakap nang mahigpit.
Inalis nito ang pagkakayakap niya sabay tumingin kay Lucas. "'Tangina, 'Tol, girlfriend ko na, ikakasal na sa akin, tinatalo mo pa."
"Shut up, Isaac. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Bukas na tayo mag-usap kapag bumaba na ang tama mo." Aalis na sana ito pero hinarang ito ni Isaac at sinuntok ito.
"Ano? Tumayo ka!"
"Isaac, tama na please."
"Bitiwan mo ako," nanggigil na sabi nito at muling sumugod kay Lucas. Naubos na ang pasensya nito kay Isaac at lumaban na. Maya-maya ay nagsilapitan ang pamilya ng mga ito nang marahil ay marinig ang ingay nila. Pumagitna sina Leandro at ang kuya ni Isaac. Sumali na rin ang iba pang pinsan ng mga ito.
"Isaac, ano ka ba? Makinig ka nga sa akin." Pilit pa ring kumakawala ang dalawa sa pag-awat ng mga pinsan. "Isaac, tumigil ka na nga," naiiyak nang sabi niya at niyakap ito nang mahigpit. "Ikaw na nga ang maraming kasalanan sa akin, ikaw pa ang arogante."
"Belle," malumanay na sabi nito.
"Gago ka talaga, Isaac! Wala kaming ginagawa ni Belle. Ang dami mo kasing kalokohan kaya ka nagkakaganyan. Belle, mag-usap kayo niyang pinsan ko para maliwanagan iyan," naiinis na sabi ni Lucas bagaman kalmado na. Parehong may may mga pasa at sugat ang mukha ng mga ito.
Naiwan sila sa likod-bahay habang ginagamot niya ang mga sugat at pasa nito. "I'm really sorry, honey, I just lost it."
"Iyan ang sinasabi ko sa 'yo. Ang hapdi pa sa pandinig ng mga sinabi mo," aniya at tinampal ito sa dibdib.
"Sorry na, promise, hindi na ako magseselos. Huwag ka nang magalit."
"Naging hobby mo nang saktan ako. Noon, ilang beses mo na akong pinaasa. Ngayon kung anu-anong mga salita ang ibinansag mo sa akin. Slut, malandi, kaladkarin, bakit ka ba ganyan? Ikaw, Isaac, higit sa kanino man ang nakakaalam na hindi ako ganoon. Ikaw ang unang lalaki sa buhay ko kahit ilang beses mo akong sinaktan at pinaiyak. Pero hindi iyon nangangahulugang pag-aari mo ako kasi binitiwan mo ako eh. Wala naman kaming ugnayan ni Lucas pero kung totoo man, ano ba ang karapatan mong saktan ako nang paulit-ulit pati ang pinsan mo? Dahil nabuntis mo ako?"
"Honey, I'm sorry. I'm so sorry. Oh God I'm so sorry for everything I said and did," anito at niyakap siya nang mahigpit.
Nang makauwi sila ay iginiit nitong mag-usap na sila pero sinabi niyang mas magandang ipagpabukas na lang muna nila para mas maayos silang makapag-usap. Medyo nag-cramps din siya dahil sa mga pangyayari. Pinatulog na siya nito at nangako itong hindi na din talaga lalabas ng bahay nang hindi nagpapaalam o makikipagkita kay Frances na hindi siya kasama.
"Hindi ko ba alam, Isaac."
"Please, honey, give me another chance. I swear I won't blow it this time."
"Ayoko munang sagutin. Matulog muna tayo. Pag-iisipan ko kung itutuloy pa ba natin ito o hindi."
"Okay, payakap ako honey. Pahalik na rin," malambing na sabi nito pero napaungol ito sa sakit dahil nadiinan niya ang bahagi ng labi nitong may sugat.
"Sorry, ha, pogi, ikaw kasi mahilig manghalik eh," nakangiting sabi niya at pinupog ng halik ang mukha nito.